Laking gulat namin ni Officer Chen nang bumungad si papa sa may pintuan at halos matumba na dahil sa kalasingan niya.
Agad ko siyang dinaluyan at tinulungan na makaupo sa sofa.
Lasing nanaman si papa.
Hindi ko mapigilan ang takot na nararamdaman ko. Nanginginig ang mga tuhod ko at hindi ako matayo ng ayos.
"Ikaw bata ka! Halika dito!" Bigla akong hinila ni papa sa braso at pilit na dinadala ako sa kwarto.
"Pa! Ayoko po!" Pilit akong kumakawala ngunit masyado siyang malakas. Hindi na nakayanan ng mga tuhod ko at bumigay na ito. Pareho kami ni papa na natumba sa sahig.
Agad kaming tinulungan ni Officer Chen at inalalayan niya kaming tumayo.
"Wag mo kaming pakielamanan! Makaka-alis ka na kung sino ka man!" Sigaw ni papa kay Officer Chen at muli akong hinila papasok sa kwarto.
Ni-lock ni papa ang kwarto at saka ako hinagis sa kama. Nagsimula na akong humagulgol ng iyak at nagmakaawa kay papa na huwag ng ituloy ang binabalak niya.
"Pa!" Halos hindi na ako makahinga dahil sa sobrang takot at iyak na ginagawa ko.
Binuksan ni papa ang butones ng suot kong polo at pinikit ko nalang ang mga mata ko.
Sa ilang beses na ginawa sa akin ni papa 'to, wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak ng umiyak. Hindi ko alam bakit naniniwala akong mapagbabago ko pa si papa. Hindi ko na dapat siya hinayaan na gawin ulit sa akin ito. Hindi na dapat ako umuwi dito.
Bigla akong nakarinig ng malakas na kalampag mula sa pintuan at bigla itong bumukas. Nakita ko doon si Officer Chen na gulat na gulat sa nakikita niya ngayon.
Hindi natuloy ang binabalak ni papa dahil bigla siyang sinuntok ni Officer Chen. Pilit kong sinasarado ang polo ko gamit ang kamay ko dahil hindi ko na magawa pang ibutones ito. Patuloy pa din ang pag agos ng luha sa aking mga mata.
Sinubukan kong pigilan si Officer Chen na suntukin si papa ngunit wala na akong lakas pa na gawin iyon.
Naaawa ako kay papa. Naaawa ako sa sarili ko.
Hindi ko na alam ang mga sumunod pang nangyari dahil nakatulala nalang ako sa kawalan. Pilit na iniisip kung bakit ba nangyayari ito.
"Uminom ka muna ng tubig."
Hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa bahay ni Officer Chen. Hindi pa din ako natigil sa pag-iyak at halos hindi na ako makapag salita.
"Madalas niya bang gawin sayo iyon?"
Hindi ako sumagot sa tanong ni Officer Chen at uminom lang ako ng tubig.
"Iyon ba ang dahilan kung bakit ka naglayas sa bahay niyo?"
Marahan akong tumango at humagulgol ng iyak.
Tumayo si Officer Chen na tila hindi makapaniwala.
"Ireport na natin siya sa station."
Agad kong hinawakan ang kamay ni Officer Chen at nagmakaawa na huwag niyang ituloy ang binabalak niya.
Kahit na anong kasalanan pa ang gawin sa akin ni papa, hindi pa din ako papayag na ipakulong siya. Matanda na si papa at hindi niya kakayanin sa loob ng kulungan.
"Sige." Huminga ng malalim si Officer Chen at saka umupo sa may harapan ko. "Sa ngayon magpahinga ka na muna." Tinapik niya ng dahan-dahan ang likuran ko at saka siya tumayo at nagpunta sa kwarto niya.
Pinunasan ko ang buong mukha ko at sinubukan na pakalmahin ang sarili. Naiinis ako sa sarili ko, bakit ba kasi bumalik pa ako doon? Bakit ba kasi ang kulit ko? Bakit ba kasi nangyayari sa akin ito?
Maya-maya ay lumabas si Officer Chen mula sa kwarto at lumapit sa akin.
"Gamitin mo muna ito, maligo ka na." Inabot niya sa akin ang damit at hindi na ako nag dalawang isip pa na pumunta sa restroom.
Hindi ako pinayagan ni Officer Chen na matulog sa sofa kaya naman doon ako sa kwarto niya nahiga pagtapos ko maligo.
"Eya"
Sinubukan kong tumahimik at pakinggan kung saan nanggaling ang boses na iyon.
"Eya"
This time pakiramdam ko ay malapit lang siya sa akin dahil ang boses niya ay hindi malayo.
Pinakalma ko ang sarili ko at pinilit na huwag matakot.
*knock knock*
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat ng biglang kumatok si Officer Chen sa pintuan ng kwarto.
"Naistorbo ba kita? Kukunin ko lang sana yung unan ko." Ani Officer Chen at tumango naman ako. Nang makuha niya ang unan ay agad naman siyang lumabas ng kwarto at sinarado ang pinto.
Nahihiya na ako kay Officer Chen dahil sa sofa lamang siya natutulog, habang ako ay nandito sa sarili niyang kwarto at nakahiga sa malambot at malaki niyang kama. Baka sumakit na ang likuran kakahiga sa sofa.
Sa sobrang dami kong iniisip hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.
Nagising na lamang ako dahil sa ingay na nanggagaling sa labas ng kwarto. Boses iyon ni Officer Chen at mukhang may kausap siya ngunit tumataas na ang boses nila at mukhang mauuwi sa away ang pag-uusap.
Inayos ko ang sarili ko at lumabas ng kwarto. Laking gulat ko ng makita ko ang ama ni Officer Chen. Nakita ko na kasi siya sa picture kaya madali ko nalang siyang nakilala.
Tinuro ako ng ama ni Officer Chen at halatang gulat na gulat siya ng makita ako.
"Sino yan ha?!"
Natakot ako dahil sa lakas ng boses niya. Naalala ko tuloy yung kwento ni Officer Chen. Agad akong dinaluyan ng kaba dahil baka kung anong isipin ng ama niya, suot ko pa naman yung damit ni Officer Chen. Gusto ko nalang tumakbo dahil sa kahihiyan.
"Bakit magkasama kayo dito sa pamamahay ko?!"
Yumuko at at halos hindi makapag salita, ganun din si Officer Chen. Halatang takot siya sa ama niya.
Ngayon napagtanto ko na hindi pala ito sariling bahay ni Officer Chen, bahay pala ito ng ama niya.
Naglakad palapit sa akin ang ama ni Officer Chen. Naiiyak na ako dahil sa takot.
"Ikaw! Sino ka ba?! Girlfriend ka ba ni Stanley?!" Bulyaw niya sa harapan ko. Sa tingin ko ang tinutukoy niyang Stanley ay si Officer Chen. Dinipensahan ko ang sarili ko at sinabing hindi ako girlfriend ni Officer Chen. "Kung ganun anong ginagawa mo dito sa bahay ko?! Bakit nanggaling ka sa kwarto ko?! At bakit suot mo ang damit ni Stanley?!"
Hindi ko alam kung paano ako sasagot dahil sa dami ng tanong niya. Yumuko nalang ako at saka nag sorry.
Lumakad ako papunta sa loob ng kwarto at kinuha ang damit ko.
"Maraming salamat po sa lahat Officer Chen." Humarap ako sa ama niya. "Sorry po."
Lumabas ako ng bahay at lumakad palayo sa kanila. Hindi naman talaga ako nararapat doon.
Paano na ako ngayon?
YOU ARE READING
Whisper
FantasySa oras na marinig mo ang boses ko, sana pakinggan at kausapin mo ako.