Isang linggo na ang nakalipas magmula ng maging mag boyfriend-girlfriend kami ni Officer Chen at isang linggo na din ang nakalipas magmula ng huli kong makausap si Gardy. Sabi nga, karibal ng kasiyahan ang kalungkutan.
Hindi ko alam kung nandito lang ba siya sa tabi at nananahimik lang o kung talagang wala siya sa paligid ko. Gabing-gabi ko siyang tinatawag, kinakausap, kinakamusta hanggang sa makatulog ako at magising nalang muli pero wala talagang Gardy na kumakausap sa akin, nami-miss ko na siya. Marami akong gustong ikwento at itanong sa kanya. Sinubukan ko na din magpunta sa puntod niya, bakasakaling nandoon siya pero wala. Hindi ko na alam kung saan ko pa siya hahanapin.
Sobrang nalulungkot at nag-aalala na ako para sa kanya. Gusto ko na siyang makausap.
Tumingin ako sa kalangitan. Nandito ako ngayon sa rooftop ng apartment, nakatambay.
Malamig ang simoy ng hangin, nagsasayawan ang mga halaman, may kaunting bituin sa langit at ang kalahating buwan.
Sayang lang at wala akong kausap, wala si Gardy.
"Gardy, miss na miss na kita." Bulong ko sa sarili ko.
Nag vibrate ang phone ko kaya agad kong kinuha, may message ni Officer Chen.
'Goodnight love, I love you'
Kung normal na araw lang ito, maglulumpasay na ako sa kilig pero may bumabagabag kasi sa akin kaya hindi ko magawang matuwa. Nag reply ako.
'Goodnight, Mahal din kita'
Ngumiti ako ng mag send iyon. Muli akong tumingin sa kalangitan at pinanood ang mga ibon na naghahabulan, ang saya lang panoorin.
"Eya"
Nabigla ako. Nanlaki ang mga mata ko at halos maiyak sa kasiyahan ng marinig ko ang boses na matagal ko ng gustong marinig.
"G-Gardy?"
"Eya,"
Huminga ako ng malalim. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaiyak na ako. Sobrang saya ko na marinig muli ang boses niya, sobrang saya ko na nakaka-usap ko siya ulit.
"May sasabihin ako sayo."
"Gardy, na-miss kita ng sobra! Saan ka ba nanggaling?" Pag-iiba ko ng usapan, dahil sa tono ng boses niya pakiramdam ko hindi ko magugustuhan ang sasabihin niya.
"Aalis muna ako."
Nanlumo ako nang marinig ko iyon. Sabi ko na nga ba, ayoko nito.
"B-bakit naman? Hindi pwede! Saan ka ba kasi pupunta?!" Tanong ko. Halos humahagulgol na ako sa iyak.
Please Gardy, wag kang umalis!
"Sa isang linggong hindi ako sumasagot sa mga sinasabi mo--"
"Ibig sabihin nandoon ka? Hindi ka lang sumasagot ganoon ba?!"
"Eya, sa loob ng isang linggo na 'yun sana kinalimutan mo na ako."
"A-anong bang sinasabi mo Gardy?!"
Hindi siya sumagot. Niyakap ko ang sarili kong mga binti at humagulgol ng iyak.
Hindi naman ganoon kadali na kalimutan siya.
Napakalaki ng natulong niya sa akin para magpatuloy ako sa pamumuhay ko. Una, noong tatalon ako sa tulay tinawag niya ang pangalan ko kaya hindi natuloy ang binabalak ko. Pangalawa, binigyan niya ako ng bahay na matitirahan at matutuluyan ko. Pangatlo, sinabi niya sa akin na magtrabaho ako pero gagawin ko naman talaga, pero nang dahil doon ay nakilala ko si papa Bert. Pang-apat, nagkaroon ako ng kaibigan. Pang-lima, yung sayang nagagawa niya sa tuwing inaasar o kinakausap niya ako.
"Eya, babalik ako." Bulong niya sa akin. "Pangako."
Gustong-gusto ko siyang yakapin. Gustong-gusto ko siyang hawakan. Gustong-gusto ko siyang makita.
Humangin ng malakas, kasabay ng pagtaas ng mga balahibo ko. Nanlamig ang buong katawan mo na pakiramdam ko ay niyayakap niya ako. Gusto ko siyang yakapin pabalik pero imposibleng mangyari iyon.
"Gardy."
Hindi siya sumagot. Nawala ang lamig ng buong katawan ko.
"Gardy?"
Umalis na ba siya?
"Paalam."
Tinatak ko sa isipan ko ang boses ni Gardy. Kailan man ay hinding-hindi ko siya kalilimutan. Sa oras na mamatay ako at maging kaluluwa na, siya ang unang-una kong hahanapin. Gustong-gusto ko siyang makita.
Isang oras ang lumipas, wala ng Gardy na bumubulong sa akin.
Bumalik ako sa kwarto at nahiga sa kama. Humarap ako sa kanan ko, na madalas pakiramdam ko doon nakapwesto si Gardy.
Hinayaan kong tumulo ang mga luha sa mata ko. Nalulungkot ako, hindi ko alam kung kailan siya babalik at hindi ko alam kung makakabalik pa siya. Alam kong walang kasiguraduhan ang pagbalik niya, pero pinanghawakan ko nalang ang pangako niya.
Sa paglipas ng maraming araw, linggo at buwan. Mas lalo akong nawawalan ng pag-asang babalik pa siya.
Nagiging masaya ako at nakakalimutan ko ang problema ko sa tuwing kasama ko si Officer Chen, pero pag bumabalik ako ng apartment bumabalik sa akin ang ala-ala ni Gardy.
Tatlong buwan na kaming may boyfriend-girlfriend ni Officer Chen, sabi niya tawagin ko nalang daw siyang Stan, short for Stanley na name niya pero hindi ako sanay at hindi ako kumportable. Sa tuwing tinatawag ko kasi siyang Stan, pakiramdam ko ibang tao ang tinatawag ko. Mas lalong hindi ako kumportable na tawagin siyang love, babe, honey o kung ano pa man, kaya Officer Chen pa din ang tawag ko sa kanya at Eya naman ang tawag niya sa akin.
Alam na din pala ni papa Bert ang tungkol sa amin dahil sinabi ni Officer Chen, natuwa naman siya ng malaman niya iyon at suportado naman siya sa relationship namin.
"Ninong ka po ng kasal namin ni Eya." Pabirong sabi ni Officer Chen kay papa Bert nang minsang dumalaw siya sa restaurant.
"Aba bakit hindi?" Nakangiting sagot ni papa Bert.
Don't get me wrong, hindi pa kami ikakasal ni Officer Chen. Nagbibiruan lang silang dalawa na parang mag-ama.
Kumuha na din pala sila Officer Chen at papa Bert ng bagong makakatulong namin dito sa restaurant dahil dumadami na ang customer at hindi na kaya ng dalawang tao o minsan tatlong tao lang. Si Officer Chen ang nagpapasweldo doon sa dishwasher, at ako naman syempre ako ang souychef ni papa Bert. Nakakatuwa lang dahil unti-unting natutuopad ang mga pangarap namin.
Kinagabihan, dumalaw ako sa puntod ni Gardy. Nag alay ng bulaklak at nagbakasakaling muli ko na siyang makaka-usap, pero hindi pa din.
Bumalik ako ng apartment at natulog.
YOU ARE READING
Whisper
FantasySa oras na marinig mo ang boses ko, sana pakinggan at kausapin mo ako.