CHAPTER 31: FLIRT

19 2 2
                                    

Emily's POV
Ng matapos ako magimpake ay bumaba na ako. Naisipan kong ipaghanda sila ng breakfast. Wala lang naisip ko lang matagal na kasi kong hindi nakapagluto ng breakfast para sa kanila. Hindi pa rin natitikman ni Ken at Ivan ang luto ko. Puro si Sandra kasi at Lean ang kumikilos sa kusina ng dorm. Kadalasan kasi busy ako sa school o kaya sa pagsusulat ng novel kaya bihira kong galawin ang kusina. Ng makapunta ako sa kusina ng bahay ay napansin kong hindi pa nagluluto si Manang. "Manang maaari po ba akong magluto? Nais ko po sanang ipagluto ang mga kaibigan ko." Paalam ko dahil nandoon siya sa kusina at pinupunasan ang dining table. "Naku iha baka magalit sa akin si Young Master kapag pinagalaw kita rito sa bahay. Ayaw nun na may ibang magluluto dito lalo pa't bisita ka." Sagot niya. "Ayos lang po Manang. Marunong po ako magluto huwag kayong mag-alala. Ako na po ang bahala kay Ken." Sagot ko. "Sige kung yan ang gusto mo. Nandiyan sa ref ang mga pwedeng lutuin at nandiyan sa rice cooker yung natira na kanin kagabi kung gusto mo magsangag." Sagot niya. "Sige po. Salamat." Sagot ko. Pumunta na ako sa may ref nila. May nakalagay na manok at mga frozen products. Magpiprito na lang ako ng manok at bacon tapos magsasangag na lang ako para walang sayang na kanin. Sakto namang may margarine sila dito kaya tamang tama sa recipe ko ng sinangag. Sinimulan ko nang hugasan yung manok at naghanap ng crispy fry. "Manang, may crispy fry po ba kayo?" Tanong ko kay Manang na kakapasok lang ata upang tingnan ang ginagawa ko. "Ah nandun sa cabinet sa kaliwa mo." Sagot niya. "Salamat po." Sagot ko. Pumunta ako dun at kinuha yung isang pack ng crispy fry. Nilagay ko ito sa isang malaking bowl. Hiniwa ko na ang manok base sa parte nito. Hindi naman ako ganun ka walang alam sa kusina. Itinuro ito sa akin ni Mommy para daw makasurvive ako ng hindi puro frozen foods ang kinakain. Nilagay ko yung mga hiniwa kong manok sa crispy fry na nasa bowl at pinagulong ito dun. Nagpainit na ako ng mantika sa kawali. Ng mainit na ito ay nilagay ko na ang manok. Ng maprito ko na lahat ay naghanda naman ako ng panibagong kawali para naman sa sinangag. Nilamutak ko muna yung kanin bago ako nagtunaw ng margarine sa kawali. May hotdog akong nakita sa ref kaya naisipan kong isahog ito sa sinangag. "Hmmmm ang bangooooo!!!!" Bati ni Sandra na kakapasok pa lamang sa kusina. "Good morning Sandra." Bati ko na hindi pa rin inaalis sa mga hotdog na hinihiwa ko ang atensyon. Paano ko nalaman agad na si Sandra? Syempre araw-araw mo ba namang kasama ng halos buong school year di mo pa ba makakabisado boses nila. "Ems?! Nagluto ka?! Omyghad?! This must be a miracle! Ang Emily Savvanah Howards na kilala ko hindi nagluluto. Mas ok pang kaharap niya ang laptop kesa kalan." Sagot niya. "Bakit? Namiss ko lang ang kusina." Sagot ko. "Bango naman. Ems?! Ikaw ba yan?" Bati naman ni Lean. "Hindi Lean. Multo lang ako." Sagot ko. Jusko naman kala mong ngayon lang nakakita ng babaeng nagluluto sa kusina. Ng mahiwa ko na lahat ng hotdog ay ginisa ko na ito kasama nung kanin. "Good morning guys! Sino nagluluto? Apaka bango naman!" Bati ni Zoe. Agad namang tumabi ang mga nauna para bigyan ng daan si Zoe na makita ako na nagluluto rito. "Ems?! Talaga ba?!" Nagugulat niyang ani. "What's happening?" Tanong ni Andy sa mga tao. Tinuro lang nila ko. "Emily Savvanah Howards is cooking! How could it be?! Yan na ba epekto ni Ken?!" Nabibiglang ani naman ni Andy. "I heard my name. Ano meron?" Tanong naman ni Ken na kapapasok lang sa dining. "Wow. Talaga ba Emily? Yung Emily na kilala ko tahimik, mas madalas kaharap phone, mas gustong pinagsisilbihan siya at hindi siya nagluluto." Ani Ken ng makita niya akong gumagalaw dito sa kusina. "Well Ken its just part of me." Sagot ko. Bumaling naman ako sa bacon na ipiprito ko. Nagpatuloy lang ako kahit pinapanuod na nila ko. Hay nako. Minsan na nga lang magluto papanuorin pa. Di na nga ako uulit. "Alam mo Ems may kamukha ka." Ani Ken. "Sino naman?" Nagtatakang tanong ko. "Yung asawa ko." Sagot niya. Saglit akong napatulala sa sagot niya pero agad ding nakabawi at pinagpatuloy ang ginagawa. Alam kong nagbablush ako dahil naririnig ko ang bungisngisan ng mga kaibigan ko. "Oi Ems! Asawa daw oh!" Asar ni Lean. "Ayieeeeee! Emilyyyyyy!!!" Asar naman ni Sandra. Lalo akong namula sa asaran nila. "Wag kayo maingay! Papakainin ko kayo ng sunog na bacon!" Sagot ko. "Stop it guys! Mrs. Lizardo is getting pissed." Ani Andy. "Hay nako. Hindi na talaga ko uulit magluto! Wag niyo nang asahang mauulit 'to ah!" Naiinis kong sagot. "Uyyyyyy Mrs. Lizardo daw!" Ani naman ni Zoe. Hayst. Napapabuntong hininga na lang ako dahil sa mga pang aasar nila. Alam na alam talaga nila kung paano ako asarin. Habang sila Ivan at Ken naman ay puro tawa. Ng matapos ay inihain ko na sa lamesa. Tumulong naman sila Sandra sa paghahain. Umupo na kami lahat. Pinagsilbihan ko naman ngayon si Ken. Ako ang naglagay ng mga pagkain sa plato niya. Ng matapos ko siyang pagsilbihan ay sarili ko naman ang nilagyan ko ng pagkain. Nagsimula na kaming kumain. "Wow. I never thought that Emily Savvanah Howards is a good cook. 'Kala ko sa poetry at academics ka lang may ibubuga eh. Pati pala sa kusina." Papuri ni Ivan. "Love pakasal na tayo. Pwede ka na mag asawa. Ang sarap mo magluto." Ani naman ni Ken. "Ems. Kailangan namin ni Sandra ng sub sa kusina sa dorm baka pwede ka. Pasadong pasado." Ani Lean na akala mong ngayon lang natikman yung luto ko. "Oo nga Ems. You improved well." Ani Zoe na hindi tumitingin sa akin. "Hayst. Hindi na talaga ko ulit magluluto. Baka mamaya ikasal ako ng di oras. Tsaka ganun talaga Ivan. Dapat marunong sa gawaing bahay." Sagot ko. Nagsimula na akong kumain. "Pagkakain maligo agad kayo ah. Traffic panigurado." Ani Ken sa kalagitnaan ng pagkain namin. "Okay." Sang ayon namin. Ng matapos ay nagprisinta akong mag urong pero sabi ni Ken sila Manang na daw ang bahala. Hindi na ko nagpumilit pa dahil tanghali na din naman. Umakyat lang ulit ako sa kwarto ko at naligo. Ripped jeans at black shirt lang na may design na letter E ang sinuot ko. White shoes ang sinuot ko dahil ito lang naman ang dinala kong sapatos. Chineck ko muna yung duffle bag at shoulder bag ko kung may kulang pa sa mga gamit ko. Naglip tint ako ng kaunti para mukha naman akong presintable. Nilagay ko na sa kanang balikat ko yung duffle bag ko at sa kaliwa naman ang shoulder bag ko at lumabas na. Ng makalabas ako agad naman na kinuha ni Ken yung duffle bag ko at hinawakan ang kamay ko. "Nasaan na sila?" Tanong ko. "Nasa van na. Ang tagal mo eh." Sagot niya. "Ako? Matagal? Weh?" Sagot ko. 10 minutes lang ata ako sa banyo eh. "15 minutes na kitang hinihintay sa labas ng kwarto mo." Sagot niya. "Parang 5 minutes late lang ako tapos nainip ka pa." Sagot ko. Sabay kami sumakay sa van. Ng bumaling ako sa kanila ay lahat abala sa phone. Kaya nakigaya na din ako. Nagchat ako kila Mommy na pauwi na ako. Agad naman niya akong tinawagan through video call. "Hi mommy!" Bati ko. "Hi Tita!" Bati ni Ken. "Hi po Tita! Kamusta po?" Bati naman ni Sandra. "Hi Tita." Bati ni Ivan. "Ok naman. Have a safe trip. Oo nga pala Emily. Saan ka dederetso?" Sagot ni Mommy. "Sa dorm po. Maglalaba. Bukas na po ako magpupunta sa atin. Kamusta ba diyan?" Sagot ko. "Wag ka na pumunta dito. Kami na lang ang pupunta diyan sa dorm niyo kapag di na busy sa business. Have quality time with your friends and Ken. Alam ko naman na kapag pumunta ka dito you will just mourn for Nanay." Sagot niya. "Sige po Mi. See you soon. Bye po. Love you." Sagot ko. "Bye anak. See you soon. I love you too." Sagot niya at ibinaba ang tawag. Ilang sandali lang ay may phone nanaman na nagring. Kay Lean naman ito. Pinagsawalang bahala ko na lang ito at nagcellphone na lang.

Still You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon