Emily's POV
Di ko pa rin makalimutan yung ginawa ni Ken kahapon. Nung iwan ako ni Andy para tawagin si Ken ay labis ang kabang naramdaman ko. "Emily kalma. Nandito lang ako." Pagpapakalma niya sa akin. Kahit nahihirapan na ako huminga ay nagagawa kong huminga ng maluwang kahit kaunti dahil sa kanya. Nang tanungin niya ako kung kaya ko maglakad ay iling na lang ang naisagot ko dahil nahihirapan na talaga ko huminga. Kinakapos na talaga ko ng hininga. Di ko na kayang maglakad. Dinala niya agad ako sa clinic at pinakalma para makahinga ng maluwag kahit kaunti. Di ko maitindihan ang puso ko na sa kabila ng pagkahika ko eh nakuha pang tumibok ng mabilis. Nababaliw na ata ako. Pinagalitan pa ko ng mokong na parang kasalanan kong hinika ako. Eh anong magagawa ko? Duty yun eh. Timang talaga. Malala pa sa nanay ko mag alala. May tiwala naman sakin nanay ko na mabubuhay ako kahit wala siya pero itong si Ken parang timang na nag aalala. Nang makauwi naman ako labis namang nagalala si Sandra at Lean. Pinagnebulizer pa ko ulit nung pag uwi ko para daw hindi ako hikain bukas. Ano connect nun? Eh last day naman na bukas kaya ok lang. Tsaka opening na naman next Monday kaya ala nang dapat pang ipagalala yung timang na yun. "Oh Emily baka hikain ka nanaman. Ingat sa pagbubuhat." Bilin ni Sandra. "Oo na. Pero sigurado namang di ako makakapagbuhat kasi nasa paligid nanaman si Ken." Sagot ko. Di na kami pumupunta ng room. Dumideretso na kami sa room kung nasaan yung jail booth para dun iwan yung mga gamit tapos dumideretso na kami sa events hall para matulungan sila sa pag aayos ng mga booths. "Emily wag ka na magbuhat mamaya." Ani Kuya Kenneth sakin. "Ha? Bakit po?" Tanong ko. "Ayaw ni Ken ng pinagbubuhat ka. Hinika ka daw kahapon kaya di ka na pwede magbuhat." Sagot niya. "Kuya naman. Duty yun eh. OA lang ng kapatid mo. Mas OA pa sa nanay ko." Sagot ko. "Ala di pwede. Kung gusto mo magklase ka na lang para di ka nakatunganga jan." Sagot niya. "Kuya naman. Last day na ohhh. Sige na please kuya. Ako na bahala kay Ken." Sagot ko. "Ok sige hahayaan kita basta kapag nalaman ni Ken sasabihin ko ikaw nagpumilit." Sagot niya na tinanguan ko naman. Wala na masyadong gagawin dito sa events hall kaya sumunod na ko kila Andy sa room ng jail booth. Nang dumating ako dun ay nag dedesign na sila kaya tumulong na rin ako. May sinalihan akong contest ngayong festival. Nakapasok ako sa final round ng quiz bee sa Araling Panlipunan tapos sumali kami ni Andy sa essay writing. Ako filipino siya english. Sana masungkit ko yung dalawang medalya. Matagal na rin akong nagsusulat kaya kampante na ko na masusungkit ko yung sa essay kahit first place lang ok na ko. "Hi mga ate. Excuse lang po kay Emily." Bati ni Ken sa may pinto. Napatigil ako sa ginagawa at nilapitan siya. "Ano ginagawa mo dito? Diba may klase?" Tanong ko sa kanya. "Dinalan lang kita lunch kasi alam kong masskip ka nanaman. Kaya para di ka magskip ng lunch dinalan kita. Tigisa kayo ni Andy sa meal." Sagot niya. "Thanks. Balik ka na sa klase baka makita ka pa ng teachers." Sagot ko. "Hindi yan. Nagpaalam naman ako eh." Sagot niya. "Sige. Mamaya na lang. See you later." Sagot ko. "Ok. Kainin mo yan ah." Sagot niya. Tinanguan ko na lamang siya. "Ayieeee!!!" Sigawan nila. "Shhhhhh! Wag kayo maingay! Pag ako napagalitan kayos sisihin ko!" Saway ko sa kanila dahil talaga nga namang ako ang papagalitan pag nagkataon. "Anong ingay yon scouts?" Tanong sa amin ni Ate Angel. "Ala po Ate. Pwede na po ba maglunch? Nagugutom na po kami." Reklamo ng isang scout sa grade seven. Past 12 na rin kasi at kakatapos lang ng mga estudyante na maglunch. Kaya siguro dinalan ako ng lunch ni Ken. "Ok tapos bumalik agad kayo sa pagdedesign para matapos kayo ng maaga at mapasukan niyo yung mga last period classes niyo." Sagot niya bago lumabas ng room. Umupo kami ni Andy sa isa sa mga arm chair. Wala si Kate dahil absent. Di ko na alam nangyayari kina Sandra dahil busy nga kami ni Andy sa pagdedesign ng events hall at itong jail booth. "Andy ere oh. Tigisa daw tayo sabi ni Ken." Tawag ko sa atensyon niya. "Wow. Sweet naman ni Ken. Kinikilig ako. Di lang ikaw yung nililigawan. Pati kami." Sagot niya. Tawa lang ang isinagot ko. "Nagpractice ka na ba para sa upcoming contest natin?" Tanong ko sa kanya. "Hindi na kailangan magpractice para dun. On the spot yun eh. Kung papractisin mo malilito ka." Sagot niya. Sa bagay oo nga naman. "Eh ikaw nagreview ka na ba?" Tanong niya. "Oo kahapon pa ko nanunuod ng mga latest news." Sagot ko. Paniguradong latest news ang itatanong sa amin. Kaya halos lahat ng latest news pati sa diyaryo eh binabasa ko para naman masungkit ko yung medalya. Second year ko na sa pagsali dito at palaging di ko nakukuha. Palaging higher grade level ang nakakakuha kaya desidido na talaga kong makuha ang inaasam asam kong medalya. Pinagiisipan ko pa kung sasali ko sa spoken word contest ng school dahil gusto ko naman na marinig nila ang piece ko. Ang tanging alam lang kasi nila ay nagsusulat ako ng tula. "Eh yung sa spoken word? Itutuloy mo ba?" Tanong niya. "Di ko alam. Pero kapag tumuloy si Ivan tutuloy na rin ako." Sagot ko. Nagpaplano ding sumali si Ivan sa spoken word contest. Kaya kapag tumuloy siya tutuloy rin ako para naman may kasama ko. Mahirap sumabak sa contest ng mag isa. Iba-ibang dates naman yung mga sasalihan ko kaya ok lang. Yung spoken word sa opening day. Last day ngayon ng pagreregister kaya icoconfirm ko manaya kay Ivan kung sasali siya para maiparegister ko kay Zoe yung names namin. Sana sumali ang mokong na yun. Ang galing pa naman nun tumula. Ako pa lang daw nakakarinig nun pero di ako makapaniwala. Dahil ang daming babae na nakapaligid sa kanya tapos sakin nuya pa pinarinig yung isang piece niya. Quits lang kami kasi siya rin ang unang lalaki na nakarinig ng pagtula ko. Di ko yun pinaparinig kay Ken kasi nahihiya ako. Baka kapag sumali ako eh mamangha na siya. Mamaya naman makakaattend kami sa last period kaya matatanong ko si Ivan kung sure na ba siya na sasali. Nagpatuloy kami sa pag aayos ng jail booth. Ilang minuto lang ang hinintay namin at pinabalik na kami sa mga room namin. "Good afternoon Ma'am, sorry I'm late." Bati ko. Tango lang ang isinagot niya sa akin. Tumabi ako kay Lean katabi niya naman si Ivan. "Ivan tutuloy ka ba?" Bulong ko. "Oo bakit?" Tanong niya. "Sabay na kita kay Zoe pag nagparegister ako aa kanya." Sagot ko. "Nice! Di ko na kailangan pumila-pila pa mamaya." Sagot niya. "Ha? Bakit ka naman pipila?" Tanong ko. "Eh ganun daw ang gagawin ng admin." Sagot niya. "Ahhh. Eh sakin isang chat ko lang kay Zoe ng pangalan natin nasa listahan na tayo." Sagot ko. "HAHAHAHA. Loko kang babae ka." Sagot niya. Tinawanan ko na lang siya at nakinig na sa teacher. Mamaya dadaan ako sa office ni Zoe para maipalista yung pangalan namin. Nang maguwian dumaan nga ako sa opisina ni Zoe. Nandun aa siya buong maghapon para ayusin yung mga nagpapalista ng pangalan nila sa spoken word contest. "Zoe lista mo mga pangalan namin." Bati ko sa kanya ng makapasok ako sa opisina niya. "Sino ba?" Tanong niya. "Kami ni Ivan." Sagot ko. "Anong contest?" Tanong niya. "Spoken word." Sagot ko. "Ok noted." Sagot niya. At saka itinayp ang pangalan namin sa computer niya. Nang lumabas ako nakita ko si Ken. "Oi Ken! Nagpalista ko ng name eh." Bati ko. "Ahhh. Kaninong pangalan naman?" Tanong niya. "Samin ni Ivan kasi sasali kami sa spoken word contest." Sagot ko. "Ahhh. I see. So lika na hatid na kita sa dorm niyo." Aya niya. "Paano sina Andy at Zoe? Napagusapan kasi namin na sabay-sabay kaming uuwi." Sagot ko. "Nakausap ko na sila nung bumalik kayo sa room nung tapos na kayo magdesign." Sagot niya. "Ahh sige. Magrereview pa ko para sa quiz bee eh." Sagot ko. "Lets go." Aya niya. Sabay kaming naglakad papunta sa dorm. "Papanuorin kita sa spoken word contest ah." Paalam niya. "Sige ba. Baka akala mong kakabahan ako." Sagot ko. "HAHAHAHA. Papanuorin talaga kita." Sagot niya. Tsaka umalis. Nagbabad na ko sa pagbabasa ng online news ngayon at panunuod ng live stream ng balita. Alas siyete na ng bumaba ako. Nagsisimula na silang maghanda ng dinner. "Oh guys nandito na pala kayo. Di ko naramdaman pagdating niyo." Bati ko. "Eh syempre pati ata pagbukas ng pinto ng kwarto mo di mo naramdaman sa sobrang focus mo sa panunuod ng balita." Sagot ni Lean. "Pasensya na. Alam niyo namang kinacareer ko ang pagrereview eh." Sagot ko. "HAHAHAHA. Ok lang. Gusto din namin na manalo ka." Sagot niya. "Ano niluto niyong ulam?" Tanong ko. "Caldereta." Sagot niya. "Ahhh. Punta lang ako kitchen para makatulong." Paalam ko. Tango lang ang sinagot niya sa akin. Nang makarating ako dun ay tapos na magluto si Sandra naghahain na siya kaya tumulong na ako. "Sandra tawagin mo na sila." Utos ko. "Ok." Sagot niya at umalis na sa dining. Nang makarating sila lahat ay nagsimula na kaming kumain. "Alam niyo kinakabahan ako kasi first time ko magsspoken word sa harap ng maraming tao." Pagbasag ko sa katahimikan dahil masyado nang tahimik. "Wag ka kabahan. Alam mo naman yung mga sasabihin mo eh. Tsaka andun lang kami sa paligid sumisigaw ng 'we love you Emily!' Tapos nandun din si Ken oh ano pang ikakaba mo?" Sagot ni Zoe. "Yun na nga yung nakakakaba. Nandun si Ken." Sagot ko. Iniimagine ko pa lang na papanoorin niya ko nanginginig na ko. Iniisip ko baka makalimutan ko yung mga lines na kinabisado ko bago tumula. "Basta chinicheer ka namin. Kapag may nakalimutan ka ingiti mo lang." Usal ni Lean na nagpabalik sakin sa reyalidad. "O-oo susubukan kong di kabahan." Sagot ko. Nagpatuloy na kami sa pagkain at matapos kumain ay nagpaalam na kami sa isa't isa na matutulog na. Nagreview ako ng sandali at naghanap ng piece para sa Lunes. Gusto ko yung tatamaan si Ken. Naalala kong binigyan ko si Ken ng tula na may title na "Isang daan" tapos gumawa din ako ng tula na nagtatapat sa kanya na ako yung nagsulat kaya naisip ko na yun na lang ang gamitin kong piece. Buong weekend kinabisado ko ang piece at naghanap na rin ako ng formal na damit. Ang nakuha ko ay mini cocktail dress na kulay pink tsaka pinaresan ko ng creme colored 2 inches heels. Hinanger ko ang damit na susuotin ko mamaya at ang creme heels ay binitbit ko. Nilagay ko ang lahat ng yun sa locker ng dumating ako sa school. "Oi morning! Handa ka na ba mamaya?" Tanong ko kay Ivan nang magkita kami sa room. "Oo ikaw? Ready ka na ba?" Tanong ko. "Oo kabisado ko na yung piece eh." Sagot ko. Nang magring ang bell ay pumila na kami at nagtungo sa quad. Bigla kong naalala yung katarantaduhang ginawa namin ni Ken dito. Tinawag ng emcee ang principal upang magbigay ng welcome remarks. Matapos nun ay announcement ng opening of booths. Matapos ay tinawag na kami upang maghanda sa competition. Nagbihis na kami. Habang nagbibihis ako ay rinerehearse ko yung piece na kinabisado ko. Si Lean daw ang mag memake up sa akin. Nagdala din ako ng hair iron para makulot ang buhok ko ngayon. Hindi kasi pwedeng kulutin kapag papasok pa lang sa school. Meron kaming designated room kung saan mag aayos. Habang kinukulot ko ang buhok ko ay minemake upan ako ni Lean. "Light make up lang Lean baka mamaya magmukha akong clown ah." Bilin ko kay Lean. "Oo. Di ka magmumukhang clown. Pagagandahin kita at sisiguraduhin kong mahuhulog sayo si Ken." Sagot niya. "Manahimik ka diyan Lean. Ilang minutes na lang oh. Matatapos na yung time sa pagpeprepare kaya umayos ka diyan." Sagot ko. Tumahimik na siya at tinuloy ang pagmemake up sakin. "Guys 5 minutes more to prepare and memorize your pieces then we'll start." Ani ng incharge sa spoken word contest. "Ok po." Sagot namin. Habang binabasa ko ang piece na ginawa ko ay tumunog ang cellphone ko. Nakita kong name ni Ken ang nakalagay dito.
BINABASA MO ANG
Still You (COMPLETED)
Romance"I will let you go Ken not because I don't love you anymore but because this is me loving you. Until we meet again. I love you Love." -Emily Savvanah Howards Will letting him go will mend the pain? Or it will cause more pain? Matagal niya yun hinint...