CHAPTER 15: BREAKDOWN

51 8 2
                                    

Emily's POV
Putek 'tong mga kaibigan ko. Kakaparty lang kahapon day out naman ngayon. "Sino naman dudugasan niyo ngayon?" Tanong ko. Dahil kinwento sakin ni Ivan na dinugasan daw nila si Ken nung bumili kami ng project. Masyado naman kasing supporter ng love team namin ni Ken. KELY daw tawag nila. "Ikaw. Ikaw may birthday eh." Sagot ni Lean. "Ang tanong may madudugas ba?" Sagot ko. "Meron!" Sagot ni Sandra. "Wow! Sa mukha kong 'to mukha bang may madudugas kayo." Sagot ko. "Uy! Tigilan niyo nga si Emily. Mag ambagan na lang tayo tutal naman kayo nakaisip eh." Saway ni Andy. "Sama mo pa 'tong sila Ken para may manlilibre." Sagot naman ni Zoe. "Girls day out ngayon Zoe. Kasama na nga natin sila kahapon isasama pa ngayon." Komento naman ni Lean. "HAHAHAHA. Sorry natambakan ng mga gawain sa SC eh. Pati utak ko naiwan na ata sa opisina ko." Sagot niya. "Hayst. Sige ako na sa movie. Kawawa naman kayo eh." Napipilitang sagot ko. "Kami na sa pagkain." Sagot ni Sandra. "Di tayo nakapag usap ng maayos kahapon kasi kasama natin yung ginoong mahal ni Emily at ginoong nagmamahal kay Emily." Komento ni Lean. "Wow ginoo! Big word!" Komento ko. "Sana all na lang." Komento ni Ivan. "Hayst. Ivan kung mahal lang hinahanap mo ayun oh! Pila ka." Sagot ni Sandra habang tinuturo yung bilihan ng mga pagkain. "HA HA HA Sandra nakakatawa." Sagot niya. "Mais mo Sandra!" Asar ko. "Ops ops! Baka magka developan kayo niyan!" Asar ni Lean sa kanila. "Ako?! Madedevelop diyan?! Mais na nga maingay pa!" Sagot ni Ivan. "Ako?! Madedevelop din diyan?! Seryoso na nga masungit pa! Mag exist muna lahat ng fictional character bago ko magustuhan yan!" Asik ni Sandra. "Guys! Alam niyo ba yung the more you hate the more you love!" Asar sa kanila ni Ken. "Oo nga! Ganyan nagsimula Lolo at Lola ko!" Asar ko rin sa kanila. Tiningnan lang ako ng masama ni Ivan at Sandra. "HAHAHAHAH. Pikon naman kayo pareho. Talagang bagay nga kayo! Parehong pikon!" Asar sa kanila ni Lean. Bumalik na kami sa mga classroom namin dahil magsisimula na ang huling klase sa umaga. Sa hapon daw kasi ay announcement ng mga kasali sa cotillion at rehearsal. Ilang araw na lang kasi at teenage ball na. Hindi pa namin alam kung masquerade ball o hindi. Ngayon pa lang din yung announcement. "Ok class pagkatapos ng lunch niyo dumeretso na kayo sa quadrangle dahil dun mag aanounce ng mga kasali sa cotillion. Para di na mahirapan sa pagtawag sa inyo ang mga advisers niyo. You may take your lunch." Bilin samin ni Miss Pau. CE teacher namin. Sabay-sabay kami nila Lean lumabas ilang segundo lang nang lumabas na rin sila Andy. "Putakti! Kinakabahan ako sa mga kasali si cotillion!" Pagra-rant ni Andy. "Ako man nga eh! Feeling ko kasali ko!" Sagot ko. "Wag kayong kabahan. Kung mapili man kayo may rehearsal naman." Pagpapatatag ni Ken samin. "Nakakaba kaya!" Sabay naming reklamo ni Andy. Dahil pareho kaming nasa alanganin ngayon dahil pareho kaming nanalo sa school events. Pinagbasihan ata nila yung achievements ng mga estudyante. Pareho kaming may achievements ni Andy. "Hayst. Ayoko kumain." Ani ko ng makaupo kami sa table sa cafeteria. "Ako din. Ayoko." Sang ayon ni Andy. "Kumain nga kayo! Masama yan sa katawan!" Saway ni Ken samin. "Ken dito ka sa sapatos namin. Di ka kaya madepress!" Masungit na sagot ko. "Kumain ka. Kahit hindi kanin. Please. Baka mamaya mahilo ka niyan." Sagot niya. Wow concerned ang bebe ko. Pero bawal marupok. "Ayoko. Wala ko sa mood kumain ngayon." Sagot ko. "Emily hindi dinadaan sa mood ang pagkain. Kumain ka na please..." Sagot niya. "Bahala ka oorder kita kahit ayaw mo." Dagdag niya pa. "Geh lang." Sagot ko. Argh! Ang rupok ko! Ayoko na! Kakasabi ko lang kaninang bawal marupok eh! Kainis! "Oh ikaw Andy? Di ka talaga kakain? Masama sa katawan yan." Baling ni Sandra sa kanya. "Narinig ko na kay Ken yan. Umorder ka na lang din ng sakin. Ayoko ng kanin ah." Sagot niya. Naiwan kaming dalawa dito sa table dahil nakapila pa sila Zoe at Lean. "Hayst. Paano kapag kasali ako? Hindi ako sanay magsayaw." Pagra-rant ko. "Hay. Bahala na si Lord." Sagot ni Andy. Talagang bahala na si Lord. Jusmeyo marimar naman. Parang ayoko nang matapos tong lunch. Kinakabahan ako sa mangyayari. "Oh. Kain ka na. Wag ka nang kabahan. Nandyan lang ako. Sumusuporta sayo." Bati ni Ken ng makabalik sa table namin. Burger, fries at sundae ang inorder niya. Water lang ang drinks masyado kasing observant sa health ko. Kala mo namang healthy living. Tignan mo't isang bulto ng kanin kinakain tapos coke pa ang drinks. Di naman tumataba kakapuyat. Para di masayang  yung binili niya kumain na ako. Panay lang ang buntong hininga ko habang papunta kami sa quadrangle. "Hoy! Nailabas mo na ata lahat ng linalanghap mong hangin habang papunta tayo dito eh! Tama na yan!" Saway ni Ivan dahil kahit nakaupo na kami bumubuntong hininga pa rin ako. Hindi ko nakatabi si Ken dahil hinatak kaagad siya ng mga kaibigan niya sa first section. Bwisit na to! Si Ana pa ang katabi! Matalim ang tingin ko sa gawi nila. "Kung makakapatay lang ang tingin kanina pa nakabulagta jan si Ken at Ana noh." Asar ni Lean. "Eh ano gusto niyo gawin ko? Pachill chill lang habang yung future ko nilalandi dun sa harap?" Sagot ko. Bwisit! Napakalandi! Kapit pa ng kapit kay Ken. Di man lang umiiwas ang Ken. Putek! Pag di ako nakapag timpi babatuhin ko na yan. Argh! Landi! Nawala ang tingin ko sa kanila nang may tumayo sa stage. Dun ko na lang ibinaling ang atensyon ko. "Ok. Good afternoon students. Today we're going to announce the chosen students who will join the cotillion on the teenage masquerade ball." Anunsyo ng guro sa harapan. Dun na nagumpisang manlamig ang kamay ko nang magbanggit na siya ng mga pangalan. "Emily Savvanah Howards and Ivan Daniel." Sabi ng guro na nakatingin sa gawi namin. At yun na nga nilingon ako ni Ken. "Ok lang yan Ems tayo naman partner eh." Bulong sakin ni Ivan. "Paano magiging ok yun? Di ako sumasayaw." Sagot ko. "Kaya nga may rehearsal diba?" Sagot niya. Di na ko nagpatalo sa mokong na 'to. Sa day out na lang ako mamaya magrarant. After ng movie na papanoorin namin. "Ma'am why am I not joining the cotillion?" Tanong ni Ana. Siya lang kasi ang nagsasalita kaya rinig dito. "Why Miss Arthur? Is there a problem?" Tanong sa kanya ng guro. "Yes. Miss Howards shouldn't be there. She knows nothing about dancing." Sagot niya. "Thats not the qualifications when we choose the students. Thats the purpose of rehearsal to teach them." Sagot ng gurong nagbasa ng mga pangalan kanina. Sino ba siya para sabihan akong wala akong alam sa pagsayaw? "Ems pigilan mo ko kundi babatuhin ko yan ng libro." Bulong ni Lean. "Stop Lean. Ako nga baka masabunutan ko yan." Bulong naman ni Sandra. "Ivan palit tayo." Ani naman ni Andy. Nagpalit sila ni Ivan. "Puta Ems. Wala siyang karapatang ganyanin ka. Sasabunutan ko yan." Bulong naman ni Andy. "Oi tigilan niyo yan. Hayaan niyo siyang magsasalita diyan. Finalized naman na yung list na yan kaya hindi na siya madadagdag." Sagot ko. "Then add my name and Ken's name on the list." Bumalik sa harapan ang atensyon ko nang marinig ko iyon. "The list is finalized Miss Arthur. You can't add other names there." Sagot niya. Biguang umupo sa pwesto niya si Ana. "Sabi sa inyo eh. Di na yun mababago." Bulong ko. "Hayaan niyo na yun. Mas maganda naman si Ems kesa sa bruhidang yun." Bulong ni Zoe sa tabi ni Andy. Nagpalit sila ni Ivan. "Any questions, violent reactions and complaints?" Tanong ng guro. Walang sumagot sa mga estudyante. "Well then you may go. Get your things on your classrooms and go home." Sagot niya. Agad nagkaingay ang quadrangle. Maaga pa naman kaya marami kaming magagawa bago pumunta sa mall. Nang makalabas ako ay agad akong inakbayan ni Ken. Ni hindi ko man lang napansin. "Oh? Bakit ka nandito? Tapos na ba kayo maglandian ni Ana?" Tanong ko. "Selos naman baby ko. Hindi ah. Siya lang yung humahawak sakin. Tsaka pinagsabihan ko na siya sa ginawa niya kanina." Sagot niya. "Talaga lang apaka kapal ng mukha ng bestfriend mo ah. Napahiya ako sa ginawa niya." Sagot ko. "Ayieeee! Sana all!" Sigawan ng mga kaibigan kong timang. Hay nako. Paniguradong aasarin ako ng mga yan sa day out mamaya. "Ingat kayo sa gala niyo ah. Wag papagabi sa daan tapos chat kayo sa gc kapag nakauwi na kayo. Ingatan niyo si Emily." Bilin ni Ken nang maihatid kami sa may gate. Aantayin niya daw yung mga kaibigan niya kaya mamaya pa uuwi. "Wag kang lalandi ah." Paalam ko naman sa kanya. "Oo. Ingat." Sagot niya. Naku Ken malaman laman ko lang na lumalandi ka paliliparin kita palabas ng mundo. "Mall na ba kagad o sa kapitolyo muna?" Tanong ni Lean. "Natural sa mall na para maaga makauwi. Magmomovie pa tayo noh!" Sagot ko. "Oh ano? Arat na ano pang tinatayo-tayo niyo jan?" Aya naman samin ni Zoe. Maleficent mistress of evil. Ang pinanuod namin. Ngayon nandito kami sa DQ para mag ice cream. "Nainis ako kanina bwisit! Wala naman siyang karapatang magsabi ng ganon!" Pagrarant ko habang naglalakad kami paakyat sa dorm. "Oo nga eh! Malapit na ko tumayo kanina kung di pa rin siya tumigil!" Sang ayon ni Sandra. "Pabayaan mo na. Papansin lang yun kay Ken kasi alam niyang ikaw yung liniligawan." Komento naman ni Lean. "Palibhasa Miss Papansin 2020." Sagot naman ni Andy.  "HAHAAHHAHA. Dramang pang kanto awards." Sagot ko. Umakyat muna kami sa mga kwarto namin para magbihis. Agad kong binuksan ang cellphone ko.

Still You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon