CHAPTER 36: NO CHOICE

20 2 3
                                    

Ivan's POV
Ang weird ng mga tao ngayon. Ang distant nila kay Ken at ang lamig ng pakikitungo. Si Emily naman na girlfriend niya 24/7 nakaharap sa laptop at mukhang puyat pa. Si Sandra naman di ko makausap dahil busy sa phone niya din. Si Ken mukhang nagtataka sa nagaganap sa paligid niya. "Ivan, ano meron?" Tanong niya. "I don't know. Kaninang umaga pa sila ganyan eh." Sagot ko. "Let me ask you Ken. What's wrong?" Singit ni Andy sa amin na may matalim na tingin. "Ha? Bakit ako tinatanong mo? I don't know what happened to all of you yesterday." Sagot ni Ken. "Ivan. Let's talk." Tawag ni Sandra sa akin sa pinakamalamig niyang tono. Agad bumadha sa mukha ko ang pagtataka kasabay nito ang pag abot ni Lean ng isang envelope kay Sandra na nakatingin kay Ken. Nagkibit balikat lang si Ken at ako naman ay sumunod kay Sandra na nakalayo na sa kanila. "Ano ba yun Sandra ko? What's with your sudden cold attitude? Di ka naman ganyan ah!" Singhal ko. "Ayan. Basahin mo yan!" Sagot niya. Agad kong binuksan ang envelope. May marriage contract at mga short bond papers na may screenshot ng messages. Binasa ko ito at surprisingly kay Ken ang marriage contract. May pirma ito. Pirma niya at ni Ana. Pero paanong nakapirma si Ana ng legal document kung minor ito? Hindi ba 17 pa lang ata ito. "It can't be real. Hindi pa pwede pumirma ng legal document si Ana. 17 lang siya." Sagot ko. "Hindi Ivan. Pwede na. Ka edad niya si Ken. Hindi mo ba alam yon? Late sila pareho ni Ken nag aral kaya grade nine pa lang sila. Gusto mo pa ng proof bukod sa mga yan? Search mo Nicole Arthur." Sagot niya. Agad kong kinuha ang phone ko at sinearch ang nasabing pangalan. Humigpit ang kapit ko sa cellphone ko. Hindi pwede 'to. Imposible. Engaged lang si Ken hindi kasal. "Imposible." Sagot ko. "Ivan kahit kapain mo pa yung marriage contract may stamp. Ibigsabihin napa notaryo na ito at pinasa ng korte." Sagot niya. "Hindi. Kinausap niyo na ba si Ken about dito?" Sagot ko. "Hindi pa. Si Lean ang makikipag usap sa kanya. Mas matured kausap si Lean kesa sa amin." Sagot niya. "Eh kamusta si Emily?" Tanong ko. "Hindi namin mapigil na hindi gumamit ng laptop. Buong maghapon naglalaptop at hindi lumalabas ng kwarto. Nung sinundo lang siya ni Kuya Mark tsaka lang siya nag ayos ng sarili niya." Sagot niya. I'm sure she's tired as fuck. Also Ken has a reason I don't know but I know he has one. "Naniniwala ba talaga kayo diyan sa contract na yan? Malay niyo binayaran lang yung judge para maipasa yan." Sagot ko. "Pinacheck na namin yung legitimacy niyan sa munisipyo at sa tito ni Lean na lawyer parehas lang ang sinabi sa amin. Legit yung contract na yan." Sagot niya. "But its dated a month after Ken's birthday. Imposible namang nakapirma agad don si Ken kasi panigurado marami siyang mga dinaluhang events. Paano siya magkakaoras pirmahan yan? Tsaka kasagsagan yun ng periodical exam natin. So paano niya mapipirmahan yan?" Sagot ko. "Di ko alam Ivan. Si Ken lang naman ang makakasagot ng lahat ng yan eh." Sagot niya. "Pakinggan niyo muna yung side ni Ken bago kayo magreact ng ganyan." Sagot ko. "Ivan, kaibigan mo ba talaga kami? Kasi mukhang mas kampi ka pa kay Ken eh!" Sagot niya. "Wala akong kinakampihan. Iniintindi ko ang both sides." Sagot ko. "Well, hindi ka ba nahihirapan sa sitwasyon ni Ems?" Sagot niya. "Nahihirapan at nasasaktan ako para sa kanya pero di ako pwede magreact basta na lang ng di ko naririnig ang side ni Ken." Sagot ko. Natuto na ko sa nangyari dati. Ayoko na lang na basta manapak ng tao. May dahilan lahat ng bagay. Yun ang natutunan ko sa love story ni Emily at Ken. At naiintindihan ko si Ken dahil parehas ng kalakalan ang pamilya namin. Ang kaibahan nga lang ako may karapatang pumili at siya ay wala. Alam kasi ng pamilya ko ang kahalagahan ng pagmamahal. "Eh anong gagawin niyo?" Bigla ay tanong ko dahil masyado nang mahaba ang katahimikan. "Wala sisikapin namin na huwag nang madagdagan pa yung binubuhat ni Emily. Tsaka sisikapin rin namin na huwag nang madagdagan pa yung kasinungalingan ni Ken." Sagot niya. "Malay niyo di naman pala nagsisinungaling si Ken." Sagot ko. "Alam mo Yelo ang laki ng pinagbago mo. Dati sinapak mo agad si Ken nung hinalikan niya si Ana tapos ngayon pinagtatanggol mo na." Sagot niya. "Sandra ko dati yon. Alam mo naman dati na ano diba?" Sagot ko. "Ahhh. Nagselos ka." Sagot niya. "Sinasaktan mo lang sarili mo. Wag na nga natin pag usapan yun. Friends lang tingin ko kay Ems ngayon noh!" Sagot ko. "Wala. Nagseselos na ko." Sagot niya. "Sandra ko naman! Hindi ko na nga gusto si Ems! Friend mo si Ems pero pinagseselosan mo. Para kang timang!" Sagot ko. "Sandra! Ivan! Tara na! Canteen tayo!" Sigaw ni Zoe. "Sige! Sunod kami!" Sigaw ko. Tumango lang siya at tumalikod na samin. "Sandra ko. Wag ka na magselos kay Ems. Alam mo namang mahal niya si Ken diba?" Ani ko. "Hay. Hirap magtampo sayo ang galing mo manuyo!" Sagot niya. Natawa naman ako sa sinabi niya. "Rurupok ka talaga sa panunuyo ko. HAHAHA." Sagot ko. "Tara na nga." Sagot niya. Naglakad na kami papunta sa canteen. Ganoon pa rin ang scene. Nawala si Lean at Ken pero naroon si Vince. Bali si Vince, Zoe, at Andy lang ang nasa table. Nauna na sakin na maupo si Sandra kaya sumunod na ako sa kanya. "Kumain na kayo guys?" Tanong ko sa kanila. "Not yet." Sagot ni Andy. "Umorder na ba kayo?" Sagot ko. "Di pa." Sagot ni Zoe. "Ahhh. Kami na lang ni Vince mag oorder." Sagot ko. Tinignan naman ako ng masama ni Vince. "Oorder tayo ng matutunan mo kalakalan ng canteen dito!" Singhal ko. "Hay. Panira 'to! Nagsusulat ako eh!" Sagot niya pero tumayo din. Parang narinig ko si Ems sa dialogue niya. Ganyan din magreact si Ems kapag nagugulo siya sa pagsusulat niya. "Binibini, anong gusto mo?" Tanong niya kay Ems. "Ice cream. Specifically cookies and cream." Sagot ni Ems na sa laptop pa rin ang tingin. "Pero Ems. Di ka pa kumakain ng agahan." Sagot ni Zoe. "Tsaka carbonara." Dagdag naman ni Ems at nag abot ng pera kay Vince. Tipid lang na ngumiti sa amin si Andy. "Ok. Ikaw Zoe?" Baling ni Vince kay Zoe. "Ako na lang oorder nung sakin! Ayoko na ikaw mag oorder! Baka mamaya may COVID ka mahawa pa ko!" Sagot ni Zoe. "Grabe ka naman Zoe. Sa gwapo kong 'to magkakacovid ako?! Let me remind you may sarili kong hospital noh!" Sagot ni Vince. "LizVince is the new SaIvan." Sagot ni Andy. Pumalahaw naman kami ni Sandra ng tawa. "Yuck! Kay Kuya Kenneth na lang ako kesa diyan!" Sagot ni Zoe at nag walkout. "HAHAHAHAH. Pikon naman ng kaibigan niyo na yun!" Ani Vince. "Tatawa ka na lang ba diyan Ginoo? Akala ko ba oorder kayong dalawa? Bakit nakatanga pa kayo dito?" Singit naman ni Emily. "Sakin chips at soda lang!" Ani Sandra. Tumango ako. "Sayo Ands?" Baling ko kay Andy. "Burger and soda." Sagot niya at nagabot ng pera. "Tara Vince." Aya ko. Sabay kami na naglakad papunta sa bilihan ng pagkain. Ang lagkit ng tingin ng mga tropa ni Ana kay Vince. "Vince, lagkit makatingin ng mga babae na yun oh." Ani ko dahil naasiwa na ako sa mga tingin nila. "Di ko sila type." Sagot niya. "Eh anong klase ba ng babae type mo?" Sagot ko. "Katulad ni Emily." Sagot niya. Natigilan ako. "Joke lang! May Ken na yon! Bawal manggulo HAHAHAH. Basta." Sagot niya. Pero alam kong peke ang tawa na yun. Kasi kanina nakita ko kung paano titigan ni Vince si Emily. Malagkit na may pagkamangha. Iwinaksi ko na lamang ang iniisip ko sa lalaking kasama ko at umorder na. Matapos umorder ay hinintay ko lang si Vince at pumunta na kami sa table. Sabay na nilalantakan ni Emily ang ice cream at carbonara. Masyado atang broken hearted kaya ganito. Well ok na din yung ganto siya kesa naman sinasaktan niya yung sarili niya. Kumain na lang ako ng inorder ko.

Still You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon