Chapter 18

3 0 0
                                    

Pagbukas ko ng pintuan may rosas nanaman sa sahig.

Pang pitong araw na 'to na sa tuwing bubuksan ko ang pintuan sa umaga ay palaging may isang pirasong pulang rosas.

Wala akong idea kung sino ang nag-iiwan nito dito at palagi kong tinatanong si Gardy pero wala daw siyang alam.

Ayoko naman mag tanong kay Officer Chen dahil alam ko naman na hindi niya alam kung saan ako nakatira, at baka ikagalit pa niya.

Alas kwatro ng madaling araw, bumangon ako para bantayan ang pintuan. Sumilip ako sa labas at wala pang rosas, panigurado mahuhuli ko na siya ngayon kung sino man siya.

Every five minutes ko binubuksan ang pintuan.

Hanggang sa mag alas singko na ng umaga ay wala pa din. Napapagod na ako.

Bakit ba hindi nalang si Gardy ang pagbantayin ko?

"Gardy?"

"Wag kang maingay, inaantok pa ako."

"Multo ka naman na, bakit kailangan mo pa matulog?"

"Kahit multo ako kailangan ko din magpahinga!"

Umirap ako sa hangin at binuksan muli ang pintuan. Wala pa din.

"Hoy Gardy! Ikaw nalang ang magbantay sa labas at abangan mo kung sino ang nag-iiwan ng rosas."

"Ayoko nga! Ikaw may secret admirer dyaan hindi naman ako."

"Hindi mo ba ako pwedeng tulungan?!"

Hindi na sumagot si Gardy. Sa inis ko bumalik ako sa kama at nahiga.

Hindi ako matutulog. Hindi ako matutulog. Hindi ako matutulog.

Bumangon ako kama at tumingin sa orasan.

Shit.

6:30 na ng umaga. Tumakbo ako para buksan ang pinto at halos manggigil ako sa sarili ko ng makitang may rosas sa sahig.

"Sino ba kasing nag-iiwan ng rosas dito?!" Sigaw ko sa sobrang inis.

Hindi ko napansin na may iba pa palang tao dito. Sa sobrang kahihiyan ko pinulot ko ang rosas at agad na pumasok sa kwarto at sinarado ang pinto.

Hinagis ko ang rosas sa study table.

Bakit ba kasi ako nakatulog?

Hindi ko alam kung kanino nanggagaling ito, maaaring may nanti-trip lang sa akin o ano. Kung hindi ako nagkakamali..

Ayaw akong tulungan ni Gardy na mahuli kung sino naglalagay ng rosas tuwing umaga, imposibleng natutulog ang multo at hindi siya lumalabas ng kwarto, hindi kaya..?

"Hoy Gardy!"

"Ano nanaman ba 'yon?"

"Ikaw ba naglalagay ng rosas sa pintuan?"

Tumawa siya ng pagkalakas lakas na para bang wala ng bukas. Ang sarap talagang batukan ng isang 'to.

"Ang kapal ng mukha mo sa part na 'yun ah!" At tumawa nanaman siya ng malakas.

Fine, imposible naman din kasi yung iniisip ko. Baka nga kung sinong tao lang ang nanti-trip sa akin.

"Sa tingin mo ba kaya kong humawak ng gamit? Multo lang ako remember?" Natatawang paliwanag ni Gardy.

"Bahala ka nga!"

Nagpunta na ako sa cr at naligo. Hindi ko alam kung pumupunta ba si Gardy sa loob ng cr habang naliligo ako pero wala na akong pakielam doon, multo lang naman siya at hindi niya mahahawakan ang katawan ko.

"Ang lakas mong mag-isip, alam mo bang naririnig kita? Bakit ba ang assuming mo these days?"

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Sa tingin ko naman ay hindi niya ako sinisilipan, assuming lang talaga ako.

Sinuot ko ang dress na binigay sa akin ni Nathan. Nagulat ako ng makita ko sa cabinet ang dress na binili niya para sa nililigawan niya. Naku naman, bakit nasa akin 'to?

Naalala ko, binigyan niya pala ako ng calling card. Kailangan kong ibalik sa kanya yung damit dahil hindi naman 'yun para sa akin, nagkamali lang siguro siya ng bigay sa akin.

"Gardy." Tawag ko sa hangin.

Nakakainis naman kasi, bakit multo pa ang kaibigan ko? Hindi ko nakikita at hindi ko magawang batukan sa tuwing may sinasabi siyang nakakainis.

"Ano nanaman?"

"M-may cellphone ka ba?"

Hindi siya sumagot. Sa tingin ko iniinis nanaman ako nito o sadyang nagdadamot lang.

"Pahiramin mo na ako ng cellphone mo, may emergency lang."

"Ayoko nga!"

Umirap ako sa hangin at huminga ng malalim.

Lumabas na ako ng apartment at nagpunta sa restaurant. Wala naman na akong magagawa kung ayaw niya talaga akong pahiramin kaya hindi ko na siya pinilit pa.

"Sakto ang dating mo!" Bungad sa akin ni papa Bert.

"Bakit po?"

"Pwede mo bang bilihin ito?"

May inabot siya sa akin na listahan ng mga bibilhin.

"Okay po."

Inabutan niya ako ng pera at saka ako nagtungo sa grocery store. Naalala ko bigla si Officer Chen, bigla ko siyang na-miss.

Pumasok ako sa store at binasa ang nasa listahan na bigay ni papa Bert.

Asukal, toyo, suka, paminta, mantika..

"Boo!"

"Ay kabayo!"

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. At mas nagulat pa ako ng malamang si Nathan pala ang gumulat sa akin.

"Ano ba 'yang binabasa mo?" Tanong niya at inusisa ang hawak kong papel.

"Uhm listahan ng mga kailangan kong bilihin."

Gusto ko siyang batukan dahil sa ginawa niya kanina, pero hindi naman kami close kaya baka maging awkward lang kung bigla ko nalang siyang batukan.

"Ano palang ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

Tumawa naman siya ng nakakaloko.

"Obvious ba? May bibilihin kasi ako." Sagot niya at natatawa pa din.

Oo nga naman, bakit ba kasi tinanong ko pa siya.

Tumango ako at naglakad na para kumuha ng asukal.

"Hoy teka, jino-joke lang kita."

Tumabi siya sa akin at binasa ang nasa papel na hawak ko.

"Hoy! Suot mo pala yung dress na binili natin? Bagay sayo." Sabi niya.

Kumuha naman ako ng toyo at suka at nilagay sa basket na hawak ko.

Speaking of dress, naalala ko yung dress na nasa cabinet ni Gardy.

"Nga pala, yung dress kasi na ibibigay mo dapat sa nililigawan mo nasa sa akin."

"Oo nga, hindi ko naman mabawi dahil wala naman akong contact number mo, hindi ko din alam ang number ng kwarto mo sa apartment."

Napa-isip ako, kaya siguro binigyan niya ako ng calling card dahil ito yung purpose n'on pero hindi ko naman nagamit.

"Pwede mo bang ibigay sa akin yung dress? Magkita nalang tayo sa tapat ng apartment mo mamayang gabi."

"Ah oo sige, pasensya na."

"Mauna na pala ako sayo, bye!"

Agad siyang tumakbo palabas ng store. Akala ko ba may bibilihin siya?

WhisperWhere stories live. Discover now