"Bakit parang ang saya mo ngayon? Na-miss mo ba ako?" Tanong niya.
"Oo naman, Officer Chen ko." Ngumiti ako at muli siyang niyakap.
Tingin ko ay kay Officer Chen ko dapat sabihin ang lahat ng ito, sasabihin ko na din sa kanya na nakaka-usap ko ang kaluluwa ni Gardy. Gusto ko ng matahimik ang isipan ko at gusto kong malaman din ni Officer Chen ang lahat ng nalalaman ko lalo na dahil siya ang humawak ng kaso ni Gardy.
"Officer Chen," Panimula ko. Kumalas ako sa pagkakayakap at naupo sa tabi niya.
"Bakit?"
"Lumapit siya sa akin at tinulak niya ako sa bangin."
Napatayo ako dahil sa gulat, narinig ko ang boses ni Gardy. 'Yan ang sinabi niya sa akin noong araw na pilit niyang inaalala ang kamatayan niya. Napalunok ako ng laway. Bumalik na ba si Gardy?
"Eya, may problema ba?" Nag aalalang tanong ni Officer Chen.
"Eya"
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig kong muli ang boses na matagal ko ng hinihintay. Kailangan kitang makausap ngayon Gardy.
"S-sorry Officer Chen, kailangan ko na kasi magpahinga ngayon."
"Ha? Pwede naman siguro--"
"Sorry talaga, umuwi ka na muna dahil inaantok na ako."
Tinayo ko siya at saka tinulak palabas ng kwarto.
"Goodnight, I love you." Sabi ko sa kanya, hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at sinarado ko na ang pintuan.
"G-Gardy, nandito ka na ba?"
"Oo, Eya."
Napasandal nalang ako sa pintuan at napaiyak dahil sa sobrang saya. Ilang buwan akong naghintay marinig lang muli ang boses niya. Sobra ko siyang na-miss.
"Bakit ka ba umiiyak? Na-miss mo ba ako?"
Napahagulgol ako ng iyak. Totoo nga, totoong nagbalik na siya.
"Bakit ang tagal mong bumalik?" Tanong ko sa kanya habang humagulgol pa din. Hindi ko mapigilan ang sarili ko.
Hindi ako makapaniwalang nandito na siya ngayon at nakakausap kong muli. Ang saya ko.
"Na-miss kita, Eya."
Napangiti ako.
"Ako din."
Ilang minutong nabalot ng katahimikan ang buong kwarto. Inayos ko ang sarili ko at pinunasan ang buong mukha.
"G-Gardy, may balita ako sayo."
"Ano 'yun?"
Napangiti ako. Naninibago lang siguro ako dahil naririnig kong muli ang boses at respunde niya sa mga sinasabi ko.
"Pasensya na pinakielamanan ko ang mga gamit mo, pero sigurado ako sa nakita ko."
"Anong nakita mo?"
"Sa hospital, Gardy. Nakita ko ang katawan mo doon."
Muli kaming binalot ng katahimikan. Walang nagsasalita, alam kong pinag-iisipan niyang mabuti ang mga sinabi ko.
"Yung sinasabing araw ng kamatayan mo, pakiramdam ko hindi totoo 'yun." Hindi siya nagsasalita pero alam kong nakikinig siya kaya tinuloy ko nalang ang sinasabi ko. "Nakita ko sa diary mo, 'yun ang araw na nakapasa ka sa exam na papasukan mo college."
Naupo ako sa kama at naghintay ng magiging sagot niya.
"Dalhin mo ako sa hospital na sinasabi mo."
YOU ARE READING
Whisper
FantasiSa oras na marinig mo ang boses ko, sana pakinggan at kausapin mo ako.