CHAPTER 30: SEENERS NIGHT

27 2 5
                                    

Emily's POV
Mahimbing akong natutulog ng may yumakap sa akin. "Love gising na. Anong oras na oh?" Ani ng isang malambing na boses. "Mamaya na. Inaantok pa ko." Sagot ko sa tonong inaantok. "11 na Love. Bumangon ka na." Sagot pa rin ni Ken sa malambing na paraan. Nahulaan ko nang si Ken yun dahil sa endearment. Di naman ako tinatawag na 'Love' ng mga kaibigan ko. "Five minutes." Inaantok ko pa ring sagot. "Sige na nga. Five minutes lang Love ah." Sagot niya. "Oo na." Inaantok kong sagot. Matapos ang limang minuto ay bumangon na ako. Nandito pa din siya sa kwarto ko. "Bilisan mo maligo. Nagpeprepare na sila ng lunch." Utos niya. "Ok Ken." Sagot ko.Pinaningkitan niya naman ako ng mata na para bang may mali sinabi ko. "I think you should call me 'Love' because we're together right?" Sagot niya. "Ok L-love." Pag uulit ko sa sinabi ko kanina. "Good." Sagot niya at lumabas sa kwarto. Pumunta na ako sa cr at naligo. Nagsuot na lang ako ng oversized shirt at denim shorts. Ng lumabas ako ng kwarto napakatahimik ng mga pasilyo. Siguro ay nasa baba na sila lahat kaya bumaba na rin ako. Pumasok naman ako ng dining. May mga pagkaing nakahain pero wala namang tao. Kahit kailan talaga si Ken jusko. Paasa. Akala ko ba nagpeprepare na? Wala namang tao. Master prankster talaga. Baka nasa may pool sila. Aalis na sana ko ng may pumutok na confetti. "Congrats Emily!!!" Sigaw nila at sabay-sabay nagsilabas sa mga pinagtataguan nila. "Para saan naman?" Tanong ko. "Para sa lahat." Sagot ni Ivan. "Lahat? What do you mean by "lahat"?" Tanong ko. "What he means is for patiently waiting for me. And for being an honor student." Si Ken na ang sumagot. Siya ang huling lumabas mula sa likod ng kusina siya nanggaling may dala siyang tatlong red roses. "Worth it naman lahat yun Love. Kasi napasakin ka rin naman diba?" Sagot ko. Lumapit siya sa akin at yinakap ako. Kumawala siya sa yakap at binigay sa akin ang tatlong roses. "Wow Love. Quotang quota na ko sa bulaklak, chocolates at libro." Sagot ko. "Wow. May endearment na sila. Sana lahat!" Singit naman ni Sandra. "Gusto mo na ba Sandra? Kasi kung gusto mo na pwedeng tayo na in an instant." Sagot naman ni Ivan sa kanya. "Ayoko pa 'no! Tsaka kapag tinanong mo ko gusto sincere hindi ganyan!" Sagot ni Sandra. "Mawalang galang na po. Masama pinaghihintay ang pagkain. Sobra sobra na po ang pagka PDA natin." Singit ni Lean. "Yes, the food is getting cold so we should eat. Magagalit si Lord kapag pinaghintay ang pagkain." Sangayon naman ni Andy. "Oo nga!" Sangayon naman ni Zoe sa sinabi ni Andy. "Hayst. Maghanap na kasi kayo! Hindi yung umiiral yung pagkabitter niyo!" Asar ko sa kanila. "Meron ako. Ayoko lang ng PDA. Pinapamukha niyo lang sa trip na 'to na hindi ko kasama yung jowa ko eh!" Sagot ni Lean. "Wow. Kayo na ni Kate?" Tanong ni Ken. "Yes. Bago tayo umalis." Sagot ni Lean. "Congrats din pala sayo Lean." Sagot ko. "Tama na yan. Kain na tayo. Nagugutom na ko." Singit ni Andy. Kaya umupo na kami. Pinagsilbihan naman ako ni Ken na para bang prinsesa ako. Ang sama ng tingin nila sa amin. Kung nakakapatay lang ang tingin pareho na kaming bulagta ni Ken dito. "Bakit? Mali bang pagsilbihan ang prinsesa ko?" Tanong ni Ken sa kanila dahil naramdaman niya ata yung mga tingin nila. "Wala. Napapa-sana all na lang ako dito eh. Yung isa kasi diyan ang tamad-tamad." Pagpaparinig ni Sandra kay Ivan. "Just eat guys. Hindi tayo makakatapos kumain kung palagi niyong kakainggitan si Ems at Ken." Singit ni Lean. Kumuha naman si Ken ng pagkain niya at matapos nito ay umupo na sa tabi ko. "Swimming tayo pagkatapos." Yaya ni Sandra. "May dala ba kayong rush guard?" Tanong ni Ken. "Ay. Wala." Sagot ni Sandra. "Eh paano ka magswiswimming niyan ha Sandra?" Sagot naman ni Ivan. "Meron ako diyang rush guard pero kay Emily lang ata magkakasya." Sagot ni Ken. "Bumili na lang tayo." Suhestiyon ni Lean. "May pera ka?" Sagot ko. "Eh pasasaan pa't inaya tayo ng dalawa na 'to kung hindi natin gagamitin yung mga pera nila?" Sagot niya na nakatingin kay Ken at Ivan. "Oo nga naman!" Sangayon ni Andy. "Ang laki na ng ginastos ko dun sa proposal ko kay Emily tapos ako pa bibili ng rush guard niyo. Si Ivan naman ang pagastusin niyo." Sagot ni Ken. "Hoy! Ako kaya bumili ng mga confetti! Tapos ng bulaklak na binigay mo kay Ems kasi kuripot ka!" Sagot naman ni Ivan sa kanya. "Hoy! Confetti at bulaklak lang yun! 350 pesos! Gumasta ka naman para kay Sandra! Kuripot nito!" Sagot ni Ken. "Sige na sige na. Basta yung sa tatlong babae lang ah! Hindi yung kay Ems. Ikaw bumili nung kay Ems!" Sagot ni Ivan. "Oo. Talaga!" Sagot ni Ken. "Tama na nga yan! Hindi na tayo natapos!" Naasar kong saway sa kanila. Hindi na kami matapos-tapos sa pagkain dahil sa bangayan ng dalawa na 'to. "Sorry Love." Sagot ni Ken. Nagtuloy kami sa pagkain ng walang nagbabangayan. Nauna nang lumabas sa amin si Ken dahil ipapahanda niya daw yung sasakyan. "Ready na yung van guys. Tara na!" Aya niya samin. Sabay-sabay na kaming lumabas ng bahay at sumakay sa van dahil nakaabang na ito sa tapat ng main door ng bahay. "Manong Bert sa mall po tayo. Antayin niyo na po kami. Mabilis lang po kami." Ani Ken sa driver. "Sige po Young Master." Sagot niya. "Wow. Young Master. K-drama and TFBBAM vibes!" Asar ni Sandra kay Ken. "HAHAHAHAHA. Ganun talaga. Hindi ko man kamukha si Jeydon Lopez at least kasing yaman ko siya." Sagot ni Ken. "HAHAHAHAHAHA. As if namang kaya mong pantayan yung kagwapuhan ni Jeydon." Sagot ko. "Hindi ko man mapantayan at least kaya kong higitan." Sagot niya. "Edi wow!" Sagot ko. Ng makarating kami sa mall agad kaming pumunta sa department store. "Good afternoon Young Master Ken. Ano pong kailangan niyo?" Bati nung sales lady kay Ken. Young Master? Don't tell me kanila 'tong mall na 'to. Or under 'to sa business nila. Pero diba ang business nila ay construction firm? "Good afternoon Isabelle. Kailangan ko ng rush guard. Five pairs. Four for women and one for men." Sagot niya dun sa sales lady na tinawag niyang Isabelle. "Okay po. Kukuha lang po ako sa stock room." Paalam niya. Ng makaalis yung babae ay binigyan namin si Ken ng nagtatakang tingin. "Bakit?" Tanong niya. "Love, sa inyo din 'to? Diba construction firm ang business niyo?" Sagot ko. "Ah itong mall. Sa kapatid ng Daddy ko 'tong mall. Wala pa silang branch sa Malolos kaya di niyo alam. Pero meron na silang branch dito tapos sa Manila. Kaya kaming magkakapatid pag gusto namin magmall dito sa Tagaytay ay hindi na namin kailangan pang pumunta sa ibang mall kasi makakapagshopping kami dito ng libre." Sagot niya. "Yaman mo nga." Namamanghang sagot ni Sandra. "May mall si Ken tapos si Ivan may hotel. Oh saan ka pa? Kumpleto na. Kapag gusto mo magshopping dito sabihin mo lang pangalan ni Ken okay na at may free shopping ka na. Tapos kapag gusto mo naman magrelax pumunta ka lang sa hotel nila Ivan at sabihin ang pangalan niya may VIP treatment ka na free accomodations pa." Ani Zoe. "Kaya napaka swerte ng mapapang asawa ng dalawa na 'to eh. Mayayaman." Sagot ni Lean. "Yes we live a comfortable life pero kinakalaban namin yung mga magulang namin para lang makapagmahal ng tao na hindi konektado sa business." Sagot ni Ken. "Oo nga. Babalaan na kita Emily. Sinagot mo na si Ken that means you'll be battling with the society he's in with." Ani naman ni Ivan. "Di ako handa pero sige. Haharapin ko na yung battle na sinasabi mo. Masyado kasi 'tong private eh! Di tuloy ako nakapaghanda." Sagot ko. "Its just that I don't wanna be known. I will only have friends in the elite society. Alam ko namang business lang habol nila. We are the top construction firm in Asia and Ana's company is the top trading company in Asia kaya pinipilit nila kaming magpakasal para sa business. Hindi na nahirapan yung parents namin dahil gusto ko ni Ana. Yun nga lang si Emily gusto ko kaya galit na galit sila sa akin." Paliwanag ni Ken. "Laki nga ng problema mo Bro." Sagot ni Lean. Naputol lang ang paguusap namin dahil dumating na yung sales lady dala ang mga pinabili ni Ken. "Thank you." Sagot niya. Pumunta na kami sa counter. "Good afternoon Young Master Ken." Bati ng kahera. "Good afternoon Anne. Ito yung mga binili ko. Paki charge na lang sa card ni Ate Kassandra." Aniya sa kahera. "Okay Young Master." Sagot niya. Pinunch lang yung mga binili namin at umalis na kami. Biglang nagring yung phone ni Ken. "Si Ate Kass. Sagutin ko lang ah." Paalam niya. Tumango lang ako sa kanya. Lumayo muna siya sa amin. Hinayaan lang namin siya at hinintay dito sa tapat ng counter. Ilang minuto lang ay bumalik na siya. "Tara na?" Tanong ko sa kanya. Tumango siya at kinuha ang kamay ko. Dinala niya yung rush guard namin. Kasunod lang namin sila Lean. Para nga silang di nag eexist sa mga kilos ni Ken eh. Ininterwined niya yung mga kamay namin. Ng makarating kami sa labas ng mall ay nakaabang na agad si Mang Bert sa amin. Sumakay na kami. Saglit lang at nakarating na kami sa bahay. "Magbihis na kayo. Tatawagan ko lang si Ate Kass dahil may problema daw sa bahay." Paalam niya. "Okay." Sagot namin. Nauna na kami umakyat at siya naman ay naiwan siya sa baba.

Still You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon