Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko, hindi ko pala naisara ang bintana kagabi.
6:00 na ng umaga. Bumangon ako at nagtungo sa pintuan. Laking gulat ko nang bumungad sa akin si Officer Chen na may hawak na isang pirasong pulang rosas, ilalagay niya sana sa sahig pero naabutan ko siya kaya hindi na niya ibinaba pa.
Ibig sabihin, sa kanya nanggagaling lahat ng rosas na nakukuha ko?
Pinatuloy ko siya sa loob ng kwarto at naupo kami sa sofa.
"Ginagawa mo ba 'yun araw-araw?" Tanong ko sa kanya. Marahan siyang tumango, I sighed. "Ibig sabihin ikaw lang pala ang matagal ko ng hinahanap?!"
Tumango ulit siya. Bakit ba hindi siya nagsasalita?
"Bakit mo ginagawa 'yun? Bakit hindi mo pinaalam sa akin?"
Tumingin siya diretso sa mga mata ko. Hindi naman ako nagagalit dahil sa ginawa niya, nagagalit ako kasi bakit kailangan sa ganitong paraan pa?
"Sorry." Tanging sagot niya at saka lumapit sa akin para yakapin ako.
Naglaho lahat ng inis ko at napalitan ng mga ngiti. Niyakap ko siya pabalik. Ang cute talaga ni Officer Chen.
Naligo ako at nagbihis, hinatid ako ni Officer Chen sa restaurant at saka siya nagtungo sa station.
Tinanong ko si Officer Chen kung paano niya nalaman na sa apartment ako nakatira at kung paano niya nalaman ang room number ko, ang sagot niya.
"Kaibigan ko ang landlord mo."
Hindi ko talaga siya mataguan ng sikreto, mabuti nalang at hindi niya nalaman ang tungkol kay Gardy.
Ang pinaka-iniingatan ko sa ngayon ay hindi dapat malaman ni papa Bert na sa room 306 ng apartment na yun ako tumutuloy. Alam niya ang lahat tungkol sa anak niya at wala akong takas sa oras na malaman niya ang lahat.
Gusto ko sanang sabihin sa kanila na nakaka-usap ko si Gardy pero alam kong hindi naman sila maniniwala at nasa moving on stage na si papa Bert. Ayokong bumalik ang mga sakit na naramdaman niya noong araw na nawala sa kanya ang mahal niyang anak na si Gardy. At ayokong umasa siya na mabubuhay pa ang anak niya.
"Papa Bert." Tawag ko sa kanya, agad naman niya akong nilingon. "Na-kwento niyo po kasi sa akin dati yung tungkol sa anak niyo. Bakit po ba siya namatay?"
Tanong ko isang araw, patuloy kasi akong binubulabog ng curiosity ko dahil maging si Gardy ay hindi niya alam kung bakit at paano siya namatay. Nagising nalang daw siya isang araw, hindi na siya nakikita at naririnig ng mga tao sa paligid niya.
Napatingin siya sa sahig at alam kong nalungkot siya ng itanong ko iyon. Umupo siya sa upuan at huminga ng malalim.
"Si Officer Chen ang humawak sa kaso ng anak ko. Ang sabi niya, suicidal ang nangyari." Naiiyak na sagot ni papa Bert.
Natigilan ako.
Suicidal? Nagpakamatay mag-isa si Gardy? Pero bakit?
Agad akong nagtungo sa cr ng restaurant at saka pabulong na kinausap si Gardy.
"Totoo bang nagpakamatay ka?" Tanong ko kay Gardy, hindi makapaniwala.
Mahal na mahal niya si papa Bert, mahal niya ang sarili niyang buhay. Wala akong nakikitang dahilan para gawin niya ang bagay na iyon.
"H-hindi ko alam."
Ramdam kong umiiyak si Gardy ngayon, maging siya ay hindi makapaniwala sa sinabi ni papa Bert.
Maaaring hindi lang maalala ni Gardy sa ngayon ang dahilan niya, maaaring nakalimutan na niya ang naging problema niya noong araw na nagpakamatay siya.
Sinamahan ako ni Gardy na magtungo papunta sa sarili niyang puntod.
Gardy Y. Frankenstein
Aug 16, 1998 - Dec 05, 2018'Yan ang nakasulat sa lapida ni Gardy.
Hindi ko alam kung bakit ako nagpunta dito, para akong hinila ng sarili kong mga paa para lang tignan ang puntod ni Gardy. Hanggang sa mawala ang araw, nakatitig lang ako dito.
Alas dyis ng gabi, napag-pasyahan ko ng umuwi nang makasalubong ko sa daan si Officer Chen.
"Eya? Gabing-gabi na, bakit nasa labas ka pa?" Tanong niya sa akin.
Niyaya niya akong kumain dahil kaka-off niya lang sa trabaho kaya nagtungo kami sa karinderya para kumain ng paborito niyang pares.
"Para akong hinila ng sarili kong paa papunta sa puntod ng anak ni papa Bert."
"Talaga? Bakit naman?" Tanong niya at saka sumubo ng isang kutsarang pares.
"Hindi ko nga alam."
Nang matapos kaming kumain ay umuwi na din kami agad dahil maaga pa kaming gigising para pumasok sa trabaho bukas.
Hinalikan niya ako sa noo at tuluyan na akong pumasok sa kwarto.
Sinubukan kong kausapin si Gardy pero hindi siya sumasagot, alam kong nandito siya sa tabi ko ngayon pero tahimik lang siya at nakikinig.
Alam kong nalulungkot siya ngayon at hindi makapaniwala sa sinabi ng papa niya.
"Wala ka ba talagang naaalala?" Tanong ko sa kanya.
Ilang minuto ang lumipas bago siya sumagot.
"May lalaki."
"Ha?"
"May nakikita akong lalaki."
"Ano bang ibig mong sabihin?"
"Lumapit siya sa akin at.." Natigil siya sa pagsasalita. "Tinulak niya ako sa bangin."
Buong gabi akong hindi pinatulog ng mga sinabi ni Gardy. Tanging yung lalaking nakasuot ng army green na jacket lang ang naaalala niya at tinulak daw siya sa bangin.
Kung totoo ang sinasabi ni Gardy, ibig sabihin hindi talaga siya nagpakamatay. Ibig sabihin mayroong salarin sa pagkamatay niya? Pero sino yung lalaking tinutukoy niya?
"Eya." Tawag sa akin ni Officer Chen at agad akong lumapit sa kanya.
Sinundo niya ako mula sa restaurant para lang dalhin ako sa bahay niya, may ibibigay daw kasi siya sa akin.
May inabot siya akin na maliit na paper bag.
"Ano 'to?"
"Buksan mo."
Binuksan ko ang paper bag at bumungad sa akin ang box ng cellphone.
"Bakit mo ko binigyan nito?" Tanong ko sa kanya.
"Para kahit nasa work tayo pareho, makakapag-usap pa din tayo." Aniya.
Ngumiti ako at niyakap siya.
"Salamat."
Wag kang mag-alala Officer Chen, handa na ako. Bukas na bukas, magiging girlfriend mo na ako.
YOU ARE READING
Whisper
FantastikSa oras na marinig mo ang boses ko, sana pakinggan at kausapin mo ako.