CHAPTER 14: HAPPY BIRTHDAY EMILY!!!!

57 8 5
                                    

Emily's POV
Nakakagulat yung tanong sakin ng teacher kanina. Di naman kasi namin yun teacher kaya di ko kilala. Ang weird ng tanong niya. Nakaka confuse. Paano niya ko natanong ng ganun?? Di naman namin siya teacher. Nang matapos ang klase namin ay agad nagparecess ang teacher namin dahil may kung anong gathering daw. May kinalaman ata sa upcoming na prom. Ewan ko. Basta may gathering lutang ako kanina kaya di ko naintindihan yung sinasabi ng teacher namin. Umorder ako ng fries at coke para sa aking recess. Umupo na ko sa isang table dahil nauna kong bumaba. Nag earphones ako tulad ng nakagawian. Habang inaantay sila tinatype ko sa Ipad ko yung isang chapter ng libro ko. Iniwan ko kila Kuya Mark yung laptop kasi gagamitin daw niya. Ewan ko kung ano yung gagawin niya. Pinadala niya na lang sakin yung Ipad ni Kreisler para daw nakakapag update pa rin ako kahit wala na yung laptop. Nakauwi kasi ko dun nung isang linggo dahil hinahanap daw ako ni Nanay. Habang nag tatype ako sa Ipad may umupo sa harapan ko. Inangatan ko ito ng tingin. Nang makita kong si Ken ito ay ibinalik ko na lang sa Ipad ang atensyon ko. Iniwan niya lang ang gamit niya sa inupuan niya kanina at pumila na para umorder. Tahimik lang akong kumakain dun habang nagtatype. Dumating sila Andy at iniwan ang mga gamit nila at pumila na. Si Ivan out of no where nanaman . Di ko nakakausap dahil palaging offline. Absent ang mokong ngayon. Ewan ko kung ano nangyari. Parang kahapon lang magkasama kami tapos ngayon absent na. Tahimik akong nagtatype hanggang sa maupo sila sa mga pwesto nila. Naglapag si Ken sa harapan ko ng sundae. "Oh Ems. Alam ko namang favorite mo yang sundae eh." Aniya habang inaabot sakin ang sundae. "Thank you." Sagot ko. Kinakain ko ang sundae habang nagchecheck ng mga spelling. Hinubad ko na ang earphones na nakalagay sa tenga ko. "Ano yan??" Tanong ni Ken. "Novel." Sagot ko. "Tungkol saan??" Tanong niya. "Tungkol sa love." Sagot ko. "Para kanino??" Tanong niya. "Para sayo." Sagot ko. Agad akong naglagay ng earphones para di ko na marinig ang komento niya. Nagring ang bell hudyat ng pagtatapos ng recess. Agad kong niligpit ang mga gamit ko at nauna nang maglakad dahil matapang ang next subject namin. Buong klase ay tahimik tuwing english time namin dahil matapang ang teacher. Matapos ng klaseng yun ay dumeretso na ako sa canteen. "Carbonarra nga po." Ani ko sa kahera. "60 pesos nak." Sagot niya. "Eto po." Nagbigay ako ng 60 pesos. Kinuha ko na rin ang order ko. Umupo na ulit ako sa isang table dahil apaka babagal nila maglakad jusme. Katulad ng ginawa ko kanina ay inabala ko na ang sarili ko sa pagtatype ng chapter. Nagsidatingan na sila kaya tinanggal ko na yung earphones ko at ibinulsa na ang phone ko. Inabala ko na ang sarili ko sa pagbabasa ng aupload kong chapter. Abala ko sa pagbabasa ng may kumuha ng Ipad ko. "Tama na yan. Kumain ka muna." Ani ni Ken. "Akina Ken! Tapos na ko kumain." Sagot ko. "Tapos na ba talaga?? Eh bakit parang di mo pa nahahawakan yung tinidor ng carbonarra??" Sagot niya. "Eh akina na yan! Kakain na ko!" Sagot ko. "Kunin mo muna." Sagot niya. Tinago niya ito sa likuran niya. "Akina Ken!" Sigaw ko sa kanya. "Easy eto na. Kumain ka na." Sagot niya sabay abot ng Ipad. "Oo kakain na." Sagot ko. Pinatay ko ito at inilagay sa bag ko. "Anong chapter ka na ba Emily??" Tanong ni Sandra. "60 ata. Ewan ko nakalimutan ko na." Sagot ko. "Mag uupdate ka mamaya??" Tanong naman ni Andy. "Ngayon ko sana ipopost binabasa ko na lang eh umepal tong mokong na 'to kaya di ko natapos." Sagot ko. "Eh mas importante pa ba yan kesa sa pagkain mo??" Sagot naman ni Ken. "Oo. Naghihintay kaya yung tatlong libong tao." Sagot ko. "Eh kaya ka ba pakainin ng tatlong libo na yon??" Sagot niya. "Hindi. Pero sila yung nagbigay ng way para maabot ko yung isa sa mga pangarap ko." Sagot ko. "Ano ba yung pangarap mo??" Tanong niya. "Maging isang famous writer." Sagot ko. "Hindi ka pa ba famous sa lagay na yan??" Tanong niya. "Hindi pa. Kasi kung famous na ko ede sana na publish na 'to." Sagot ko. "Nga pala Sandra. Ang weird ng teacher niyo kanina. Wala kong choice kaya sinagot ko na lang ang tanong niya eh. Ano ba yun? Bakit nagtanong siya ng ganun sakin??" Tanong ko kay Sandra. "Eh eto kasing si Ken tinanong siya kung ano unang pumapasok sa isip niya kapag naririnig yung word na 'love' tapos ang sinagot ba naman pangalan mo. Tapos tinanong siya kung bakit. Sagot niya eh binago mo daw yung buhay niya. Tinuruan mo daw siya mangarap at magpakaseryoso sa mga babae." Sagot niya. Natigilan ako sa sinabi niya. "Talaga ba Ken??" Tanong ko. "Oo. Totoo yun." Sagot niya. "HAAHAHAHAH. Eh bakit may Ana??" Tanong ni Lean. "HEHEHEH. Kaya nga nagsorry diba Lean?? Kaya nga nagka iyakan kaninang umaga diba??" Sagot niya kay Lean. "Ah oo nga pala. Kaya pala ganun yung mata niya kanina." Sagot ni Lean. Nasa kalagitnaan ng pagkekwento si Sandra nang dumating ang grupo nila Ana sa tapat ng table namin. "Ah Ken pwede sumabay? Wala kasing ibang table eh." Bati niya. Agad nagiba ang timpla ko. Lumamig ang tingin ko kay Ken. Kinuha ko na ang Ipad ko sa bag at naglagay ng earphones. Si Andy naman ay kinuha ang libro niya at nag earphones din. Sila Sandra at Lean naman ay umalis para ata umorder ng dagdag na chips. "Ah s-sige." Naiilang na sagot ni Ken. Agad namang umupo si Ana sa tabi ni Ken at sa tabi naman ni Andy ang isa niyang kasama sa tapat ko naman umupo ang isa pa. Kinalabit ako ni Andy. "Nanadya Ems." Bulong niya. "HEHEHEH. Ako na bahala mamaya." Sagot ko. Tinanggal ko ang earphones ko at binalingan sila ng pansin. "Bakit ka ba nandito? Laki-laki ng cafeteria dito ka nagsusumiksik. Daming free table oh!" Malamig kong ani. "And why do you care?? Kay Ken naman ako nagpaalam. Hindi sayo so bakit may opinion ka?? No one ask for your opinion." Sagot niya. At talagang binibwisit ako. Wag mong intayin makita yung public school side ko. "Excuse me. Its not opinion its fact. Kasabay din kami ni Ken kaya paki consider yung existence namin." Sagot ko. "Wala kong pake sa existence niyo." Sagot niya. "Well I don't care on your existence too." Malamig kong sagot sabay tayo. "Uy Ems wait!" Sigaw ni Andy. Agad siyang humabol sakin. Tang ina. Ganda na sana ng lunch ko sinira pa ng babae na yun. Dumeretso na lang ako sa garden dahil yun lang naman ang nakakapagparelax sakin.

Still You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon