Chapter 12

7 0 0
                                    

Pagpasok ko sa restaurant ay laking gulat ko ng makita ko si Officer Chen. Hindi siya naka-uniporme ng pang-pulis at tumutulong siya sa pagluluto ni papa Bert.

"Officer Chen, ano po ang ginagawa mo dito?" Bungad na tanong ko sa kanya at dumiretso ako sa kusina, sinuot ang apron ko.

Hindi siya sumagot sa tanong ko at nginitian lang niya ako. Anong meron?

"Day off ngayon ni Officer Chen dahil birthday niya." Sagot naman ni papa Bert.

Birthday pala ngayon ni Officer Chen?

"Birthday?" Pag-uulit ko na para bang hindi makapaniwala. "Officer Chen, day off mo ngayon kaya bakit ka nagta-trabaho? Isa pa, birthday mo ngayon."

"Gusto ko kasing mag celebrate ng birthday ko kasama kayo ni papa Bert, kaya naisipan kong tumulong muna dito habang naghihintay ng closing nitong restaurant." Paliwanag ni Officer Chen.

"G-ganun ba?"

Sinimulan ko na ang paghuhugas ng mga pinggan sa lababo. Habang tumatakbo ang oras ay unti-unti ng naging busy ang mga tao, tinulungan ko na si papa Bert na maghatid ng mga order sa costumer at ako na din ang nagma-mop ng sahig dahil maraming ginagawa si papa Bert. Si Officer Chen naman ay nagluluto ng mga pagkain.

Hindi ko maiwasang hindi pagmasdan ang maskuladong braso ni Officer Chen habang nagluluto sa siya sa kusina. Kumuha ako ng tubig sa ref at ininom ito, pakiramdam ko kasi natuyuan ako ng laway.

Ngayon ko lang na-realize na ang gwapo pala ni Officer Chen, bagay sa kanya ang suot niya ngayong sleeveless at may suot din siyang apron.

Napangiti ako.

"Eya, pakibigay naman ito sa table 10." Ani Officer Chen.

Nag-iwas ako ng tingin at agad na inalis ang ngiti sa labi ko.

Nakangiti si Officer Chen na inabot sa akin ang tray ng pagkain. Kinuha ko ito at agad na dinala sa table 10.

"Enjoy your meal." Sabi ko sa customer. Aalis na sana ako ng tawagin niya ako.

"Miss, pwede bang makahingi ng calamansi?" Tanong ng babaeng sa tingin ko ay nasa mid 30's na.

"Okay po."

Nagpunta ako sa kusina at hinanap ang calamansi sa refrigerator ngunit wala dito. Inikot ko ang paningin ko at nakita ko ang mga calamansi sa table ni Officer Chen. Sinubukan kong abutin ito ngunit masyadong malayo kaya na out of balance ako, mabuti nalang at agad akong nasalo ni Officer Chen.

"Ayos ka lang?" Tumango ako sa tanong ni Officer Chen. "Ako na ang kukuha para sayo." Hiniwa niya ang tatlong pirasong calamansi at saka nilagay sa maliit na lagayan at inabot sa akin.

"S-salamat."

Hindi ko alam kung bakit nautal ako sa pagsabi ng salamat. Tumawa siya ng mahina kaya mas lalo akong nahiya. Pakiramdam ko ay nag-iinit ang buong mukha ko. Pinagpapawisan ako.

Agad kong dinala sa table 10 ang calamansi na hiningi niya at bumalik sa kusina.

Nang mag alas otso na ng gabi ay isinara na ni papa Bert ang restaurant. Nagpahinga muna kaming tatlo dahil nakakapagod ang araw na ito. Unti-unti ng dumadami ang customer at sobrang natutuwa ako para kay papa Bert at kay Gardy. Sana magtuloy tuloy na ang ganitong araw.

"Maraming salamat sa inyong dalawa, dahil sa inyo bumabalik na ang mga customer ko dati." Natatawang sambit ni papa Bert. Ngumiti naman kami ni Officer Chen.

"Huwag mo kaming pasalamatan papa Bert, deserve mo ito dahil masyado kang nagpupursige para iahon muli ang restaurant na ito."

Sumang-ayon ako sa sinabi ni Officer Chen.

Nakakatuwa lang, para ko na kasi silang pamilya. Ang swerte ni Gardy dahil mayroon siyang napakabait na ama na si papa Bert.

At dahil birthday ngayon ni Officer Chen ay niyaya niya kaming dalawa ni papa Bert na kumain sa labas, libre niya daw. Hindi na sana ako sasama ngunit pinilit ako ni papa Bert.

Umorder si Officer Chen ng mga pagkain at nagulat ako ng umorder din siya ng beer. Hindi kasi ako umiinom.

"Matagal-tagal na din mula ng huli akong naka-inom ng beer." Ani papa Bert at saka lumagok ng isang baso ng beer.

"Dahan-dahan lang po papa Bert." Ani ko ngunit tuloy-tuloy ang pag-inom niya.

"Cheers!" Sabay silang uminom ni Officer Chen ng beer.

Nabaling ang paningin ko sa leeg ni Officer Chen, hindi ko maiwasang hindi tingnan ang adams apple niya habang nilalagok niya ang beer. Bakit ang sexy ng pag-inom niya?

Nag-iwas ako ng tingin dahil naiilang ako. Ano bang nangyayari sa akin?

"Cr lang po ako." Paalam ko sa kanilang dalawa at saka nagtungo sa cr.

Humarap ako sa salamin at tinitigan ang sarili. Bakit namumula ang mga pisngi ko?

"Eya"

"Ay kabayo! Hanggang dito ba naman sinusundan mo ako?" Sigaw ko kay Gardy.

Bigla-bigla nalang kasi siyang nagsasalita, nakakagulat!

"Huwag mo hayaang malasing si papa."

Naalala ko, wala pa kaming isang minuto sa restaurant na ito kanina ngunit nakalagok na siya ng dalawang baso ng beer.

"Oo, ako ng bahala kay papa Bert."

Nagulat ako ng may lumabas na babae galing sa cubicle, tinitigan niya ako at iniwasan na para bang nakakatakot ako at agad siyang tumakbo palabas ng cr. Natawa naman si Gardy kaya natawa nalang din ako.

Lumabas na ako ng cr at naglakad pabalik kila papa Bert. Nakita ko si papa Bert na lumagok ulit ng isang baso ng beer mula sa malayo kaya hindi ko siya naawat. Tumakbo ako papunta sa kanya.

"Papa Bert, tama na po ang pag-inom baka malasing kayo."

"Hindi! Hindi pa ako lasing!" Natatawang sambit ni papa Bert.

Alam ko namang lasing na siya dahil hindi na normal ang kinikilos niya.

Umirap ako sa hangin at hindi inaasahang mapatingin kay Officer Chen na nakatingin din sa akin ngayon. Nginitian niya ako at bigla akong dinaluyan ng kaba dahil sa ngiti na iyon.

"Halika na po papa Bert, hahatid ko na po kayo sa bahay niyo." Ani ko at inalalayan tumayo si papa Bert ngunit nagmatigas siya.

"Ano ka ba naman! Huwag ka ngang umasta na parang si Gardy!" Sigaw ni papa Bert.

Natigilan ako sa sinabi niya. First time ko kasing marinig na sabihin niya ang pangalan ng anak niya.

"Hindi naman kita anak! Hindi ikaw si Gardy!" Natatawang sambit ni papa Bert.

Huminga ako ng malalim at bumalik sa pagkakaupo.

Lasing na si papa Bert at pilit ko siyang pinapatigil sa paglagok ng beer ngunit tuloy-tuloy pa din siya. Si Officer Chen naman ay pinapanood lang ang mga ginagawa ni papa Bert. Umiinom din siya ng beer pero mukhang hindi siya nalalasing.

"Si Gardy, miss na miss ko na ang anak ko." Biglang hayag ni papa Bert out of nowhere.

Alam kong nandito lang si Gardy at naririnig niya ngayon ang mga sinasabi ni papa Bert.

"Ang anak ko!" Ani papa Bert at bigla nalang umiyak.

Tumingala ako sa kisame upang mapigilan ang pag tulo ng luha ko. Niyakap ko si papa Bert at patuloy lang ang pag-iyak niya.

"Sigurado po akong miss ka na din ng anak mong si Gardy." Ani ko kay papa Bert at sinubukan ko siyang patahanin sa pag-iyak.

WhisperWhere stories live. Discover now