CHAPTER 29: YES

33 4 2
                                    

Emily's POV
Mabilis lang lumipas ang mga araw at Monday na. Nandito ako sa bahay namin para sa salo-salo. Bored na bored na ako. Gusto ko na nga magpaalam kaso usapan namin 2pm pa ako aalis. Eh 12 pm pa lang. Nandito pa sila Tita Shane yung Mama ni Ate Gabrielle. "Emily, kamusta ang pag aaral mo?" Tanong ni Tita Shane. "Okay naman po. Running for honors po ako." Sagot ko. "Wow. Congrats." Sagot ni Ate Jhoie kapatid ni Ate Gabrielle. "Thank you Ate." Sagot ko. "Eh may manliligaw ka na ba?" Tanong naman ni Kuya Kevin. "M-meron po." Sagot ko at napaiwas ng tingin sa kanila. "Ah. Wag pababayaan ang pag aaral ah." Sagot naman ni Kuya Rence. "Opo." Sagot ko. Ilang saglit lang ay nagpaalam na din sila. Sila Kuya Mark at Ate Gabrielle lang ang naiwan dito sa bahay. 1:30 pm na din ng maisipan ko nang magpaalam. "Mommy. Alis na po ako. Mag aayos pa po ako ng gamit na dadalin ko. 4 pm po alis namin dito sa Malolos." Paalam ko. "Sige 'nak. Magtext ka kapag paalis ka na dito at magtext ka rin kapag nakarating ka na dun." Sagot niya. "Opo." Sagot ko. Umakyat na ako sa taas para kunin ang shoulder bag ko. Naabala ako sa pag aayos ng bag ko ng biglang magvibrate ang phone ko dahil sa tawag ni Ken. "Hello." Sagot ko sa tawag. "Paalis ka na ba diyan sa inyo?" Tanong niya. "Oo. Bakit?" Sagot ko. "Sunduin na kita." Sagot niya. "Sige. Sa kanto na lang namin tayo magkita." Sagot ko. "Okay. Papunta na ko." Sagot niya. "Okay. Ingat ka sa pagdadrive. Bye!" Paalam ko. "Bye." Sagot niya at binaba ang tawag. Bumaba na rin ako ng kwarto ko. Naabutan ko sila sa sala. "Aalis ka na Ems?" Tanong ni Kuya Mark. "Oo Kuya. 4 pm alis ko dito eh." Sagot ko. "Ingat ka. Magtext ka dito samin kapag nakaalis ka na dito." Sagot niya. Tumango lang ako at yumakap sa kanila. "Alis na po ako." Paalam ko at lumabas na ng bahay. Saglit lang ako naghintay kay Ken sa kanto namin dahil dumating agad siya at may dala pang milktea. "Hello! Kamusta?" Bati ko sa kanya ng makasakay ako sa shotgun seat. "Okay na lahat ng para sa trip." Sagot niya. "Mmm. Saan kami sasakay nila Andy?" Tanong ko. "May van akong nirentahan. Tapos naghire na din si Ate ng driver para ipagdrive tayo." Sagot niya. "Ah ok. Eh paano yung isa mo pang kapatid? Si Kyle? Kyle nga ba?" Sagot ko. "Ah si Kyle. Nakauwi na si Kuya Kenneth kagabi eh kaya may kasama na siya." Sagot niya. "Ahh. Edi yung ate mo na lang yung nasa Tagaytay?" Sagot ko. "Oo. Siya yung nag aayos dun sa bahay." Sagot niya. Tumango na lang ako. Ng makarating kami sa tapat gate ng Franklin U ay lumabas na ako. "Thank you sa paghatid sa akin Ken. See you later! Ingat!" Paalam ko. "See you later Ems. Love you!" Sagot niya tsaka pinaharurot ang kotse palayo. Iniwan akong tulala. Nakakainis. Pinagmukha niya akong tanga dito. Pumasok na lang ako ng gate at naglakad papunta sa dorm. Inabutan ko silang nagmemeryenda. Nakisalo na din ako. "Nagprepare na ba kayo?" Tanong ko. Lahat sila napalingon sakin. Na para bang sinusuri ng mabuti yung mukha ko. "Ems, kailan ka pa natutong magblush on?" Tanong ni Zoe. "Ha? Ako? Blush on? Alam niyo namang ayaw ko nun eh." Sagot ko. "Eh bakit namumula ka?" Tanong naman ni Sandra. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanila. "Sino naghatid sayo?" Tanong ni Andy. "Si Ken." Sagot ko. "Ah kaya naman pala ganyan ka." Sagot niya. "Anong ganyan?" Sagot ko. "Namumula." Sagot niya. "Ay ewan ko sa inyo. Akyat na nga ko sa taas ng makapag ayos na ko." Napipikon kong sagot  at umalis na sa dining area. Umakyat na ko sa taas at chineck yung duffle bag ko kung kumpleto na ba lahat ng kailangan ko. Nagbukas muna ko ng wattpad account ko para tingnan kung ilang reads na ang meron sa kwento ko. Ng mabuksan ko ito at makitang 4,000 reads na hindi mapuknat ang ngiti sa labi ko. Naiiyak ako sa saya. Hindi ko lubos maisip na ganito na kalayo ang narating ko. Na marami na akong naisulat. Sana sa susunod kapag mas rumami pa ito ay may publisher na makapansin sa gawa ko. Mag uupdate na lang muna ako habang naghihintay ng oras. Alam ko namang nagiimpake pa ang mga bruha kong kaibigan.

Ken's POV
Agad kong tinawagan si Ate kagabi para maitanong kung ok na ba ang lahat. Ilang araw rin kaming magsstay dun. Gusto ko naman na comfortable yung mga kaibigan ko. I tried asking Kate to go with us but she declined my invitation. Nandito na ako ngayon sa bahay namin at inaayos yung mga kakailanganin. 3 pm na. Tumawag ako sa gc namin. "Nakaayos na kayo?" Tanong ko sa kanila. "Oo Ken. Ayos na. Ikaw na lang kulang." Sagot ni Sandra. Sumagot naman sa tawag si Emily pero nagtatype lang sa laptop niya. "Ems, ano yan?" Tawag ko sa atensyon ni Emily. "Chapter." Sagot niya na hindi tumitingin sa cellphone. "Magbabakasyon na nga lang tayo nagsusulat ka pa rin." Komento ni Ivan. Nag angat siya ng tingin sa phone. "Matagal akong hindi makakapag update kasi kasama ko kayo diba? Kaya nagsusulat ako ngayon para hindi maupdate ko sila na matagal akong di magsusulat. Okay na ba yung explanation Yelo?" Paliwanag niya kay Ivan. "Okay. Sabi mo eh." Sagot niya. "Ayos na ba gamit mo?" Tanong ko naman sa kay Emily. "Oo. Walang labis walang kulang." Sagot niya. "Baka naman dal'in mo pa 'yang laptop mo pag pumunta tayo ng Tagaytay ah." Sagot ko. "Oo. Gagawa ako drafts eh. Bakit?" Sagot niya. "Ems naman! Pagpahingahin mo nga 'yang utak mo! Hindi ka ba napapagod kakasulat?" Sagot ko. "Hindi napapagod ang writer kakaimprove ng ginagawa niya. Walang oras ang writer magpahinga sa pagsusulat. Kailangan palaging mag improve." Sagot niya. Pinahahanga nanaman ako ng babae na 'to. Sobrang devoted siya sa ginagawa niya. Hindi siya basta sumusuko. "Tsaka bakit ako mapapagod sa bagay na mahal ko. Honestly Ken hindi ikaw first love ko eh." Sagot niya. Nasaktan naman ako sa sinabi niya. Hindi pala ako ang first so sino? "Ayan Ken. Torpe ka kasi. Ayan tuloy may nauna sayo." Asar naman ni Sandra. "Kasi ang pagsusulat ang first love ko. I was once journalist before I enter the world of poems and novels. So that means pangalawa ka lang." Sagot niya. "Ems naman eh! Pinakaba mo ko!" Sagot ko. "Bakit? I'm just informing you. Baka mamaya kapag tayo na magalit ka sakin kapag di kita nareplyan kapag nag uupdate ako or gumagawa ng drafts." Sagot niya. "Don't worry hindi ko kakalabanin ang pagsusulat. Alam ko namang kahit napakaraming fictional character ang nandiyan sa isip mo ako lang ang nasa puso mo." Sagot ko. Napaiwas na lang siya ng tingin at naqgpatuloy sa pagtatype. "Ano Ken? Maglalandian na lang ba kayo diyan? Wala ka nang balak sunduin kami?" Ani ni Sandra. "Oo nga Ken. Anong oras na oh? Baka gabihin tayo niyan kapag nakarating na tayong Tagaytay." Pagsang ayon ni Ivan kay Sandra. "Ok. Teka. Mag aayos lang ako ng mga dadalin ko." Sagot ko. Napa face palm na lang silansa paalam ko. "Joke lang! Sige. Alis na ko! Bye!" Paalam ko at binaba na ang tawag. Kinuha ko na ang duffle bag ko at bumaba na. "Ken!" Tawag sa akin ni Kuya Kenneth. "Bakit Kuya?" Sagot ko at liningon siya. "Yung driver nagka emergency." Sagot niya. "Ano? Eh nakaayos na sila. Di pa naman ako sanay magdrive ng van." Sagot ko. "Kaya mo naman siguro idrive yung range rover ni Papa diba?" Sagot niya. "Baliw! Ayoko nga! Baka may mangyari pa ako mapagalitan." Sagot ko. "Eh paano mo dadalin dun si Emily? Alangan namang magcommute kayo? Tatanga tanga ka pa naman pag nagcocommute." Sagot niya. "Eh yung family driver na lang. Hindi pwede magdrive outside the city si Ivan kasi under age pa siya. Ako lang pwede eh di ko alam kung paano magdrive ng van." Sagot ko. "Naka leave yung family driver." Sagot niya. "Eh ikaw na lang kaya Kuya? Marunong ka naman diba?" Sagot ko. "Paano si Kyle?" Sagot niya. "Sama na lang natin tapos pag uuwi na kayo ni Ate iuwi niyo na." Sagot ko. "Okay. Pag aayusin ko na si Kyle." Sagot niya. Agad siyang pumunta sa kwarto ni Kyle para pag ayusin siya. Tinawagan ko naman si Ate. "Hello Ate! Sasama ko si Kyle ah!" Bati ko. "Bakit?! Gagawin mo pa kong babysitter! Kikilalanin ko pa yung liniligawan mo tapos dadalin mo si Kyle dito?! Ede na out of place yun!" Naiinis niyang sagot. "Eh anong gusto mo? Mapagalitan tayo pare-pareho pagbalik nila Mama o isama na lang natin si Kyle?" Sagot ko. "Sige na nga!" Sagot niya. "Okay. Bye!" Sagot ko tsaka ibinaba ang tawag. "Kuya! Bilisan niyo naman! Naghihintay sila!" Sigaw ko mula dito sa baba. Sabay silang lumabas ni Kyle at bumaba. Maids lang ang maiiwan sa bahay. "Yaya Presie. Aalis po muna kami nila Ken. Sa Tagaytay po muna kami kasi bakasyon namin." Paalam ni Kuya Kenneth kay Yaya Presie. Ang mayordoma ng bahay. "Sige po Young Master Kenneth. Sasabihin ko po kila Master at Madam." Sagot niya. Tumango si Kuya Kenneth at lumabas na kami ng bahay. Sa shotgun seat ng van nakaupo si Kyle at nagheadset. Hindi 'to maoout of place dahil matanda naman na 'to. 12 years old naman na 'to eh. "Kyle. Umayos ka ah. Kasama ko yung mga kaibigan ko." Babala ko sa kanya. "Yung mga ka video call mo palagi?" Sagot niya. "Oo. Tigilan mo yung kapilyuhan mo ah." Sagot ko. "Kasma si Ate Emily?" Sagot niya. "Oo bakit?" Sagot ko. "Wala lang. Type ko kasi siya eh. Di siya tulad ng ibang ex mo. Mabait siya tapos nung nagchat ako sa kanya di pa rin siya nagalit sa akin." Sagot niya. "Siraulo ka talagang bata ka! Aagawan mo pa ko." Sagot ko. Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa Franklin University. Pinapasok naman nung guard yung van dahil kilala nila si Kuya Kenneth. Malakas din kapit ng isang 'to sa management ng school. Simpleng scout officer lang naman 'to. Umakyat na ako sa dorm. Inabutan ko sila dun na nagsisibaba na at inaayos ang mag dadalin nila. Nandun din si Ivan tinutulungan si Sandra na mag ayos ng mga dadalhin niya. Si Emily naman may kausap sa phone. Sa tingin ko nagpapaalam na siya. Si Andy naman busy sa phone di ko alam kung bakit. Si Lean ay kalalabas lang ng dining dala yung mga malaking bag ng mga chips. "Ano? Okay na kayo?" Tanong ko sa kanila. Di ata nila ko napansin dahil busy sa mga ginagawa. "Ken. Nandiyan ka pala." Pagpansin sa akin ni Emily dahil ngayon lang siya humarap sa amin. "Tara na." Aya ko sa kanila. "Okay. Lets go!" Sagot ni Sandra. Tinulungan ko naman si Emily na buhatin yung duffle bag niya. Nagtulungan naman si Lean at Zoe sa pagdala nung isang bag ng chips habang si Andy naman ay sa plastic ng mga softdrinks. Si Ivan naman ay tinulungan si Sandra dalin yung mga gamit niya. Sumakay na kami sa van. Hindi ata nila napansin si Kyle. "Hi mga ate at kuya!" Bati ni Kyle na lumingon sa amin. "Hi! Ano name mo?" Tanong ni Lean kay Kyle. "Kyle po Ate." Sagot ni Kyle. "Kaano-ano mo siya Ken?" Tanong sa akin ni Sandra. "Younger brother ko siya." Sagot ko. "I never knew you have a younger brother." Sagot ni Emily. "Magchill ka muna sa biyahe dahil makikilala mo na si Ate." Sagot ko. Nakita ko ang takot sa kanyang mga mata. "Don't worry di nangangain ng tao si Ate. Mabait yun." Dagdag ko para mabawasan ang kaba niya. Ng magsimulang magdrive si Kuya Kenneth ay isa-isa na silang nagsilagay ng mga earphones. Maging si Emily. Tutok na tutok si Emily sa phone niya. Ng silipin ko ito nagsusulat nanaman siya. "Ivan! Ml tayo!" Aya ko kay Ivan. "Sige. Invite mo ko." Sagot niya. Agad kong nilabas ang phone ko at binuksan ang ml. Nagml na lang kami. Halos thirty minutes na kaming naglalaro wala pa rin nakakasira ng tore namin. Kaya pumush na lang kami ng pumush para mabilis matapos yung laro. Ng magsawa kami kakalaro ay naisipan ko na lang manuod ng anime sa Netflix. Bumaling naman ako kay Emily na katabi ko. Nanunuod na siya ngayon ng k drama. Nakangiti pa talaga at kinikilig kilig. Bumaling ako sa likuran ko. Nakasandal na sa balikat ni Lean si Zoe at natutulog habang si Lean naman ay sa bintana nakasandal. Si Sandra naman ay nakasandal sa balikat ni Ivan habang nanunuod ng kung ano sa phone niya. Katulad ni Emily pangiti-ngiti din. Si Andy naman na nasa dulo ng van ay naglalaptop. Nanunuod rin ata or may ibang ginagawa. "Ken. Kuha mo ko chips." Utos sa akin ni Emily. Nakita ko yung bag ng chips sa may gilid ng upuan ko. Kumuha ko ng isang bag at ibinigay kay Emily. "Ken! Can you pass me three bags of chips?" Ani naman ni Andy. Pinaabot ko kay Ivan yung mga chips na pinakuha ni Andy. "Thank you!" Aniya ng makuha ang mga chips. Tumango na lang ako. Nagulat na lang ako dahil nakasandal na sa balikat ko si Emily at payapang natutulog.

Still You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon