Ken's POV
Matapos namin mag usap ni Emily nung araw na yun ay hindi ko na ulit siya nakita. Naging distant din sila Andy sa akin. Binigay lang sakin ni Andy yung notebook tapos iniwan na ako. Hindi lang si Emily yung nawala sakin dahil sa engagement na 'to. Nawalan din ako ng tunay na tropa. Wala na yung mga taong nandiyan kapag kailangan ko ng comfort. Nawala yung pahinga ko. Nawala yung nagbigay ng ilaw sa mundo ko. Yung mga tropa ko ngayon alam kong dumidikit lang 'to sakin for fame. Its so tiring to be with this fake people. Si Emily at ang mga kaibigan niya lang ang tinaggap ako ng totoo. At ngayon wala na sila sakin. Pakiramdam ko useless akong tao kasi wala na sila. Nalulungkot ako kasi wala na yung Emily na nandiyan sa tabi ko everytime I need comfort. Its already 2 am but I can't sleep. Iniisip ko pa rin si Ems. Nagka anemia siya dahil sa akin. Gusto kong piliin siya kaso kung pipiliin ko siya itatakwil naman ako ng mga magulang ko. Putang inang kompanya kasi yan eh! Kung wala yang kompanya na yan ede sana malaya kong minamahal si Emily. Bumaba ako ng kwarto ko at kinuha yung susi ng sasakyan ko. Minaniobra ko ito palabas ng gate namin. Pumunta ko ng convenient store sa labas ng village namin. Bumili ko ng maraming ice cream. Ice cream ang comfort food ko. Ewan ko kung bakit naging cofort food ko yun pero parang dun ko nacocoomfort yung sarili ko. Wala namang ibang magcocomfort sa akin kundi ang sarili ko. Grade six lang kami nung sinabi sa amin ng mga magulang namin na ikakasal kami ni Ana kapag 19 na siya.Parehas kaming late sa school dahil sa business ng mga magulang namin. Ng makadating ako sa bahay ay binalik ko sa maayos na pagkakaparada ang kotse ko. Pagpasok ko nagulat ako dahil nasa sala si Mama. "San ka galing?" Tanong niya. "D'yan lang po sa convinience store." Sagot ko. "Ano ginawa mo dun?" Tanong niya. "Bumili lang po ng midnight snack." Sagot ko. "Ah matulog ka na pagkakain mo niyan dahil may pasok pa bukas." Sagot niya. "Opo." Sagot ko. Pumunta muna akong kusina para kumuha ng kutsara at tubig. Kinuha ko sa ref yung water jug ko at umakyat na sa kwarto ko. Umupo ako sa kama ko at binuksan yuunng isang pine ng ice cream. Cookies and cream ang gusto kong flavor parang si Ems. "Bakit ganun? Gusto ko lang naman magmahal ah.Hindi naman ito nobility pero bakit bawal pumili ng babaeng mamahalin?" Salita ko sa hangin. Mabuti na lang sound proof 'tong kwarto ko kundi pinagtawanan na ako nila Ate. "Siguro nga tama siya. Hindi kami para sa isa't isa. Napapagod na ako ng ganito. Alam ko namang maloko ko pero si Emily ang nagturo sakin kung paano magig matino. Simula ng makilala ko siya naging maayos na ako." Salita ko sa hangin. Naalala ko pa kung paano kami nagkakilala. Nahihiya pa siya n'on kasi transferee daw ako. Tapos yun na. May tinatago pala siyang pagtingin sa akin. Plano ko na siyang ligawan that time kaso tinamaan ako ng katorpehan. Nagka lakas ng loob lang akong magtapat sa kanya nung umaligid na si Ivan sa kanya. Natakoy akong maunahan niya kaya umamin na ako. Hindi ko pa man din siya natatanong officially pumutok na yung issue about sa engagement namin ni Ana. Inanounce kasi nila Mama sa ball yung engagement namin. Low profile lang kami ni Kuya Kenneth kaya paniguradong nagulat din yung mga kaklase namin. Si Ana hindi low profile yun kaya kalat na kalat na mayaman siya. Pagkatapos ng ball that night na pumutok yung issue nagpunta kami sa park ni Ana. Yung park na malapit sa Franklin U. Di ko inaasahan na nandoon din pala si Emily. Napatawa lang naman ako sa joke niya para di siya mapahiya sa mga tao eh. Kaya nattawa na lang ako at ngumiti. Alam kong nagseselos si Emily dahil nakita kong nakamssid siya sa pwesto namin. Ng maubos ko ang ice cream ay uminom ako ng dalawang basong tubig at nagtooth brush na. Almost 3 am na ako nakatulog. Siguradong mukhang sabog nanaman ako bukas. Mukhang nakahithit nanaman. Nagising ako sa alarm ng phone ko. Hayst. Panibagong araw panibagong pagpapanggap nanamang okay ako. Sa room na nga lang ako natutulog eh. Ng bumaba ako ay ready na ang breakfast. "Good morning po." Bati ko. "Ken. Wala ka nanamang tulog. Ano bang nangyayari sayo?" Tanong ni Papa. "Wala po. May iniisip lang ako." Sagot ko. "Ayusin mo sarili mo. Dadating si Ana at ang Tita Annalin mo. Gusto ko matino itsura mo." Sagot niya. "Opo." Sagot ko. Bumalik ako sa taas para mag gel ng buhok at maglagay ng concealer para hinddi mahalata yung eyebags ko. Si Ate nagturo sakin na maglagay ng concealer kapag puyat. Bumaba na ulit ako baka kasi nandiyan na sila Ana. Mukha tuloy akong bakla. Nilagay ko na lang yung salamin ko para di mahalata yung concealer na nilagay ko. "Good morning po ulit." Masiglang bati ko kahit ayoko namang bumati ng masigla. "Good morning Ken. Inaya ako dito ng aking lovely daughter dahil gusto kaniya daw makasabay mag breakfast. Kapit-bahay niyo lang naman kami kaya pumayag na ako." Bati ni Tita Annalin. "Ah. Sabay ko na rin po si Ana papasok." Sagot ko. Inunahan ko na sila dahil alam kong yun na yung kasunod nilang sasabihin. Umupo na ako sa tabi ni Ate. Nginitian ko na lang siya dahil kita rin sa mga mata niya ang pag aalala. Sumandok na ko ng pagkain ko at tahimik na kumain. "Ken, what strand are you going to take in senior highschool?" Tanong ni Mama. "STEM po. Para po makatulong sa firm. Engineering naman po ang itetake ko sa college." Sagot ko. "Oh we're the same." Sagot ni Ana. Tumango na lang ako at nagtuloy na sa pagkain. "Thank you for joining breakfast with us Annalin. See you at the office." Paalam ni Papa sa kanila. Lumabas na ako ng sala para makuha ko na yung kotse ko. Nahirapan ako sa paglabas ng kotse sa garahe dahil nakaharang yuung kotse ni Kuya Kenneth. "Kuya! Yung kotse mo!" Tawag ko sa kanya dahil nakikipagtsismisan pa kay Ate sa tapat ng main door. Siguro may nililigawan nanaman 'to. Napakiusapan nanaman niya siguro yung fiancee niya. Malakas din kasi tama nun kay Kuya Kenneth kaya pinagbibigyan siya. Hindi rin territorial kaya malaya siya. Sabi niya handa na daw siya pero alam ko deep inside gusto niya din makawala sa engagement na yun. Alam kong may hinihintay siyang babae na pwedeng magpalaya sa kanya sa engagement na yun. Inusad ni Kuya yung kotse niya at linabas ko na ang kotse ko. Bumalik ako sa loob para alalayan si Ana. Hindi ko pwedeng pabayaan na lang siya na mag isa sumakay sa kotse dahil baka mapagalitan nanaman ako ni Mama. Kay aga-aga masesermonan ako. Tapos na ko makinig sa mga sermon niya. Binitbit ko ang bag ni Ana at hinawakan ang kamay niya para makita ng mga magulang namin na gentle man ako sa kanya. Pinagbuksan ko siya ng pintuan at ng makapasok siya ay sinarado ko na ito at umikot sa driver's seat. Nang makaupo ako ay binigyan agad ako ni Ana ng questioning look. "Thats for show." Sagot ko na para bang alam ko na ang sasabihin niya. "Oh I thought you already fallen for me." Sagot niya. "Emily owns my heart. Why would I fall for you?" Tanong ko sa kanya. "Maybe nauntog ka na at naramdaman mong ako talaga mahal mo." Sagot niya. Tahimik na lang akong nagdrive papunta sa school. Buong biyahe papunta sa school ay tahimik lang kami at walang nagsalita ni isa sa amin. Ng makaratig nman sa school ay pinagbuksan ko rin siya ng pinto at dinala ang mga gamit. Sa kasamaang palad nakasalubong ko si Emily papasok sa gate. Ngumiti lang siya ng pagkatamis-tamis sa amin pero alam kong peke lang ito. Kilalang-kilala ko si Ems kaya alam kong peke lang ito. Lahat maloloko niya sa ngiti niya pero hindi ako. Hinatid ko si Ana sa room nila. "Ayieeeeeeeee!" Sigawan ng mga kaklase niya. Nginitian ko lang sila na parang nahihiya. Ng pumasok naman ako sa room namin ay nawala lahat ng emosyon ko. Umupo na ako sa tabi ni Sandra. Malamig din treatment sa akin ni Sandra. Ginawa ko na ang dati kong gawain. Ang dumukdok sa desk ko at matulog. Marunong naman ako magself thought kaya di ako mahihirapang makasabay sa kanila. Kapag ginigising ako sisinghalan ko lang sila at aalis na.
BINABASA MO ANG
Still You (COMPLETED)
Romance"I will let you go Ken not because I don't love you anymore but because this is me loving you. Until we meet again. I love you Love." -Emily Savvanah Howards Will letting him go will mend the pain? Or it will cause more pain? Matagal niya yun hinint...