CHAPTER 16: SAVAGE

48 7 11
                                    

Emily's POV
Nandito kami sa canteen ngayon dahil fifteen minute break namin. May awa pa naman yung instructor namin dahil pinakain na kami. "Ano? Kaya pa?" Tanong ni Ivan. "Hindi na. Susko parang pinaparusahan ako. Ang sakit na ng paa ko." Reklamo ko. "HAHAHAHA. Ako din. Bwisit na bakla yun!" Sagot niya. "Walang awa putek! Pagod na pagod na ko pauulitin pa rin tayo." Sagot ko. "Nga eh. Tara na baka paulitin nanaman tayo ng bakla na yun pag nalate tayo." Sagot niya. Kaya tumayo na kami at pumunta na sa events hall. Sa kasamaang palad nagsimula na sila. "Bakit na late kayo?! Diba sabi ko fifteen minutes lang?!" Sermon niya. "Pasensya na po malayo po kasi yung canteen dito." Sagot ni Ivan. "Wala akong pake! Ulitin niyo dahil sa dalawa na 'to!" Sigaw niya sa mga nagsasayaw. Kaya sumali na din kami. Ala pa sa kalahati yung kanta pinaulit nanaman kami. Jusmeyo marimar hinihingal na ko. Mamayang lunch na lang ako mag iinhaler para umepekto talaga. "Maglunch na nga kayo! Wala kayong energy eh!" Anunsyo niya. Agad akong lumapit sa bag ko at kinuha ang tumbler ko para uminom kinuha ko na din yung inhaler ko. Ginamit ko ito at 5 seconds akong di huminga. Maghahanda na ko para hubadin yung heels ko kaso lumuhod na si Ivan sa harap ko. "Ako na. Baka matuluyan pa yung hika mo niyan. Mamatay sa pag aalala si Ken." Aniya na para bang nabasa ang nasa isip ko. Kinuha ko yung white rubber shoes ko sa bag ko. "Oh. Kaw na din magsuot sakin niyan." Biro ko. Kinuha niya nga talaga yung rubber shoes at sinuot sakin. Siya na rin nagbitbit ng bag ko dahil baka daw mabigatan ako at matuluyang hikain. Pinagtitinginan na kami ng mga tao. Paniguradong may issue nanaman 'to. "Issue." Bulong ko kay Ivan. "Hayaan mo sila. Basta malinaw naman sayong si Ken ang gusto mo diba?" Sagot niya. "Oo." Sagot ko. Nang makarating ng canteen ay nakita namin agad sila Andy. Umupo ako sa tabi niya sa tapat ko naman si Ken. "Ano nangyari sayo? Bakit si Ivan nagbitbit ng mga gamit mo?" Tanong ni Ken. "Yung demonyo naming instructor ayaw kami pagpahingahin kaya hiningal ako." Sagot ko. "Ako na oorder ng pagkain mo. Ano ba gusto mo?" Tanong niya. "Ikaw gusto ko." Sagot ko. "Bukod sakin. Ano nga?" Tanong niya. "Carbonara, sundae, coke." Sagot ko. "Hindi pwede malamig. Bawal sundae gusto mo ata talagang hikain ka eh." Sagot niya. "Sige tubig na lang yung drinks." Sagot ko. Tumayo na siya at pumunta sa pila. Sumunod na sa kanya si Ivan. Napadaan si Ana sa table namin. Huminto siya sa tapat namin. Agad na nag init ang ulo ko."Oh. Sino na nilalandi mo ngayon? Si Ken na ba?" Masungit na tanong niya. "Ladies and gentlemen itong 3 time defending champion niyo eh dalawa nilalandi. Di lang pala contest ang kaya nitong ipanalo eh. Dalawang lalaki din. Sino ba talaga si Ken ba o si Ivan? Or both? Ano pili? Baka susunod na niyan eh yung mga kaibigan namin ni Ken ah. And your friends with a lesbian. Sayang din si Lean eh. Valedictorian pa naman pero nagkajowa ng babae." Anunsyo niya. Agad kaming pinagbulungan ng mga nasa paligid namin. Hinampas ko yung table na nasa harapan ko. "Tang ina ka! Bakit mo dinadamay dito si Lean ha?! Si Ken lang naman pakay mo bakit dinadamay mo pa siya?!" Sigaw ko sabay sampal sa kanya. Dumagundong sa buong cafeteria ang tunog ng sampal ko sa kanya. "Bakit? May masama ba sa sinabi ko? I'm just stating a fact! Lean is a lesbian!" Sarkastikong sagot niya. "No! Your stating a FUCK! Kaya ayaw sayo ni Ken kasi ganyan ka!" Sigaw ko. Sasampalin niya sana ako pero sinalubong ko ang pulsuhan niya. "Tigilan mo Ana. Si Ken lang naman gusto mo diba? Ede sayo na. Wala akong pake kahit isumbong mo ko sa mga magulang niyo ni Ken. Ikaw nagsimula kaya tigilan mo ko." Malamig kong ani tsaka padabog na binitawan ang kamay niya. Dumating sila Ken na may nagtatanong na mga mata. "Puntahan mo yung Ana mo dun. Baka mamaya napasaan ng sampal ko kawawa naman." Sagot ko. "What?! Bakit mo siya sinampal?!" Medyo galit na tanong ni Ken. "Bakit di siya ang tanungin mo?" Sagot ko. "Good job Ems. Kala ko iiyakan mo siya eh." Compliment naman ni Ivan. "HAHAAHAH. Eh nabastos na si Lean eh. Di na sana ko magrereact eh kaso pinagsabihan niya ng kung ano ano si Lean eh." Sagot ko. "Uy teh. Di ata nagustuhan ni Ken yung ginawa mo." Nag aalalang ani ni Sandra. "Sus. Pabayaan mo siya. Kung mahal niya talaga si Ems kaya niyang tanggapin yung flaws and imperfections ni Emily. Tsaka nakakabastos sa part ko yung ipagsigawan yung pangalan mo tapos hindi naman totoo yung mga informations na sinasabi. Pinagtanggol lang naman ako ni Ems." Si Lean na ang sumagot para sakin. "Oo. Tsaka siya yung may mali. Hindi naman gagawin yun ni Ems kung wala namang ginagawa sa kanya eh." Sagot naman ni Andy. "Pag binaliktad naman ni Ana yung kwento andito lang kami para suportahan yung mga sasabihin mo." Ani Lean. "Kasalanan rin naman niya kung bakit siya nasaktan eh. Babastusin niya yung transferee tapos magrarants siya kay Ken na wala naman siyang maling ginawa. Baka pag umpugin ko na silang dalawa ah." Sagot ko. Napansin kong wala sakin ang atensyon nila kundi nasa table nila Ana. Napalingon na rin ako dun at nakitang hawak ni Ken ang mukha ni Ana at siya naman ay umaarteng nasaktan ng sobra. Hindi pa nga yun yung totoong sampal ko eh nasaktan agad siya. Kasalanan niya na yon. Bwisit! Bigla tuloy akong nawalan ng ganang kumain. "Tara na Ivan baka malate tayo paulitin nanaman tayo." Aya ko. Di ko pa nagagalaw yung pagkain. "Sige pero kumain ka naman kahit konti." Sagot niya. "Sands pabigay nga 'to kay Ken." Ani ko sabay abot sa kanya nung amount ng binili niyang meal sakin. "Oh kainin mo kaya baka magkasakit ka." Aniya. "Bibili na lang ako ng burger tapos sa events hall na lang ako kakain baka magalit kasi yung instructor namin." Sagot ko. Nang mapalingon ako sa gawi nila ay katabi na ni Ana si Ken at nagtatawanan na silang magkakaibigan. Lalo akong nawalan ng gana pero bumili pa rin ako ng burger. Sa events hall kami dumeretso. Nagpalit na ko ng heels. Nang maubos ko ang burger ay dumating na ang instructor namin. Nagbalik na kami sa practice. Siniglahan talaga namin. Sa sobrang sigla ko nagkamali ako ng ikot at natapilok ako. "Aray. Shit! Sakit!" Reklamo ko. "Ems!" Nag aalalang tawag ni Ivan. Agad niya kong binuhat at tinakbo sa clinic. Nakasalubong namin sila Ana dahil malapit sa cafeteria ang clinic. Kasama niya si Ken. Masama ang tingin ni Ana sakin at malamig naman ang kay Ken. Inirapan ko na lang silang dalawa. Inupo ako ni Ivan sa hospital bed sa clinic. "Ano nangyari?" Tanong ng nurse kay Ivan. "Natapilok po siya nung nagrerehears kami para sa cotillion." Sagot niya. Tinanggal ng nurse yung heels ko at ginalaw ang right foot ko dahil yun ang tumama sa floor. "Aray! Ma'am masakit po." Reklamo ko. "Naku nasprain ka." Sagot niya. "Naku po. Paano na sa cotillion yan?" Tanong ko. "Wag ka mag alala 3-4 days lang yan pero bawal ka muna magrehears. Bawal rin ang heels." Sagot niya. "Okay po." Sagot ko. Ginamot niya ang paa ko. "Ivan pakuha nga nung tsinelas ko sa locker. Excuse mo na lang si Andy para siya mag bukas nung locker." Sagot ko. Dahil naglagay din ako dun ng tsinelas kapag kinailangan ko na. Lumabas siya ng clinic. Pumunta ata sa taas. Binaling ko na lang ang atensyon ko sa nurse na ginagamot ang paa ko.

Still You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon