Emily's POV
Hi! My name is Emily Savvanah Howards. 15 years old. Grade 9 sa Franklin University. And there's this man caught my attention his name is Ken Pietro Lizardo. 17 years old na siya pero same grade level kami. Sa 9 years kong pag aaral sa Franklin siya lang ang nakakuha ng attention ko. Introvert at writer ako kaya walang nakakapansin sakin. Nakilala ko siya through Kate. She introduce him to me. Nung grade 7 ko pa siya kilala pero di kami close. Ang kaclose niya ay si Kate. Ngayon magisa ako dito sa canteen at nagaabang ng break. Ala kasi kaming teacher before break . Tinatamad pa ko kumain dahil ako nga lang magisa. So nagsusulat na lang ako ng tula para kay Ken. Hindi niya alam na crush ko siya. 3 years na nga eh. Umiiwas ako sa kanila ni Kate. Nagseselos kasi ko sa kanila kaya cold ang pakikitungo ko kapag kaharap sila. Tawag nga nila sakin ay The Cold Queen dahil sobrang lamig ko daw sa harap nila. Hanggang sa tumunog ang bell hudyat ng recess.*Ringgggggggg*
Malapit ako sa pinto kaya di na sila mahihirapan maghanap. Nag earphones ako at angtuloy sa pagsusulat. "Oi! Nagsusulat ka nanaman." Bigla na lang hinila ni Andy yung earphones ko kaya narinig ko siya . "Baka ma inlove na sayo yung papel sa sobrang dalas niyong nagtitigan." Segunda ni Sandra. "Nasan si Zoe?" Tanong ko sa kanila. "May meeting daw student council." Sagot niya. "Ahhh" Sagot ko. Naglakad na ako patungo sa pila para bumili. Habang naglalakad ako nahagip ng paningin ko si Ken at Kate na papunta sa pwesto namin. Pinagsawalang bahala ko na lang ito at nagtuloy na sa pila. Burger, fries, and coke ang binili ko. Habang papalapit ako sa pwesto namin ay natatanaw ko ang mga ngiti ni Ken na hindi ako ang dahilan. Tinanggal ko ang lahat ng pwedeng maging expression ko sa mukha at ginawa itong malamig pag harap sa kanila. Nang paparating ako ay naririnig ko na ang halakhakan nila. "Bow down the cold queen is here." Bati ni Andy. "Andy! Alam mo naman kung bakit nagkakaganyan yan." Saway ni Sandra. "Oo nga Emily bakit ka nagkakaganiyan? Di naman yan yung pagkatao mo wah." Komento ni Ken. "Ganun talaga. Kailangan itago sa lahat ang sakit na nadarama sa t'wing siya'y nasisilayang ngumingiti ng hindi ako ang dahilan." Sagot ko. "Wow lalim. Sino ba yang tao na yan?" Tanong niya. "Siya ang taong may inililihim akong pagtingin." Sagot ko. Di na siya umimik pa kaya nag earphones na ako. Pasulyap-sulyap pa siya sakin habang kumakain kami. Matapos kong kumain ay tumayo na ako at niligpit ang pinagkainan ko. "Una na ko guys. Magpapalamig lang ako ng init ng ulo." Paalam ko. "Ba't naman uminit ang ulo mo?" Tanong ni Ken. "May nakita lang akong ikaiinit ng ulo ko." Sagot ko.
Di nakalock ang room namin kaya pinagkukupulan ito ng mga kaklase kong nagpapalamig. Kaya dumiretso na ako sa likod para makapag earphones habang nagaantay ng teacher. Science time na at ito ang pinakaboring na klase. Sa kalagitnaan ng pagkaklase ni Miss Lea ay may biglang pumasok. "Ba't late ka po?" Tanong ng teacher namin. "Sorry po hindi ko po napansin ang oras." Sagot niya. Dahil ala nang bakanteng upuan umupo na siya sa tabi ko. "Hi Emily." Bati niya. "Hello Ivan." Sagot ko. Apaka friendly naman nito. Baka makipagflirt pa 'to sakin. Pero sorry siya dahil may Ken na ko. "Naglalaro ka ba ng ML?" Tanong niya. "Oo Master lang ako dun. Ang hirap umangat lalo na kapag cancer." Sagot ko. "Legend na ko dun eh. Buhatin kita gamit yung isang account ko." Offer niya. "Sige basta ba aangat tayo pareho eh." Sagot ko. Simula nun araw-araw na kaming naglalaro nun. Pagkatapos ng school works namin ay naglalaro na kami.Sandra's POV
Hi! I'm Alesandra Divina Harrington. 15 years old. Ang tigaluto nila dahil puro prito lang ang alam lutuin ng mga kasama ko. It's 5 am in thre morning and nagsstart na kong magprepare nng breakfast. Bacon and egg ang niluto ko. Si Emily ang supplier ng breakfast, si Andy ang sa lunch at si Zoe naman ang sa dinner at ako ang chef nila. Matatapos na ako sa pag hahain nang bumaba sila.
Halos araw araw puyat si Emily. Ewan ko kung ano nangyari sa babae na yun. Parang laging araw-araw nakipaglaban sa kung ano mang laban yun kasi palaging makapal yung eyebags. Parang konting sipa na lang bibigay na siya. Ewan ko kung dahil ba yun sa school works o dahil sa ML. "Morning guyssss!" Masayang bati ko. "Morning Sands!" Sagot ni Emily. "Morning Sandra." Sagot ni Zoe. Isa pa tong puyat. Minsan inaabutan kong nakatulala. "Morning." Sagot naman ni Andy. "Sarap naman ng breakfast ngayon. Favorite ko." Puna ni Emily sa mga hinanda kong agahan. "Di ka ata puyat ngayon. Ano nangyari??" Tanong ko dahil bihira na siyang maging ganyan ka energetic sa umaga. "Wala. Di kami naglaro ni Ivan kagabi eh. Busy kami sa script writing sa EP. Ngayon presentation namin nun kaya di muna kami nagml nag brain storming kami. Kagrupo ko kasi siya." Sagot ni Emily. "Wow naman. Kailan mo ba ipapakilala samin yan?" Tanong ko. "Baka mamaya ayain ko siyang sumabay satin para naman hindi na ko sumasabog sa init ng ulo kapag nasa harapan ko na sila Ken." Sagot niya. "Uyyyy. May kapalit na si Ken." Komento ni Andy. "Huy kaibigan ko lang yun. Alang kapalit si Ken." Sagot naman ni Emily. Masaya ang naging agahan namin. Sabay-sabay na rin kaming pumasok.Emily's POV
Habang naglalakad ako papunta sa room namin ay nakasalubong ko si Ivan. "Uy Emily. Morning!" Bati niya. "Uy! Morning din! Sabay ka samin mamaya papakilala kita sa mga kaibigan ko." Aya ko sa kanya. "Ok sige. Magpapaalam na lang ako sa mga kasabay ko every lunch. Sa inyo na lang ako sasabay araw-araw." Sagot niya. "Talaga? You saved me from hell. Kung ganayan ang mangyayari." Sagot ko. "Ha? Bakit naman?" Tanong niya. "Kasabay ko kasi palagi yung crush ko and it hurts like hell na makitang nakangiti siya ng dahil sa girl bestfriend niya. Di sa ginagawa kitang pampalipas oras ah." Sagot ko. "Alam ko naman na di ka ganong klase ng babae eh. Matalino ka at ayaw mo ng nakakasakit sa damdamin ng iba." Sagot niya. "Yieeee. Thank you talaga!" Sagot ko. "Wala yun. Girl bestfriend naman kita eh." Sagot niya. Sabay kaming pumasok sa room. Mabuti nga na di kami naiissuue dahil sa palagi naming pagsasama ni Ivan pero panigurado kapag nagsimula na siyang sumabay sa amin ay magsisimula na ang issue. Ok lang naman na maissue kami matatapatan ko na si Ken dahil na issue na siya kay Kate at Lara yung babae sa last section na palagi niyang kasabay dati bago niya kami makilala.Discuss...
Discuss...
Discuss....
"Ok class dismiss. You may take your break." Paalam ng math teacher namin.
Nag aayos na ako ng gamit ng lumapit si Ivan sakin. "Emily nakapag paalam na ko." Imporma niya. "Pinayagan ka ba?" Tanong ko. "Syempre OO. Pwede ba namang hindi." Sagot niya. "Yieee. Lika na baba na tayo. Pinauna ko na silang bumaba." Sagot ko. "Ok lika na." Sagot niya at lumabas na kami ng room. Nang makarating kami sa canteen ay agad ko silang hinanap. Nang makita ko ang table nila ay dumiresto na kami ni Ivan dun. "Oh guys eto na yung request niyo. Ivan Daniel. Boybestfriend ko." Pakilala ko kyay Ivan. "Hi I'm Zoe Lizara Nightmare. For sure kilala mo ko dahil vice president ako ng student council"Pakilala ni Zoe. "Hi I'm Andy." Simpleng pakilala ni Andy. "Hi I'm Sandra." Pakilala naman ni Sandra na parang nagulat pa sa nasilayan. "Hi I'm Ken." Malamig na pakilala ni Ken. Wow. Bow down the cold king is here. "Hi I'm Kate." Maiksing pakilala ni Kate. "Nice meeting you all. Sana maka close ko kayo." Sagot niya. "Kami din. Sana makaclose ka namin." Sagot ni Sandra na namumula pa. "Ok na kayo guys?? Oorder na kami para makakain na. Mamaya niyo na siya tanungin ng kung ano-ano." Putol ko sa masayang meet and greet nila. "Oo na. Pumila na kayo dun" Sagot ni Sandra. Alam ko namang sa kanilang lahat eh si Sandra ang may pinakamaraming tanong dahil curios na curios yan sa everyday life ko. "Huy Ivan!" Tawag ko sa atensiyon niya. "Oh bakit?" Tanong niya. "Panigurado ieenterogate ka nila. Sagutin mo lang ng totoo." Sagot ko. "May isang tanong lang ako sayo." Paalam niya. "Ano yun?" Tanong ko. "Si Ken ba yung crush mo?" Tanong niya. "Oo eh." Sagot ko. "Ahhh. Di siya worth it sa puso mo. Mukhang play boy eh." Sagot niya. "Naku kung alam mo lang ilan na naging jowa ng lalaki na yun." Sagot ko. Certified playboy talaga si Ken dahil sa dami ng naging girlfriend niya rito sa Franklin U pero kahit ganon marami pa ring may lihim na pagtingin sa kanya. Marami nga daw naiinggit samin dahil kasabay namin si Ken. "Fries po large dalawa tsaka coke po large." Sabi ko sa kahera. "Yun lang po?" Tanong niya. "Opo. Magkano po lahat?" Tanong ko. "150 po lahat." Sagot niya. inabot ko ang pera at lumakad na para makuha ang inorder ko. "Isa pong burger tsaka coke na large." Rinig kong order ni Ivan at sumunod na sakin sa pagkuha ng order. Sabay kaming bumalik. Umupo ako sa tabi ni Andy at umupo naman sa tabi ko si Ivan. "So Ivan. Paano kayo anaging close ni Ems?" Nagsimula na ang hot seat kay Ivan sa panguna ni Sandra. "Sa ML. Nung nalate ako sa science time namin nakatabi ko siya sa seating arrangement." Sagot niya. "Yun na yon? Naging close na kayo?" Tanong naman ni Zoe. "Hindi. Siya lagi kong nakakagroup sa groupings sa mga subject. Matagal na kong nacucurios sa ugali niya pero di ko malapitan dahil ang lamig niya samin." Sagot niya. "Ahhhhh." Sagot niya. "Oo nga pala balita ko may bagong estudyante na papasok. Classmate daw natin Ivan." Kwento ko. "Sana makaclose natin yung bago noh?" Saad ko. "Oo nga eh." Sang ayon ni Sandra. Naninibago ko sa atmosphere namin ngayon. Bakit parang ang bigat. Sa tuwing susulyapan ko yung lugar ni Ken parang palaging masama ang tingin. Marami pa kaming napagusapan buong recess. Hanggang sa lunch walang humpay ang katatanong nila tungkol samin. Tahimik buong lunch si Ken at nagcecell phone lang. Hanggang sa dorm si Ivan pa rin ang topic namin. Shiniship pa kaming dalawa. "Matulog na nga kayo. Late na. Sige na una na ko sa taas." Paalam ko. "Okay good night. Sweet dreams." sagot ni Zoe. "Kayo din sweet dreams." Tugon ko.Ivan Daniel set your nickname in messenger to Girl Bestfriend kong Maganda
Ivan Daniel set his own nickname to Boybestfriend kong Gwapo
Yan ang nag notify sa cell phone ko nang buksan ko ito.
Boy Bestfriend kong Gwapo:
Good Night Emily. Sweet dreams...Me:
Good night din. Sweet dreams...Reply ko sa chat niya. Matapos kong maisend ay inayos ko na ang gamit ko sa school at nagsepilyo. Matapos kong magmuni muni saglit ay nakatulog na ako.
BINABASA MO ANG
Still You (COMPLETED)
Romance"I will let you go Ken not because I don't love you anymore but because this is me loving you. Until we meet again. I love you Love." -Emily Savvanah Howards Will letting him go will mend the pain? Or it will cause more pain? Matagal niya yun hinint...