Isang araw ang lumipas bago ako tuluyang ma-discharge sa hospital. Hindi naman daw malala ang naging tama ko pero kinailangan ko lang talagang magpahinga sa loob ng isang araw.
Gusto ni Officer Chen na magsampa ako ng kaso sa taong nakasagasa sa akin pero hindi ko na ginawa. Una sa lahat hindi naman kasalanan ng driver ang nangyaring aksidente dahil bigla nalang akong tumakbo ng hindi tumitingin sa dinadaanan ko, pangalawa sinagot naman ng driver ang lahat ng naging gastos ko dito sa hospital, at pangatlo nag makaawa sa akin ang driver dahil estudyante palang daw siya at nagsisimula palang matuto sa pag drive.
Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan ni Officer Chen at ng doctor kaya hinintay ko nalang siya mula sa labas ng kwarto dito sa hospital.
May batang babae ang biglang lumapit sa akin. Umiiyak siya at nakiusap na samahan ko daw siyang hanapin ang nanay niya. Naawa naman ako sa bata kaya agad ko siyang tinulungan.
"Bata, anong room number ba ng mama mo?" Tanong ko sa umiiyak na bata.
"H-hindi k-ko po alam." Sagot niya at lalong umiyak.
"Tumahan ka na sa pag-iyak, tutulungan ka na ni ate Eya na hanapin si mama mo, okay?"
"Sige po, ate Eya." Sagot ng bata at tumigil na siya sa pag-iyak.
Nagsimula kaming maglakad at sinubukan hanapin ang nanay niya.
"Ano bang pangalan ng mama mo? Itanong nalang natin sa nurse."
"Mama lang po."
Sa tingin ko ay hindi niya alam ang pangalan ng nanay niya. Paano namin mahahanap ang nanay niya?
"Alam ko na! Dito po!"
Hinila ako ng bata at pumasok kami sa isang kwarto. Mag-isa lang ang pasyente na nakahilata sa hospital bed. Tinitigan ko ang itsura ng pasyente.
Sa tingin ko ay hindi ito ang hinahanap ng bata dahil lalaki ang pasyente na napuntahan namin.
"Bata, hindi ata ito yung hinahanap natin."
"Oo nga po, sorry."
Lumabas kami ng kwarto at sinarado ang pintuan. Bakit wala man lang kasama ang pasyente na iyon?
"Mama!"
Agad na tumakbo ang bata sa babaeng nasa harapan namin ngayon. Akala ko yung nanay niya ang pasyente pero mukhang may dinadalaw lang sila dito.
"Ikaw bata ka! Kanina pa kita hinahanap!" Nag-aalalang hayag ng nanay ng bata.
"Mama, tinulungan po ako ni ate Eya na hanapin ka." Sabi ng bata sa mama niya.
"Salamat sayo iha."
"Wala pong anuman." Sagot ko naman.
Lumakad na sila paalis kaya bumalik na ako kung saan ko iniwan si Officer Chen. Sakto at kalalabas lang niya sa kwarto kaya napag-pasyahan na namin na umuwi.
"Eya, mas mabuti pa siguro kung huwag ka na muna magtrabaho sa restaurant." Ani Officer Chen habang naglalakad kami papunta sa apartment.
"Paano naman si papa Bert?"
"Kailangan mo lang naman mag-recharge, pag tapos ng dalawa o tatlong araw pwede ka ng bumalik sa restaurant."
Sumang-ayon ako sa sinabi ni Officer Chen. Siguro nga masyado kong pinapagod ang sarili ko, kulang ako sa exercise at sa pagkain ng masustansyang pagkain. Madalas din akong hindi natutulog sa tamang oras.
Humiga ako sa kama at pinagpahinga ang sarili, kailangan kong magpahinga para makabalik na agad ako sa restaurant at ng matulungan ko na si papa Bert, panigurado nag-aalala na siya ng husto sa akin. At panigurado na pagod na pagod na siya kakatrabaho dahil siya ang gumagawa sa lahat ng gawain doon.
Nakatulog ako ng halos walong oras, nagising ako nalang alas kwatro na ng hapon. Napag-pasyahan kong lumabas muna apartment at humigop ng sariwang hangin.
Nanghiram ako kay Gardy ng damit dahil nauubusan na ako, hindi pa ako nakakabili ng sarili kong damit magmula ng lumayas ako sa bahay.
Hinintay kong mag green light bago ako tumawid sa pedestrian lane para iwas aksidente na din, kahit na may mga taong patuloy na nakikipag patintero sa mga sasakyan.
Napakaganda ng sikat ng araw na tumatama sa mga dahon at puno, ang cool lang tignan.
Naglakad lakad lang ako sa kawalan, hindi ko alam kung saan na ako papunta pero gustong-gusto ko ang ganito. Nakaka-refresh ng utak.
Sariwang hangin ang tumatama sa buong katawan ko, kahit medyo mainit ang panahon ay hindi ako pinagpapawisan. Hinayaan ko nalang na magulo at sumunod sa agos ng hangin ang mga buhok ko at hindi na nag aksaya pa ng oras na ayusin ito, patuloy lang naman sa paglipad.
Naglalakad ako sa may ilalim ng puno nang may lalaking humarang sa daraanan ko. Siya yung estudyanteng driver na nakabunggo sa akin.
"Mainit ang panahon at naglalakad ka mag-isa, gusto mo bang ihatid na kita sa pupuntahan mo?" Tanong niya sa akin. Hindi siya naka-suot ng school uniform ngayon kaya sa tingin ko ay wala siyang pasok.
"Wala naman akong pupuntahan, gusto ko lang maglakad lakad." Sabi ko. "Salamat sa offer."
Kinamot niya ang likod ng tenga niya. "Kung ganun, pwede mo ba akong samahan?"
Natahimik ako. Sa totoo lang gusto kong umayaw, hindi ko siya kilala at hindi ko alam ang intention niya. Wala akong idea kung anong klase siyang tao.
"Bakit naman kita sasamahan?" Diretso kong tanong sa kanya.
Napakamot siya sa batok niya at tumawa ng mahina.
"May kailangan lang akong bilihin, wala akong idea kung anong gusto ng mga babae kaya kung pwede lang ikaw ang pumili para sa akin."
Mukhang mabuti naman siyang tao kaya sinamahan ko na siya. Nag punta kami sa mall kaya bigla akong nahiya sa suot ko, mukha siguro akong pulubi ngayon.
Nagpunta kami sa sikat na brand ng mga damit. Sabi niya reregaluhan niya daw ng damit ang babaeng nililigawan niya at ako ang pinapipili niya.
"Hindi ko naman alam kung anong taste nung nililigawan mo pagdating sa damit."
"Ako nalang ang pipili ng design, pwede mo bang isukat dahil sa tingin ko ang magka-size lang kayo."
Inabot niya sa akin ang pink dress. Nagdalawang isip pa ako bago ko ito tuluyang isukat.
Lumabas ako ng fitting room at hindi ako kumportable dahil ilang minuto na siyang nakatitig sa akin pero wala pa din siyang sinasabi.
"Sa tingin ko, itong isa nalang?" Sabi niya at saka binigay sa akin ang mala-korean style na dress.
Pabalik balik ako ng fitting room dahil ayaw niya ng mga damit na sinusukat ko. Napapagod na ako at gusto ko na sana siyang sigawan pero pinigilan ko ang sarili ko.
Nauwi sa isang cocktail dress ang napili niya at binayaran sa counter. Nagulat ako ng abutan niya ako ng tatlong paper bag na may laman ng branded clothes.
"Para saan naman 'to?" Takang tanong ko sa kanya.
"Pasasalamat dahil sinamahan mo ako."
"Masyado ata itong madami."
Gusto kong bawiin niya ang binigay niya sa akin dahil nahihiya ako sa kanya. Pero some part of me, tuwang-tuwa dahil kahit papano ay may sarili na akong damit at hindi ko na kailangan pang manghiram ng damit kay Gardy.
Hindi na niya binawa pa ang mga binigay niya sa akin at niyaya akong mag coffee bago kami tuluyang umuwi. Hinatid niya ako sa harapan ng apartment kahit sinabihan ko na siyang sa kanto nalang ako ibaba, hindi siya pumayag at nagpumilit na ihatid ako.
Bago ako tuluyang pumasok sa apartment, may inabot siya sa akin na card. Nakasulat ang pangalan at contact number niya doon.
YOU ARE READING
Whisper
FantasySa oras na marinig mo ang boses ko, sana pakinggan at kausapin mo ako.