CHAPTER 39: SG FT. NYC

17 3 1
                                    

Emily's POV
Kinaumagahan ang sakit ng ulo ko. Siguro dahil sa sobrang pag iyak ko kagabi. Ng makababa ako ay nagsisimula na sila kumain. "Morning." Bati ko. "Ems! Kamusta ka na? Kaya pa?" Nagaalalang tanong ni Sandra. "Fighting!" Sagot ko. Kailangan ko maging masaya. Hindi pwedeng malungkot na lang baka mamaya sa sobrang lungkot ko pati mga kaibigan ko mawala din. Umupo na ako sa pwesto ko at nagsimulang kumain. Mamaya ko na lang sasabihin sa kanila na aalis na ko. Sa isang linggo ang flight ko going to Singapore. Ito kasi yung napagkasunduan namin nila Mommy dahil sinabi ko sa kanila na meron na lang kaming last 3 days ni Ken and kahapon natapos yun. Sa condo ako ni Ate Gabrielle magsstay dahil meron siya dun. Magbabakasyon din don si Kuya Mark at Baby May kaya sumama na ako. Maganda na maaga pa lang malaman ko na ang pasikot-sikot ng bansang yun dahil sa college lilipad ulit ako pabalik ng Singapore para magaral dun ng nursing. Nakausap ko kasi si Ate Gabrielle nung nakaraang linggo bago ako magcompletion. Nag o-offer daw ng scholarship yung hospital nila para sa mga willing na maging nursing students at magtrabaho sa hospital nila at nirecommend niya daw ako para sa first 500 na mabibigyan ng scholarship grant for nurses. Alam kasi niya na nursing ang gusto kong kunin sa college. Hindi na ako tumanggi dahil magandang opportunity din ito. Its either sa Singapore ako magtrabaho or dito sa Pilipinas. Naisip ko na sa Singapore na lang mag aral tapos sa Pilipinas ako magtetake ng board exam. Pagkatapos ko magtake ng board babalik ako dun para magtrabaho. Mas malaki kasi ang kikitain ko sa Singapore kumpara dito. Pero if may kukuha sa akin na publishing house willing ako magstay para mabigyan pansin ang isa pang pangarap ko. Ang maging published author. "Guys may sasabihin pala ako." Kapag kuwa'y saad ko sa kalagitnaan ng pagkain. "Ano yun?" Sagot ni Lean. "Aalis na ako." Sagot ko. "Aalis? Dito sa dorm?" Sagot ni Zoe. "Yes." Sagot ko. "Why?" Sagot ni Andy. "I'm going to Singapore." Sagot ko. "For good?" Sagot ni Sandra. "Hindi for vacation. Aaralin ko na din kung paano ko mabubuhay dun dahil sa college babalik ako dun." Sagot ko. "Bakit? Sayang yung scholarship mo dito sa Franklin U." Sagot ni Lean. "Hanggang highschool lang scholarship ko dito. Dito ko gragraduate ng highschool. Dun ako magcocollege." Sagot ko. "Is it because of Ken?" Sagot ni Andy. "No. Labas si Ken sa mga desisyon ko na 'to. Its my own will. Tsaka sila Mommy din sinuggest 'to para makapag pahinga ako sa chaotic life dito." Sagot ko. "Eh yung scholarship? Matagal mo na ba plinano yun?" Tanong ni Zoe. "Inalok lang sa akin yung scholarship ng Ate ko. Rinecommend niya ko sa admins nila. Magandang opportunity din yun." Sagot ko. "Saang hospital ba siya nagtratrabaho? Kasi yung hospital nila Vince nag ooffer din ng mga ganyan eh. Sa mga aspiring nurses and doctors." Sagot ni Lean. "David Medical Center." Sagot ko. "Weh?" Sagot niya. "Oo eto oh. Wait." Sagot ko at kinuha ang phone ko. Sinearch ko yung pangalan ni Ate Gabrielle sa facebook. Yung isa sa post niya ay yung picture ng hospital na pinagtratrabahuhan niya at pinakita ko kay Lean. "Kila