Emily's POV
Excited na ko dahil makikita ko na ulit sila Andy. Kahit nagkita naman kami sa hospital kahapon. Narito namaman yung kaba ko. Kaba na baka makita ko si Ken at Ana. Hindi pa kami nag uusap ever since nung kiss nila ni Ana. Naligo na ako dahil ihahatid ako ni Mommy at ihahatid naman ako nila Andy pauwi. "Ready ka na ba Ems?" Tanong ni Mommy. "Opo Mi. Inaantay ata ako nila Andy sa gate. Tara na." Aya ko kay Mommy. "Oh sige." Sagot niya. Sumakay na ko sa kotse namin. Nagdrive na papunta sa school si Mommy. "Hindi mo nakalimutan yung gamot mo ah." Tanong niya ng makahinto sa gate. Tanaw ko na sila Andy mula dito sa kotse. "Opo Mi. Papahatid na lang ako kila Andy pauwi." Sagot ko. "Ok. Ingat ka. Magtext ka agad kapag sumama pakiramdam mo." Sagot niya. "Opo Mi. Byeee! Love youuu!" Sagot ko. "Love you!" Sagot niya. Bumaba na ako ng kotse. Sinalubong ako ng yakap ni Sandra. "Huy! Ano? Kayo na ba ni Ivan kaya ganyan ka makayakap?" Tanong ko. "Loko hindi! Namiss lang kita." Sagot niya. "HAHAHAHAHAHA. Nagkita lang tayo kahapon eh!" Sagot ko. "Ayoko nang makikita kang nandoon ah! Tuwing matutulog ako iniisip ko kung nakakatulog ka ba ng mahimbing." Sagot niya. "Ang drama naman ng Mais ko!" Singit naman ni Ivan. "Hindi 'to pagdadrama noh, Yelo! Pag aalala!" Sagot ni Sandra. "Ay nako tara na tara na!" Aya ni Lean. "Teka nasan si Zoe?" Tanong ko. "Ay nako maraming trabaho sa sc kaya nadoon nanaman sa opisina niya." Sagot ni Lean. "Eh si Andy?" Tanong ko. "Nandun sa library kasi may kailangan iresearch." Sagot naman ni Sandra. "Ah wait lang." Sagot ko. Kinuha ko sa bag ko yung inpods ko at nilagay sa tenga ko para di ko marinig yung pag uusap sa paligid ko. Pumasok din agad ako sa classroom namin. Si Ivan ang katabi ko. Ayoko makatabi yung iba. Ayoko muna makarinig ng mga pang iinsulto habang klase dahil hindi ako makakapag focus. Ng dumating ang teacher namin ay tinanggal ko na yung inpods ko. Nilabas ko na yung notebook ko. Nagsulat na ako ng mga sinisulat niya sa board. Math 'to kaya kailangan ko makinig ng mabuti. Ayoko nang mangulelat sa math dahil alam kong iinsultuhin nanaman nila ko dahil hindi naman ako magaling sa math. Ng matapos ang klase ay nagaya akong maglocker muna. Pagkabukas ko ng locker may bulaklak. Black roses. Isang bouquet. 'Welcome back' ang nakalagay. Nanginginig kong kinuha yung roses at tinapon sa sahig. "Ano yan Ems?!" Nag aalalang ani Ivan. "N-nakita k-ko y-yan s-sa l-locker." Sagot ko. "Putsa! Kailan ba titigil 'yong babaeng yon!" Nanggagalaiting ani ni Sandra. Napayakap na lang ako kay Sandra at umiyak. "Kakapasok ko pa lang ganto yung aabutan ko sa locker ko." Ani ko. "Shhhh. Andito kami. Wag ka umiyak." Sagot ni Sandra. Hindi ko naman deserve 'to. Hindi ko na nga kinakausap si Ken eh. Ng kumalma na ako ay kinuha ko yung black roses. "Umalis na kami ng locker area at dumeretso sa canteen. Naroon na sila Andy sa spot namin sa canteen. Umupo na ko at iniwan ang mga gamit ko sa upuan ko. Pumila na ko. Kasunod ko si Ivan. Nakita ko sila