CHAPTER 12: NO WHERE TO BE FOUND

46 8 7
                                    

Sandra's POV
Naisipan naming magkakaibigan na magmovie night para icelebrate ang pagkapanalo ni Emily. Plano namin na isurprise siya dahil di kami nakapagcelebrate kanina. Sakto naman at nauna siyang umakyat para magpahinga. Maihahanda namin yung set ng movie night. Tinawagan na naminsi Ken para magpunta sa dorm. Pati si Ivan pupunta rin kaya paniguradong masaya 'to. Sila daw sasagot ng pagkain at kami naman sa inumin. Bumaba na kami para bumili ng inumin sa malapit na 7 eleven jan sa baba. Di pa namin alam papanuorin dahil sa netflix namin hahanapin yung movie. Excited na ako. Siguro sobrang saya ni Emily dahil kumpleto kami ngayon. Inantay na namin si Ken sa 7 eleven. Ilang minuto lang ay dumating na siya na dala ang pizza at pasta. Kaya sabay-sabay na kaming umakyat. Nilatag na namin yung mga comforter at unan. Inayos din namin yung mga pagkain sa lamesa. Nang maayos na namin yun ay dumating na si Ivan dala ang ice cream. "Sup guys!" Bati niya samin. "Sup Ivan." Sagot namin. "San si Ems?" Tanong niya. "Tulog pa mamaya gigisingin ko. Celebration niya 'to eh." Sagot ko. "Ahhh." Sagot niya. Pagkatapos namin mag set up ay pumwesto na sila at ako naman ay ginising ko na si Emily.

Emily's POV
Nagising ako sa isang katok sa labas ng kwarto ko. "Oh bakit?" Tanong ko sa kumakatok. "May bisita ka." Sagot ni Sandra. Boses pa lang alam kong siya na yun dahil napaka energetic. "Sino? Dis oras na ng gabi." Sagot ko. "Lumabas ka na lang para malaman mo." Sagot niya. Kaya naga ayos ako ng mabilis at lumabas na. Nang makarating ako sa salas namin ay nakita ko na nakahanda na silang lahat. Nakahanda nang manuod ng movie. "Wow! Kumpleto tayo wah." Bati ko. "Syempre. Celebration mo eh." Sagot nila. "HAHAHAHAHA. Ano bang papanuorin natin?" Tanog ko. "Captain Marvel sana kaso ala sa netflix kaya Percy Jackson sea of monsters na lang." Sagot ni Andy. "Ahh sige." Sagot ko. Umupo na ako sa sofa katabi ni Ken. Tahimik lang akong nanunuod habang kumakain ng ice cream. Kukuha na sana ako ng isa pang kutsara habang nakatutok sa tv pero may nasagi akong kutsara. Nagulat ako nang kumuha siya ng isang kutsarang ice cream mula sa lalagyan ko kung meron naman siya. "Ken naman eh! May ice cream ka oh!" Reklamo ko. "Ok na yun! Sharing is caring." Sagot niya. "Alam mo ewan ko sayo." Sagot ko. Ibinaling ko na lang sa pinapanuod yung atensyon ko at hindi na siya pinansin pa. Matapos ng palabas ay nauna nang umuwi si Ivan dahil hinahanap na daw siya ng mga dormates niya. Kaya nagsimula na akong magligpit ng mga pinagkainan namin. Nang biglang may nagring na phone.
*RINGGGGGG*
"Wait lang guys. Sagutin ko lang 'to." Paalam ni Ken. Pumunta siya sa kusina para makausap yung tumawag ng private. Niligpit ko na yung mag plastic ng chips at kahon ng pizza. Nasa kusina yung basurahan namin kaya hindi ko sinasadyang marinig ang pinaguusapan ni Ken at nung tumawag. "Ano nangyari?" Nagaalalang tanong niya sa kausap. "Sige pupunta na ko." Sagot niya sa tumawag tsaka niya ibinaba ang telepono. Tinapon ko na ang mga dapat itapon. "Ems alis na ko. May sakit yung pinsan ko eh dinala sa hospital." Paalam niya. Tinanguan ko siya. Niyakap niya naman ako at hinalikan sa noo para makapagpaalam. Nagpaalam na din siya kila Sandra. Matapos ko mag urong ay nagpaalam na din ako sa kanilang matutulog na. Nag tooth brush muna ako at chineck kung ilang reads yung ginagawa kong online book at natulog na. Kinaumagahan ako ang pinakamaagang nagising dahil puyat ang apat. Pinainit ko na lang ang natirang pasta at pizza para sa breakfast. "Hoy! Gising na!" Sigaw ko mula sa tapat ng mga kwarto nila. Matapos ang ilang minuto ay nagsibaba na rin sila para makakain ng breakfast. Matapos mag breakfast ay sabay-sabay kaming pumasok. Inasahan ko nang walang Ken na magpapakita dahil naospital ang pinsan niya. "Bakit wala pa si Ken?" Tanong ni Sandra. Nagkibit balikat na lang ako. "Una na ko guys. Kailangan ko na pumunta sa designated room ng quiz bee eh." Paalam ko. "Ah sige. Sasama kami kay Ivan eh. Manunuod kami ng volleyball game." Sagot ni Sandra. "Sige. Akyat na ako." Sagot ko. Umakyat na ako sa third floor para sa quiz bee. Nang dumating ako ay saktong pagdating din ng proctor. Nagpaliwanag siya tungkol sa rules and regulation ng quiz bee. Nagsimula na siyang magtanong.

Sandra's POV
Naisipan namin na sumama kay Ivan sa panunuod ng volleyball game. Si Zoe dumeretso na sa events place dahil last day na ng mga booths. Puro awarding na bukas. Naghanap kami ng ng magandang mapepwestuhan. Napili naming maupo sa bandang taas para tanaw mo talaga. May dalawang lalaking dumating. Nakipag feast bomb sila kay Ivan at umupo sa tabi niya. "Ah guys si Ali at John mga kaibigan ko." Pakilala niya sa dalawa. "Hi. I'm Sandra." Pakilala ko sa isa na medyo matangkad ng konti kay Ivan. "Hello I'm Ali." Pakilala niya. "Hello I'm John." Pakilala naman nung isa na halos kasing tangkad ni Ivan. "Hi I'm Andy." Pakilala naman ni Andy sa kanila. "Hello. Nice to meet you." Sagot nila. Tinanguan lang nila si Andy. Napapaisip talaga ko kung nasan si Ken kaya dahil sa curiosity naisipan ko siyang ichat.

Still You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon