Emily's POV
Nagising ako sa isang katok mula sa labas ng kwarto ko. "Oh?" Sagot ko. "Gising na Emily. Tanghali na." Sagot ni Sandra. "Sige! Ligo lang ako!" Sagot ko. Tumayo na ako sa kama ko at dumiretso sa banyo para maligo. Kinakabahan ako. Ngayon namin imemeet yung nagtext sa akin. Hay. Sana maging successful ang araw na 'to. Hanggang ngayon hindi pa rin alam nila Sandra ito. Ayoko nang malaman pa nila dahil mag aalala nanaman sila para sa akin. Sana din hindi malaman ni Ken dahil baka kung ano nanaman magawa non. Ng matapos ako maligo at mag ayos ng sarili ay kinuha ko ang phone ko.Love:
Morning my love! Hope you have a nice day! Ingat kayo sa pagpasok!Me:
Ikaw din po. Ingat sa biyahe papasok. Love you!Love:
Love you too!Matapos ay bumaba na ako dala ang bag ko. Laptop lang naman ang palagi kong dala at phone dahil wala nang klase. Pinabakante na rin sa amin yung mga lockers namin kasi tapos na yung complition ng requirements. Ng makababa ako ay naghahain na sila. "Guys! Ano activities ngayon?" Tanong ko. "Wala. Libot lang sa school ganon." Sagot ni Zoe. "Eh paano 'tong dorm diba kailangan natin irenew yung contract neto?" Sagot ko. "Ako na bahala don." Sagot ni Sandra. "Nga pala Sandra, Zoe." Biglang ani ni Lean. "Bakit Lean?" Tugon naman ni Zoe. "Kami na lang nila Andy mag aayos nung contract ng dorm. May lakad din kami sa cafè diyan sa tapat eh." Sagot niya. "Kayo lang? Sama naman kami. Wala naman kami gagawin eh." Sagot ni Sandra. "Eh may imimeet lang kami. Tsaka may bibilhin din si Andy after eh. Walang magluluto ng dinner." Sagot ni Lean. "Eh bakit kayo lang?" Tanong naman ni Zoe. "Basta. Explain ko mamaya." Sagot ni Lean. Sinusubukan niya magpaalam para dun sa imimeet namin mamaya para hindi na kami pagtakahan kapag bigla kaming umalis. "Hay. Ano pa ba magagawa namin? Sasamahan na lang namin yung pinsan mo mambabae." Sagot ni Zoe. "Ikaw na lang. Aayain ko na lang si Ivan magmall." Sagot ni Sandra. "Hay nako. Uuwi na lang ako maaga para naman may mag saing sa atin. Hirap naman kapag wala yung katandem mo." Sagot ni Zoe. "HAHAHAHAHA. Malay mo si Vince na pala yung para sayo." Sagot ko. "Yuck! Lahat na ireto niyo wag lang yung babaero na yon! Kadiri! Yuck!" Sagot niya. "Grabe ka naman kay Vince. Gwapo naman siya ah." Sagot ko. "Yun ba definition mo ng gwapo? Kadiri mo naman Ems! Papayag pa sana ko kung kay Kuya Kenneth eh. Kaso si Vince? Yuck!" Sagot niya na para bang nandidiri kay Vince. Matagal na kasing crush ni Zoe si Kuya Kenneth pero di pa rin siya umaamin dahil palagi niya 'tong nakakasama sa mga outreach programs ng school. Ayaw niya na maawkward kay Kuya Kenneth. "Hay nako Zoe. Puro ka ganyan umamin ka na kasi kay Kuya Kenneth. Crush lang naman eh." Sagot ni Sandra. "Edi natanggal naman ako sa SC kasi panigurado na di na ko makakaattend sa mga outreach program." Sagot niya. "Enough for the chitchat guys. We're getting late." Ani Andy. Nauna na ako tumayo para makapagtoothbrush na at makapag ayos papasok sa school. Ng maayos ko na ang sarili ko ay bumaba na ako. Dumeretso kami sa mga room namin para maglog in sa mga adviser namin. Ng lumabas kami nila Lean ay halos kasabay rin namin sila Andy. "Diba magrereport tayo kay Kuya Kenneth para sa last community service natin bago magbakasyon?" Ani Andy. "Oo nga pala noh? Nakalimutan ko yun." Sagot ko. "Yow wassup Love." Bati ni Ken. "Sup Love. Last community service namin today." Sagot ko. "Wow that's good. Alipin nanaman ng school si Kuya." Sagot niya. "HAHAHAHAHA. Makaalipin naman 'to!" Sagot ko. Nararamdaman ko nanaman yung mga mapanghusgang tingin ng mga tao sa paligid namin. Hindi ko na lang sila pinansin dahil ano bang pakialam nila? Buhay namin 'to eh. Narinig na namin yung pito kaya mabilis namin hinubad yung id namin at tumakbo na papunta sa quad. Nakalimutan na namin iabot yung mga bag namin sa kanila sa sobrang pagmamadali. Nagbilangan na kami. "Ngayon magcocommunity service kayo. Kailangan niyo maglinis ng isang part ng university. Tutal malapit na magbakasyon." Sigaw ni Kuya Kenneth. "Sir yes sir!" Sagot namin. Hinati kami sa limang grupo dahil 25 kaming lahat. Maswerte ako at nakasama ko si Andy sa grupo. Naassign kami sa student's park. Ang pinakamakalat na lugar sa buong university dahil ito ang tambayan ng halos lahat ng estudyante. Mapa highschool or college dun tumatambay. "Nako Ands. Paano yung mga gamit natin?" Bulong ko dahil may iniinstruct pa si Kuya Kenneth. "Tawagan na lang natin sila na kunin yung mga bag natin." Bulong niya. Tumango na lang ako. "Andy, may binubulong ka ba sa kanya?" Masungit na tanong ni Kuya Kenneth. "Sir no sir!" Sagot ni Andy. "Ahhh kung meron baka pwede niyo naman ishare." Sagot ni Kuya Kenneth. "Sir no Sir!" Sagot ko. "Okay. Tiwalag!" Sigaw niya. Inantay namin siyang pumito para makahakbang na kami paatras at sumaludo. Ng pumito na siya ay ginawa na namin ito at tumalikod. Lumakad na kami palayo. Bago kami makalayo inabutan kami ni Andy ng walis tingting at dustpan ng leader namin. "Ate, ano yung mga gamit namin iiwan lang namin sa mga kaibigan namin susunod na lang kami sa student's park." Paalam ko. "Sige. Bilisan niyo lang ah." Sagot niya. Tumango ako. Tinawagan ni Andy sila Sandra. "Hello Sands." Bati niya. "Punta kayo dito sa quad. Dalin niyo muna bag namin maglilinis kami sa student's park." Sagot niya at ibinaba ang tawag. "Papunta na daw sila." Aniya matapos ibaba ang tawag. "Nasaan daw ba sila?" Tanong ko. "Nandiyan lang daw sa building natin eh." Sagot niya. "Ah ok. Buti pala malapit lang sila." Sagot ko. Ilang sandali pa ay dumating na sila kasama si Ken. "Hoy Ken." Tawag ko sa kanya. "Bakit Love?" Sagot niya. "Umayos ka habang wala ako ah." Sagot ko. "Oo naman Love. Aayos ako." Sagot niya. "Siguraduhin mo. Kundi baka sapakin kita. Baka mamaya makita kita sa people's park kalandian mo yung fiancèe mong walang kwenta." Sagot ko. "Hindi Love. Umiiwas na nga ko eh." Sagot ko. "Sandra bantayan mo 'to ah." Bilin ko kay Sandra habang inaabot sa kanya yung bag ko. "Oo Ems. Ako bahala kay Kuya." Sagot niya. Tumango ako. "Behave Ken. I'll be the one punching you if not." Banta naman ni Andy. "Yes Ma'am." Sagot niya. Iniwanan na namin sila sa quad at pumunta na kami sa student's park. "Oh Emily, Andy. Dun na kayo sa mga bermuda area. Tulungan niyo na sila Belle dun dahil masyadong malaki yung area. Eto yung garbage bag para lagyan niyo ng mga kalat." Utos sa amin nung leader namin. Tumango na lang kami at inabot yung garbage bag. Napabuntong hininga na lang kami pareho sa dami ng kalat. "You ready?" Tanong niya. "Oo naman. Emily Savvanah Howards 'to." Sagot ko. Nagsimula na kami magpulot ng mga kalat. Karamihan sa kalat ay balat ng chips at mga plastic bottle ng softdrinks at mineral water. Meron pa rin namang mga tao pero kaunti na lang dahil inannounce kanina ni Dean Perez na maglilinis kami dito sa student's park. "Oh the our precious trash is cleaning her siblings. Bakit di ka sumama sa basurahan?" Bati ni Ana na kadarating lang sa dito sa area na linilinisan namin. "Oh the walking trash can is here. Why can't you stand there and be the school's human trash can because your classified as one." Sagot ko. Inirapan niya ako at ibinuhos sa akin ang tubig na dala niya at ibinalibag ang bote sa tapat ni Andy. "See? Hindi ba yan ugaling basurahan?" Sagot ko. Sasampalin niya sana ako pero nasalag ko yung kamay niya. "Hit me and you'll never see the lovely sunrise tomorrow." Malamig kong ani at padabog na ibinagsak ang kamay niya. Bakas sa kanyang mga mata ang pagkagulat dahil sa ginawa ko. "Too speechless Miss Trash can?" Ani ko ng hindi pa rin siya makapag salita. Inirapan niya lang ako at lumayo na sa amin. Agad na lumapit sa akin si Andy. "Ano nangyari sayo Ems? Paano mo nagawang sagutin ng ganon si Ana??" Tanong niya. "Sobra na siya eh. Siya ang dahilan kung bakit ako naging anemic kaya its payback time." Sagot ko. "Yah! I want your changes!" Sagot niya. "HAHAHAH. Maglinis na nga tayo." Sagot ko. Nagpatuloy na kami sa paglilinis. Ng maglunch ay napagdesisyonan naming magkakaibigan na magkita kita na lang sa cafeteria. Nag order ako ng isang wataw na kanin at monggo tsaka carbonara at ice cream. Masyado kong gutom dahil sa paglilinis. "Ems, dami naman niyan ah." Bati ni Sandra. "Eh nagugutom ako eh. Masyadong malaki yung nilinis namin ni Andy." Sagot ko. "Love baka naman tumaba ka niyan." Ani Ken. "Nako Ken. Tigil-tigilan mo ko sa kakaganyan mo. Tinapunan ako ng tubig ng fiancèe mong human basurahan." Sagot ko. "Kanina walang kwenta ngayon naman human basurahan. Ano kaya susunod mong itatawag sa kanya?" Sagot niya. "Kapatid ni Satanas." Sagot ko. Tumawa naman sila Sandra sa sinabi ko habang si Ken naman ay di maipinta ang mukha dahil sa pagkagulat. "Hoy! Stunned ka diyan." Ani ko dahil ang tagal niya nang nakatitig sakin. "Ems, ikaw ba yan?" Sagot niya. "Oo naman. Hindi naman ako nagbago ng mukha ah!" Sagot ko. "Kasi hindi ganyan yung Emily na kilala ko eh. Yung kilala ko its better to be silent than to talk yung motto sa buhay eh." Sagot niya. "Hay nako Love. Ang motto ko sa buhay once you left there's no coming back. At tsaka puno'm puno na ko sa fiancèe mo kaya nagkaganito." Sagot ko. "Well mabuti yun. Ayoko na ng hindi ka lumalaban sa kanila." Sagot niya. "Teka muna. Pinagsabihan mo na ba yung kapatid ni Satanas na yon?" Sagot ko. "Oo. Di ko lang pinagsabihan, binalik ko pa sa kanya yung mga pang iinsulto niya sa inyo." Sagot niya. "Well that's good. Oo nga pala. May imimeet lang kami nila Andy." Paalam ko. "Sino naman yan Binibini?" Tanong ni Vince. Bigla nanaman sumulpot na parang kabuti sa tabi ni Zoe. "Wala ka na don Ginoo." Sagot ko. "Baka lalaki yan Love." Sagot ni Ken. "Hindi ah. Bakit naman ako makikipag meet sa lalaki ha?" Sagot ko. "Wala. Baka naisip mo na na ipagpalit ako sa iba." Sagot niya. "Pagpalit your face. Mahirap na makahanap ng kamukha mo. Sobrang rare kaya nagustuhan ko. Kaya bakit naman kita pagpapalit sa iba?" Sagot ko. "Cheesy naman Ems." Reklamo ni Lean. "Dun ka pa kay Kate Lean." Sagot ko habang tinuturo yung table kung nasaan sila Kate. Agad namang natahimik si Lean at hindi na nakakibo pa. "Hala Lean. Kayo na pala ni Kate ah." Asar ni Ken. "Tigilan mo nga ko Ken." Sagot ni Lean. "Lean di ka nagsabi di ka na pala straight." Sagot ni Vince. "Straight ako noh! Anong di straight ka diyan." Sagot ni Lean kay Vince. "Sige na. Straight ka na kahit di naman." Sagot ni Vince. "The world war three starts now." Ani Andy. Nagpatuloy na ako sa pagkain. Ng maubos ko ang mga ito ay hihinga hinga na ako sa sobrang busog. "Wait Ands. Dito muna tayo. Papababain ko muna yung kinain ko. Baka magka appendicitis ako." Ani ko. "Ok." Sagot niya. Bumalik siya sa pagkakaupo ako naman ay kinuha ko ang phone ko. Ng buksan ko ang wattpad ko nagulat ako na halos 5k reads na ang story ko. Napatingin ako kay Vince na busy sa cellphone niya. Feeling ko siya ang may salarin kung bakit dumami 'to. "Maraming salamat Ginoo." Ani ko na nakatingin ng deretso kay Vince. Hinampas naman siya ni Zoe kaya napatingin siya sa akin. "Sabi ko maraming salamat Ginoo." Pag uulit ko sa sinabi ko kanina. "Ah wala yun binibini." Sagot niya at bumaling na ulit sa cellphone niya. Nararamdaman ko naman yung matalim na tingin ni Ken. Di ko na lang siya pinansin. Bahala siya magselos diyan. Hindi ko naman siya ginaganyan tuwing nagseselos ako kapag kasama niya si Ana eh. After a few minutes nagpaalam na din kami ni Andy. Iniwan namin sa kanila yung mga gamit namin. Sabi nila sasamahan na lang daw nila kami sa student's park. Di na rin kami umalma dahil wala naman na silang gagawin tsaka para may bago namang tanawin. Nasa mga umbrella sila tumambay dahil dun din kami maglilinis. Halos 80 umbrellas ang pupunasan namin bawat lamesa at take note may mga college students pang nag iwan ng mga pinagkainan nila. Nagsimula na kami maglinis. Ng matapos namin ang mga umbrella ay umupo muna kami sa umbrella kung nasaan ang mga kaibigan namin. Inabutan kami ni Sandra ng tubig. "Pagod ako." Reklamo ko. "Ano Emily?" Umalingawngaw ang boses ni Kuya Kenneth. Bumaling ako sa kanya at inirapan lang siya. "Sands yung bag ko nga po please." Ani ko. Inabot sa akin ni Sandra yung bag ko. Inilabas ko ang laptop ko at binuksan ito. Dumiretso naman si Kuya Kenneth sa tabi ni Ken. "Ano nanaman Kuya?" Naiinis na ani ni Ken. "Nandito lang ako para iinform ka na may dinner mamaya." Sagot ni Kuya Kenneth. Syempre kasama dun si Ana. Sana all na lang. Pinalitan ko yung wallpaper nito yung picture naming magkakaibigan sa Tagaytay. Agad naman napansin ni Ken yung wallpaper ko. "Love akala ko ako lang bakit sila yung wallpaper mo?" Puna niya sa wallpaper ng laptop ko. "Ewan ko sayo Love." Sagot ko at kinonect na lang yung inpods ko sa laptop at nagplay ng kanta. Binuksan ko na lang yung wattpad ko at pinagpatuloy ang chapter na sinusulat ko. Wala na akong pake sa paligid ko as long as nakakapagsulat ako. Nagulat ako ng may bumatok sa akin. Tinanggal ko yung inpods ko at bumaling ako sa bumatok sa akin. "Ano ba Love?" Inis kong ani. "May tumatawag sa phone mo kanina." Sagot niya. Tiningnan ko yung nagmissed call sa akin. Si Kuya Mark pala. Tinawagan ko siya ulit. "Hello Ems." Bati niya. "Hello Kuya Mark. Bakit ka tumawag?" Sagot ko. "Ah ano nagpaalam ka na ba para sa linggo?" Tanong niya. "Ah oo Kuya. Pinayagan na ako. Sunduin mo na lang ako bukas. Saturday." Sagot ko. "Sige. Ingat ka diyan. Bye." Paalam niya. "Ok. Bye." Sagot ko at ibinaba ang tawag. Napabaling ako kay Ken na nakatitig sa akin. "Stunned ka nanaman sa kagandahan ko." Ani ko. "May lakad ka pala ng Sunday bakit di mo sinabi sakin?" Sagot niya. "Eh nakalimutan ko eh. Sorry na." Sagot ko. "Kiss muna." Sagot niya. "Landi mo." Sagot ko at nagpatuloy na lang sa tinatype ko. Ilang minuto na lang uwian na. Aayusin muna namin yung contract ng dorm at dederetso na sa cafè. Ng matapos ako ay nilog out ko na yung wattpad account ko at nilagay na sa bag ko yung laptop. "Tara na maglog out na tayo kay Sir Lean. Aayusin pa natin yung contract ng dorm diba?" Aya ko sa kanila. "Ken!" Umalingawngaw naman yung boses ng malanding human basurahan. "Love tawag ka ng kabit mo." Ani ko kay Ken na nagcecellphone. "Love naman." Reklamo niya. "Tawag ka eh." Sagot ko. "Love, wag mo ko iwan dito please." Sagot niya. "Ay nako Love ayoko makapatay." Sagot ko. "Ehhhh. Ayoko ihatid yan pauwi." Sagot niya. "Hahatid mo lang naman. May lakad ako ngayon Love ehhh." Sagot ko. Pero deep inside me malungkot ako kasi siya pwede niya ihatid ako hindi. "Eh ayoko naman nagseselos ka." Sagot niya. "Hindi ah. Sige na hatid mo na baka mamaya bigla ako niyan sabunutan." Sagot ko. "Hay. Love ayaw ko ngaaaa!" Sagot niya na naka puppy eyes pa. "Love naman. Kaya mo na yan. Ayoko makaharap yung Human Basurahan na yun." Sagot ko. Baka mamaya may kung ano nanamang mangyari. "Kaya mo na yan. Cheer up Loveee!" Dagdag ko. Wala na siyang nagawa ng hilahin siya nung human basurahan na yun. Inirapan niya ako di ko naman siya pinansin. Si Sandra naman ay halos patayin niya na sa tingin yung human basurahan. "Sandra, ang mga basura di dapat binibigyan ng pansin yan. Kasi masasayang lang oras mo!" Pagpaparinig ni Lean. "Alam mo Lean basurahan nowadays ay mga flirt din. Mga mang aagaw ng boyfriend!" Sagot naman ni Sandra. "Guys its not worth your time kasi alam kong kahit anong landi maganap sakin at sakin pa rin siya babagsak." Sagot ko. Naglakad na kami papunta sa building namin para makapag log out na. Matapos mag log out sa kanya kanya naming adviser ay lumabas na rin kami. "Ands let's go na sa café." Aya ni Lean. "Ah guys una na kami. See you sa dorm na lang." Paalam niya sa mga kaibigan namin. "Ingat kayo nila Ems wag kalimutan yung contractng dorm ah." Bilin ni Zoe. "Yes. Ah teka umalis na ba si Ken?" Tanong ko. "Oo. Sinundo na nung human basurahan." Sagot ni Sandra. "Well ang galing naman ng lalaki na yun hindi niya ba naisip na may girlfriend siyang naghihintay ng pagpapaalam niya." Sagot ko. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Ken. "Hello Love?" Sagot niya sa tawag. "Bakit di ka nagpaalam?" Sagot ko. "Sorry Love. Nagmamadali na ako kasi tumawag yung Mama ko na may dinner daw kami na attendan kasama yung business partners nila." Sagot niya. "Ok. Ingat ka. Sana di ka mabangga." Sagot ko. "Bye Love. Love you." Sagot niya. "Hm bye." Sagot ko at ibinaba ang tawag. "Anong klaseng phone call yun Ems? Sana di ka mabangga?" Ani Lean. "Bakit? Tama naman ah. Baka mamaya sa kakalandi ng kabit niyang basurahan eh bigla siyang ma out of focus sa daan at mabangga." Sagot ko. Tiningnan lang ako nila Ivan ng may pagtataka. "Uh I think we should go." Ani Andy. "Tara." Sagot ko. Nagpaalam pa ulit kami at naglakad na papunta sa admin building. Si Lean na ang nakipag usap regarding sa dorm dahil sa kanya namin pinadala yung documents. "Kinakabahan ako." Ani ko kay Andy. "Don't be nervous we're here." Sagot niya. Tumango na lang ako. Ilang sandali pa ay lumabas na si Lean mula sa admin building. "Ok na guys. Let's go." Aya niya. Nagpunta na akmi sa café malapit sa school. Umupo kami sa pang apatang lamesa. Si Andy ang umorder ng kape namin. Di naman ako pala kapeng tao kaya hindi ko alam kung paano umorder ng kape. Ilang saglit pa ay umupo na si Andy dala ang mga kape namin. Sa akin ay chocolate chip coffee kay Lean naman ay mocha coffee at kay Andy ay hot chocolate. Ilang sandali pa ay may dumating na babae na halos kasing edad lang ni Ate Kass at maganda. Meron siyang mahabang buhok katulad ng sa akin at medyo kasingkitang mata na may salamin. May dala siyang envelope. "Hi good afternoon. Are you Emily Savvanah Howards?" Tanong niya na sa akin ang paningin. "Yes Ma'am. How may I help you?" Sagot ko. "Ah I'm the one who texted you yesterday." Sagot niya. "Oh. Have a seat Ma'am." Sagot ni Andy sa kanya. "Thank you." Sagot niya at umupo sa harapan ko. "How sure are you that Ken and Alyiana Nicole Arthur doesn't have a relationship?" Tanong niya sa akin. "I asked him if there's going on between him and Ana but he only told me that he's engaged and nothing more nothing less." Sagot ko. "Are you sure that they are not yet married?" Sagot niya. "I'm sure that he's not yet married with her because there's no ring." Sagot ko. "Well not every wedding symbolizes ring." Sagot niya. "What do you mean?" Andy interfered. "I mean is this." Sagot niya at inilabas ang isang papel at inilagay sa harapan namin. "Aren't you aware Miss Emily that your risking your scholarship and image? You are having an affair with a married man." Sagot niya. Natahimik ako. My heart is piercing in pain. I'm doing my best not to cry. I'm a mistress. The marriage contract is dated months ago. I think a month after Ken's eighteenth birthday. "It can't be." Ani Lean. "I think Miss its fake." Ani naman ni Andy. "Why don't you check Miss Alyiana's private facebook account itself. Nicole Arthur is the name." Sagot niya. Agad kinuha ni Andy ang phone niya at sinearch ang pangalan. "This is a fucking lie." Ani ni Andy na mababakas mo ang galit sa mukha. Kinuha ko na rin ang phone ko at sinearch ang pangalan. Nanlaki ang mga mata ko sa nakikita. Para kong binagsakan ng langit at lupa. Sa profile picture pa lang alam ko nang tunay ang kasal. Naka bridal gown si Ana at si Ken naman ay naka tuxedo na black. "I think its edited." Ani ko. "No Miss Emily its real. I'll show you some screenshots of their messages." Sagot niya. Naglapag siya ng tatlo pang bond papers na may printed screenshots messages. Napapikit na lang ako sa takot kong basahin ito. "Uhm Miss can I get all of it just to clarify with the person itself." Ani Lean. "I'll leave it here. I think you heard all what you need to hear I should go." Paalam niya. Hindi ko na nagawang sumagot sa kanya. "I think kailangan na natin umuwi. Para maiprocess mo ito Ems." Aya ni Lean. Everything is lie. Every single thing about Ken's feelings is lie. I can't believe he's doing this to me. I thought the next man I'll love will never hurt me but it turns out to be my greatest downfall. Now I don't know how can I pic myself up. I risked everything including my image in school just for him because I thought he loves me. I let anyone beat me because of my love for him yet he lied to me. Ng makarating kami sa dorm ay tuloy-tuloy lang ako sa kwarto ko. Nagbihis lang ako at humiga sa kama ko. Nagring ang phone ko.
BINABASA MO ANG
Still You (COMPLETED)
Romance"I will let you go Ken not because I don't love you anymore but because this is me loving you. Until we meet again. I love you Love." -Emily Savvanah Howards Will letting him go will mend the pain? Or it will cause more pain? Matagal niya yun hinint...