CHAPTER 32: DINNER

19 2 9
                                    

Emily's POV
Matapos salubungin ng Mama ni Ken sila Ana ay pumunta na kami sa dining area nila. Ipinaghila lang ako ni Ken ng upuan at umupo na sa tabi ko. Talagang napakalaki ng kainan nila. Nasa dulo ang Papa niya at nasa kabilang dulo naman ang Mama niya. Magkatabi si Ate Kass at Kuya Kenneth. Katabi nila yung Mama ni Ana. Katabi ko naman si Ken at katabi niya si Ana. "Ah Ma, bakit nandito sila?" Tanong ni Ken sa Mama niya. "Why anak? Masama ba? Tsaka ikakasal naman na kayo ni Ana in the near future ah. So I invited them." Sagot ng Mama ni Ken. "Pero Ma. Nandito yung girlfriend ko. Tama ba yun?" Sagot niya. Sinulyapan naman ako ng Mama niya mula ulo hanggang paa na para bang may nagawa akong mali. Wala siyang sinabi inirapan lang ako. Sinasabi ko na nga ba eh. May mali sa dinner na ito eh. Hindi naman kasi ako iinvite ng mga magulang niya ng biglaan. Hindi ako welcome sa dinner na ito. Yun ang nararamdaman ko. Hindi nila ako gusto dito. Nandito lang ako dahil isinama ako ni Ken. Nandito lang ako kasi pinagbigyan lang nila ang gusto ng anak nila.  "So Ana. Saan ka mag eenroll after high school? Are you going to take engineering or business management?" Panimula ng Mama ni Ken. "I'm going to New York for college. I'm going to take architecture para po makatulong ako kay Ken. Si Kuya na po kasi ang nagtake ng business management." Sagot ni Ana. "Wow that's great. You'll be a big help in our company." Sagot ng Mama ni Ken. Naputol lang ang usapan nila ng pumasok ang mga katulong para iserve ang pagkain. "Oh here's the food. Ken, ikaw na ang maghain ng pagkain para kay Ana." Utos ng Mama niya. "Pero Ma." Tutol niya ngunit tiningnan lang siya ng ina niya at tumayo na para ipagserve si Ana. Tinitingnan ko lang siya hindi ako kumikilos para kumuha ng pagkain. Napansin siguro ni Kuya Kenneth na hindi ako kumukuha ng pagkain kaya tumayo na siya para ipagserve ako ng pagkain. "Sorry. Sorry." Bulong niya habang naglalagay ng pagkain sa plato ko. Tumango na lang ako. Tumingin sa akin si Ate Kass na para bang humihingi rin ng sorry. Umiling na lang ako at nagbigay ng assured na ngiti. Umupo na ulit si Ken. Walang emosyon ang mababakas sa mukha niya. "So kamusta ang relationship niyo ng anak ko Ken?" Tanong ng Mama ata ni Ana kay Ken. "Okay naman po." Sagot ni Ken. "Actually Ma, Tita, we're going out on dates lately." Singit naman ni Ana sa usapan. Nawawalan na ako ng gana sa mga naririnig ko pero pinipilit kong kumain. Nahihiya kasi ako kay Ken. Isinama niya ako dito tapos di man lang ako kakain. "Ah Ken, when are you planning to get married?" Tanong naman ng Papa ni Ken. Napasamid naman si Ken ng marinig ang tanong ng ama niya. Inabutan ko siya ng tubig. Wala man lang siyang karea-reaksyon. Parang hangin lang ako dito. "Oh. Masyado ka bang excited sa kasal niyo anak at nasasamid ka d'yan." Ani ng Papa ni Ken habang umiinom ng tubig. "Is it too early Pa? Mga bata pa po kami. Wala pa kami sa college." Paliwanag ni Ken. "Anak, your eighteen years old. Ana is also seventeen. Bakit di niyo pa yun pinaguusapan? You both are completers this year right?" Sagot ng Papa ni Ken. Tumango si Ken. I feel like I'm not existing. I felt like I'm just here to be informed of their wedding. I thought Ken would introduce me to them formally but its the other way around. Its like they are inviting me to the wedding of their son. Hindi man lang nila naisip na nandito yung girlfriend ng anak nila. Hindi ako umimik hanggang matapos ang dinner. Isinerve na ang dessert. Patuloy pa rin sila sa pag uusap about sa kasal. Tuluyan na rin ata akong nakalimutan ni Ken. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng dress ko. Itetext ko na lang si Andy na sunduin ako dito. Ayoko na dito. Ni hindi man lang ako pinapansin ng boyfriend ko. Akala ko ba ipapakilala niya ko. Pinakilala niya nga ako pero mukhang di naman siya pinakinggan ng parents niya.

Me:
Ands, help me. Nandito si Ana at Mama niya. Naguusap ngayon ang family niya at ni Ken ng tungkol sa kasal. Ands naiinsulto na ko dito. Hindi ako pinagtatanggol ni Ken.

Andy:
Just chill. Wag kang iiyak sa harap nila. Wait for us. Pupuntahan ka namin.

Me:
Okay. Bilisan niyo ah.

Andy:
Yes. At pagdating namin diyan yari sa akin si Ken.

Dapat pala simula pa lang hindi ko na siya ginusto. Dapat di na ko naniwala sa kanya na gusto niya din ako. Kung pwede ko lang utusan ang puso ko na wag umibig sa kanya gagawin ko eh. Kaso wala sa kanya na 'to tumibok. Alam ko naman na 'tong pinasok ko kaso pinilit ko pa. "Ah Ma, excuse lang po. I will have a word with Emily." Paalam ni Ate Kass. Sinulyapan lang ako ng Mama ni Ken at tumango. "Emily let's go." Aya sa akin ni Ate Kass. Kinuha ni Ate Kass ang kamay ko at inilabas sa dining area. Laking pasasalamat ko kay Ate Kass dahil inilabas niya ako dun. Hindi ko alam kung paano ko tatawagin ang atensyon ni Ken. Busy siya sa pakikipagusap sa Mama niya. Hindi naman pwede na sabihin ko sa kanyang 'hoy Ken nandito ko oh. Yung girlfriend mo. Iniinsulto ako ng mga magulang mo.' Kasi pinalaki 'kong matino ng Mommy ko at mga Tita ko. Lumaki man ako sa broken family at least na-maintain ko yung good manners and right conduct. Lumabas kami ng bahay. "Pasensya ka na Emily nainsulto ka ng mga magulang namin. Hindi kasi kaya ni Ken sumalungat sa mga magulang namin dahil umaasa siyang mahalin din siya ng parents namin. Hindi siya nabigyan ng atensyon ng mga ito mga bata pa lang kami. Umaasa siya na baka ngayon baka kapag matanda na siya mapansin siya ng parents namin." Paghingi ng tawad ni Ate Kass. "Okay lang po Ate. Uuwi na lang po ako. Its nice to meet your parents po Ate. Sayang nga po kasi ayaw nila ako para kay Ken eh. Akala ko pa naman po magiging maayos ang gabi na ito pero hindi pala. Ang saya pa ni Ken nung sinabi niya sa akin na ipapakilala niya ko sa parents niyo. Pero in the middle of dinner kinalimutan niya na ako." Sagot ko. "Paano ka uuwi? Papahatid na lang kita sa driver." Sagot niya. "Wag na po. Susunduin na po ako ng mga kaibigan ko." Sagot ko. "Ahh. Papunta na ba sila?" Sagot niya. "Opo. Papunta na yun. Mamaya-maya lang nandito na yun." Sagot ko. "Ems!" Nilingon ko kung sino ang tumawag sa akin si Andy. Kasunod niya ang mga kaibigan namin at ang mga guards na bantay ng gate. "Young Mistress. Nagtresspass po ang mga kabataan na yan. Kilala niyo po ba sila?" Tanong ng guard kay Ate Kass. "Oo. Umalis na kayo." Sagot niya. Tumakbo palapit sa akin si Andy at niyakap ako ng mahigpit. Napaiyak na lang ako sa balikat niya. "Shhhh. Ako na bahala kay Ken." Bulong niya. Pinunasan ko ang luha ko. "Ano nangyari?" Tanong ni Sandra. Umiling na lang ako kay Sandra. Bumaling sila kay Ate Kass. "Ate Kass sorry nagtresspass kami. Nagtext kasi 'tong si Emily eh. Nagpapasundo." Hingi ng tawad ni Sandra. "Okay lang. Pasok muna kayo para mabati niyo man lang si Ken." Sagot ni Ate Kass. "Sure Ate. Hintayin niyo na lang kami sa kotse sandali lang 'to promise." Ani Andy sa mga kaibigan namin. "O-okay???" Nawiwirduhang sagot ni Zoe bago tumalikod sa amin. Kasunod niya si Sandra. "Sandra Ko. Eto yung susi nung hillux. Dun muna kayo. May isesettle lang kami ni Andy." Paalam ni Ivan. "Pati ikaw?!" Sagot ni Sandra. "Good luck to the both of you." Paalam ni Lean at nauna na umalis. "Oo." Sagot ni Ivan. "Okay." Sagot ni Sandra at sumunod na kay Zoe palabas. "Kami na lang po makikipag usap kay Ken Ate Kass. Ngayon pa lang po humihingi na ko ng sorry sa magagawa ko kay Ken. Ayoko pong nakikita na ginaganyan ang kaibigan ko Ate Kass." Ani Ivan ng makaalis si Sandra. "Me too Ate Kass. If something happens to Ken I'm really sorry. You know what happened last time right? And its enough. She cried enough for Ken to the point that she got sick." Ani naman ni Andy. "Wag niyo lang saktan ng sobra ang kapatid ko. Ako na bahala sa kanya." Sagot ni Ate Kass. "Oo Ate Kass. Gigisingin lang namin yung little brother mo." Sagot ni Andy. Pumasok na kami. Pinaupo niya muna kami sa sofa at tinawag si Ken. Lumabas si Ken sa dining area. Kita ko kung paano kumuyom ang kamao ni Ivan. "Bakit kayo nandito guys? Diba nagpaalam naman sa inyo si Ems?" Tanong niya. Hindi sumagot si Andy pero isang malutong na sampal ang dumampi sa pisngi ni Ken. "Andy!" Sigaw ko at hinawakan ang braso niya baka kung ano pang magawa niya. "That's for forgetting Ems! I think you forgot that you brought her with you. She texted me saying she's insulted by your parents. She told me that you didn't stand on her." Sagot ni Andy sa napakalamig na tono. Hawak ni Ken ngayon ang pisngi niya na sinampal ni Andy. "Ken! Akala ko ba mahal mo?! Bakit di mo pinagtatanggol? Kala ko ba handa ka na? Ano nangyari?" Ani naman ni Ivan na may naglalagablab na galit sa mata. Lumabas ang parents nila sa dining area. "Who are you?" Tanong ng Mama ni Ken. "We are the friends of your son's girlfriend. The girl you insulted. Hindi niyo po ba alam na nagkasakit yan dahil sa anak niyo at sa pambubugbog ng mga barkada ng fiancée ng anak niyo?" Sagot ni Ivan na pinagdidiinan ang salitang 'girlfriend'. "She's insulted yet she didn't talk because she's afraid she might ruin a family. Nabastos na nga siya na ininvite niyo yung fiancée ni Ken. Tama pa ho bang insultuhin niyo yung kaibigan namin?" Sagot ni Andy. "Andy. Let me explain." Ani Ken. "Let's go Emily. I'm losing my temper. I might slap someone again here. Ate Kass. I'm really sorry." Sagot ni Andy at hinila na ako palabas sa bahay nila Ken. "Kunin ko lang yung kotse." Paalam ni Ivan at tumakbo na palabas. Ilang saglit lang ay pumarada na sa harap namin yung hillux ni Ivan. Pinagbuksan ako ni Andy ng pinto at sumakay na ako. Umupo ako sa tabi ni Lean. "Ano? Ano ba sinabi sayo ng mga magulang ni Ken?" Tanong ni Lean. "Wala naman. Pero ininvite nila si Ana. Ni hindi man lang nga ako binati ng parents niya eh. Tapos nagopen ng topic dun sa hapag kainan about sa kasal nila Ana at Ken. Tapos ni hindi man lang ako pinagtanggol ni Ken. Isang beses lang niya ako pinagtanggol pero di pa rin siya nakapalag sa Nanay niya." Sagot ko. "Putang ina ni Ken. Wag siyang magpapakita sa akin!" Sagot ni Lean. "Talaga! Wag siyang tutungtong sa dorm kundi ako mismo sasampal sa kanya!" Sagot naman ni Sandra. "Sira na ba ulo ni Ken at di ka man lang naisip na ipagtanggol?" Sagot ni Zoe. Napahampas na lang sa manibela si Ivan. Bigla na lang nagring ang phone ni Andy. Pinatay niya lang ito. Ng dumating kami sa dorm di na ko nag abalang bumati sa pinsan ni Lean na nasa sala. Umakyat na lang ako sa kwarto ko at nagbihis. Masyado nang mahaba ang araw ngayon. Napagod ako. Nagring naman bigla ang phone ko. Si Ken ang tumatawag. Sinagot ko ito. "Hello Love." Pinilit kong pasiglahin ang boses ko. "Sorry Love." Sagot niya. "Okay lang. Naiintindihan ko." Sagot ko. "Sorry. Di ko naman alam na ganun ang gagawin ni Mama eh. Hindi ko sinasadya Love. Sinusubukan kong tawagan si Andy pero di sumasagot. Si Ivan lang ang sumagot." Sagot niya. "Hayaan mo muna sila. Let her cool down. Masyado lang siyang naoffend sa ginawa ng parents mo sa akin." Sagot ko. "Sorry Love. Pagagalitan ako ni Tita kapag nalaman niya ito." Sagot niya. "Hindi Love. Alam ni Mommy. Wag ka magalala." Sagot ko. "I'm sorry love. I love you." Sagot niya. "Okay lang. I love you too. Its been a long day Love. Let's rest." Sagot ko. "Okay Love. Bye." Sagot niya at ibinaba ang tawag. Bumuntong hininga ako at nahiga na sa kama. Habang nakatingin sa ceiling ng kwarto ko naglalaro pa rin sa isipan ko ang naganap kanina. Sabi kasi niya nung tumawag siya pagdating sa bahay nila gusto daw ako makilala ng parents niya pero bakit nandun si Ana? Bakit nandun ang Mama ni Ana? Akala ko para sa akin yung dinner? Maraming tanong sa isipan ko pero hindi masagot. Alam kong lahit si Ken hindi ito masasagot dahil bakas sa mukha niya ang pagkagulat kanina. Maging siya ay nagulat sa presensya ng dalawa. Lahat ng iniisip ko ay isinanabi ko na muna at natulog na.

Still You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon