CHAPTER 40: GOODBYE

55 6 2
                                    

Emily's POV
Ngayon ang araw ng alis ko dito sa dorm. Parang hindi ko kaya. Mamimiss ko sila. Nagpunta na ako sa kusina. "Good morning Ems! We prepared good breakfast for you." Bati ni Lean. "Oo nga Ems. Alam namin na mamimiss mo yung breakfast dito." Dagdag ni Zoe. "So ang prinepare namin ay yung favorite mo. Bacon, ham and egg. Ito na kasi yung last breakfast mo kasama kami eh!" Ani naman ni Sandra. "So! We want it memorable. Kain na!" Ani Andy. Nanunubig nanaman yung mga mata ko. "Yahh. Ayoko tuloy umalis!" Sagot ko. Kay aga-aga pinapaiyak nila ko. Sila yung the best tropa ever. Kakornihan man pakinggan pero yun yung totoo. Ngayon masasabi ko na na nasa tamang tropa ako. Umupo na kami at kumain ng breakfast. Masayang kainan  ang nangyari. "Saang place ang gusto mo puntahan bago ka umalis dito?" Tanong ni Sandra habang nagliligpit ng pinagkainan. "Hm? Sa kapitolyo. Hindi tayo nakapunta dun kahapon dahil sa padespidida niyo eh." Sagot ko. Mamayang hapon pa naman ako susunduin ni Kuya Mark. Kaya pwede pa kami gumala. Gagawin kong masaya ang araw na 'to dahil ito na yung huling araw ko kasama sila. Bukas sila Mommy na ang kasama ko dahil despidida ko naman dun. Dalawang despidida ang meron ako. Hindi ko na sasabihin sa kanila yun dahil baka mamaya di na ako makaalis. Ng matapos magligpit ng pinagkainan ay niligpit na namin yung hinigaan namin at umakyat sa kanya kanya naming kwarto para magbihis. Nagbihis ako ng ripped jeans at shirt lang dahil yun ang natira sa closet ko. Tsaka pinartneran ko ng white shoes. Halos lahat kasi ng styles na trip ko nilagay ko dun sa maleta. Linabas ko na yung maleta ko para aalis na lang mamaya pagka sinundo ako. "Ems, saan mo dadalin yan?" Tanong ni Sandra ng makalabas sa kwarto niya. "Diyan sa baba. Tulungan mo ko." Sagot ko. "Sige." Sagot niya at tinulungan niya na akong ibaba yung maleta. Buti na lang nakaya naming dalawa. Medyo mabigat pa naman kasi puro damit. "Ready na kayo guys?" Ani Zoe ng makababa. "Oo naman. Dahil aalis na si Ems siya ang lilibre natin!" Sigaw ni Lean. "Wow. Saan niyo naman ako lilibre huh?" Sagot ko. "Syempre sa NBS. Bibilhan ka namin ng notebook at ballpen." Sagot ni Andy. "HAHAHAHA. Anong klaseng farewell gift naman yan?" Sagot ko. "Syempre. Para maalala mo palaging mag update." Sagot niya. "HAHAHAHAHAHAH. Syempre di ko kakalimutan mag update 'no?!" Sagot ko. Makalimutan ko na lahat wag lang mag update. "Tara na nga!" Sagot ni Lean. Nauna na siyang lumabas sa amin. "Oo nga pala Lean. Bakit di mo kabuntot yung pinsan mong babaero?" Tanong ni Zoe habang naglalakad kami papunta sa park. "Hay ewan ko dun. Nanlalandi nanaman siguro. Lilipad nga yun ng SG di pa rin nag iimpake eh." Sagot niya. "Ayieee Zoe ah. Bakit mo hinahanap si Vince?" Asar ni Sandra. "Wala! Nakakapanibago lang kasi walang kabuntot 'tong si Lean!" Sagot ni Zoe. "Weh? Baka nafall ka na kay Vince ah!" Asar naman ni Andy. "Hindi! Kadiri! Loyal 'to kay Kuya Kenneth 'no?" Sagot ni Zoe. "Masarap magmahal ang writer Zoe." Asar ko. "Yuck! Mabuti pang ikaw na lang jowain ko kesa dun sa malandi na yun! Asa pa kong matuto yun maging stick to one. Stick to ten pwede pa!" Sagot niya. "Di tayo talo Zoe. Hintayin mo lang tamaan ni Kupido si Vince sinasabi ko sayo gagawan ka nun ng libro." Sagot ko. Naputol lang ang kaingayan namin dahil nakarating na kami sa park. Masyadong maraming tao kaya nakakahiya na mag ingay. Halos lahat ng tao ay pamilya yung iba naman ay barkadahan din. "Nagdala ba kayo pagkain?" Tanong ko ng makaupo kami sa fake grass. "Hindi eh." Sagot ni Zoe. "Ano ba yan! Perfect date na sana yun nga lang walang pagkain. Bitin ako sa breakfast eh." Sagot ko. "Bitin ka pa sa lagay na yun?" Sagot ni Sandra. "Oo." Sagot ko. "Nakatatlong sandok ka nga ng kanin tapos tatlong itlog bitin ka pa rin." Sagot ni Lean. "Oo eh." Sagot ko. Di ko alam bakit gutom ako palagi. Siguro malapit na ako magperiod or stress eating. "Tatawagan ko na lang sila para makabili ng pagkain." Sagot ni Lean na ang tinutukoy ay sila Ivan at Vince. "Pabilin mo sila ng ice cream. Coffee crumble tapos milktea winter melon flavor." Sagot ko. "Okay." Sagot niya at kinuha ang phone. "Hello Vincent!" Aniya sa kausap. "Bumili ka ng ice cream. Coffee crumble tapos milktea na winter melon flavor." Utos niya. Para talagang mag-asawa ang magpinsan na 'to. Kung hindi ko lang sila kilala pareho eh baka napagkamalan ko na silang mag-asawa. "Ay nako Vince. Kay Emily yun." Aniya. Natatawa na lang akong napailing sa inuutos niya kay Vince. Ng matapos ang tawag ay tsaka ako pumalahaw ng malakas na tawa. "Baliw ka talaga! Inabala mo pa yung tao! Malay mo nagsusulat yun." Saway ko. "Hayaan mo siya. Masyado na siyang matagal nagtatype." Sagot niya. Napailing na lang ako sa naging sagot niya. I guess kailangan na lang namin hintayin si Vince para sa milktea ko. "Wait tawagan ko si Ivan. Sabihin nanaman nun di nag aya." Ani naman ni Sandra at tinawagan si Ivan. Ginagawa talaga nilang memorable ang last day ko kasama sila. Nakakaoverwhelmed sila. Mas masaya siguro kung kasama si Ken. Naisip ko nanaman siya. Kamusta na kaya yun? Sana inaalagaan niya yung sarili niya at hindi sinasaktan. Hay! Wag ko na nga lang siya isipin! Kailangan magpakasaya ko! Huli naman na 'to eh!

Still You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon