CHAPTER 38: LAST DATE

22 4 6
                                    

Ken's POV
Kahapon ng makauwi kami ni Ate ay may hang over ako. Sobrang sakit ng ulo ko at hindi nakabili si Ate ng advil dahil nawala na rin sa isip niya. Pagdating namin sa bahay natulog ako at ng magising naisipan kong puntahan si Emily. Pero nakita ko siya sa park at basa ng ulan lalapitan ko sana siya pero linapitan na siya ng lalaking naka black hoodie. Hindi ko maaninag yung mukha dahil pinapanood ko lang sila sa malayo. Hinawakan niya ang mukha ng babaeng mahal ko at may sinabi siya rito dahilan para yakapin siya nito. Nakatayo lang ako dito at pinagmamasdan sila. Pinapayungan siya nung lalaki at nakasandal naman si Emily sa balikat nung lalaki. Mabuti pa siya nakakatabi niya yung babaeng mahal ko at napapalis ang mga luha. Sana ako na lang yung nasa tabi niya. Sana ako na lang yung nagpupunas ng mga luha niya. Pero hindi ko naman magagawa dahil ako rin naman ang dahilan kung bakit siya umiiyak. Pinapanuod ko lang sila dito habang nababasa ako ng ulan. Napalulon na lang ako para hindi tuluyang pumatak ang mga luha ko. Hindi naman ako iyaking tao pero pagdating sa kanya ang dali dali kong umiyak. Ilang saglit pa ng tumila ang ulan ay tumayo na yung lalaki na katabi ni Ems at binuhat siya. Sinundan ko sila hanggang sa makarating sila sa dorm. Ng bumaba yung lalaki dun ko lang napag alaman na si Vince pala yun. Sumama ang katawan ko bigla kaya sumakay na ako sa kotse ko at nagdrive pauwi sa bahay. "Iho, bakit basa ka?" Tanong ni Yaya Precy. Umiling lang ako at umakyat na sa kwarto ko. Dumiretso na ako sa higaan ko at natulog. Nagising lang ako sa boses ni Ate. Hindi ko talaga kaya bumangon. Sobrang sakit ng ulo ko parang sasabog. Sinubuan ako ni Ate ng soup at pinainom ng gamot bago ako nakabalik sa tulog. Kinaumagahan narito na ako sa kwarto ni Ate. "Ah. Paano ko napunta dito?" Tanong ko sa kawalan. Napabaling ako sa couch kung saan natutulog si Ate. "Ken, gising ka na pala. Mabuti na lang bumaba na yung lagnat mo." Aniya na nagmamadaling lumapit sa akin. "Ano nararamdaman mo?" Tanong niya pa. "Masakit lang ulo ko. Bakit ako nandito sa kwarto mo? Diba sa kwarto ko ako natulog?" Sagot ko. "Basang basa ka at inaapoy ng lagnat nung makita ka ni Kenneth dun sa kwarto mo. Anong ginawa mong loko ka ha?" Sagot niya. Bigla ko na lang kinuyom yung kamao ko dahil parang bumabalik ako sa oras na nakikita ko si Emily at Vince. "Wala. Dinalaw ko lang si Ems." Sagot ko sa pinakamalamig na tono. Tumayo na ako sa kama ni Ate at lumabas ng kwarto. "Ken! Saan ka pupunta?" Sigaw ni Ate. "Papasok!" Sagot ko. "Hindi! Baka mabinat ka!" Sagot niya. "Wag niyo muna ko pakialaman ngayon!" Sigaw ko at pumasok sa kwarto ko. Naligo ako at nagbihis. Hindi pa naman masyadong late para pumasok sa school. Matapos kong maayos ang sarili ko ay bumaba na ako para kumain. Hindi ko maramdaman yung sakit ng ulo ko. Ayoko magstay dito sa bahay maiisip ko lang yung dahilan kung bakit kailangan ko iwanan si Emily. Ng makarating ako sa school ay pumipila na sila para sa rehearsals. "Ken, kamusta ka na?" Malanding tanong sakin ni Ana. "Who cares?" Malamig kong sagot at naglakad na palayo sa kanya. Ng mapadaan naman ako sa pila ng section 2 nakita ko si Emily at Vince na masayang naguusap. Hinila ko ang pulsuhan ni Emily at yinakap siya ng sobrang higpit. Hindi man lang niya nagawang gumanti ng yakap. "Love, ano nangyari sayo? Pinag alala mo ko." Bulong ko. "Ken, bitawan mo ko. Baka magselos si Ana." Sagot niya. "Pabayaan mo siya." Sagot ko. "Ah guys mamaya na kayo magyakapan. Rehearsals na oh!" Singit ni Lean. Binitawan ko na siya at pumunta na sa pila ng section namin. Ganoon na ba kagalit si Emily sa akin at naasiwa siyang yakapin ako. Naniniwala talaga siya dun sa marriage contract. Kung meron lang paraan para mapawalang bisa yun nagawa ko na. Nakalimutan ko kaya nga pala siya galit kasi iniisip niya ginawa ko siyang kabit. Kahit anong focus ko sa rehearsals nawawala pa rin talaga. Ang hirap nito. Eto na ata papatay sakin eh. Baka mawala ako ng maaga dahil sa pangungulila sa kanya. Pagkatapos ng rehearsal hinabol ko agad si Emily. "Emily!" Tawag ko. Lumingon naman siya at ngumiti ng pilit. "Oh?" Sagot niya. "Let's talk." Sagot ko. "Talk about what?" Sagot niya. "About us." Sagot ko. "Wala namang tayo diba?" Sagot niya. Tila kutsilyo na tumarak sa puso ko ang mga sinabi niya. "As far as I know meron pang tayo." Sagot ko. "Well as far as I know your taken." Sagot niya. "Yes. I'm taken by you." Sagot ko. Agad ko siyang hinila palayo sa mga tao. "Ano ba Ken?! Problema mo?!" Sigaw niya ng kaming dalawa na lang. "Problema ko? Nasasaktan ako! Nasasaktan ako kasi wala kong magawa! Wala kong magawa para palisin ang 'yong mga luha!" Sagot ko. "Meron kang magagawa Ken! Maghiwalay tayo! Yun ang magagawa mo! Hiwalayan mo ako!" Sagot niya. Para nanaman akong sinaksak ng kutsilyo sa puso ko. Ang sakit na sabihin sayo ang ganoon ng babaeng mahal mo. "Maghiwalay? Yun na ba talaga ang gusto mo?" Sagot ko. "Oo Ken. Kahit gusto ko pang kumapit pero masakit na eh. Ken, god knows how bad I want to hold on. Pero sobra na." Sagot niya. "I think I don't have any choice. Ikaw na pumili niyan. Pagbibigyan kita. Just give me one favor. Just one last favor." Sagot ko. "Anong favor?" Sagot niya. "Let's have a date this Saturday. Our last date." Sagot ko. Nagsimula na manubig ang mata niya. "Ken naman eh!" Sagot niya. Niyakap ko siya at hinayaan na umiyak sa mga bisig ko. Ito na ang huli Ems. Eto na yung huling pagpapaiyak ko sayo. Promise. Hindi mo na ulit mararamdaman ang sakit na ako ang may dulot. Hindi na talaga Ems. Hinding hindi na. "Shhhh. Don't cry my love. Mag enjoy ka sa farewell party ngayong araw." Bulong ko. "Paano ko mag eenjoy kung meron na lang tayong 3 days Ken?" Sagot niya na nakayakap pa rin sakin. "Wag ka mag alala. Sa loob ng three days na yun hindi ka iiyak dahil sa akin." Sagot ko. "Siguraduhin mo lang ah! Baka mamaya umiyak pa rin ako." Sagot niya. "Hindi yan. Hahatid na nga kita sa room mo. Baka umiyak ka nanaman diyan HAHAHAHAH." Sagot ko upang mapagaan ang atmosphere. "Kainis ka! Ikaw naman nagpapaiyak sakin eh!" Sagot niya. Hinatid ko na siya sa room nila. Bago ako pumasok sa room namin tinawagan ko muna si Ate Kass para naman mapanatag yung loob niya. Matapos namin mag usap ni Ate Kass ay pumasok na ako sa room. Eenjoyin ko na lang ang araw na ito dahil ito na ang huling pagkakataon namin magkasiyahan magkakaklase.

Still You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon