Dahan-dahan siyang lumakad palapit sa akin. Gusto kong tumayo at yakapin ang umiiyak na si papa Bert. Kitang-kita ko sa mukha niya ang labis na pag-aalala.
"Eya," Tanging salitang lumabas sa bibig niya at bigla akong niyakap habang umiiyak siya. "Masyado mo akong pinag-alalang bata ka!"
Naiyak ako at niyakap siya pabalik.
Itong yakap na 'to ang gusto kong maranasan mula sa sarili kong ama, ang mga sinabi ni papa Bert, gusto kong marinig 'yun mula sa sarili kong ama, kahit isang beses lang.
"Papa Bert," Sabi ko at humagulgol na ng iyak.
Sobra akong natakot sa ginawa ni Officer Chen at ni Karl. Akala ko 'yun na ang huling araw na mabubuhay ako, akala ko papatayin na nila ako. Akala ko hindi ko na muling mayayakap si papa Bert.
"Paano po ako napunta dito?" Tanong ko makalipas ang ilang minutong pag yayakapan namin.
Kumalas si papa Bert sa pagkakayakap at naupo sa upuan sa tabi ng kama na hinihigaan ko.
"Hindi ko alam kung paano nalaman ni Nathan, pero siya ang tumawag ng pulis at ambulansya papunta sa lugar kung nasaan ka."
Napa-isip ako bigla kung paano nalaman ni Nathan na nasa panganib ako ng mga oras na iyon. Hindi ko din alam kung paano niya natuklasan ang lugar na pinagdalhan sa akin ni Officer Chen.
"Papa Bert," Huminga ako ng malalim bago tinuloy ang sasabihin ko. "Nasaan po si Gardy?"
Katahimikan ang bumalot sa amin.
Bakit hindi sila makasagot sa tuwing nagtatanong ako ng tungkol kay Gardy? Bakit tumatahimik sila?
Naiyak ako. Masama ang pakiramdam ko. At some point, ayokong marinig ang magiging sagot nila. Natatakot ako dahil baka ang isagot nila, ay ang bagay na ikinakatakot ko.
Makalipas ang isang araw, bumalik na sa dating kalagayan ang katawan ko. Hindi na ako nanghihina at kaya ko na magsalita ng maayos.
"Maraming salamat, nurse." Sabi ni papa Bert sa nurse bago kami lumabas ng kwarto.
Napansin ko ang pag-uusap ni papa Bert at Nathan gamit lamang ang pagtitinginan.
"Tara!" Sabi ni Nathan at saka ngumiti sa akin.
Anong pinag-uusapan nila? Bakit nagkakaintindihan sila gamit ang pagtitinginan?
Sa hospital din na ito, nagtungo kami sa isang kwarto. Sa kwarto na kung saan nakita ng dalawang mga mata ko ang taong matagal ko ng gustong makita.
Nanghina ang mga tuhod ko, napa-upo ako sa sahig pero tinulungan ako ni Nathan na makatayong muli.
"Sa tingin ko, iwanan na muna natin siyang mag-isa." Sabi ni Nathan kay papa Bert. Tumango namin si papa Bert at saka sila lumabas ng kwarto.
Humahagulgol ako ng iyak at lumapit ako sa nakahigang katawan ni Gardy. Niyakap ko siya ng sobrang higpit at patuloy na tinatawag ang pangalan niya. Alam kong huli na ang lahat, malamig na bangkay na lamang ito ni Gardy.
"Gardy! Gumising ka!"
Nawawalan na ako ng lakas. Gusto ko ng sumuko.
"Gardy please!"
Patuloy lang sa pag-agos ang mga luha sa mata ko.
"Eya"
Napatayo ako nang marinig ko ang boses niya.
"Eya patawarin mo ako."
Nagtaasan ang mga balahibo ko.
Hindi Gardy, hindi ka dapat humihingi ng tawad. Wala ka dapat ika-hingi ng tawad.
"Totoo ang mga sinabi ni Officer Chen." Panandalian siyang tumigil. "Mahal na mahal kita, Eya. Ikaw ang nag-iisang babaeng minahal ko."
Hinawakan ko ang dibdib ko. Nahihirapan na akong huminga dahil sa patuloy na pag-iyak.
"Ikaw ang patay na pag-ibig ko, Eya. Para sayo ang paru-parong nasa diary ko."
Huminga ako ng malalim. Sinubukan kong tumahan pero hindi ko magawa. Masyadong masakit.
"Salamat sa lahat ng tulong na ginawa mo para sa akin. Kahit kaluluwa nalang ako, pakiramdam ko buhay na buhay ako noong mga oras na nakaka-usap at nakakasama kita, Eya. Sa bawat gabing natutulog ka, ang sarap titigan ng mala-angel mong mukha. Salamat dahil kahit sa kaunting panahon na nakasama kita, pinaramdam mo sa akin ang pagmamahal na matagal ko ng gustong maranasan."
"G-Gardy, wag mo naman sabihin 'yan! Nanghihina kong sigaw. Pinunasan ko ang buong mukha ko. "G-Gardy,"
"Patawad, Eya. Tingin ko kasi, ito na ang huling oras na makaka-usap at makikita kita."
Para akong binagsakan ng mabigat na kung ano. Bigla na lamang akong nanlambot at napa-upo sa sahig.
"Mahalin mo ang sarili mo. Huwag kang mag-alala, babantayan kita mula sa itaas."
"Gardy,"
Sobrang sakit na ng mga mata ko kaka-iyak. Sobrang sakit sa puso.
"Bantayan mo si papa Bert para sa akin. Ang restaurant namin, malaki ang parte mo doon kaya nararapat lang na ikaw ang maging successor n'on. Ang apartment ko, sayong-sayo na 'yun. Si Nathan naman, tingin ko totoo ang pagmamahal niya sayo, bigyan mo siya ng chance Eya."
"Gardy ano ba! Bakit ka ba nagsasalita ng ganyan? Please tumigil ka na! Gagawa ako ng paraan para mabuhay ka! Gagawan ko--"
"Eya, wala ng pag-asa. Tanggap ko na, kaya sana tanggapin mo na din."
No! Gardy please!
"Eya kailangan ko ng umalis."
Nakaramdam ako ng kakaibang lamig sa buong katawan ko. Lumakas ang pag-iyak ko dahil sa mga oras na ito, alam kong ito na ang huling makaka-usap at mararamdaman ko si Gardy. Ito na ang huli.
"Paalam."
Wala na siya. Tuluyan ng naglaho si Gardy. Sa oras na ito, alam kong kahit kailan ay hindi na siya babalik.
Pinagdarasal ko ngayon na sana katulad lang ito noong araw na umalis siya pero nangakong babalik din.
Alam kong wala ng pag-asa. Hindi ko man lang nasabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Sobra-sobra ang pagsisisi mo dahil hindi ko sinulit ang mga araw na nakaka-usap ko pa siya. Kung siguro tinulungan ko agad siya, may pag-asang buhay siya ngayon. Ang tanga ko.
~Gloomy Sunday
Dreaming
I was only dreaming
I wake and i find you
Asleep in the deep of
My heart
Dear ~
YOU ARE READING
Whisper
FantasíaSa oras na marinig mo ang boses ko, sana pakinggan at kausapin mo ako.