Chapter 10

3 0 0
                                    

Hindi pa din ako makapaniwala na anak ni papa Bert si Gardy, ang multong nakaka-usap ko.

"Bakit mo naman ako tinitinggnan ng ganyan?"

Nabalik ako sa ulirat ng sabihin iyon ni papa Bert. Umiwas ako ng tingin at tinuloy ang ginagawa ko.

"Pasensya na hindi ko nasabi sayo kahapon na pupunta pala ako sa puntod ng anak ko."

Ngumiti ako kay papa Bert.

"Ayos lang po iyon."

"Kinakausap ko si papa kahapon pero mukhang hindi niya ako naririnig." Bulong sa akin ni Gardy. "Miss na miss ko na siya."

Nalulungkot ako sa sitwasyon nilang mag-ama. Gusto ko silang tulungan na magkitang muli o magkausap man lang, pero hindi ko alam kung paano.

Napabuntong hininga ako at tinuloy ko na ginagawa ko.

Tinulungan ko si papa Bert na magluto ng mga ulam dahil may alam naman ako sa pagluluto kahit papano.

Ako ang palaging nagluluto ng ulam para sa pamilya ko noon at gustong-gusto nila Denise at Joseph ang luto ko, may time pa nga na halos pagselosan na ako ni mama dahil mas gusto daw ng mga kapatid ko ang luto ko kesa sa luto ni mama.

Hindi naman siya dapat magselos doon dahil sa kanya lang din naman ako natuto, kahit madalas akong pagalitan ni mama habang pinapanood ko siya magluto, tuloy-tuloy pa din ako sa panonood dahil gusto ko talagang matuto. Gustong-gusto ko ang pagluluto.

Kung may oportunidad lang na makabalik ako sa pag-aaral, gusto kong pag-aralan sa college ang HRM, gusto ko maging chef balang araw. Gusto kong pagsilbihan ang mga tao sa paligid ko gamit ang kakayahan ko sa pagluluto.

Alas singko na ng hapon at marami-rami din ang customer na kumain sa restaurant. Pinasalamatan ako ni papa Bert dahil sa tingin niya daw ay nagustuhan ng mga customer ang luto ko.

"Nako, hindi naman po." Ani ko at nahihiya na dahil sa mga compliment na sinasabi ni papa Bert.

Tumunog ang wind chimes sa may pintuan kaya napatingin ako doon, agad akong dinaluyan ng kaba ng makita kong pumasok si Officer Chen.

Naalala ko kasi yung mga nangyari kahapon, yung pagtatapat niya ng pag-ibig at bigla ko nalang siyang tinakbuhan.

"Officer! Ngayon nalang ulit kayo nakapunta dito!" Ani papa Bert at saka pinaupo si Officer Chen.

"Pasensya na naging busy na kasi ako." Nakangiting sagot ni Officer Chen.

Ibig sabihin suki dito sa restaurant si Officer Chen?

Tumalikod ako sa kanila at humarap sa lababo, walang hugasing pinggan kaya sinubukan ko nalang linisin ang lababo kahit hindi naman ito madumi.

"May nakakatulong na kayo dito papa Bert?" Dinig kong tanong ni Officer Chen na sa tingin ko ay ako ang tinutukoy.

Hindi pa ako handang harapin si Officer Chen, hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya matapos ang nangyari sa amin kahapon.

"Ah oo, napakabait na bata niyan." Sagot ni papa Bert.

Kinuskos ko ng maigi ang lababo at saka ito binanlawan ng tubig.

"Eya ang pangalan niya." Dagdag pa ni papa Bert.

Napapikit nalang ako dahil sa sinabi ni papa Bert. Hindi naman niya kailangan sabihin pa ang pangalan ko, baka makilala ako ni Officer Chen nito!

"Eya?" Tanong ni Officer Chen.

"Oo." Sagot naman ni papa Bert. "Eya halika dito! Ipapakilala kita sa suki ko!"

Wala na akong nagawa dahil sa sinabi ni papa Bert. Kailangan ko na nga harapin si Officer Chen, hindi ko naman siya matatakbuha kahit na anong gawin ko.

"Lapitan mo na!" Bulong ni Gardy sa akin.

Hindi ko alam na nandito pa din pala siya.

Tinanggal ko ang apron ko at nakayukong naglakad papunta kila papa Bert.

"Eya?!"

Mukhang nakilala na nga ako ni Officer Chen. Ano ng gagawin ko?

"Magkakilala kayo?" Tanong sa amin ni papa Bert.

"Opo." Sagot naman ni Officer Chen.

Tumingin ako kay Officer Chen at ngumiti siya sa akin, nailang ako kaya nag-iwas ako ng tingin.

"Give him a chance, Eya."

Haay! Bakit ba binubulungan ako ng multo na 'to?!

"Kung ayaw mong pumatay din siya ng paru-paro." Dagdag pa niya.

Natawa naman ako sa sinabi niya kaya tinitigan ako nina papa Bert at Officer Chen, agad kong tinigil ang pagtawa ko.

Huwag mo nga akong binubulungan, Gardy! Mapapahamak ako ng dahil sayo!

"Ipagluluto kita ng paborito mong pagkain, Officer Chen." Ani papa Bert at tumango naman si Officer Chen. "Tutal magkakilala naman kayong dalawa, Eya sabayan mo na si Officer Chen kumain."

Nanlaki ang mga mata ko. Ayoko nito! Hindi magandang idea ito papa Bert!

"Hindi naman po ako nagugutom, papa Bert saka marami pa po akong kailangan gawin sa kusina." Paliwanag ko.

"Ako ng bahala sa mga gawain sa kusina, maupo ka na at samahan mo si Officer Chen."

Wala na akong nagawa ng umalis na si papa Bert at nagtungo sa kusina. Dahan-dahan akong umupo at narinig ko ang mahinang pagtawa ni Officer Chen.

Si papa Bert naman kasi! Mag-ama nga kayo ni Gardy! Kamag-anak niyo ba si kupido?

"Ituring mo itong first date niyo." Bulong ni Gardy. Napangisi ako dahil sa pangingielam niya. Kung pwede ko lang siyang batukan ngayon!

"Eya, sorry kung nabigla kita kahapon." Ani Officer Chen.

Hindi ko alam ang isasagot ko kaya tumahimik nalang ako. Nag-iwas ng tingin.

"Napakagaan kasi ng loob ko sayo, hindi ko alam kung paano nagsimula pero.." Tumigil siya sa pagsasalita at tumitig sa mga mata ko. "Gustong-gusto kitang nakikita araw-araw, gusto kitang protektahan, gusto kitang angkinin."

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa mga sinabi ni Officer Chen. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa, hindi ko magawang ngumiti dahil naguguluhan ako sa nararamdaman ko.

Hindi ako nagsalita at nanatiling tahimik. Hanggang sa natapos kaming kumain ay walang nagsasalita sa aming dalawa. Tanging si papa Bert lang ang bumuhay sa katahimikan na bumabalot sa kapaligiran.

"Nag-away ba kayong dalawa?" Tanong ni papa Bert.

"Hindi po." Sabay na sagot namin ni Officer Chen at nagkatinginan kami.

Nagsabay na kaming tatlo na umalis sa restaurant ng isarado na ito ni papa Bert dahil alas otso na ng gabi.

"Sige na, mauna na ako sa inyong dalawa." Paalam ni papa Bert at saka sumakay sa tricycle.

Nag-wave ako at nag paalam na kami ni Officer Chen sa kanya.

"Officer Chen, dito po sa kabila daan ko." Ani ko dahil alam kong sa kabilang kanto pa ang bahay ni Officer Chen.

"Kung ganoon ihahatid na kita."

"Po? H-hindi na po kailangan." Nauutal kong sagot.

Hinawakan ni Officer Chen ang wrist ko at tinitigan ako sa mata.

"Eya, from now on, I will date you at wala ka ng magagawa sa ayaw at sa gusto mo."

WhisperWhere stories live. Discover now