Hindi ko alam kung talaga bang nakalimot na ako sa lungkot, dala ng pagkawala ng kaluluwa ni Gardy. Sa haba ng panahon na lumipas, unti-unti natatabunan na ang parte sa puso ko na sobrang lungkot at dahil 'yun kay Officer Chen.
Si Nathan, araw-araw pa din nagbibigay ng rosas. Sabi ko nga sa kanya na baka nauubos na yung allowance niya kakabili ng rosas pero hindi naman daw at marami naman daw siyang pera, may pagka mayabang talaga.
Maniwala man kayo o sa hindi, pero may asawa na pala si Bea. Recently ko lang din nalaman noong nagka-ayaan mag-inuman dahil nalasing siya at nadulas nang sabihin niya iyon. Ang sabi niya tinatago niya lang daw iyon dahil baka hindi namin siya tanggapin sa trabaho - which is not true. Mas matanda siya sa akin ng tatlong taon at wala pa naman siyang anak. Nanghihinayang lang ako dahil masyado pa siyang bata at pwede pa siyang magtuloy sa kolehiyo pero mas pinili na niya ang magkaroon ng sariling pamilya.
Isinara ko ang libro at pinatong ito sa study table, humiga na ako at matutulog na sana nang may kumatok sa pintuan.
Pumunta ako sa pintuan at binuksan iyon. Gaya ng lagi kong inaasahan, si Nathan iyon. At ano pa bang bago, dire-diretso lang naman siyang pumasok sa loob at nahiga sa kama.
"Ano nanaman ginagawa mo dito?" Walang gana kong tanong sa kanya at naupo ako sa sofa.
Hindi siya sumagot at dumapa sa kama. Medyo bago 'to dahil nararamdaman kong may kakaiba sa kilos niya. Hinagisan ko siya ng unan pero wala siyang naging reaksyon. Maya-maya nakarinig ako ng singhot ng ilong. Teka wag mong sabihing ?
"Hoy! Umiiyak ka ba?!"
Lumapit ako sa kanya pero wala pa din siyang reaksyon. Nakarinig ulit ako ng singhot ng ilong kaya sigurado na akong umiiyak nga siya.
"Wag mo nga akong dramahan!" Sigaw ko at bumalik sa sofa.
Hindi siya gumalaw kaya nakaramdam ako na parang totoo nga ang pag-iyak niya.
"Hoy! Bakit ka ba kasi umiiyak?"
Hindi pa din siya sumasagot.
"Magsasalita ka o palalayasin kita?!"
Nang sabihin ko iyon ay agad siyang umupo sa kama at pinunasan ang mga luha. Bakit ba kasi dito pa siya umiiyak sa harapan ko?
"Ano namang problema mo ngayon?"
Hindi siya sumagot. Naputol na ba ang dila ng lalaking 'to? Alam kong first time mangyari ito sa amin at ramdam ko naman na seryoso yung problema niya pero naiinis ako sa kanya dahil hindi ko siya makausap ng ayos. Kailan ba niya balak na magsalita?
Tumayo ako at akmang lalabas ng kwarto nang magsalita siya.
"Nag-away kasi ang parents ko." Walang emosyon na sabi niya.
Masama na ba ako kung matawa ako sa kanya? Para kasi siyang bata na nagsusumbong sa nanay niya na may umaaway sa kanya.
"So?" Tanong ko sa kanya.
Nasobrahan ata ako sa pagka-rude dahil hindi siya sumagot. Sorry naman, hindi kasi ako sanay makipag-usap sa kanya ng seryoso. Huling seryosong pag-uusap namin noong nakaraang buwan na binigyan niya ako ng rosas doon sa restaurant.
"I mean, bakit sila nag-away?"
Umupo ako sa tabi niya. Alam kong kailangan niya ng kaibigang masasandalan ngayon, pero nakakaramdam pa din ako ng guilty sa tuwing kasama ko ang lalaking 'to.
"May ibang babae si daddy." Tipid na sagot niya. Hindi ko alam kung anong dapat kong maging reaksyon. Hinayaan ko nalang siya mag kwento. "At may lalaki din si mommy." Dagdag pa niya. Tumingin siya diretso sa mga mata ko at kitang-kita ko ang kalungkutan niya. "Hindi ko alam kung bakit sayo ako umiiyak ngayon," Nag-iwas siya ng tingin at pinunasan ang luha.
"O-okay lang, mag kwento ka lang." Sabi ko.
Ramdam ko kasing hindi siya kumportable at hindi siya sanay sa mga ganitong bagay. Ayoko naman ipagtabuyan siya dahil tinuturing ko na din naman siyang kaibigan.
"Pag tuluyan silang maghiwalay," Panandalian siyang tumigil. "Paano na ako?" At may tumulong luha sa mata niya na agad niya din pinunasan.
Alam kong hindi ko dapat ginagawa ito, alam kong mali ito, pero lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Para sa akin wala itong malisya, pero para sa kanya meron dahil alam ko naman na may nararamdaman siya para sa akin at higit pa iyon sa kaibigan.
"Eya ikaw lang ang meron ako." Aniya.
Naalala ko si Officer Chen, sinabi niya din 'to sa akin isang beses.
Pinikit ko ang mga mata ko. Hindi pwede 'to! Agad akong kumawala sa pagkakayakap at tumayo ako.
"U-umuwi ka na." Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.
Umiling siya at hinawakan ang mga kamay ko na ikinagulat ko, tumayo din siya sa harapan ko.
"Eya please," Pagmamakaawa niya.
Alam ko ang tinutukoy niya, gusto niyang angkinin ako, gusto niyang hiwalayan ko si Officer Chen, gusto niya ako pero hindi ko siya gusto.
"Pwede ba Nathan! Tigilan mo na ako! Umalis ka na at wag na wag ka ng babalik dito, naintindihan mo?!" Sigaw ko dahil sa inis.
Gusto kong tumakbo kay Officer Chen ngayon at mag sorry, alam kong mali na pinapasok ko si Nathan sa buhay ko, alam kong mali na binigyan ko siya ng pag-asang umasa sa akin, alam kong mali na palagi ko siyang nakakasama sa apartment kahit na kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Mali lahat ng 'to. Mali ang naging desisyon ko.
Ilang minuto niya akong tinitigan. Tumulo ang mga luha niya at yumuko siya. Dahan-dahan, humakbang siya palabas ng pintuan.
Umupo ako sa kama pagsara niya ng pinto.
Ilang minuto ang lumipas, naisipan kong tawagan si Officer Chen pero walang sumasagot sa kabilang linya.
Lumabas ako ng kwarto at nagpunta sa rooftop. Malamig na simoy ng hangin, halaman na nagsasayawan, ibong naghahabulan, kaunting bituin sa langit at ang kalahating buwan. Nakakarelax, nakakagaan ng pakiramdam.
Huminga ako ng malalim kasabay ng isang kahilingan, na sana, nandito si Gardy. Sana may nakakausap ako ngayon, sana hindi nalang siya nawala, at sana bumalik na siya.
Miss na miss na kita, Gardy.
"Eya"
YOU ARE READING
Whisper
FantasySa oras na marinig mo ang boses ko, sana pakinggan at kausapin mo ako.