Nilapag ko sa sahig ang mga napamili ko. Sinuko ang buong katawan sa kama.
Akala ko pa naman magiging masaya ang gabing ito.
Nag reply ako sa message niya.
'What emergency? May maitutulong ba ako?'
Naisip ko lang, pwede kasing emergency sa trabaho niya or emergency sa pamilya niya.
Ilang minuto ang lumipas pero wala siyang reply. Sobrang busy niya talagang tao, naiintindihan ko naman 'yun dahil nga police siya pero minsan kasi wala na talaga siyang oras para sa akin. Alam kong hindi naman talaga ako yung dapat niyang i-priority pero hindi ko maiwasang hindi magselos, lalo na pag iniisip kong may mga ka-trabaho siyang mga babae.
At dahil nagugutom ako, niluto ko nalang yung pares. Mas masaya kung may kasama kumain pero wala naman akong choice. Hindi ko nga alam kung nandito si Gardy dahil kanina pa tahimik ang buong kwarto. Tingin ko nalulungkot pa din siya.
*Knock knock*
Natigil ako sa ginagawa ko ng makarinig ng may kumakatok.
Siya na ba 'yun? Isu-surprise kaya ako ni Officer Chen? Saktong-sakto dahil malapit na maluto ang paborito niyang pares.
Agad akong tumakbo papunta sa pintuan at binuksan ito. Kumulo ang dugo ko sa nakikita ko ngayon.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Teka, nagluluto ka?" Dire-diretso siyang pumasok sa loob.
Ngayon ko na realize na mas masarap kumain mag-isa.
"Sinabi ko bang pumasok ka?"
"Papapasukin mo din naman ako kaya inunahan na kita." Nakangiting sagot ni Nathan.
Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking 'to! Gusto kong manapak ngayon!
"Alam mo mas masarap 'to kung bibigyan mo ko." Aniya habang tinuturo ang niluluto ko.
"Umalis ka na may bisita ako." Sagot ko nalang sa kanya para umalis na siya. Ayoko siyang makita.
"Aalis ako pag dumating na yung bisita mo."
Napa-irap ako sa hangin. Kung pwede lang sumabog dahil sa inis malamang kanina pa ako sumabog.
Pinatay ko ang sindi ng kalan dahil luto na ang pares. Mukhang mas masarap ito kainin kung si Officer Chen ang kasama ko.
Mukhang wala na akong magagawa pa para paalisin ang lalaki na 'to. Binigyan ko siya ng niluto ko at hinayaan ko siya kumain mag-isa, ayoko siyang sabayan dahil naiinis ako sa kanya. Siguro naman pag tapos niya kumain ay aalis na siya.
"Hindi ako kakain hanggat hindi ka kumakain."
Bumuga ako ng hangin, pinikit ang mga mata at pinakalma ang sarili. Kaya mo yan Eya, habaan mo lang ang pasensya mo.
Kumuha ako ng niluto kong pares at nag simulang kumain.
Hindi ko man lang naisip na ganito pala kakulit ang lalaking 'to. Kulang ba siya sa aruga? Kulang sa pansin? O sadyang kulang lang sa kaibigan? Hay ewan.
Mag aalas onse na ng gabi pero nandito pa din siya sa apartment, nakikipag kwentuhan sa akin. Ewan ko ba sa kanya, kahit na hindi ko sinasagot ang mga tanong niya ay patuloy pa din sa pagtanong, pinaparamdam ko nga sa kanya na inaantok na ako para man lang umalis na siya mag-isa pero mukhang manhid ata o nananadya lang.
"Yung babaeng nagreklamo pala doon sa restaurant niyo kanina," Aniya at nakikinig lang ako. "Kakilala ko 'yun, yung anak niya waitress sa fastfood chain."
YOU ARE READING
Whisper
FantasySa oras na marinig mo ang boses ko, sana pakinggan at kausapin mo ako.