Alas otso na ng gabi at sinarado na namin ni papa Bert ang restaurant. Paghatid ko kay papa Bert sa may sakayan ay agad akong tumakbo pabalik sa apartment.
Nag-aalala kasi ako baka kanina pa ako hinihintay ni Nathan dahil hindi ko siya natanong kung anong oras kami magkikita.
At tama nga ang hinala ko, nandito na siya.
Nakasandal sa kotse, nakapamulsa ang mga kamay at nakatingin sa langit. Ganyan ang itsura niya ng maabutan ko siya.
"Sorry, kanina ka pa ba nandito?" Tanong ko ng makalapit ako sa kanya.
Bahagya niyang ibinaba ang tingin niya papunta sa akin. Tumingin siya sa mga kamay ko na para bang inaasahan niyang may hawak-hawak ako.
"Nasaan na yung dress?" Tanong niya.
"Ah sorry, kakagaling ko lang kasi sa trabaho. Kukunin ko nalang sa itaas."
Akmang lalakad na ako papasok ng apartment nang magsalita siya.
"So maghihintay ulit ako dito?"
Napa-awang ang bibig ko sa naging tanong niya. Anong ibig niyang sabihin? Kasalanan ko ba na maaga siyang nagpunta dito?
"I mean, hindi mo man lang ba ako papapasukin sa apartment mo?" Aniya.
Bahagya akong natigilan. Lumingon ako pabalik sa kanya.
"Mabilis lang naman ako kaya hintayin mo nalang ako dito."
"Nagutom ako kakahintay sayo." Dagdag pa niya.
Hindi ko alam kung anong gusto niyang iparating. Naiinis ako kasi wala akong masabi. Anong oras ba kasi siya nagpunta dito?
"Fine, tara na."
Aya ko sa kanya at umakyat kami papunta sa room 306.
Sorry, Gardy.
Agad akong nagtungo sa cabinet para kunin ang dress, si Nathan naman dire-diretso sa pagpasok at naupo sa kama.
"Wow, bakit ang dami mong flowers?" Tanong niya nang mapansin ang mga rosas sa ibabaw ng study table.
Hindi ako sumagot at naglakad papunta sa kanya para ibigay ang paper bag na may laman na dress.
Gusto ko sana sabihin sa kanya na 'Makaka-alis ka na' pero parang masyadong wild kaya hinintay ko nalang siya umalis mag-isa.
"Bakit parang kwarto ito ng lalaki?" Aniya at nilibot ang paningin sa paligid.
Dinaluyan ako ng kaba dahil sa tanong niya pero hindi ako nagpahalata.
"Hindi kasi ako mahilig sa girly things and stuff." Sagot ko, pinapakalma ang sarili.
"Oh, I see." Tumayo siya mula sa kama. "Nagugutom talaga ako, pwede mo ba akong samahan kumain sa labas?"
Sabi na nga ba may binabalak ang lalaking ito.
"Sorry, sa restaurant kasi ako nagta-trabaho, pinapakain ako doon nung may-ari bago ako umuwi kaya busog pa ako." Sabi ko nalang.
Hindi naman ako nagsisinungaling dahil totoo naman na kumakain muna kami ni papa Bert sa restaurant bago kami magsara, at busog na busog pa ako ngayon dahil medyo naparami ako ng kain. Mabuti nalang at hindi ako nasakitan ng tiyan dahil tumakbo ako kanina.
"Alright, I think next time nalang?"
Ayoko ng humaba pa ang usapan namin kaya um-oo nalang ako sa kanya at tuluyan na siyang umalis.
Nakahinga ako ng maluwag.
"See? I told you, may gusto sayo ang lalaki na 'yun." Biglang sabi ni Gardy pagsara ko ng pintuan.
Kung totoo nga yung sinasabi ni Gardy, dapat habang maaga pa ay iwasan ko na agad si Nathan. Hindi ko siya gusto at ayokong masaktan si Officer Chen. Ayokong magpakita ng motibo kay Nathan at lalong ayoko naman siyang paasahin. Habang iniisip ko ang mga ito, hindi ko maiwasang hindi isipin na may nililigawan si Nathan kaya imposible talaga 'to, baka nag a-assume nanaman ako at maling hinala naman si Gardy.
Lumakad ako papunta sa study table at tinitigan ang mga rosas.
"Gardy, pwede ko ba itong ilagay sa loob ng drawer mo?"
"Mabubulok lang din naman 'yan kaya itapon mo nalang."
Kahit kailan talaga 'to si Gardy! Gusto ko lang naman itabi as a remembrance, kahit mabulok atleast pinahalagahan ko. Kahit hindi ko kilala kung sinong nagbibigay nito, gusto ko pa din 'to bigyan ng halaga dahil pera din ang ginastos niya para lang mabili itong napakagandang rosas.
"Hindi ka ba marunong magpahalaga?"
"Sige na nga ilagay mo na sa drawer ko."
Napangiti ako. One point haha!
Binuksan ko ang ikatlong drawer ng study table at saktong wala itong laman kaya nilagay ko na doon ang mga rosas.
Sa loob ng halos isang buwan patuloy pa din akong nakakatanggap ng mga rosas araw-araw, hindi ko na pinag aksayahan pa ng oras para lang hanapin o malaman kung sino ba nagpapadala nito. Naniniwala kasi ako na kung gusto niyang makilala ko siya ay magpapakita naman siya sa akin at kung ayaw niya naman na makilala ko siya ay ayos lang din sa akin. Oo, naku-curious pa din naman ako, pero malalaman ko din naman siguro kung sino siya anytime soon.
Isang araw halos magtatatalon kami sa tuwa nila papa Bert dahil nalaman namin na na-promote si Officer Chen at SPO3 Stanley Chen na siya ngayon. Hindi ko maipaliwanag ang mga ngiting nakaukit sa labi niya noong araw na 'yun. Nag celebrate kami kasama ang mga kaibigan ni Officer Chen sa trabaho niya, buong araw na sinarado ang restaurant para lang mag celebrate ng kagalingan ni Officer Chen.
Nag buwis buhay siya para lang mahuli ang taong matagal ng minamanmanan ng team nila. Kilalang drug addict, rapist at may napatay na din ang taong iyon. Wanted siya sa buong siyudad.
Laking pasasalamat nalang namin at maliit na sugat lang ang natamo ni Officer Chen.
"Cheers!" Sabay-sabay na sabi nila.
Ngumiti ako at pinanood ang bawat paglagok ng beer sa mga lalamunan nila.
Hinawakan ko ang kamay ni Officer Chen mula sa ilalim ng mesa at napangiti naman siya sa ginawa ko. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.
Napatingin ako sa mga kasamahan namin pero wala naman ni isa sa kanila ang nakapansin ng ginawa ni Officer Chen, si papa Bert naman ay tipsy na din ang lagay ngayon.
Hindi ko alam kung alam ba ng mga ka-trabaho ni Officer Chen na nililigawan niya ako, pero nahihiya pa din ako sa kanila dahil alam kong mas bata ako kay Officer Chen ng anim na taon. Alam kong sa panahon ngayon ay hindi na bago iyon, but still hindi pa din ako kumportable para doon.
YOU ARE READING
Whisper
FantasySa oras na marinig mo ang boses ko, sana pakinggan at kausapin mo ako.