Chapter 4

8 0 0
                                    

Nang magising ako ay agad akong napabalikwas ng bangon dahil hindi ako pamilyar sa lugar na ito, at agad ko naman naalala na nasa bahay nga pala ako ni Officer Chen.

Inayos ko ang buhok ko at dahan-dahan na lumabas ng kwarto. Inaasahan kong makikita ko si Officer Chen ngunit mukhang umalis siya. May iniwan siyang sulat sa ibabaw ng lamesa at agad ko iyong binasa.

'Alam kong kailangan mo bumili ng mga gamit mo, kunin mo ang pera sa loob ng cabinet ko sa kwarto. Feel at home :)'

Natawa ako ng mahina dahil may smiley face pa talaga siyang nilagay. Ang bait talaga ni Officer Chen. Hindi niya naman ako kilala pero bakit ganito siya kabait sa akin?

Bumalik ako sa kwarto at binuksan ang cabinet niya.

"Ang konti naman ng gamit niya." Bulong ko sa sarili ko.

Halos sampung pares ng damit at shorts ang tanging laman ng cabinet niya, at ang maliit na sobre na sa tingin ko ay ito ang perang tinutukoy niya sa sulat.

Kinuha ko ang sobre at marahan itong binuksan. May laman itong limang libo na ikinagulat ko.

Nagbibigay siya ng ganito kalaking halaga ng pera sa taong kakakilala niya lang?

Kumuha ako ng isang libo at saka binalik ang sobre sa cabinet.

"Maraming salamat Officer Chen." Ani ko at sinarado ang cabinet.

"Eya"

Palabas ako ng kwarto at natigilan ako dahil sa boses na iyon. This time pinipigilan ko na ang takot ko. Sa tingin ko may gustong sabihin sa akin ang multo na ito. Pero bakit sa akin? Bakit ako pa?

Huminga ako ng malalim at humarap sa loob ng kwarto. Natatakot akong kausapin siya dahil baka hindi na niya ako tigilan.

"A-ano bang k-kailangan mo s-sa akin?"

Inikot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto na tila hinahanap kung saan nanggaling ang boses niya.

Sa kaba ko, para akong tumakbo ng mabilis na animo'y may humabol sa akin. Napaka bilis ng tibok ng puso ko.

Naghintay ako ng ilang minuto na magsalita siyang muli, ngunit nabigo ako. Agad kong inayos ang sarili ko at lumabas ng bahay.

Nag punta ako sa malapit na grocery store at bumili ng kaunting gamit na kakailanganin ko at ang natira naman na pera ay binili ko ng pagkain.

Inayos ko ang laman ng refrigerator ni Officer Chen, nilagay ko rin doon ang kaunting napamili ko.

Pagtapos ko kumain, nag hugas ako ng pinggan at nag linis ng konting kalat sa bahay niya.

Ayos lang kaya kay Officer Chen kung mananatili ako dito ng ilang araw?

Naupo ako sa sofa at tinitigan ang buong paligid.

Hindi ko namalayan ang oras at gabi na pala. Nagpabalik balik lang ako sa kwarto ni Officer Chen at nabakasakaling marinig ko ulit ang boses na paulit-ulit na tumatawag sa pangalan ko. Kung kailan naman handa na akong kausapin siya ay saka naman siya hindi nagpaparamdam.

Naghain ako ng makakain ni Officer Chen kung sakaling umuwi siya ng gutom galing sa trabaho.

Papasok na sana ako sa kwarto ng marinig ko ang pagbukas ng pinto.

"Good evening po, Officer Chen." Bati ko sa kanya.

Ngumiti siya sa akin at agad niyang napansin ang pagkain sa mesa.

"Pinagluto mo ba ako ng pagkain?" Aniya. Tumango ako bilang sang-ayon. "Sakto, nagugutom na kasi ako." Tumawa siya ng mahina at dali-daling naghugas ng kamay para kumain. "Sabayan mo na ako sa pagkain." Aya niya sa akin.

"Kumain na po ako Officer Chen." Sagot ko.

"Hindi mo man lang ako hinintay?" Aniya. Napa-awang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Yumuko ako dahil sa kahihiyan. "Joke lang!" Tumawa siya at nagsimula ng kumain.

Umupo ako sa sofa dahil nahihiya ako pumasok sa kwarto niya. Napagtanto ko na ako dapat ang natutulog dito sa sofa dahil ako ang bisita. Isa pa, natatakot ako sa kwarto niya dahil pakiramdam ko nasa cabinet niya nanggaling ang boses na naririnig ko. Ewan ko ba sa sarili ko, ang dami kong nai-imagine.

Habang pinapanood kong kumain si Officer Chen, bigla kong naalala si papa. Nag aalala kaya siya sa akin? Hinahanap niya kaya ako? Nakakakain pa kaya siya ng maayos?

"Bakit ka naman nakatingin ng ganyan sa akin? Naiilang tuloy akong kumain." Ani Officer Chen.

"Sorry po." Agad akong nag-iwas ng tingin.

"Kumain ka na ba talaga?" Paninigurado niya.

"Opo" sagot ko.

"Bakit mo ko pinapanood na kumain?"

"W-wala lang po."

Ano kaya kung bumalik na ako sa bahay? Panigurado nagsisisi naman na si papa sa ginagawa niya sa akin. Siguro nami-miss na ako ni papa. Panigurado nalulungkot siya, hindi kasi sanay si papa na nag-iisa.

"Officer Chen." Tawag ko sa kanya. Tumingin naman agad siya sa akin at saktong katatapos lang niya kumain. "Alam niyo po ba ang daan papunta sa Meadow Street?"

Ang lugar kung saan ako nakatira. Gusto kong balikan si papa. Gusto ko ng umuwi.

"Oo naman, bakit?"

Tama na siguro itong desisyon ko. Hindi na ako magda-dalawang isip pa at babalikan ko na si papa. Malaki man ang naging kasalanan niya sa akin, pero hindi ko kayang iwanan at hayaan siyang nag-iisa.

Sinamahan ako ni Officer Chen papunta sa Meadow Street. Nahihiya pa nga ako noong una dahil pakiramdam ko ay pagod na siya galing sa trabaho niya pero siya na mismo ang nag presinta na ihatid at samahan ako. Nang makarating kami sa bahay ko, pinapauwi ko na siya dahil sinabi ko na sa kanya na babalik na ako sa bahay ngunit gusto niya daw makilala ang papa ko at gusto niyang masiguro na ligtas ako dito.

"Ligtas na po ako dito Officer Chen, maraming salamat po sa lahat." Ani ko sa kanya at pilit na pinapauwi na siya sa bahay niya.

"Hindi mo man lang ba ako papapasukin sa bahay mo?" Aniya.

Nahiya ako dahil sa sinabi niya kaya naman pinapasok ko na siya sa bahay. Tahimik ang buong paligid dahil gabi na, sa tingin ko tulog na si papa o kaya naman ay umalis siya.

"Hindi ba marunong maglinis ng bahay ang papa mo?" Tanong sa akin ni Officer Chen matapos kong pulutin sa sahig ang mga bote ng alak.

Napakaraming kalat. Lahat ng damit ko ay nakakalat sa labas ng kwarto ko, tingin ko hinagis ito ni papa dahil sa inis ng malaman niyang wala ako sa kwarto. Dalawang upuan namin ang nasira at maraming plato at baso ang basag sa sahig.

Agad kong pinunasan ang luhang tumulo galing sa mata ko.

Pumasok ako sa kwarto ko at sumunod naman sa akin si Officer Chen. Huminga ako ng malalim at saka pinulot ang basag na family picture namin sa sahig.

Halos ako ng makita ko ang mga letter galing lol kay Denise at Joseph na nakakalat at punit-punit na. Pinulot ko ang mga ito at pilit na pinipigilan ang pag-iyak.

Mga tanging natitirang ala-ala ko sa mga kapatid ko.

Noong magkakasama pa kami sa iisang bahay, madalas nila akong binibigyan ng sulat sa tuwing nakikita nilang pinapagalitan at sinasaktan ako nila mama. Yun ang natitirang motivation ko sa buhay.

Nilagay ko sa isang box ang mga punit-punit na sulat at tinabi ito sa ibabaw ng kama ko.

"Nasaan ang papa mo, bakit napaka kalat ng buong bahay niyo?" Ani Officer Chen at saka tumulong sa pagligpit ng mga kalat.

Kinuha ko ang mga damit ko na nakakalat sa sahig at isa-isang tinupi. Pinagpagan ko ang kama ko at inayos at mga unan.

"Umalis po ata si papa." Maiksing sagot ko.

Lumabas na kami sa kwarto ko nang matapos kaming magligpit ng mga kalat.

"Officer Chen, kaya ko na po ito mag-isa, umuwi na po kayo." Hayag ko kay Officer Chen na tumutulong pa din sa pagwalis ng mga basag na plato at baso. Tinapon niya sa may bakuran namin ang mga bubog nito.

"Sino itong kasama mo?!"

WhisperWhere stories live. Discover now