Emily's POV
Iniwan ko sa taas ang phone ko kagabi dahil mag ninintendo kaming magpipinsan. Nagkakasiyahan sila ay nakaramdam na ko ng antok. "Tita akyat na po ako." Paalam ko. "Ah ok. Magpaalam ka na kay nanay." Sagot niya. "Nay, akyat na po ako." Bulong ko sa kanya. "Bakit? Matutulog ka na?" Tanong niya. "Opo matutulog na ko." Sagot ko. "Sige." Sagot niya. "Tita good night po. Tulog na po ako." Paalam ko. "Ok. Good night." Sagot niya at umakyat na ako sa taas ng kwarto ko. Binuksan ko na ang aircon dun kanina bago ko umakyat. Nang buksan ko ang cellphone ko ay may chat sakin si Sandra.Sandra:
Good night Ems. Sorry. Love you.Me:
Good night din. Ok lang ako wag ka na magsorry. Love you too.Excited ako bukas dahil gagala nanaman ako at syempre may libre nanaman panigurado. Matapos ko magchat kay Sandra ay naghanda na ako para matulog. Nang magising ako ay nasa tabi ko si Kreisler. "Huy Kreisler! Bakit ka nandito?" Inalog-alog ko pa siya pero ang mokong di pa rin magising. Siguro puyat. Pinatay ko ang aircon at binuksan na lang electric fan. Naisip kong bumaba muna para makita kung nakapagluto na ba. Nang makababa ako ay nakita ko sila Kuya Mark na kumakain. "Oh Ems, kain ka na. Pagkatapos maligo na gisingin mo na si Kreisler pagkakain mo." Sagot niya. Nakabihis na si Ate Gabrielle at Kuya Mark nang madatnan kong kumakain. Kaya mabilis akong kumain ng nakahanda sa mesa at umakyat para gisingin si Kreisler. "Hoy Kreisler! Gising na maliligo na!" Sigaw ko. "Hmmmm ate naman mamaya na. Natutulog pa ko." Sagot niya. "Nakabihis na Nongnong at Nangnang mo. Bumangon ka na." Sagot ko. "Bahala ka kung ayaw mo. Ikaw din maiiwan." Dagdag ko. Nang di pa rin siya sumagot ay naghanda na ko ng isusuot mamaya. Ang isusuot ko ay light blue jumper dress na Korean style. Pinartneran ko ito ng white cotton t shirt at white rubber shoes na korean style din. Pumasok ako sa kwarto ko para mag ayos ng kaunti at maglagay ng pabango. "Hoy Kreisler tapos na ko magbihis ikaw na lang iniintay!" Sigaw ko ulit habang nag boblower ng buhok. "Oo ate! Wag ka na sumigaw diyan!" Sigaw niya pabalik. "Bumaba ka na dun at maligo na!" Sagot ko. Awtomatiko siyang tumayo at dumiretso sa pintuan. Naririnig ko silang binabati si Kreisler kaya bumaba na ko. "Wow! Ganda ni Ems ah!" Bungad ni Tita Lyn. Tipid na ngiti lang ang isinukli ko sa kanila. Umupo ako sa sofa at nag cellphone na lang habang naghihintay kay Kreisler. Pumandekwatro ako ng pambabae. Habang nagbabrowse ako sa news feed ko sa fb ay nagchat si Andy.
Andy:
Morning Ems! We miss you. See you soon.Nagulat ako sa mensahe niya. Para bang ang tagal naming di nagkita.
Me:
Morning din. Miss you too. See you soon.Reply ko. Matapos ang 15 minutes ay handa na ang mokong. "Nong tara na!" Aya niya. "Oo tara tulungan mo ko maglabas ng kotse." Sagot ni Kuya Mark sa kanya. Lumabas na sila. Nang maiayos ang kotse ay sabay-sabay kaming nagpaalam kay nanay na aalis. Sumakay sa passenger seat si Ate Gabrielle at kami naman ni Kreisler ay sa likod. Hindi ko kinalimutang magdala ng earphones kaya nag earphones na lang ako buong biyahe. Hinubad ko lang ito ng nasa mall na kami. "Gusto niyo mag time zone muna tayo bago magsine?" Tanong sa amin ni Kuya Mark. "Sige Nong. Bili mo ko ng bola dun ah!" Masiglang sagot ni Kreisler. Sumunod naman ako sa kanila. Nang makarating kami dun ay agad na nagload si Kuya Mark sa card kasama si Ate Gabrielle kaya ako ang naiwan kay Kreisler at Baby May na nasa stroller. "Kreisler! Wag ka nga magulo! Ang gulo-gulo mo!" Saway ko dahil napasobra na sa harot. "Ha?" Sagot niya. "Hatdog!" Sagot ko. "Halimaw!" Sagot niya. Nainis ako sa kanya kaya nilayuan ko na lang siya. Sinama ko si Baby May. Bahala siya dun di naman ako yung papagalitan eh. "Kreisler! Halika nga dito!" Tawag ni Kuya Mark sa kanya. Agad itong lumapit kaya pati kami ay lumapit na rin. "San kayo maglalaro?" Tanong niya "Sa basketball Nong!" Masiglang sagot ni Kreisler. Pumunta na kami sa basketball machine at naglaro nakilaro na rin ako. Si Ate Gabrielle na ang humawak kay Baby. Vinideo ko ang sarili ko na nagshoshoot ng bola. Isisend ko ito sa gc namin pagkatapos. Nang matapos kami ay sinend ko ito.
BINABASA MO ANG
Still You (COMPLETED)
Romance"I will let you go Ken not because I don't love you anymore but because this is me loving you. Until we meet again. I love you Love." -Emily Savvanah Howards Will letting him go will mend the pain? Or it will cause more pain? Matagal niya yun hinint...