Unti-unti ng dumidilim ang kalangitan. Nakakatakot ang lugar na 'to.
Isang abandonadong gusali. Wala ni isang tao sa paligid at halos walang ibang ingay kundi ang mga kulisap. Iniwan nila ako sa isang madilim na kwarto, nakatali ang mga kamay at paa at may tali sa bibig. Napakadilim ng paligid.
Sinubukan kong abutin ang cellphone ko sa bulsa nang may biglang pumasok kaya tinigil ko ang ginagawa ko.
Nag-bend si Officer Chen sa may harapan ko at tinitigan ang mukha ko.
"Gusto mong makita ang tuluyang pagkamatay ni Gardy?"
Nanlaki ang mata ko at agad na umiling. Umiyak ako at nagmakaawa na huwag niyang ituloy ang binabalak niya. Alam kong nandito ang katawan ni Gardy.
Kinalag niya ang tali sa paa ko at hinila ako papunta sa kung saan. Bumungad sa harapan ko ang nakahigang katawan ni Gardy na puro pasa at sugat ang buong katawan.
Paano nila nagagawa 'to?
Gardy, nasaan na ba ang kaluluwa mo? Kausapin mo ako please! Gardy, magpakatatag ka! Mabubuhay ka pa diba? Tutulungan kitang mabuhay!
Nag cross arm si Officer Chen habang ang nakasama niya ay nakapamulsa.
"Si Gardy," Panimula ni Officer Chen. "Mahal na mahal siya ng kapatid kong si Jennie,"
Sa tingin ko totoong kwento ng buhay na niya ang tinutukoy niya.
"Kinabaliwan siya ng kapatid ko sa di ko malaman na kadahilanan." Huminga siya ng malalim at nagpatuloy. "Mahal na mahal ko si Jennie, siya lang ang meron ako." Tumingin sa akin si Officer Chen. "May ibang minamahal si Gardy, alam mo ba kung sino?" Hindi ako sumagot, napa-atras ako dahil humakbang siya ng dalawang beses palapit sa akin. "Ikaw!"
May tumulong luha sa mata ko. Totoo ba ang sinasabi ni Officer Chen? A-ako? Mahal ni Gardy?
"Nagpakamatay ang kapatid ko dahil doon! Sa sobrang obsessed niya hindi niya matanggap na hindi siya mahal ni Gardy," Ngumisi siya at humakbang ulit palapit sa akin. "Nawala ang kapatid ko at nangyari 'yun dahil sa inyong dalawa ni Gardy!" Lumakas ang tono ng boses niya at may luhang namumuo sa mga mata niya. "Kaya hindi ko hahayaang, mamuhay kayo ng masaya at mapayapa."
Ngayon, naiintindihan ko na. Naiintindihan ko na kung bakit niya ginagawa ang lahat ng 'to. Alam kong mahal na mahal niya ang kapatid niya pero hindi sapat na dahilan 'yun para gawin niya sa amin ito, lalo na ang ginagawa niya kay Gardy.
Naghahalo na ang mga luha at pawis ko, ang bibig ko ay nananatiling tahimik dahil sa tali na nakatakip dito. Wala akong magawa kundi ang umiyak. Gusto kong lapitan ang katawan ni Gardy, alam kong hindi ito ang tamang oras para isipin ito pero, sa tingin ko mahal ko din si Gardy. Hindi ko kakayanin kung tuluyang mawawala si Gardy, kailangan ko siyang makausap.
"Noong unang araw na nakita kita," Tinitigan niya ako ng matalim. "Inisip ko na baka 'yun na ang tamang oras para ipaghiganti ko ang kapatid ko. Nakuha ko ang loob mo, pinaglaruan ko ang feelings mo at ngayon pahihirapan ko kayong dalawa." Tumawa siya ng mahina at lumakad siya palapit sa lalaking kasama niya at sa katawan ni Gardy na nakahiga sa sahig.
Naglakad ako palapit sa kanila pero laking gulat ko nang tutukan ako ng baril ng kasama niya. Nahinto ako sa paglalakad, bumilis ang tibok ng puso ko. Ayokong mamatay, hindi pa ako handang mamatay.
"Karl," Tawag ni Officer Chen sa kasama niya. "Ibaba mo 'yan." Agad na binaba nung Karl ang hawak niyang baril at ibinalik sa gun holster na nakasabit sa may bewang niya. Tumingin sa akin si Officer Chen. "Gusto mong makita ng malapitan ang pagpapahirap namin kay Gardy?" Tinitigan ko siya ng masama, hindi ko mapigilan ang inis ko. "Halika lumapit ka dito." Nakangiting sambit niya.
Dahan-dahan akong lumakad palapit. Napalitan ng awa ang inis na nararamdaman ko. Gusto kong tulungan si Gardy, gusto ko siyang itayo at ilabas sa lugar na 'to. Gusto ko pa siyang mabuhay.
Please Gardy, lumaban ka!
"Wag kang mag-alala, ikaw ang isusunod namin mamaya." Nakangiting sambit ni Officer Chen.
Ang pamilya ko, walang pakialam kung lumayas ako, kung mawala ako, at kung mamatay ako. Hindi ko kailan man naranasan ang totoong pagmamahal mula sa kanila. Pero nagbago ang pananaw ko sa buhay nang dumating si Officer Chen, Gardy, papa Bert, Nathan at Bea sa buhay ko. Akala ko nagbago na ang ihip ng hangin, akala ko mararanasan ko na ang totoong pagmamahal na matagal ko ng inaasam pero hindi pa din pala.
Noon, gustong-gusto ko ng mamatay pero ngayon nagkaroon ako ng dahilan para mabuhay at para lumaban sa anumang pagsubok ng buhay. Sa tingin ko, si Gardy ang dahilan kung bakit gusto ko pang mabuhay.
Kinuha ni Officer Chen ang baril mula kay Karl at tinutok niya kay Gardy.
Isang malakas na putok ng baril ang tanging naging ingay sa loob ng abandonadong gusali.
Hindi ko na kaya, nanghihina ako, nandidilim na ang mga paningin ko. Tuluyan na akong natumba sa sahig at hinang-hina na ang buong katawan ko.
Sumunod ang ingay ng isang ambulansya.
~And if the universe conspired
To meld our lives
To make us
Fuel and fire
Then know
Where ever you will be
So too shall I be
Close your eyes
Dry your tears
'Coz when nothing seems clear
You'll be safe here~
Minulat ko ang mga mata ko at puting paligid ang bumungad sa akin. Tumingin ako sa kaliwa ko at nakita ko si Nathan, kumakanta habang nag gigitara.
"Eya? Gising ka na!" Tumayo siya at akmang tatakbo palabas pero hinawakan ko ang kamay niya. "Tatawag lang ako ng nurse!" Aniya pero pinigilan ko siya.
Kahit nanghihina pa ako, gusto ko na siyang makita.
"S-si Gardy?" Tanging salitang lumabas sa bibig ko.
"Eya magpahinga ka na muna--"
"Si Gardy? Nasaan siya?" Mahina ang boses ko. Gusto kong tumayo para hanapin siya pero hindi sumasang-ayon ang katawan ko. "A-ayos lang siya, hindi ba?"
Gusto kong makasiguro. Gusto kong marinig na ayos lang ang kalagayan ni Gardy.
Dahan-dahang bumalik sa pag kakaupo si Nathan at hinawakan ang kamay ko. Huminga siya ng malalim.
"Sabi mo uuwi ka agad?" Aniya at may tumulong luha sa mata niya. "Pinag-alala mo ako!" Lumapit siya sa akin at niyakap ako.
Hindi ko siya niyakap pabalik. Naiinis ako! Bakit hindi niya sagutin ang tanong ko?
"Hindi 'yan ang gusto kong marinig." Sabi ko na halos pabulong na dahil hindi ako makapagsalita ng maayos. "Sabihin mo, okay lang siya diba?"
Kumalas si Nathan sa pagkakayakap sa akin at hinarap ako.
"Eya," Hinawakan niya ako sa tuktok ng ulo ko. "Kahit na anong mangyari, gusto kong malaman mo na nandito lang ako palagi sa tabi mo. Mahal na mahal kita, Eya." Tumulong muli ang luha sa mata niya at saka ako hinalikan sa noo.
Lumakad na siya palabas ng kwarto at iniwan akong clueless sa mga nangyayari. Anong ibig niyang sabihin?
Ilang minuto ang lumipas, muling bumukas ang pintuan at hindi ko inaasahang siya ang papasok. Tumulo ang luha ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon.
YOU ARE READING
Whisper
FantasySa oras na marinig mo ang boses ko, sana pakinggan at kausapin mo ako.