Lumalakad ako sa aisle. Ang ngiti at kasiyahan ng bawat tao sa paligid ko ay walang katumbas.
Inangat ko ng kaunti ang gown dahil mahirap lumakad.
Naaninag ko ang abot langit na ngiti ni Nathan mula sa harapan. Ngumiti ako pabalik, hindi ko inaasahan na magiging ganito siya kasaya.
~ Not sure if you know this
But when we first met
I got so nervous I couldn't speak
In that very moment I found the one
and
My life had found it's missing piece ~
Ang saya ko.
~ So as long as I live I loved you
Will have and hold you
You look so beautiful in white
And from now 'til my very last breathe
This day I'll cherish
You look so beautiful in white
Tonight ~
Ang saya ko para sa kanila.
~ What we have is timeless
My love is endless
And with this ring I say to the world
You're my every reason
You're all that I believe in
With all my heart I mean every word ~
Nakangiti kong iniwan ang bride. Umupo ako sa tabi ni papa Bert.
"Masaya ako na nahanap na ni Nathan ang babaeng para sa kanya." Bulong sa akin ni papa Bert.
Ngumiti ako sa kanya.
"Ako din po, masaya para sa kanilang dalawa."
Sa loob ng mahigit limang taon, nakatagpo si Nathan ng babaeng tunay at tapat na nagmamahal sa kanya. Masaya ako para sa kanila. Sabi ko na nga ba, hanggang kaibigan lang si Nathan para sa akin.
"Ikaw kailan ka ba mag-aasawa?" Tanong sa akin ni Bea.
Ngumiti ako.
Alam kong yung ngiti na 'to, ay hindi ngiti dahil masaya ako, kundi isang ngiti dahil natuto na akong maging kuntento sa buhay na mayroon ako.
Sobrang saya ko dahil lumalago na ang restaurant ni papa Bert at ni Gardy, at natutuwa ako dahil naging parte ako nito.
"May, pakibigay sa table 18."
"Okay, chef."
At mas natutuwa ako, dahil natupad ko ang pangarap ko at dahil 'yun sa tulong ng mga tao sa paligid ko lalo na ni papa Bert. At dahil na din sa tulong ng nag-iisang multo sa buhay ko, si Gardy. Naging inspirasyon ko siya sa lahat ng ginagawa ko, dala-dala ko ang mga sinabi niya sa akin at hindi ko 'yun kailan man kalilimutan.
Binuksan ko ang pintuan ng apartment, nahiga sa kama.
Madalas akong nalulungkot dahil apartment ito ni Gardy, ito ang naging dahilan ng lahat. Dito ko siya nakaka-usap at nakakasama.
Maniwala man kayo o sa hindi, pero palagi akong nagsasalita mag-isa, hindi ako nababaliw, iniisip ko lang na nandito si Gardy pero hindi nga lang siya nasagot, iniisip ko nalang na galit siya sa akin kaya hindi siya nagsasalita.
Ang mga gamit ni Gardy, nananatili pa din sa kung anong ayos nito magmula ng unang araw na tumira ako dito. Ang cabinet, mga damit naming dalawa ni Gardy ang laman.
Lumapit ako sa study table. Binuksan ang pangatlong drawer. Napangiti ako na may halong kalungkutan.
People come and people go, pero may purpose.
Hinawakan ko ang mga rosas, sobrang tuyot na at halos nadudurog na pag hinawakan. Sinarado ko nalang ang drawer at hinayaan ang mga bulaklak. Hanggang kailan kaya sila magtatagal doon?
Binuklat ko ang diary ni Gardy, napangiti nang makita ko ang paru-paro.
"Nandito ka pa pala?" Nakangiting sabi ko sa paru-paro.
At dahil ayokong masira ang paru-paro pina-laminate ko ito at nilagay sa picture frame at saka sinabit sa pader sa harapan ng kama. Para sa tuwing magigising ako, mapapangiti ako dahil sa isang magandang ala-ala.
Pagtapos ko maligo, naghanap ako ng magandang damit sa cabinet. Lumabas ng apartment at nag drive ng kotse.
Huminga ako ng malalim bago lumakad palapit sa puntod ng isang taong minsang nagpasaya, nagpakilig, nagpa-iyak at nanakit sa akin.
"Kamusta naman dyaan, Officer Chen?" Ibinaba ko ang bulaklak sa tabi ng puntod niya at nagsindi ng kandila. "Sana masaya ka na dahil kasama mo naman si Jennie. "Nga pala, huwag mong aawayin si Gardy ha?" Natawa nalang ako sa sarili ko.
Noong araw na dinala ako ni Officer Chen sa abandonadong gusali. Sumunod pala si Nathan nang hindi namin nalalaman. Natagalan siya sa pag responde sa amin ni Gardy dahil tumawag pa siya ng mga pulis at ambulansya. Hindi masyadong pamilyar ang mga pulis sa lugar na sinabi ni Nathan kaya medyo naligaw ligaw pa sila kaya inabot na ng gabi bago sila nakarating. At noong oras na babarilin sana ni Officer Chen ang katawan ni Gardy hindi na niya nagawa dahil nabaril na siya ng mga pulis at agad silang lumapit sa amin at itinakbo kami ni Gardy sa hospital, pero dead on arrival na si Gardy. Laking pasasalamat ko kay Nathan dahil naligtas niya ang buhay ko.
Bago ako umuwi sa apartment ay dumiretso muna ako sa isang coffee shop.
Hinihintay ko ang order ko nang may lalaking lumapit sa akin at inabot ang order ko.
Hindi ko maintindihan. Bakit ako natulala?
Ang mga ngiti niya.
"Here's your order ma'am."
At ang boses niya.
"May problema ba, ma'am?"
Bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko?
Muli siyang ngumiti at tuluyan ng umalis.
Bago pa siya makalayo, hinabol ko siya at hinawakan ang braso niya para maharap siya sa akin.
"A-anong pangalan mo?"
Hindi ko alam kung bakit ko 'to tinatanong. Hindi ako na love at first sight, hindi ako naga-gwapuhan sa kanya, pero bakit ganito? Bakit kamukhang-kamukha niya si. . . Gardy?
"Garry, Garry ang pangalan ko."
Tumango ako at binitawan ang braso niya.
"Bakit ma'am? Ang gwapo ko ba?" Natatawang sabi ni Garry.
Natawa ako, hindi dahil sa sinabi niya kundi dahil ang boses at ang itsura niya ay kapareho ng kay Gardy.
"Can I get your number, ma'am?"
Ngumiti ako. The way ng pananalita niya, parang si Gardy.
Sa wakas, narinig ko ulit ang boses na matagal kong hindi narinig.
YOU ARE READING
Whisper
FantasySa oras na marinig mo ang boses ko, sana pakinggan at kausapin mo ako.