Emily's POV
Kinaumagahan nagising ako sa ingay ng alarm ko. 3:00 am ako nagalarm dahil kailangan ko magresearch tungkol sa iba pang topics ng quiz bee. Di ako nakapanood ng balita kagabi dahil masyado kong napagod kaya hinanap ko ito sa isang website. Nang matapos mag review ay natulog ulit ako para naman fresh yung itsura ko dahil baka mamaya umaaligid nanaman si Ken. Nakakahiya kung haharap ako sa kanya na mukhang basura. Nagpabili ko ng lip tint kay Lean nung isang araw kaya meron akong ginamit kahapon. Pag aaralan ko na ngang gumamit nito dahil di ko naman nakaugalian ang ganito. Nang gumising ako ng 5:00 am ay deretso ligo na ako. Hindi kami naka uniform ngayon dahil festival kahapon lang dahil may thanksgiving. Black crop top stripes at ripped jeans ang suot ko ngayon. Di naman kailangan ng formality sa competition na sasalihan ko ngayon. Pinaresan ko ito ng white rubber shoes. Hindi ko inipit ang mahaba kong buhok hinayaan ko lang siyang nakalugay. Sinuklay ko ito ng mabuti at pinatuyo. Naglagay ako ng kaunting pampapula sa aking labi para naman may magbago sa mukha ko. Sling bag lang ang dala ko na may lamang ballpen at yellow paper para sa essay. Nang makababa ako nagkakaingay na ang hapag namin sa di ko malamang dahilan. "Ano ba yan guys?! Ang ingay niyo! Aga-aga eh!" Saway ko sa kanila ng makarating ako sa hapag. "Chill may pinaguusapan lang kami." Sagot ni Lean. Umupo na ako sa pwesto ko at nagsimula nang kumain. "Andy anong oras daw tayo sa jail booth?" Tanong ko. "Afternoon duty tayo kasi diba may competition tayo ngayon?" Sagot niya. "Ahhh. Kinakabahan ako kahit second time ko na." Sagot ko. "What about me? Its my first time." Sagot naman niya. "Zoe punta ko sa booth niyo wah!" Bati ko kay Zoe. "Aasahan ko yan ah!" Sagot niya. "Oo. Pagkatapos namin ni Andy sa essay." Sagot ko. May booth sila Zoe. Magbebenta sila ng cookies para makakalap ng pera para idonate sa foundation na sinusuportahan ng school. Sana makarami sila Zoe para naman malaki-laki ang maibigay sa foundation. Minsan ko nang napuntahan yun nung nag public service kaming scouts. Foundation siya ng mga ulilang bata. Labis ang mga ngiti nila nung pumunta kami at namigay ng mga laruan at makakain. Matapos kumain ay nilagay ko na sa lababo ang pinagkainan ko. Ganun din ang ginawa nila. Inurungan ni Lean ng mabilis yung mga plato at sabay-sabay na kaming pumasok. Nang makarating kami sa school ay dumeretso kami sa tapat ng room namin para makapag time in. Habang naglalakad kami papunta sa garden ng school ay binabati ako ng mga nakakasalubong namin. Nang makarating kami dun ay umupo kami sa bermuda grass. Tamang chill lang kami habang iniintay yung oras ng essay competition. Si Zoe dumeretso na sa events hall dahil naroon ang kanilang booth. "Guys napaisip na ba kayo kung ano magiging future natin?" Tanong ko habang nakatanaw sa nakakarelax na tanawin. "Ako I see myself 10 years from now as a doctor." Sagot ni Sandra. "Same." Sang ayon ni Andy. "Ako 10 years from now nakikita ko sarili ko as kpop idol." Sagot naman ni Lean. "Ako 10 years from now successful writer at published na yung online book ko. Tapos doctor na ko sa mga panahon na yun." Sagot ko. "Kasama ba ko sa mga pangarap na yan?" Tanong ng boses sa likuran ko. Sa hindi malamang dahilan bigla na lang tumibok ng mabilis ang puso ko. Sumisikdo ito at hindi ko maipaliwanag kung bakit. Boses pa lang ganto na kabilis ang tibok nito pa'no pa kaya kapag nilingon ko siya. Alam kong si Ken yun dahil sa kanya lang naman nagkakaganito yung puso ko. "HAHAHAHA. Tingin mo?" Sagot ko upanga maitago ang kabang nararamdaman ko. "Syempre oo. Kasi para sakin para kang bituin na mahirap sungkitin pero sa huli siguradong mapapasakin." Sagot niya. "HAHAHAHA. Corny mo!" Pambabara ko para maitago ang kilig na nararamdaman ko. "Pero deep inside kinikilig yan." Asar ni Sandra. "HAHAHAHAH. Alam niyo halika na. Baka malate kami ni Andy sa contest." Sagot ko. "Ay oo nga. 7:30 na. 8:00 ang contest." Sang ayon ni Andy. Kaya sabay-sabay kaming nagtungo sa library. "Good luck guys!" Paalam nila sa amin at sabay kaming niyakap. "Good luck Ems." Ani ni Ken sabay halik sa pisngi ko. Eto nanaman ang puso ko. Bumibilis nanaman at parang nakasabak sa karera. "T-thank you." Sagot ko sabay pasok sa library. Hindi ko na inintay si Andy dahil sa sobrang kahihiyan. Makalipas ang 10 minuto ay dumating na si Andy kasabay ng proctor. Hindi na nila pinaghiwalay ang english at filipino essay contest dahil masyadong malaki ang library. Kaunti lang ang sumali dahil wala naman masyadong interest ang ibang highschool students. "Bakit ang tagal mo?" Tanong ko. "Nag cr pa ko tapos may ginawa pa ko." Sagot niya. Nagsimula nang mag discuss ang proctor tungkol sa rules and regulation ng contest. "You have 1 hour to finish you essay about love. Both english and filipino participants." Utos ng proctor. Sabay-sabay kaming naglabas ng mga yellow paper at magkanya kanyang sulat na. "Putakti naman boi. Anong alam ko sa love?!" Reklamo ni Andy. "Ok lang yan. Kaya mo yan boi." Sagot ko. Nag earphones na kami pareho para mas makapag focus. Habang nagsusulat ako ng essay si Ken ang nasa isip ko.
BINABASA MO ANG
Still You (COMPLETED)
Romance"I will let you go Ken not because I don't love you anymore but because this is me loving you. Until we meet again. I love you Love." -Emily Savvanah Howards Will letting him go will mend the pain? Or it will cause more pain? Matagal niya yun hinint...