Limang taon ang lumipas at limang taon na din kaming nagluluksa sa tuluyang pagkawala ni Gardy. Hanggang ngayon, hindi pa din ako makapaniwala na wala na siya. Araw-araw at gabi-gabi akong naghihintay ng muling pagbabalik niya, gusto ko ng marinig muli ang boses niya.
"Eya"
Nanlaki ang mga mata ko. Agad kong hinanap ang pinanggalingan ng boses na iyon. Pagtingin ko sa likuran ko, si Nathan lang pala.
Hindi pa din ako nawawalan ng pag-asang babalik siya. Patuloy pa din akong nagdarasal na sana, kahit hindi ngayon, pero balang araw maka-usap ko siyang muli.
"Tara na!"
"Sige, susunod nalang ako!"
Sinarado ko ang notebook. Nilagay sa drawer at ni-lock.
Magmula noong araw na nawala na ng tuluyan si Gardy. Naisipan kong gumawa ng sarili kong diary, sa pamamagitan nito maihahayag ko ang damdamin at mga nararanasan ko sa buhay ko. Marami akong na-realize kung gaano ka-importante ang isang diary. Una, may napagsasabihan ka ng mga nangyari sa buong araw ng buhay mo. Pangalawa, nakakatulong ito para mapagaan ang loob mo. Pangatlo, pwede mong balik-balikan ang mga nangyari sa buhay mo. Pang-apat, hindi mo kailan man makakalimutan ang mga nangyari sa buhay mo. At pang lima, pwede itong mabasa ng taong minsang inalayan mo ng nakapaloob dito.
Sinarado ko ang pintuan ng kotse. Tinitigan ko ang bahay sa harapan ko na matagal kong hindi nakita. May tumulong luha sa mata ko pero agad kong pinunasan.
"Pasok na tayo."
Tumango ako at lumapit kami ni Nathan sa loob ng bahay.
Natigilan ako nang maaninag ko mula sa loob ng bahay ang isang lalaking minsan akong sinaktan pero hindi nawala ang pagmamahal ko sa kanya.
"Papa, may mga tao po sa labas." Sabi ng isang batang lalaki sa taong tinititigan ko ngayon.
"Papa,"
Hindi ko alam kung bakit tinawag ko siya. Tumulo ang luha sa mga mata ko. Sobrang miss na miss ko na si papa.
"E-Eya?" Gulat na tanong sa akin ni papa.
Ibang-iba na siya ngayon. For the first time, hindi ako nakaramdam ng takot sa kanya, gusto ko nalang siyang yakapin ng mahigpit.
"Papa, miss na miss na kita." Sabi ko sa kanya habang umiiyak.
Lumabas siya ng gate at hinarap ako.
"Eya, anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.
Hindi ako sumagot. Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit. Ang sarap sa pakiramdam. Sa paglipas ng maraming taon, ngayon ko nalang muling naranasan ang masarap na yakap ni papa.
Inalis niya ako mula sa pagkakayakap.
"Eya, umalis ka na."
Natigilan ako. Akala ko na-miss niya ako. Akala ko masaya siyang makita ako ngayon.
"May bagong asawa't anak na ako. Namumuhay na kami ng masaya," May kinuha siya sa bulsa niya at inilagay sa kamay ko. "Umalis ka na bago ka pa makita ng asawa ko."
Ang sakit. Kumirot ang puso ko.
Nang makita ko ang inilagay niya sa kamay ko ay agad kong binalik sa kanya.
"Hindi ko kailangan ng pera mo." Sabi ko at lumakad na papasok sa loob ng kotse.
Sumunod sa akin si Nathan at pinaandar na niya ang kotse. Habang nag da-drive siya ng kotse ay lumilingon siya sa akin. Alam kong nag-aalala siya sa akin.
"Sorry." Sabi ni Nathan.
Hindi ako sumagot at tumingin ako sa bintana ng kotse.
Wala siyang kasalanan. Hindi niya ako pinilit na pumunta kay papa dahil ginusto ko 'to. Hindi ko alam na ganito ang mangyayari kaya naiinis ako sa sarili ko. Hindi ko man lang naisip na baka hindi na ako welcome sa bahay namin noon. Hindi kasi ako nag-isip.
Ilang araw lang ang lumipas at nabalitaan ko naman na may asawa na din si mama. Sinubukan kong kausapin si Denise at Joseph sa telepono pero hindi na nila ako kilala at ayaw daw nila akong maka-usap.
Sobrang sakit, akala ko tapos na ang paghihirap at sakit na nararamdaman ko pero hindi pa din pala.
Naupo ako sa harapan ng puntod ni Gardy. This time, totoo na.
Gardy Y. Frankenstein
Aug 16, 1998 - Feb 14, 2020Nagsindi ako ng kandila at naglagay ng bulaklak.
Sinimulan ko ang pag string ng gitara na hawak ko.
" I'm going under and this time I fear
there's no one to save me
This all or nothing really got a way of
driving me crazy "
Namuo ang mga luha sa mga mata ko.
" I need somebody to heal
Somebody to know
Somebody to have
Somebody to hold
It's easy to say
But it's never the same
I guess I kinda liked the way you
numbed all the pain "
Tuluyan ng kumawala ang mga luha sa mga mata ko.
" Now the day bleeds
Into nightfall
And you're not here
To get me through it all
I let my guard down
And then you pulled the rug
I was getting kinda used to being
someone you loved "
Tinigil ko ang pagkanta at ang pag string ng gitara nang humangin ng malakas.
Parang naramdaman ko ang presensya ni Gardy. Biglang pumasok sa isip ko ang mga boses niya.
"It's okay not to be okay, Eya."
Binuhos ko ang iyak ko. Miss na miss ko na ang boses mo Gardy. Hindi man lang kita nagawang hawakan, yakapin at halikan. Sana nandito ka sa tabi ko ngayon dahil kailangan na kailangan kita.
Miss na miss na kita, Gardy.
Pinulot ko ang stick na nasa tabi ko at sumulat sa lupa.
I really miss you, Gardy.
Tumayo ako at pinagpagan ang sarili. Kinuha ko ang gitara at nag paalam sa puntod ni Gardy.
Minsan kailangan mong maging selfish para sa sarili mong kasiyahan. Pero madalas kailangan mong maging selfless para sa kaligayan ng ibang tao.
YOU ARE READING
Whisper
FantasySa oras na marinig mo ang boses ko, sana pakinggan at kausapin mo ako.