CHAPTER 28: TRIP

29 4 3
                                    

Emily's POV
Isang linggo na din mula ng mailibing namin si Nanay at hindi pa rin nagsisink in sa akin ang nangyayari. Tahimik akong naglalakad papunta sa gate ng school ng biglang may umakbay sa akin. "Good morning!" Masayang bati ni Ken. "Morning." Malatang bati ko. "Wag mo nang isipin ang lola mo. Masaya na siya. She's one with the nature." Sagot niya na para bang nabasa niya ang iniisip ko. "Hayst. Sino ba nagsabi sayong iniisip ko pa rin siya? Ayos lang ako." Sagot ko. "Mukha bang ayos yan? Tulala ka nga." Sagot niya. "Marami lang akong iniisip wag kang ano." Sagot ko at umuna nang maglakad sa kanya. Dumiretso ako sa library dahil maaga pa naman. Umupo ako sa isang table at nilabas ang notebook ko. Nilagay ko dun ang one line poetry na naisip ko.
"Pain. Pain comes after you love. If your not experiencing pain then its not love." -EMS
Ewan ko ba kung bakit yan ang naisip kong isulat. Siguro dahil sa experience ko kay Ken. Nilabas ko na ang laptop ko at nagtype ng update. Napatingin ako sa orasan sa laptop ko at ng makitang 7:10 na ay mabilis kong niligpit ang mga gamit ko at nagmamadali akong nagpunta sa room. Pero nalate pa rin ako. Nandun na yung teacher namin ng makarating ako. "Why are you late Miss Howards? And are you alright? You look pale." Bati niya. "Good morning Ma'am I'm sorry I'm late. I have trouble sleeping this past few days so I woke up late. I'm okay." Sagot ko. "Okay. Take your seat." Pumunta na ako sa tabi ni Lean. "Saan ka galing?" Tanong niya. "Library." Sagot ko. Tahimik ko na lang hinintay ang test paper ko dahil tapos na ang exam week namin. Ngayon namin matatanggap ang mga results nito. Hindi ko nga alam kung pumasa ba ko. Siguro naman oo. Kasi kahit nagbabantay ako kay Nanay may dala kong laptop at notebook para makapag review sa exam. Pinapagalitan na nga ko kasi kahit nung libing nagrereview pa rin ako. Ng mapunta sa kamay ko ang test paper ay nagulat na lang ako dahil perfect score ito. 100/100 walang labis walang kulang. English pa 'to ah. Maging sa mga sumunod na subject perfect score ang nakuha ko. Ng maglunch ay nauna na kong pumila sa bilihan ng pagkain. Bumili lang ako ng dalawang burger at coke para sa lunch. Ayoko na muna ng kanin dahil puro yun na lang ang kinakain ko sa bahay. Umupo na ako sa table namin. Si Sandra, Lean, Andy at Zoe lang ang nandun wala sila Ken at Ivan. "Oh. Bakit ganyan ang mga mukha niyo?" Tanong ko. Dahil mukha silang nagtataka. "May dumi ba ko sa mukha?" Tanong ko ulit dahil di naman sila sumasagot. "Ano nangyari sa mata mo?! Bakit mugto at parang wala kang tulog?" Nag aalalang tanong ni Sandra. "Ano ba kayo. Okay lang ako. Syempre epekto lang yan ng puyat ko nung wala si Nanay." Sagot ko. Natural mente hindi ka agad mawawala yung eyebags. "Ano yun? Buong isang linggo kang umiiyak?!" Sagot ni Zoe. "Shhhh. Hindi. Ganito lang talaga ko. Baliw. Sa dorm na ko uuwi mamaya." Sagot ko. "Bakit mo naman naisipan yan? Diba kailangan ka pa sa inyo? Deh dapat nandun ka." Sagot ni Sandra. "Habang nagtatagal ako dun lalo ko siyang namimiss. Lalo kong naalala na every paggising ko sa umaga wala na siya." Sagot ko. Tahimik na lang akong nagsimulang kumain. Dumating na sa table namin sila Ken. "May tanong ako sa inyo guys." Panimula niya. "Ano?" Sabay-sabay na tanong nila Andy. Di na ko nakisabay dahil abala ko sa pakikipagchat kila Mommy. "What are your plans? Diba may one week break tayo after exam week? Sa Monday magsstart yun diba?" Sagot ni Ken sa kanila. Agad naman akong napahinto sa tanong niya. "Ah oo. Wala. Tambay sa bahay." Sagot ni Ivan. "Tamabay sa dorm." Sagot naman ni Lean. "Nine days ni Nanay sa Sunday eh. Kaya panigurado kainan ng Monday." Sagot ko. "Tamang panood lang sa Netflix." Sagot ni Zoe. "Eh kung magbakasyon kaya tayo? Celebration na rin ng achivements natin nila Lean." Sagot ni Ken. "Saan naman?" Tanong ko. "To the place where the bed of stars are lying. Tagaytay." Sagot niya. "Sus. As if namang papayagan tayo." Sagot ko. "Wag ka mag alala. Papayagan ka. Kasama naman ate ko eh tsaka si Kuya Kenneth." Sagot ni Ken. "Wow. Papakilala mo na ba sa kanila si Emily?" Sagot ni Zoe. "Zoe. Kilala na siya ni Kuya Kenneth. Si Ate Kass lang hindi." Sagot ni Ken. "Susubukan ko magpaalam mamaya kasi kukuha rin ako ng mga gamit sa bahay kasi babalik na ko ng dorm." Sagot ko. "Sama ko. Pagpapaalam kita." Sagot ni Ken. "Bahala ka. Magpaalam ka na rin sa Ana mo. Baka mamaya may bigla nanamang manabunot at manampal sa akin." Matabang kong sagot. Prevention is better than cure. Baka mamaya itong magandang mukhang ito eh bigla na lang mapasaan. Nagpatuloy na lang kami sa pagkain at pagplano ng mga gagawin namin sa Tagaytay. Di ko naman maiwasang hindi kabahan hindi dahil sa magpapaalam ako kay Mommy kundi dahil makikilala ko na yung older sister ni Ken na savior din ata. Ng matapos ang lunch ay bumalik na kami sa kanya-kanya naming classroom. Next subject namin ang math. Dito na ako kinabahan. Kung perfect ako sa mga nauna paniguradong dito sablay na. Pero di ko ipagkakaila na nagreview pa rin naman ako. Yun na nga ang sinisikap kong maintindihan na ako lang. Di naman kasi palaging nandiyan sila Ken at Lean para tulungan ako. Ng iabot na sa akin yung papel ko ay bumilis ang tibok ng puso ko. Pinikit ko ang mga mata ko.
1... 2... 3...
Sabay baliktad ng papel ko. Wahhhhhhh!!!! For the first time!!!! Perfect math kooooo!!! Wuhooooo! Matutuwa panigurado si Mommy. Maging ang mga sumunod na subject sa afternoon period ay naperfect ko. Malaki ang ngiti ko at halos mapunit na ang bibig ko kangingiti ng lumabas ako ng classroom ng mag uwian. "Lean! Tara lang." Tawag ni Ivan kay Lean. "Bakit?" Sagot niya. "Bakit halos mapunit bibig nito kangingiti?" Tanong ni Ivan. "Perfect sa lahat ng subject eh. Ewan ko ba kung ano nangyari sa babae na yan. Kanina lang tahimik na tahimik tapos ngayon wagas makangiti." Sagot ni Lean. "Kaya naman pala." Sagot ni Ivan at biglang lumapit sa akin at inakbayan ako. "Congrats!" Aniya. "HAHAHAHAH thanks." Sagot ko. Lumabas na sila Ken sa room nila na may malalaking ngiti din. "Ano nangyari sayo Ems? Kanina lang ang lata mo." Ani Ken. "Perfect ako sa math." Sagot ko. Di ko na sinabing sa lahat ng subject. "Wow. Congrats. Ano uwi ka na ba? Hatid na kita." Sagot niya. "Wag na. Magasgasan pa yung mustang mo. Wala ko pambayad. Ako na bahala magpaalam." Sagot ko. "Ok. Sabi mo eh." Sagot niya. "Ken!" Agad naginit ang ulo ko ng marinig ang tinig na yun. Kilala ko na ang tao na 'to. Ang dakilang attention seeker ni Ken. Si Ana. "Una na ko guys. Magpapaalam pa ko." Paalam ko at tinalikuran na sila. Ayokong makita ang kalandian ng babae na yun kay Ken. Hindi ako sadista para tignan kung anong paglalandi pa ang gagawin niya kay Ken. "Ems! Wait!" Tawag sa akin ni Ivan. Kumaway na lang ako kahit nakatalikod. Pumunta muna akong dorm para magbihis. Dinala ko na rin ang bag na gagamitin ko sa mga dadalhin kong gamit. Pati test papers ko. "Huy Ems! Bakit ka umalis dun?" Tanong ni Sandra nung bumaba ako mula sa kwarto ko. "Ah ano kasi gusto ko umuwi ng maaga para maaga rin ako makabalik dito sa dorm. Sige una na ko. Magpapaalam pa ko." Sagot ko. "Ok sige. Ingat. Antayin ka namin sa dinner ah." Sagot niya. "Sige." Sagot ko. Umalis na ako ng dorm at lumaba na ng school sa second gate ako lumabas kasi mas malapit ito sa amin. Naghintay na lang ako ng tricycle at nagpahatid na sa amin. Agad naman akong nagtaka dahil may mustang sa tapat ng bahay namin. Pinagkukumpulan pa ng mga tao yung mustang. "Magsitabi nga kayo!!!!" Sigaw ko dahil baka magasgasan pa. Alam ko na kung kanino ito kay Ken. Nagsitabihan naman ang mga tao. Naglakad na ako papasok sa bahay. Naabutan ko sa sala si Ken kausap si Mommy at Tita Mhel. "Ah Tita gusto ko po sana pagpaalam si Emily. Magcecelebrate lang po kami." Aniya. "Saan naman?" Tanong ni Mommy. "Sa Tagaytay po." Sagot ni Ken. Agad akong pumasok para pigilan ang violent reaction ni Mommy. "Kami po ng mga kaibigan namin." Dagdag ko pa. Baka kasi ano isipin nila eh. "Tagaytay?!" Sabay na sagot ni Mommy at Tita Mhel. "Opo Tagaytay." Sagot ni Ken. "Ano naman gagawin niyo dun nila Ems?" Tanong ni Tita Mhel. "Star gazing Tita." Sagot ko. "Eh kailan naman kayo aalis?" Tanong niya. "Monday afternoon po. Sabi po kasi ni Emily nine days po ng lola niya sa Sunday kaya may gathering kayo ng Monday." Sagot ni Ken. "Ah afternoon. Edi gabi na kayo makakarating dun. Sino naman kasama niyong matanda tsaka saan kayo magsstay?" Tanong ni Mommy. "Ate at Kuya ko po. Sa rest house po namin sa Tagaytay." Sagot ni Ken. Lumapit ako kay Mommy at humalik sa kanya. Nagbless naman ako kay Tita Mhel. "Ano kamusta exam?" Tanong ni Mommy. "Perfect lahat. Walang labis walang kulang." Sagot ko. "Weh? Patingin." Sagot naman ni Tita Mhel. "Ito po oh." Sagot ko sabay abot ng mga test paper ko. "Nako Edna. Payagan mo na 'to sa Tagaytay. Perfect nga lahat. Ultimo math." Sagot ni Tita Mhel. "Math? Si Ems? Baka nagkamali lang ng check yung teacher." Sagot ni Mommy. "Hindi Mi. Payagan mo na ko." Sagot ko sabay puppy eyes. "Sige na nga. Mag ingat ka dun ah." Sagot ni Mommy. "Opo." Sagot ko. "Ayusin mo na yung mga dadalin mo sa dorm. Ken, ihatid mo na nga si Emily. Gabi na rin eh." Ani Mommy. "Sige po Tita. Ems, labas na ko. Intayin na lang kita sa labas." Sagot niya. "Sige sige. Sunod ako." Sagot ko. "Mi pakipirmahan. Kailangan ng extra points hehe." Ani ko kay Mommy. "Sige. Ayusin mo na yung gamit mo." Sagot niya. Umakyat na ako sa taas at sinimulang mag ayos ng gamit na dadalin ko. Naglagay ako ng ilang shirts at shorts. Tapos yung mga toiletries ko kumuha na rin ako. Ng maiayos ko na sa bag ko ang mga ito ay bumaba na ako. "Babalik na lang po ako sa nine days ni Nanay." Paalam ko. "Sige. Ingat kayo ni Ken sa pagmamaneho." Sagot ni Mommy. "Opo. Bye Tita. Balitaan mo ko kung kailan ka babalik Singapore ah." Sagot ko. "Oo naman. Gusto mo sama pa kita." Sagot niya. "HAHAHAH. Joke lang Tita." Sagot ko. "Ken! Ingat!" Paalam ni Mommy kay Ken. Tumango lang si Ken at sumunod na ako sa kanya. Pinagbukas niya ako ng pintuan ng kotse at pumasok na ko sa loob. Sinara niya ito at umikot sa driver's seat. Inistart niya na ang kotse. "Ayusin mo drive mo Ken." Ani ko dahil kinakabahan ako. Baka mamaya hindi pa 'to ganun kasanay magmaneho. Inatras niya na ang kotse at binaba ang bintana sa side ko para makakaway kila Mommy. Sinara niya rin ito ng makalayo kami. "Paano ka nakarating dito at paano mo napapayag sila Mommy?" Tanong ko. "Kinausap ko." Sagot niya. "Ah. Eh ano naman ginawa niyo ni Ana?" Tanong ko. Wala di ko maiwasan macurios. "Uyyyy. Selos." Sagot niya. "Loko! Curios lang ako. Malay ko ba kung ginayuma ka na nun tapos siya na piliin mo." Sagot ko. Di ko maiwasang di mag alala. Baka mamaya kalimutan niya nang nililigawan niya ko. "Wala. Nagpahatid lang sa kanila. Tsaka wag mo nang pinapansin yun. Parang tanga lang yun na nagpapapansin sa 'kin para piliin ko naman siya." Sagot niya. "Sus. Sige na nga. Week end na bukas. Ano plano?" Tanong ko. Nakalimutan kong Friday na pala ngayon. "Aalis tayo nila Ivan bukas para bumili ng mga kakailanganin natin sa trip sa Monday. Pinagleave ko na rin si Ate para masamahan tayo. Tsaka para din makilala mo na siya." Sagot niya. "Anong kakailanganin? Eh diba pagkain lang?" Sagot ko. "Basta. Bibili lang tayo ng mga gamit kasi wala nun sa rest house namin." Sagot niya. "Sino magdadrive?" Tanong ko. "May driver kami." Sagot niya. "Ah okay." Sagot ko. Ng makarating kami sa dorm ay hinatid niya ko hanggang sa pinto ng dorm. "Thank you Ken. Ingat ka." Paalam ko. Hinalikan niya ko sa noo. Kusang pumikit ang mga mata ko. "Bye. See you tomorrow." Sagot niya at tinalikuran ako. Pumasok na ko sa dorm ng hindi ko na siya matanaw sa paningin ko. Ng pumasok ako kumakain na sila. Nilagay ko muna sa sofa yung duffle bag ko at pumunta sa dining area. "Oh Ems nandito ka na pala." Bati ni Sandra. "Hinatid ako dito ni Ken." Sagot ko. "Pinayagan ka ba?" Usisa ni Lean. "Oo. Nagulat na nga lang ako kasi nandun si Ken eh. Nakaparada yung kotse niya sa tapat namin. Nauna pa siya sa akin." Sagot ko. "Yieeee! Sana all! Sakin kasi kinailangan ko pang maglinis ng buong bahay para lang payagan ako." Sagot ni Sandra. "Ako wala. Pinayagan lang ako. Kasama naman daw kayo eh." Sagot ni Zoe. Kumuha na ko ng pinggan at kanin tsaka sumalo na sa kanila. "Excited ba kayo?" Tanong ni Sandra. "Syempre OO. Kailan kaya ko tatanungin ni Ken ng 'will you be my girlfriend?' Ilang buwan na rin siyang nanliligaw." Sagot ko. Matagal ko na itong iniisip. Hindi ko lang tinatanong si Ken kasi baka mamaya naghahanap lang siya ng right timing. "Soon Emily." Sagot ni Andy na may misteryosong ngiti. May alam kaya ito? Matapos kumain at magkwentuhan ay napagdesisyonan ko nang umakyat para mag ayos at magskin care. Manunuod na lang ako ng k drama sa Netflix. Crash Landing On You. Yung kay Hyun Bin. Nacucurios talaga ko dun eh. Binuksan ko yung Netflix sa phone ko at plinay na ang episode one. Pero panira nga naman ang gc namin napaka ingay.

Still You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon