Hindi ako makatulog dahil sa paulit-ulit na pumapasok sa isipan ko ang mga sinabi sa akin ni Officer Chen kanina.
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko ng mga oras na iyon. Pagtapos niya kasing sabihin iyon, tumakbo na ako palabas ng bahay niya at pumunta sa apartment ni Gardy. Nahihiya ako dahil sa ginawa ko!
Bumangon ako mula sa pagkakahiga at ginulo ang sarili kong buhok.
"Gardy? Nandito ka ba?"
"Oo, kanina pa kita pinapanood."
"H-ha? N-nakakakilabot naman 'yang sinabi mo."
Nawe-weird-uhan pa din ako sa sarili ko hanggang ngayon, sa tuwing tinatawag ko kasi si Gardy pakiramdam ko nakakakita ako ng multo.
"Gusto ko lang ng makakausap ngayon, pwede ka ba?"
Ilang minuto ang lumipas bago siya sumagot.
"Pwede naman."
Salamat naman. Kahit papano nakahinga ako ng maluwag.
Bumalik ako sa pagkakahiga at saka nag salita.
"H-hindi ko kasi alam kung anong magiging reaksyon ko, dapat ba akong matuwa? Matakot? Para akong nababaliw. Tulungan mo naman ako, please?"
"Ano bang nangyari sayo?"
Huminga ako ng malalim at sinubukan kumalma. Hindi ako mapakali kaya umupo nanaman ako sa kama.
"M-may tao kasing nagtapat ng feelings niya para sa akin. D-dapat ba akong matuwa?"
"Oo naman."
"P-pero kasi..."
Huminga ulit ako ng malalim at bumaba sa kama. Naglakad lakad ako at tila hindi na alam ang gagawin.
"Huminahon ka nga! Nahihilo na ako sayo."
Umupo ako sa gilid ng kama at tumahimik. Pilit na kinakalimutan ang mga sinabi ni Officer Chen, ngunit patuloy pa din akong binubulabog nito.
"Kuhanin mo ang notebook sa ibabaw ng mesa."
Napatitig ako sa kawalan. Matagal na akong curious kung ano ba ang nakasulat dito. Ngayon binibigyan niya ako ng pagkakataon para tingnan ito, pero parang ayokong gawin. Naguguluhan na ako.
"B-bakit mo naman gustong ipakuha iyon sa akin?"
"Basta gawin mo nalang."
"Oh ito na! Kukunin ko na nga!"
Tumayo ako at umupo sa harapan ng study table niya at tinanggal ko ang ballpen sa ibabaw nito.
"Ilagay mo sa ika-79 na pahina."
Ginawa ko ang sinabi niya at laking gulat ko ng makakita ako ng patay na pulang paru-paro dito.
"Bakit naman may patay na paru-paro dito?"
"Simbolo 'yan ng patay kong pag-ibig."
Hindi ko alam kung malulungkot o kikiligin ba ako para sa kanya. Pero infairness, may lovelife!
"Anong ibig sabihin ng patay mong pag-ibig?" Curious kong tanong sa kanya.
"One sided love."
Nagulat ako sa sinabi niya. One sided love? How sad.
Naaawa tuloy ako sa kanya, hindi man lang ba niya naranasan ang mga ginagawa ng mag kasintahan bago siya mamatay?
"Noong nabubuhay pa ako, hindi ko kailan man naranasan ang mahalin ng taong mahal ko."
Natigilan ako. Hinayaan ko siyang sabihin ang mga gusto niyang sabihin. Hindi ko alam kung bakit niya sinasabi ang mga ito kaya nakinig nalang ako.
"Araw-araw akong nagpapadala ng love letter sa kanya. Araw-araw akong humihiling na sana mapansin niya ako. Hanggang sa namatay ako.."
Tumigil siya ng ilang minuto pero hinintay ko siyang magsalitang muli dahil alam kong nalulungkot lang siya at hindi makapagsalita.
"Hindi niya talaga ako minahal."
Hinawakan ko ang patay na paru-paro at dinama ang malambot na pakpak nito.
"Kung ako ang tatanungin, gusto kong bigyan mo ng pagkakataong mahalin ang taong nagtapat sayo ng pag-ibig niya. Ayoko ng maulit sa ibang tao ang naranasan ko."
Sumang-ayon ako sa mga sinabi ni Gardy. Kung nabubuhay lamang siya, gusto ko siyang yakapin. Gusto kong iparamdam sa kanya na karamay niya ako sa kalungkutan na nararanasan niya ngayon.
"Huwag kang mag-alala, hindi ko naman na siya mahal ngayon."
Binalik ko ang paru-paro at saka sinarado ang kuwaderno. Bumalik ako sa kama at nahiga.
"P-pwede ko bang matanong kung bakit ka namatay?"
Na-guilty ako sa sinabi ko dahil hindi siya sumagot.
"K-kalimutan mo nalang ang sinabi ko, sorry."
Inisip kong mabuti ang mga sinabi kanina ni Gardy.
Gusto niyang pagbigyan ko si Officer Chen na mahalin ako. Alam kong masyado pa akong bata para sa pag-ibig, pero may puso din naman ako. Nararamdaman ko din ang nararamdaman ng mas nakakatanda sa akin.
Hindi ako sigurado kung gusto ko din ba si Officer Chen. Masaya ako pag nakakasama ko siya, napakabait niyang tao at maalalahanin. Palagi niya akong nililigtas sa tuwing napapahamak ako. Sobrang thankful ako na dumating siya sa buhay ko, pero hindi ko alam kung handa na ba ako para magmahal ng isang tao at pumasok sa isang relasyon.
"Alam mo.." Biglang sagot ni Gardy sa tanong ko kanina. "Yan din ang gusto kong malaman."
Teka, anong ibig niyang sabihin?
"Hindi ko na maalala kung bakit at kung paano ako namatay."
Napabalikwas ako ng bangon sa kama.
"Teka! Bakit naman ganun?!"
"Hindi ko alam."
Tumahimik nalang ako.
Bigla kong naalala na suot ko pala ang damit ni Gardy kaya agad kong ipinaalam sa kanya at kinwento ko ang mga nangyari kanina.
"Paulit-ulit kaya kitang tinatawag pero hindi ka naman sumasagot! Teka, saan ka ba nanggaling?"
Binalot ng katahimikan ang buong kwarto dahil hindi siya sumagot sa tinanong ko. Ilang minuto ang lumipas bago siya nagsalita.
"Galing ako sa puntod ko, death anniversary ko kasi ngayon."
"Dinadalaw mo ang sarili mong puntod?"
Narinig ko ang pagtawa niya ng mahina pero tinigil niya din agad.
"Hindi, sinamahan ko lang ang tatay ko."
"Tatay mo lang ba ang nadalaw sa puntod mo?"
"Iniwan kami ni mama at nag-asawa siya ng mas mayaman. Ako nalang ang kasama ni papa noon, kaya hindi ko matanggap sa sarili ko na namatay na ako. Iniwan ko siyang nag-iisa."
Ramdam ko ang lungkot sa boses niya. Dapat pala hindi ko na siya tinanong, paniguradong umiiyak na siya sa mga oras na ito.
"Eya, nakikiusap ako sayo." Aniya sa garalgal na boses. Umiiyak na nga siya. "Bantayan mo si papa para sa akin, please."
Naiiyak ako dahil sa awa kay Gardy. Kung pwede ko lang ibigay sa kanya ang buhay ko kapalit ng pagkabuhay niyang muli, gagawin ko.
"S-saan ko ba matatagpuan ang tatay mo?"
"Kami ang may-ari ng restaurant na pinapasukan mo. Tatay ko ang tinatawag mong papa Bert."
YOU ARE READING
Whisper
FantasySa oras na marinig mo ang boses ko, sana pakinggan at kausapin mo ako.