Vince yan! Singapore branch nila yan. Mas madali kang makakapasok sa scholarship grant ng hindi nag eexam. Magpatulong ka kay Vince!" Sagot niya. "Talaga?" Sagot ko. Wow. What a coincidence. "Wait. Papapuntahin ko dito si Vince." Sagot niya. "Maganda yan!" Sagot ko. "Lean! Pinapaalis mo naman si Ems eh!" Ani Sandra. "Hindi! Its for the better naman Sandra!" Sagot ni Lean. "Mamimiss ko pa rin si Ems eh! Wala na magsesermon saten kapag umalis siya!" Sagot ni Sandra. "Baliw ka ba? Hindi pa ko aalis. For vacation lang yun. Oo nga pala tatawagan ko muna yung Ate ko para masabihan siya na magpapatulong ako kay Vince dun sa scholarship." Paalam ko. "Sige lang." Sagot nila. Tumayo muna ako sa dining area at pumunta sa kwarto ko para tawagan si Ate Gabrielle. "Hello Ems. Ano kamusta? Nakapag empake ka na ba?" Bati niya. "Mamaya pa lang po Ate Gab. Eh nandito po ako sa dorm. Ate, regarding dun po sa scholarship grant na sinabi mo." Sagot ko. "Ano?" Sagot niya. "Magpapatulong po ako sa kaibigan ko. Anak po siya nung may ari ng hospital eh." Sagot ko. "Talaga? That's good. Hindi ka na mag-e-exam kapag narecommend ka ng may kakilala sa board members ng hospital." Sagot niya. "Sige po Ate. Thank you po." Sagot ko. "Thank you din. Ingat ka diyan." Sagot niya. "Thank you Ate! See you soon." Sagot ko. "See you soon." Sagot niya at ibinaba ang tawag. Bumaba na ulit ako at bumalik sa dining area. Naabutan ko dun si Vince kausap sila Lean. "Uy eto na pala si Ems eh. Ems ikaw na magpaliwanag kay Vince." Ani Lean ng makapasok ako sa dining. "Eto kasi Vince. Nirecommend ako ng Ate kong nurse sa hospital niyo para sa scholarship grant." Saad ko na ang paningin ay kay Vince. "Oh talaga binibini? Pwede kita irecommend kay Mama para makapasok ka agad at di mag-exam." Sagot niya. "Oh? Eh ano bang kailangan ko ipasa?" Sagot ko. "Yung PSA mo tapos card mo simula grade 7 hanggang grade 10. Bali ang covered nung grant ay senior high and college. Tapos copy ng passport mo at yung letter ng parents mo na pinapayagan ka magibang bansa ng matagal." Sagot niya. "Okay. Eh paano yun? Wala pa naman ako card ng grade 10." Sagot ko. "Ako na bahala magpaliwanag kay Mama non. Para saan pa't writer ako? Kayang kaya ko daanin si Mama sa narration ko." Sagot niya. "Baliw ka! Baka mamaya sabihan mo ng kung ano-ano Mama mo eh!" Sagot ko. "Wala ah! Wag kang feeling meron pa kong ibang narecommend sa Mama ko bukod sayo! Halos lahat babae!" Sagot niya. Okay, sorry na naging assuming ako sa part na yun. "Eh pasensya na! Baka mamaya magaya ko sa mga famous plots sa wattpad na sinabi jowa nila yung babae sa magulang kahit di naman!" Sagot ko. "Sorry Ems. I hate that kind of plots. Masyadong mahaba at maraming pasikot sikot." Sagot niya. "Akala ko ba romance writer ka? Bakit ang bitter mo?" Sagot ko. "It's just that masyado siyang popular sa wattpad." Sagot niya. "Masyado din namang popular yung plot ko ah. Pero may mga nagbabasa pa rin." Sagot ko. "Ems, its not the number of reads matters what matters is the quality of your craft." Sagot niya. "Alam ko yon! Wag kang ano!" Sagot ko. "Tama na yang writing talks niyo! Balik tayo sa unang usapan natin Ems!" Singit ni Sandra. "Sorry na. Nabanas lang ako ng ginoo na 'to eh." Sagot ko. "Kailan alis mo?" Tanong niya. "Next week. Saturday." Sagot ko. "Ano?! Next week agad?" Sagot niya. "Next week already Ems?" Sagot naman ni Andy. "Eh hindi ka man lang ba manlilibre? Tutal aalis ka naman na?" Sagot ni Vince. Ito yung kaibigan kong mayaman pero mukhang libre parang si Ivan pagdating sa mga kainan. "Grabe siya pinapapaalis agad si Ems. Kala mo naman siya iniwan." Sagot ni Lean kay Vince. "Wait Binibini. Anong bansa pupuntahan mo?" Baling sa akin ni Vince. "SG." Sagot ko. "SG as in Singapore?" Sagot niya. "Oo. Bakit?" Sagot ko. "Really? I can tour you there. Lilipad din ako sa Sunday eh." Sagot niya. Easy tour guide. Hindi ko na kailangan abalahanin sila Ate Gab para ilibot ako dahil nariyan naman si Vince. "Mabuti yun Ginoo. See you there." Sagot ko. "Teka Ems. Ilang araw itatagal mo dun?" Tanong ni Zoe. "One and a half month." Sagot ko. "Tagal ah. Bakit?" Sagot naman ni Andy. "I have to learn the culture, the commute system, the laws and everything that concerns the whole country." Sagot ko. "Binibini its one of the business capital of the world. Kaya mostly ang mamimemeet mo dun english speaking." Sagot ni Vince. May point naman siya pero di dapat ako magpakampante. "Kahit na. Malay ko ba kung yung mga magiging kaklase ko dun eh Sinagaporean. Edi hindi ko alam kung paano sila pakikisamahan." Sagot ko. "Mostly ng mga estudyante na nagaaral dun exchange student." Sagot niya. "Eh bakit ba nangunguna pa kayo sa akin? Magbihis pa kayo. Gala tayo." Sagot ko. "Saan naman tayo gagala?" Sagot ni Lean. "Kahit saan." Sagot ko. "Anong klaseng sagot naman yan Ems?" Sagot ni Sandra. "Hay. Wag na nga lang. Balik na ko sa taas ah mag eempake na ko." Sagot ko. Dapat talaga mag iimpake na ko gusto ko lang magpaalam sa kanila. Nandito kasi yung maleta ko at halos lahat ng mga damit ko. "Bumili na lang tayo ng foods tapos ng cake para kay Ems para advance despidida party." Sagot ni Lean. "Oh ano pang ginagawa niyo riyan? Magbihis na kayo. Ganto na lang ako." Sagot ko. Jogging pants naman 'to tsaka magandang white shirt eh. "Cake nanaman? May cake pa tayo diyan eh." Sagot ni Andy. "Tayo naman ang bibili ng cake para kay Ems." Sagot niya. "Yah! Ang dradrama niyo! Magsibihis na kayo!" Singit ni Vince sa kanila. "Wow. As if naman isasama ka namin." Sagot ni Lean. Tinawanan lang sila nila Zoe at Sandra at nauna nang umakyat. "Yan kasi! Feelingero mo!" Segunda ko sa sinabi ni Lean. "Pati ba naman ikaw binibini?" Sagot niya. "Bakit? Feel mo ba isasama ka namin?" Sagot ko. "Oo! Kasi despidida mo 'to diba? At kaibigan mo na ko diba?" Sagot niya. "HAHAAHHAHAHAH. Kaibigan kita pero girls day out 'to eh." Sagot ko. "Binibini naman! Hirap kaya mabuhay mag isa dun." Sagot niya. "Ano gagawin ko? Maarte ka eh. Ayan tuloy ala kang makasama sa dorm." Sagot ko. Kung di ba naman kasi ubod ng arte 'tong lalaki na 'to hindi yan malulungkot mag isa sa dorm. Mapili kasi sa mga kasama eh. Bawal naman kasi si Lean sa men's dorm. "Ems, tara na." Aya ni Andy. "Wait. Kunin ko lang yung walet ko." Sagot ko. Umakyat muli ako at mabilis na kinuha ang walet ko sa kwarto. "Tara na?" Tanong ni Lean. Tumango ako. Pumunta kami ng mall para makabili ng mga pagkain. Mamimiss ko sila kapag nasa Singapore na ko. Ngayon lang ako mahihiwalay sa kanila matagal. Dati kasi every summer vacation once a week nakagawian namin na magkita-kita dito pero mukhang sila na lang gagawa nun kasi aalis ako. Pizza, pasta, cake, ice cream at kung ano ano pang favorite ko ang binili. Spoiled talaga ko kahit kailan sa mga 'to. Kahit papaano ay nakakalimutan kong naghiwalay na kami ni Ken. Salamat sa kanila dahil sa lahat ng luha ko sila ang naging pamunas ko. Kapag gusto ko nang ihinto ang pagtibok ng puso ko nandiyan sila para ipaalala kung bakit nabubuhay pa rin ako. They keep going. Kaya nagpapasalamat ako na nagkaroon ako ng mga kaibigan na katulad nila. Hindi ko kayang palitan sila. Sobrang saya ko dahil nakilala ko sila. Mawala na lahat wag lang ang mga taong bumuo sa akin. Ng makauwi kami sa dorm ay inayos nila ito sa dining area. "Huling gabi ko dito kaya dapat tulungan niyo ko mag empake!" Saad ko ng matapos sila sa pagaayos ng mga pagkain sa lamesa. "Sige!" Sang ayon ni Sandra. Nilagay muna ni Lean sa freezer namin yung ice cream na binili namin bago sumunod sa amin sa pag akyat sa kwarto ko. Hinila ko sa ilalim ng kama ko yung maleta ko na napakalaki. Eto ang dinala ko dito sa dorm nung lumipat ako dito. "I can't believe na makakarating tayo sa point na 'to." Ani Sandra. "HAHAHAHAHAHA. Di pa nga ko umaalis nagdadrama na kayo." Sagot ko. "Eh kasi naman di na tayo makakapagswimming ng kumpleto." Sagot ni Zoe. Oo nga pala swimmer 'to. "Edi kapag nagswimming kayo video call niyo ko." Sagot ko. Pwede naman ata magswimming sa swimming pool ng condo building ni Ate Gab. "Ano yun? Virtual swimming?" Sagot ni Lean. "At least kasama niyo pa rin ako. Different place nga lang." Sagot ko. "Ems naman. Lalo mo lang pinapamukha sa'min na wala ka dito sa bansa." Sagot ni Sandra. "Ems is right. It will ease our longingness for her." Sang ayon ni Andy sa sinabi ko. "See? Si Andy na nagsabi na better yun para di niyo ko gaano mamiss." Sagot ko. "Eh basta kapag balik mo dito sa Pilipinas swimming agad tayo ah." Sagot ni Sandra. "I won't promise anything. Kasi sigurado ko pag uwi ko dito maraming magbabago." Sagot ko. "Ano? Kwentuhan na lang ba? Di ba tayo maiimpake?" Sita ni Lean. "Eto na po." Sagot ko. Binuksan ko na yung closet ko at inilabas yung mga damit ko. Palihim ko silang pinicturan. Nagstory ako sa facebook at nilagyan ng words na 'I will miss you and thank you for the best memories' at tumulong na ako sa patiklop ng mga damit. Kailangan magaan lang bagahe ko para walang extra fee na kailangan bayaran sila Kuya Mark. Susunod daw si Tita Mhel di ko alam kung kailan. Nagring bigla ang phone ko na nasa study table ko. Agad kong inabot ito at tiningnan kung sino ang tumatawag. Si Ivan. "Oh bakit?" Sagot ko sa tawag. "Saan ka pupunta?" Sagot niya. "Singapore." Sagot ko. "Pasalubong ah." Sagot niya. "Baliw ka talaga kahit kailan Yelo!" Sagot ko. "Bakit? Chocolates lang naman Miss Author eh." Sagot niya. "Hindi ako mamasyal dun tanga!" Sagot ko. "Eh ano gagawin mo dun?" Sagot niya. "Wala ka na dun. Mamaya na lang. Punta ka dito sa dorm. May padespidida sila Sandra." Sagot ko. "Sige. Bye!" Sagot niya at ibinaba ang tawag. Nagbalik na ako sa pagiimpake.

Still You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon