Emily's POV
Mabuti nga't maaga kaming dinismiss ng trainor namin dahil may oras pa ko para magprepare sa date namin ni Ken. Agad akong dumeretso sa cr ng events hall para mg bihis ng white long sleeves crop top. Mabuti na lang nag ripped jeans ako ngayon. Buti matino yung damit na nakuha ko sa cabinet. Matching pa siya sa sapatos ko. Nag lip tint ako ng kaunti. Ng lumabas ako nakita ko si Ken nakaupo sa may bench at may dalang malaking bouquet of roses. Lumapit ako sa kanya. "Uy kanina ka pa?" Bati ko. "For you. I hope you like it." Sagot niya. "T-thank you." Sagot ko habang inaabot yung flowers. "Lets go. Nandyan sila Andy sa labas kasi sabi ko iuwi nila yung bouquet mo." Sagot niya. "Wait! Picture muna tayo!" Sagot ko. "Ayoko! Ikaw na lang. Pipicturan kita. Pang dp sa fb." Sagot niya. "Sige. Ayusin mo wah!" Sagot ko habang inaabot sa kanya yung phone ko. Nagpost ako ng nakayuko sa bouquet at nakangiti. "Ok na. Tara na manunuod pa tayo movie. Sabi mo uuwi ka pa sa inyo kaya tara na." Aya niya. "Thank you!" Nginitian ko siya ng pagka tamis tamis at hinalikan siya sa pisngi. Tumingkayad ako ng kaunti dahil matangkad siya sakin ng ilang inches. Sandali siyang natulala bago sumunod sakin sa paglalakad. Ng makalabas kami ng events hall ay tama nga ang sinabi ni Ken. Nasa labas sila Andy. "Uyyyyyy!!!! Sana all!!!" Sigawan nila ng makalabas kami. "HAHAHAHHAHAHAHA. Pauwi ah! Kasi di ko mabibitbit yan papunta sa mall." Sagot ko. "Kwentuhan mo kami ah." Bilin ni Sandra. "Oo. Baka di nga pala ko makauwi mamaya sa dorm kasi nagtext na sakin si Mommy na nadun na daw yung gown ko. Dun kasi ko magpreprepare para sa ball. Kayo ba?" Sagot ko. "Oo. We're also going home to prepare so its better for you not to go at the dorm." Sagot ni Andy. "Mmm. Sige. Lagay niyo na lang sa kwarto ko yung bouquet. Bago kayo umalis."Sagot ko. Naglakad na kami palabas ng gate. "Ikaw Ken may damit ka na ba para sa ball?" Tanong ko habang naglalakad kami papunta sa sakayan. "Mm. Meron na. Nasa bahay na last last week pa." Sagot niya. "Mm. Anong kulay?" Tanong ko. "Lavender. Yun kasi yung napili ko." Sagot niya. "Magka shade pala yung damit natin. Purple naman sakin." Sagot ko. "Mmm. Nice. Where meant to be together." Sagot niya. "HAHAHAHAHA. Ano connect nun sa damit?" Tanong ko. "Soulmates tayo yun yung ibig sabihin nun." Sagot niya. "HAHAHAHAH. Oo na!" Sagot ko. Nang huminto kami ay agad kaming nakasakay sa jeep papuntang mall. Naglibot muna kami. "Ano ba papanuorin natin?" Tanong ko. "Five feet apart." Sagot niya. "What?! I heard nakakaiyak yun." Sagot ko. "Oh bakit? Maganda yun." Sagot niya. "Aish! Wag mo na lang akong titingnan pag nagstart na yung movie ah!" Sagot ko. "Bakit? Iiyak ka ba?" Tanong niya. "Syempre hindi! Kapag umiyak ako ikaw lilibre ko ng ice cream." Sagot ko. "G!" Sagot niya. "Oh sige! Kala mo namang iiyak talaga ko eh!" Sagot ko. Agad kaming pumunta sa cinema para bumili ng ticket. "Siguraduhin mong legit yung libre na yan!" Aniya habang bumibili kami ng pagkain. "Oo!" Sagot ko. Pumila na kami. Tig isang pop corn lang kami at tig isang soft drinks. Inantay ko talaga mag start yung movie kaya nagphone muna ko. "Arat picture!" Aya ko sa kanya. Binuksan ko yung camera ng phone ko at humarap siya sa akin. Inakbayan niya ako ng may tipid na ngiti sa unang picture. Pareho naman kaming naka peace sign sa pangalawang picture. Ng magsimula ang movie ay kinuhanan ko siya ng stolen shot. Inistory ko ito sa messenger na may caption na "with my man". Habang nanunuod ako ay vibrate ng vibrate ang phone ko sa bulsa ko. Nakita kong si Mommy yung tumatawag. "Hello Mi?" Bati ko. "Emily. Ano yung nakita ko sa fb? Yung with my man? Sino yun? Manliligaw mo ba?" Tanong niya sa istriktong boses. "Opo Mi. Papakilala ko sa inyo mamaya. Chill." Sagot ko. "Sige. Siguraduhin mong maayos ugali niyan ah." Sagot niya. "Opo Mi. Nanunuod ako. Mamaya na lang." Sagot ko. "Sige. Enjoy." Sagot niya. Ibinaba ko na ang tawag. "Oh sino yun?" Tanong niya. "Si Mommy. Nakita na yung story ko HAHAHA." Sagot ko. "Ano ba yun?" Tanong niya. "Maya na. Manuod na lang tayo." Sagot ko. Nagpatuloy kami sa panunuod. Patapos na yung movie ng maiyak ako kasi mamatay yung character. "Yes! I win!" Bulong niya sakin. "Sige na nga. Huhuhu. Lagas ipon ko." Sagot ko. Pinunasan ko na ang luha ko at tumayo na. Kinuha ko yung bag ko at nauna nang maglakad sa kanya. "Oi! Teka!" Sigaw niya. Agad siyang nilingon ng mga dumadaan kaya agad akong huminto. Agad niya kong inakbayan. "Wag ka kasing excited. Ako yung lilibre mo pero ikaw pa yung nauna sakin." Aniya ng makalapit sakin. "Oo na tara na! Bagal mo baka magbago pa isip ko." Sagot ko. "Tara na nga! Baka magbago pa isip mo!" Sagot niya. Sumakay kami ng escalator. Nagtatawanan kami habang nag uusap. "Sana all!" Rinig kong sigaw ng mga grade seven sa likod namin. "Oi Ken! Crush ka ata nung mga grade seven oh!" Asar ko. "HAHAHAHAHHA. Sira! Masyado kasi tayong sweet kaya nag sasana all sila." Sagot niya. Wew anong sweet samin? Magkaholding hands lang naman kami. Masyado bang gwapo 'to para isana all ng mga mas bata samin? Matangkad lang naman siya tas medyo moreno, matangos ilong. Ganon lang naman. Bakit pa kaya sila nagsasana all? "Hoy! Nandito na tayo sa DQ! Libre mo ko chocolate ice cream! Masyado naman atang malayo iniisip mo." Tawag niya sa atensiyon ko na nagpabalik ng isip ko sa wisyo. "Ha? Ah sorry kasi iniisip ko kung anong dahilan ng pagsasana all ng mga grade seven kanina." Sagot ko. "Hmm. Selos ka noh?" Sagot niya. "Hindi ah! Anong flavor gusto mo ulit?" Sagot ko. "Chocolate. Para sweet." Sagot niya. "Tanga! Lahat ng ice cream sweet!" Sagot ko. "Pero mas sweet ako." Sagot niya. Pinamulahan agad ako ng marinig yun. "Ayieeeee! Kinilig ka naman." Puna niya sa namumula kong mukha. "HAHAHAHAHA. Adik ka! Pila na nga ko dun!" Sagot ko. Dumeretso na ako sa pila. Umorder ako ng chocolate at cookies and cream para naman di lang siya yung may ice cream. Nagvibrate ang phone ko. "Hello?" Sagot ko sa tawag. "Hello Ems?" Sagot ni Kuya Mark. "Oh bakit Kuya Mark?" Sagot ko. "Eh kasi ayaw uminom ng gamot ni Nanay. Ikaw hinahanap." Sagot niya. "Ha?! Eh nasa date pa ko! Papaalam lang ako tas uuwi na ko!"Natatarantang sagot ko. "Date?! Sino yan? Dalin mo yan dito sa bahay ah!" Istriktong sagot niya. "Oo na oo na! Bye na!" Sagot ko tsaka binaba ang tawag. "Tara na Ken. Papakilala na kita sa family ko." Aya ko. "Ha?! Di ako informed na kailangan ko mameet yung family mo! Naku po! Ems naman eh.. Nahihiya ako." Nagugulat na sagot niya. "HAHAHAHAH. Di yan. Kaya natin 'to! Kaw pa ba? Kapal kaya ng mukha mo sa school!" Sagot ko. "Syempre mga kaibigan natin yung kaharap natin. Magulang mo yun eh." Sagot niya. "Ay nako bahala ka diyan. Tinatamaan ka pa pala ng hiya. Jusmeyo marimar ka." Sagot ko. Ilang saglit pa ay nagring naman ang phone niya. "Hello?" Sagot niya sa tawag. "Sige po. Pauwi na ko." Sagot niya bago ibaba ang tawag. "Sa sakayan na lang kita maihahatid Ems. Nagkaproblema sa bahay eh." Paalam niya. "Ok lang. Tinetext na rin ako ng pinsan ko eh. Kailangan na ko sa bahay namin." Sagot ko. "Sige. Tara na baka malate pa ng inom ng gamot lola mo." Sagot niya. Naglakad na kami papunta ng sakayan. Nagvibrate nanaman ang phone ko. Tiningnan ko ang caller's id at si Kuya Mark nanaman. "Hello? Kuya Mark. Bakit?" Sagot ko sa tawag. "Ems umuwi ka na. Ikaw na mag inject ng EPO. Ayaw ni Nanay magpa inject sakin." Sagot niya. "Ano?! Turo mo sakin. Ngayon pa lang ako mag iinject. Diba sa dorm ako nakatira?" Sagot ko. "Oo. Bilisan mo. Uuwi pa kami Gabrielle sa Pampangga. Walang kasama si Baby." Sagot niya. "Oo pauwi na. Antayin niyo ko." Sagot ko. Binaba ko na ang tawag at binalingan si Ken na nagchachat sa cellphone niya. "Hoy! Tara na. Hahatid mo pa kong sakayan diba?" Aya ko. "Hindi. Hahatid na kita sa inyo. Kasi gabi na rin. Baka mahold up ka pa o kaya mapano ka sa daan." Sagot niya. "Eh diba may kailangan ka pang gawin sa inyo?" Sagot ko. "Nagpaalam na ko. Tsaka si Ana lang yun. Masyadong paimportante kaya pinapauwi na agad ako." Sagot niya. "HAAHHAHAHA. Baka mapagalitan ka niyan ah!" Sagot ko. "Hindi yan. Ako bahala." Sagot niya. Nang huminto ang jeep sa tapat namin ay sumakay na kami para makauwi na agad dahil mag iinject pa ko. Ilang minuto lang ang biyinahe namin at nakarating na ako sa bababaan ko. "Para po!" Sigaw ko dahil nasa bandang dulo kami. Bumaba na ako pero mukhang excited si manong at biglang umandar. Mabuti't nahawakan ni Ken yung braso ko kundi nangudngud na ko. Nagkatitigan pa kami at ito nanaman ang paghuhurumentado ng puso ko. Parang nangangabayo sa sobrang bilis ng tibok. "T-tara na. Hinihintay ako sa bahay." Pagbali ko sa pagtitigan namin. "Oo nga. Late na rin." Sagot niya. Habang naglalakad kami ramdam ko na yung pagtitinginan ng mga tao samin. "Uy Emily sino yan? Boyfriend mo?" Tanong ng isang chismosa samin. "Hindi po. Kaibigan lang." Sagot ko. Nagpatuloy na alng kami sa paglalakad. Inabutan naamin na nasa tapat si Tita Mhel at Kuya Mark. Di ata kasama si Baby at Ate Gabrielle. Nagmano muna ako kay Nanay at kay Tita Mhel. "Ems sino yang kasama mo?" Tanong ni Kuya Mark. "Si Ken Kuya. Manliligaw ko." Kinakabahang sagot ko. "Ah. Hi. Nice to meet you." Sagot naman ni Kuya Mark. Nakipag kamay siya kay Ken. "Nay, si Emily may manliligaw na." Bulong naman ni Tita Mhel kay Nanay. "Ha? Sino?" Sagot niya naman. "Ayan oh." Sagot niya habang tinuturo si Ken. "Your good looking boy huh? I guess Emily is lucky to have you. I think many girls are trying to get your attention." Bungad ni Mommy. "Good afternoon Ma'am." Bati ni Ken. "Good noon. Tara sa loob meryenda tayo." Sagot naman ni Mommy. "Ano ba meryenda natin Mi?" Tanong ko. "Nagluto ako ng carbonara kasi sabi ko diba ipakilala mo siya sakin." Sagot niya. "Emily, tara injectionan mo na si Nanay para makaalis na kami ni Gabrielle." Tawag ni Kuya Mark sakin. "Sige Kuya. Paupuin mo na siya. Kukunin ko na yung EPO sa ref." Sagot ko. Pumunta ko sa kusina namin at kinuha ang EPO. Pang injection ito pampapula ng dugo. "Oh eto na Kuya Mark." Ani ko ng makabalik ako. "Nay, higa ka." Utos naman ni Kuya Mark kay Nanay. "Bakit?" Tanong ni Nanay sa kanya. "Mag iinjection si Emily sayo." Sagot niya. Agad naman siyang humiga para mainjectionan ko na siya. "Ganto Ems." Aniya habang pinapakita ang unang gagawin bago iinject kay Nanay yung gamot. "Oh ikaw na mag inject." Aniya habang inaabot sakin yung syringe. Agad kong dahan dahang itinusok sa tiyan ni Nanay. Naiilang ako sa tingin nila pero hinayaan ko na lang. Nang maiinject ko na lahat ng gamot ay dahan dahan ko rin itong hinugot. Nilagyan ko ng maliit na bulak yung parte ng tiyan niyang pinaghugutan nung injection. "Tara na. Kain na." Aya ni Mommy. "Ah Ma'am alis na po ako. Hinatid ko lang po talaga dito si Emily to assure her safety. Late na rin po eh." Paalam niya. "Ha? Eh pagbabalot na lang kita ng carbonara. Sandali lang." Ani Mommy. Agad siyang pumunta sa kusina namin at inayos ang dadalhin ni Ken. "Teka lang Ken. Tutulungan ko muna si Mommy dun." Paalam ko at sumunod kay Mommy sa kusina. Nang makapasok ako dun ay nakita kong nagsasalin na siya ng carbonara sa tupper ware. "Mi tulungan na po kita." Ani ko. "Oh. Takpan mo na lang tas ilagay mo sa plastic." Utos niya. "Sige po." Sagot ko. Agad kong ginawa ang inutos niya. Kinuha ko yung tupper ware at tinakpan ito at nilagay sa plastic yung tupper ware. "Dalaga na ang baby ko. Ingatan mo sarili mo ah. Lalo na't nakadorm ka. Tsaka wag masyadong malungkot kapag nagbreak kayo. Alam mo naman nangyayari sayo kapag nasasaktan." Aniya. "Opo Mi. Iingatan ko po sarili ko. Pero bakit parang pinapalayas mo na ko. Nandyan na yung dress ko diba? Nasan po ba?" Tanong ko. "Ah pinaakyat ko kay Kuya Mike mo at Mark. Nasa kwarto mo na." Sagot niya. "Sige po Mi. Thank you. Hahatid ko lang po sa kanto si Ken." Paalam ko. "Ah sige sige." Sagot niya. Lumabas na ako ng kusina dala ang plastic ng tupper ware na may carbonara. "Kuya hahatid ko lang si Ken. Saglit lang ako." Paalam ko. "Sige. Pagbalik mo tsaka na kami aalis ni Gabrielle." Sagot niya. "Tara Ken." Aya ko. "Nice meeting you po." Paalam niya sa kanila. Hinawakan ko ang kamay niya. Nanlalamig siya. Kinabahan ata o ininterogate siya ni Kuya Mark. Naglakad na kami palabas. "Anyare sayo? Bakit nanlalamig ka?" Tanong ko. "Nakakakaba sila. Si Kuya Mark lang hindi nakakatakot. Pero yung Tita Mhel mo maraming tinanong sakin. Engineer din pala siya. Papa ko engineer." Sagot niya. "Hayaan mo na si Tita Mhel. Takot din ako dun wag ka mag alala. Nag aalala lang sila sakin dahil first time ko magdala ng kaibigan sa bahay." Sagot ko. "Ah. Sobrang strict niya. Parang papa ko. Ganun din siya samin lalo na kay Ate." Sagot niya. "Dati nang ganon si Tita Mhel. Kaya sa next meet niyo umayos ka na lang." Sagot ko. "HAHAAHHAHA. Sige sige." Sagot niya. "Oh hanggang dito na lang kita ihahatid kasi aalis na din sila Kuya Mark pagbalik ko eh." Sagot ko. "Ah sige. Ingat ah. Chat na lang kita pag nakauwi na ako. See you on the ball." Paalam niya. "HAHAHAHAHA. Kung makilala mo ko sa ball HAHAHAHA. Sige na. Late na oh. Uwi na ko." Paalam ko. "Sige na. Byeee!" Sagot niya. Tinalikuran ko na siya at naglakad na pabalik. Nakasalubong ko pa sa labasan sila Kuya Mark. Kinawayan ko lang sila at nagpatuloy na ako sa paglalakad. Nang makarating ako sa bahay ay nagsasalo-salo na sila sa carbonara. "Magbibihis po muna ko." Paalam ko. "Sige." Sagot naman ni Mommy. Tuloy-tuloy na kong pumasok at umakyat sa kwarto ko. Binuksan ko ang ilaw ng kwarto ko at nadatnan ko ang kulay lavender at may mga paru-paro na nakalagay. Kasama na nito ang mask na gagamitin ko sa ball. Nagbihis na ako ng pambahay at bumaba na. Masaya kaming nagsalo-salo. Hinatid ko sa kwarto si Nanay. Nang makatulog si Nanay ay umakyat na ako sa kwarto ko. Pinanuod ko ang mga bituin na dinikit ko sa kisame ng kwarto ko. Nagvibrate ang cellphone ko kaya agad ko itong binalingan.Ken:
Nakauwi na ko.Me:
Ok. Good night.Ken:
Good night. Love youMe:
Speed lang Sis.Ken:
HAHAHAHA. Joke lang. I don't want to pressure you.Me:
Hindi ako napepressure sayo. Sa ball ako napepressure. Kung paano ko aayusin yung sarili ko para magmukha akong tao.Ken:
HAHAHAHAHAHA. Tama tama. Kasi di ka mukhang tao.Me:
Lakas ng loob mong sabihan ako ng ganyan ah! Baka di kita sagutin niyan! Bahala ka na manligaw sa hangin.Ken:
Mukha ka kasing mundo. Mundo ko.Me:
Edi wow. Matutulog na nga ko. GN!Ken:
Weh? Baka tumili ka diyan sa sobrang kilig ah!Me:
Wala kang pake!Kinuha ko na lang ang laptop ko at inabala ang sarili ko sa pagtutuloy ng sinusulat ko. May mask naman akong ilalagay mamaya bago matulog kaya di na problema yung eyebags. Nanuod pa ko saglit ng vlogs ng mga favorite authors ko bago ko nilagay ang face mask. Nang makahiga ako ay naisipan kong magchat sa gc namin. Nagpicture muna ako at sinend ito sa gc namin.
Me:
Good night! Preparing for tomorrow! See you! Ivan! Good luck saten!😘Sandra:
Good luck bukas Ems!Ivan:
Oo nga. Sana makasayaw tayo ng maayos.Andy:
The question is...Sandra:
???Ivan:
???Ang creepy ng message ni Andy. This days nagiging weird siya. Lalo na nung papalapit na yung ball. Kagabi nung sabay sabay kami nagdinner palagi niyang inaasar si Sandra kay Ivan. Tapos parang palagi siyang nagbabanta kay Ken na baka hindi ako makilala sa ball every lunch.Ano kaya pinaplano ng mga 'to? Sana naman hindi prank dahil kilala ko sila kung pa'no mamprank. Kakaiba na sa sobrang pagkaiba kaya nila ko paiyakin. Inignore ko na lang ang message niya at tinabi na ang cellphone ko sa side table at natulog na.
Yan yung ininject ni Emily na gamot.
A/N: Yung picture sa taas po yun po yung sinasabi ni Emily na EPO. Pampapula po ng dugo ang purpose ng gamot na yan. Also sorry for the late update. May writers block po kasi ako this days kaya di ko madugtungan yung nasimulan ko at nanunuod din po kasi ako ng Scarlet Heart Ryeo para naman may inspiration. Thank you for reading and please vote my story! Love you all!❤️
BINABASA MO ANG
Still You (COMPLETED)
Romance"I will let you go Ken not because I don't love you anymore but because this is me loving you. Until we meet again. I love you Love." -Emily Savvanah Howards Will letting him go will mend the pain? Or it will cause more pain? Matagal niya yun hinint...