Warning: May sampalang magaganap. Maghanda na po kayo ng pampalipad sa haliparot na iyon papunta sa Mars. Siya na lang po ipalit niyo kay Peter Armstrong🤣
Emily's POV
Nagulat ako ng isigaw nila ang pangalan ko bilang prom queen. Di naman ako ganun kaganda para manalo sakto lang. Tsaka asa pa kong manalo eh si Ana kalaban ko. Alam ko kung gaano kadumi maglaro ang babae na yun. Hindi ako aasang ako ang magiging prom queen. Nagcollect na kanina ng votes para sa prom king and queen habang nagpeperform si Miss Moira. Alam ko naman ang isinulat ng mga kaibigan ko. Ako ang sinulat nila dun dahil moral support. Ako sinulat ko si Sandra HAHAHAHA. Wala na kong maisip eh. Alangan namang ilagay ko dun sarili ko. Sa prom king naman si Ken ang nilagay ko. Kasunod ni Miss Moira na nagperform ang dance troop ng school. Bumalik ang MC dala ang isang maliit na envelope. "The votes are counted and now verifying. I will announce the people's choice awardee." Aniya. Iba ibang pangalan ng babae at lalaki ang sinasabi nila. Tumayo muna ko para mga cr. Nag retouch ako dahil pakiramdam ko burado na yung make up ko dahil sa cotillion at pagfreestyle sa dance floor kanina. May kaunti naman akong kaalaman sa pagsasayaw pero pang tiktok lang HAHAHAH. Paglabas ko ng cr ay nasa taas na yung people's choice ng grade 10. Bumalik na ko sa table namin. "Uyyy nagretouch siya. Para prepared kapag kimuha ang korona ng prom queen." Bati ni Sandra. "Hindi nga ako yung prom queen. Hindi para sakin ang titulo na yun ok?" Sagot ko. "Ok." Sagot niya. Ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa nagpipicture taking sa stage. "And for the people's choice awardee of grade nine is.... Emily Savvanah Howards!" Ani ng MC. Nagulat ako at hindi alam ang gagawin kaya tumayo na lang ako at pumunta sa stage. Nakipagkamay ako sa MC at kay Dean Perez. "Congrats Miss Howards." Bati niya habang inaabot sa akin ang trophy. "Thank you po." Sagot ko. Nakipagkamay ako sa mga sponsors at guest speaker pati sa MC. Humarap na kami sa camera at ngumiti. Bumaba na ako ng stage. Ngiting tagumpay ang binigay ko sa mga kaibigan ko dahil napatunayan ko sa kanilang hindi ako ang magiging prom queen. "See? Hindi ako ang prom queen." Sagot ko. "Sayang Ems! Mas bagay ka pa naman sa prom queen. Pero congrats pa rin." Aniya. "Thank you!" Sagot ko. "Congrats Ems!" Bati naman ni Sandra. "Thanks Sands." Sagot ko. "Congrats Ems!" Bati naman ni Ivan sabay beso sa akin. "Thank you!" Sagot ko at nakipag beso na rin. Halos patayin ako ng tingin ni Sandra. "Wag ka mag alala Sands. Sayong sayo si Ivan. Hindi ako nagbabalak na agawin siya. May Ken na ko noh!" Ani ko na parang nababasa ang naiisip ni Sandra. Umupo na ko sa upuan ko sa tabi ni Andy. "Congrats." Aniya. "Thanks." Sagot ko. "The long wait is over! We will now announce tonight's prom king and queen!!!" Ani ng MC at saglit na pumunta sa backstage. Nagvibrate naman ang cellphone ko sa purse na dala ko.Ken:
Congrats prinsesa ko❤️Me:
Thank you😊Bumalik ang MC sa stage na may dalang maliit na envelope. "Tonight's prom king and queen is...." Aniya. Kasabay nun ay sigawan ng iba't ibang pangalan pero karamihan ang naririnig ko ay Ana iba naman ay ako. Lahat inaabangan kung sino ang magiging prom queen pero ako tahimik lang na nanunuod sa nasa stage. "Alyiana Nicole Arthur and Ken Pietro Lizardo." Ani ng MC. Ngumiti na lang ako kahit nakikita ko yung kamay ni Ana ay nakalingkis sa braso ni Ken. Tinanggap nilang dalawa ang korona at nakipagkamay sa mga sponsor. "To end this night the prom king and queen will have their dance on the dance floor." Ani ng MC. Pumunta na sila sa dance floor at itinutok na sa kanila ang spot light. Nagsimula nang magplay ang can you feel the love by boys avenue. Nagsway na sila ng magkatitigan. Hindi ko mapansin ang ekspresyon sa mata ni Ken pero nakikita kong nakangiti ang kanyang mga labi. Ang kay Ana naman ay parang ngiting tagumpay dahil napasakanya nanaman si Ken. Parang ang sarap pumatay ngayon. Parang gusto kong manabunot pero pinipigilan ko ang sarili ko. Hinayaan ko na lang sila magsayaw. Ng patapos na ang kanta ay bigla na lang hinalikan ni Ana si Ken. My heart is shattered into pieces because seeing the love of my life kiss another girl. My tears slowly falls while watching them. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Andy para maramdaman kong may kasama ako at hindi magbreak down ng di oras. Kalma Emily kalma. Pero nagpatuloy ang pagluha ko. Napansin siguro ni Sandra na umaangat ang balikat ko kaya pumunta siya sa harapan ko. "Umalis ka diyan! Nanunuod ako ano baaaa?" Pabirong ani ko. Hindi niya mapapansin ang luha ko dahil nakamaskara ako at madilim dahil nakila Ken ang spot light. Pero di pa rin siya umalis sa harap ko. "Sandra, umupo ka na. Mapapagalitan ka pa ng adviser niyo." Ani naman ni Ivan. Walang nagawa si Sandra kundi ang umupo na lang ulit sa upuan niya. Matapos nilang magsayaw ay nag closing remarks na ang mga sponsor at guest speaker. "Thank you for joining tonight's ball. Good night!" Ani ng MC at bumaba na ng stage at nakisama sa kumpulan ng mga executives. Pumunta na kami sa designated places ng mga adviser namin para mapirmahan ang attendance. Matapos pumirma ay lumabas na ko. Kasunod ko si Lean, Zoe at Andy. "Ands, sa dorm ka ba uuwi?" Tanong ko. "Uh no pero pwede ko naman tawagan yung tita ko kung gusto mo umuwi ng dorm sasamahan kita." Aniya. "Kayo?" Baling ko kila Lean at Zoe. "Ako uuwi eh." Ani Lean. "Ako din." Ani Zoe. "Sige." Sagot ko. Lumayo muna sa akin si Andy para siguro tawagan ang Tita niya. Ako naman ay kinontact ko na si Tita Jo. "Hello Ems. Tapos na ball niyo?" Bati niya ng sagutin ang phone. "Ah opo Tita Jo. Hindi po muna ko uuwi sa bahay. Sa dorm po ko uuwi. Kasama ko po yung isang kaibigan ko." Sagot ko. "Ah ok. Sasabihin ko na lang kay Tita Mhel at kay Nanay na sa dorm ka matutulog." Sagot niya. Tinext ko din si Mommy.
BINABASA MO ANG
Still You (COMPLETED)
Romance"I will let you go Ken not because I don't love you anymore but because this is me loving you. Until we meet again. I love you Love." -Emily Savvanah Howards Will letting him go will mend the pain? Or it will cause more pain? Matagal niya yun hinint...