Ana at Ken na ang sweet sa isa't isa. Pinunasan ni Ken yung sumobrang sarsa nung ulam sa labi ni Ana. Pinikit ko na lang ang mga mata ko at huminga ng malalim tsaka muling dumilat. Ng kalmado na ako ay umorder na ako ng pagkain. Dumaan ako sa pwesto malapit sa grupo ng mga babae mula sa grade ten. "Diba yan yung pinampalipas oras ng kapatid ni Kenneth?" Bulong nung isang babae na may maigsing buhok at rebonded. "Ay oo. Alam mo feeling ko naghahabol pa rin siya." Sabi naman nung kausap niyang may mahabang buhok at kulot. Hindi ko na pinakinggan yung mga sinasabi nila dahil baka mamaya magbreak down ako ng di oras. Umupo na ako sa pwesto ko at pinilit ang sarili na kumain. Nakakawalang gana yung kumakain ka tapos nakakarinig ka ng kung ano anong pang iinsulto sa paligid mo. "Ems. Kain na. Iinom ka pang gamot diba?" Tawag ni Andy sa atensyon ko. "Oo. Ah pwede pagkakain ko deretso muna ako sa garden. Gusto ko lang mapag isa." Sagot ko. "Ok. Hahatid ka na lang namin." Sagot niya. "Wag na I can do it my self." Sagot ko. Matapos kong kumain ay kinuha ko ang gamot ko sa bag at ininom ito sa harapan ng mga kaibigan ko para di na nila ako tanungin ng paulit-ulit kung nakainom na ba ako ng gamot. "Ayan guys ah! Nakita niyo na nakainom ako ng gamot. Kaya wala nang unli tanungan mamaya ah!" Ani ko ng matapos kong lunukin ang gamot. Tumayo na ako at kinuha ang bag ko. Ang dala ko lang sa bag ko ay yung laptop ko at Ipad. Bihira na ko gumamit ng notebook dahil tinatype ko na lang ito. Nakakatamad din kasi magsulat. "Nasa garden lang ako. Tawagin niyo ko kapag tapos na yung lunch. Alam niyo namang boplaks ako pagdating sa oras." Bilin ko sa kanila bago umalis. "O-okay." Kinakabahang sagot ni Sandra. "Wag ka mag alala kaya ko sarili ko. Ako na bahal sa kanila." Sagot ko. Nginitian ko siya para masiguradong magiging okay ako. Naglakad na ako papunta sa garden. Umupo ako sa favorite spot naming magkakaibigan. Tahimik kong tinatanaw yung mga bulaklak dito sa garden. Kinuha ko yumg inpods ko at inilagay sa tenga ko. Habang nagpapatugtog ay binuksan ko ang laptop ko para makapgasulat ng chapter. Wala na akong pakialam sa mga taong nakamasid sa akin. Naramdaman kong may tumabi sakin. Di ko pinapansin dahil akala ko sila Sandra. Pero nararamdaman ko yung tingin. Sorbrang matiim. Parang ang tagal niya kong hindi natitigan. Nagpatuloy na lang ako sa pagtatype pero may kamay na pumigil sa pagtatype ko. Handa ko na sanang iaalis yun ng pagsiklopin niya ang mga kamay namin. Kakaibang kuryente ang dumaloy sa katawan ko. Ng binalingan ko ito ng tingin ay si Ken ito. Namumugto ang mga mata at malalaki ang eyebags. Parang walang tulog. Hinapit niya ako palapit sa kanya at yinakap ako ng napakahigpit. Huminto na yung kanta sa cellphone ko. Tinanggal ko yung inpods ko. "Ken bitaw na. Baka magalit si Ana. Mapagtripan ako." Ani ko dahil masyado na siyang matagal na nakayakap sakin. Gustuhin ko man na ito'y patagalin ay hindi pa rin pwede. Maaari ko itong ikapahamak. "Please just let me rest. I'm tired of pretending please." Aniya. "Let me go Ken!Ayokong mapahamak nanaman ng dahil sayo." Sagot ko. Pinipilit kong kalasin yung yakap niya pero mas lalo pa itong humigpit. "Ken! Wake up! Hindi ako ang babaeng para sayo okay? Si Ana yon! Let me go!" Dagdag ko pa. "Ken please. Kakatanggap ko lang ng bouquet of black roses. Ayoko nang makatanggap pa ng bulaklak ng patay. Kaya please let me go!" Piglas ko pa dahil ayaw niya talaga kong bitawan. Umiyak na ko dahil ayoko nito. Nasasaktan lang ako lalo. Mas nahihirapan akong mag let go. "Ken please. Tama na 'tong laro mo. Tama na please." Nagmamakaawa na akong bitawan niya. Binitawan niya na ako. "Sorry. I just missed you." Sagot niya. "Don't tell me you missed me. It hurts." Sagot ko. "I'm sorry. Hindi ko sinabi sayo kasi alam kong masasaktan ka. Alam kong may mangyayari sayo anytime malaman mo." Sagot niya. "May nangyari nga sakin. Na social at physical bullying ako. Ken alam mo namang nabully na ako nung elementary. Ayoko na sanang maulit pero nag deja vu eh. Umulit nanaman. Muntik pa ko mabugbog. Tapos kanina nakatanggap ako ng black roses saying welcome back. Ken, you know what black roses mean to me? It means death. Ayoko pang mamatay ng dahil sayo." Sagot ko. "Hindi ko alam na ginaganyan ka pa ni Ana. Akala ko tumigil na siya. Akala ko hininto niya na yung pananakot sayo." Sagot niya. "Layuan mo muna ako sa ngayon. Ayoko munang makipag usap sayo. Napapagod na ko makinig sa mga pang iinsulto ng mga tao." Sagot ko. "So your giving up? Your giving me up? Ibig sabihin ba niyan sinusuko mo na ako kay Ana? Hindi mo na ako mahal?" Tanong niya. "Mahal kita pero di tayo para sa isa't isa. We are not meant to be together. We are not meant for each other. Siguro sa ibang panahon at pagkakataon magiging tayo pero sa ngayon hindi muna Ken. Not now. I don't know what to do." Sagot ko. "Mahal mo naman pala ako eh. Bakit hindi mo ako kayang ipaglaban?" Tanong niya. "Mahal mo ba ko?" Matapang kong tanong. "Oo." Sagot niya. "Mahal mo rin pala ko eh bakit hindi mo siya kayang iwan?" Sagot ko. Niligpit ko na yung mga gamit ko at tumayo na. Maglalakad na sana ako paalis ng muli niyang hapitin ang braso ko at yinakap sa kanya. "Just one last hug. Lalayuan na kita. Pero may isang hiling ako sayo." Aniya habang nakayakap sa akin. "A-ano?" Tanong ko. "Bigay mo sakin yung notebook na pinagsulatan mo ng mga poems about sakin. Para kahit papaano may magpapaalala sakin na may isang Emily Savvanah Howards na nagpahalaga at minahal ang tulad ko." Sagot niya. Pinikit ko ang mga mata ko at dinama ang yakap niya. "Sige. Papabigay ko na lang kay Sandra." Sagot ko. Tumalikod na ako sa kaniya at nagpunta na sa library dahil alam kong nandoon sila Andy.
BINABASA MO ANG
Still You (COMPLETED)
Romansa"I will let you go Ken not because I don't love you anymore but because this is me loving you. Until we meet again. I love you Love." -Emily Savvanah Howards Will letting him go will mend the pain? Or it will cause more pain? Matagal niya yun hinint...