Chapter 29

1 0 0
                                    

Ilang araw na ang lumipas magmula ng sabihin ko kay Officer Chen ang lahat ng tungkol sa amin ni Nathan. Hindi ko na pinapansin si Nathan sa tuwing makakasalubong ko siya sa daan, hindi ko na siya pinapapasok sa apartment at hindi ko na siya hinahayaang makalapit pa sa akin - in short pinapalayo ko na siya.

Madalas nagpupumilit pa din siya na kausapin ako, nagbibigay pa din siya ng rosas pero hindi ko na kinukuha sabi ko sa kanya ibigay niya nalang sa mommy niya, hindi ko alam kung ginagawa nga niya.

Isang araw paglabas ko ng apartment, nakakapagtaka dahil sa dami ng tao sa paligid. Sa di kalayuan nakita ko si Nathan, may hawak na gitara at may bouquet of roses sa ibabaw ng kotse niya. Nang makita niya ako, ngumiti siya at sinimulan niya ang pag string sa gitarang hawak niya.

~Radios fine
It help me forget for awhile
I look back and recall
Those days I had with you
Sometimes I need a friend
Just to make it through
Another day spent without you~

Hindi ko alam kung alam ba ng mga tao sa paligid namin na ako ang inaalayan niya ng kanta.

~You gave me all the reasons to live
Put then you had to go
And I just got to let you know
It's hard to love again
Just to make it through
Another day spent without you~

Ang mga titig niya, parang nangongonsensya. Humangin ng malakas at nilipad ang mga buhok ko.

~And I don't want to go on pretending
That it's gonna be a happy ending
If I should love again
Once I've learned to love again~

Hindi pa man natatapos ang kanta, may kung sinong humila sa akin at agad ko siyang tinitigan.

"Officer Chen,"

Naaninag ng mga mata ko ang paglapit sa amin ni Nathan.

"Ang boyfriend ay hindi pang habang buhay." Ani Nathan nang makalapit siya.

Agad akong pumagitna sa kanilang dalawa dahil ramdam ko ang mainit na tensyon sa pagitan nila.

"Ano bang sinasabi mo Nathan?!" Sigaw ko.

Maraming tao sa paligid namin ang nagbubulungan pero hindi ko na sila pinansin.

"The game is not yet over." Hayag ni Nathan at saka lumakad papunta sa kotse niya.

Agad kong pinigilan si Officer Chen dahil hinabol pa niya si Nathan para lang suntukin.

"Umalis na tayo." Sabi ko kay Officer Chen. "Hayaan mo na siya."

Nang makarating kami sa restaurant ay hindi agad umalis si Officer Chen dahil sabi niya na baka daw sumunod si Nathan. Pero makalipas ang ilang oras ay kinailangan na din niya umalis kaya wala na siyang nagawa.

"Yan na nga ba ang sinasabi ko sayo, day!" Sabi ni Bea at lumapit sa akin. "Ano, sino na sa kanila ang mas matimbang sa puso mo?" Pang-aasar niya.

"Ano ka ba naman! Syempre si Officer Chen, boyfriend ko siya." Sagot ko naman.

"E kung hindi mo siya boyfriend? Sino na pipiliin mo sa kanila?"

"Syempre si Officer Chen pa din! Tigil-tigilan mo na nga ako!"

Bumalik na kami sa trabaho. Ewan ko ba kay Bea kung bakit ganoon ang mga tanungan niya, akala ko pa naman suportado niya kami ni Officer Chen.

Hindi ko alam kung paano at bakit pero bigla kong naalala kung saan ko nakita ang lalaking kamukhang-kamukha ni Gardy. Tinanong ko si papa Bert baka sakaling may kakambal si Gardy pero wala naman daw, mabuti nalang at hindi siya gaanong nagtaka nang tanungin ko iyon.

Nang mag gabi na ay agad akong umalis ng restaurant. Nag message ako kay Officer Chen na wag niya na ako sunduin dahil may pupuntahan ako pero hindi naman siya nag reply, baka busy.

Nakarating ako sa hospital na pinagdalhan sa akin noong nabunggo ako ni Nathan. Yung kwartong pinasukan namin nung batang babae, yung pasyente doon ay kamukhang-kamukha ng mga nasa picture ni Gardy. Yung nag-iisang pasyente na walang kasama.

Tumingin muna ako sa kaliwa't-kanan bago ako pumasok sa kwarto. Lumapit ako sa pasyente na nakahiga pa din sa hospital bed at may mga nakakabit sa kanya na mga aparato.

Tinitigan ko ang mukha niya at sigurado akong si Gardy ito. Pero paano nangyari? Sino yung nakalibing sa puntod ni Gardy? At sinong gumawa sa kanya nito?

Kahit gabing-gabi na nagtungo pa din ako sa lugar kung saan inilibing si Gardy, muli kong tinitigan ang lapida niya.

"Gardy, gabayan mo ako sa mga desisyon na gagawin ko." Bulong ko sa hangin.

Umuwi na ako sa apartment at hinarap ang study table. Patawarin mo ako Gardy, pero para sayo itong mga gagawin ko.

Sinimulan kong buksan ang notebook na nakapatong dito, ngayon ko lang napagtanto na diary niya pala ito.

Nakasulat sa lapida ni Gardy ay noong December 05, 2018 siya namatay, kaya laking gulat ko nang makitang may sulat ang diary ni Gardy noong petsa na iyon.

Dear, diary
Today is December five in the year of twenty- eighteen. Sobrang saya ko ngayon dahil nakapasa ako entrance exam para sa college ko. Makakapag-aral ako sa public school at makakatulong ako kay papa, hindi na niya kailangan pa na magbayad ng tuition fees ko. Gustong-gusto ko na makapag tapos ng pag-aaral at maging abugado para sa papa ko. Sana tulungan ako ng diyos na maabot ang mga pangarap ko. Goodnight, diary.

Sinarado ko ang diary. Naguguluhan na ako. Talaga bang posibleng buhay pa ngayon si Gardy?

"Gardy," pagba-baka sakali ko na nasa paligid ko lang si Gardy. "Please bumalik ka na."

Kanino ba dapat ako humingi ng tulong? Kanino ako lalapit? Kanino ko sasabihin ang mga natuklasan ko?

*Knock knock*

Teka, sign ba 'to? Kung sino ang kumakatok ngayon sa pintuan, siya ba ang dapat kong pagsabihan? Pero paano kung si Nathan? Bahala na nga!

*Knock knock*

Pinikit ko ang mga mata ko nang buksan ko ang pintuan, gusto kong masorpresa sa taong nasa harapan ko ngayon. Kung sino man siya, sa kanya ko na sasabihin ang lahat ng nalalaman ko.

"Nakauwi ka na pala?" Tanong niya. Pumasok siya sa loob at naupo sa kama. "Mabuti naman at nandito ka na."

Hindi ko alam kung bakit ang saya-saya ko na siya ang dumating. Niyakap ko siya at nagpasalamat sa isipan ko.

WhisperWhere stories live. Discover now