Emily's POV
Nandito na ako sa school. 4 days nang tulog si Nanay. Normal na araw lang. Nakikinig ako sa discussion ng teacher. Nakakahilo na yung math. Di ko na maintindihan kung para saan yung mga formula. 'Yaan mo na nga. May math tutors naman ako eh. Si Ken at Lean. Lunch na. Marami nanamang tao sa canteen as usual. Pumila na ako sa bilihan ng makakain. Carbonara lang ang binili ko dahil wala na kong time para kumain pa ng kanin dahil may hinahabol akong deadline ng essay. Kahapon kasi maaga ko sinundo dahil may family meeting daw. Sabi ni Kuya Mark hindi na daw namin sigurado kung aabutin pa si Nanay ng 1 week. Maybe one of these days maari na siyang umalis. Tahimik lang kami nila Ivan dito. Busy si Lean sa phone niya at ako naman ay naglalog in sa school web site para maipasa ko yung essay. Nagbibigay naman ng consideration yung teacher namin sa sitwasyon ko. Sinesend na lang online yung mga ginawa nila na hindi ko naabutan. Habang gumagawa ako ng essay ay may umupo sa tabi ko. "Yan lang lunch mo?" Tanong sa akin ni Ken. "Oo. Bakit?" Sagot ko. "Its not a healthy meal." Sagot niya. "I don't have time to eat proper meal. Okay?" Sagot ko. Nagearphones na lang ako ng matigil na siya kakatanong. Kahapon nagbigay ng ultimatum si Kuya Mark. Kaya napapadalas ang paghahalf day ko dahil sinusulit ko ang mga araw na kasama pa namin siya. Habang kumakain ay nagtatype ako sa laptop ko ng ipapasa naming essay. Mapayapa akong nagtatype dito ng magring ang phone ko. Si Kuya Mark ang tumatawag. Bakit? Anong nangyari nanaman? Tinanggal ko ang earphones at sinagot ang tawag. "Hello. Bakit?" Sagot ko sa tawag. "Ems. Wala na si Nanay." Sagot niya. Natahimik ako. Para akong itinulak sa pool na may maraming yelo. "Ano? Nirevive mo ba?" Tanong ko. "Napag usapan na natin 'to diba?" Sagot niya. Nag unahan nang tumulo ang mga luha ko. "Shhh. Susunduin na kita diyan ah." Aniya bago ibaba ang tawag. Naibagsak ko na lang ang phone ko sa sahig at napayuko na lang ako sa lamesa. "Huy. Bakit?" Tanong sa akin ni Ken. "Wala na siya." Sagot ko. "Shhh. Tinawag na siya ng lolo mo para samahan siya sa paraiso." Sagot niya habang inaalo ako. Iniangat niya ako sa lamesa at iniyakap sa kanya. Dun sa balikat niya ako umiyak ng labis labis. "Its okay Ems. We're here." Pag aalo ni Andy. Di ko napansing nakalapit na siya sa akin at niyakap na rin ako. Pati na rin sila Lean, Sandra at Ivan ay nakiyakap na rin sa amin. "Okay lang yan Ems. Kayang kaya mo yan. Yung kilala namin na Emily Savvanah Howards lumalaban. Kahit mahirap lalaban siya." Ani ni Lean. "For now kalimutan niyo muna yung Emily na yun. Dahil yung Emily ngayon kailangan munang lumuha ng napakarami dahil nawala na ang guide ko sa buhay." Sagot ko. Naputol lang ang yakapan namin ng dumating si Kuya Mark. "Ems tara na. Para makita mo si Nanay bago siya ialis sa bahay." Aya niya sa akin. "Sige. Aayusin ko muna ito." Sagot ko. Pinulot ko na ang nahulog kong cellphone at nagsimula na akong magligpit. Ng mailigpit ko ang mga gamit ko ay sumunod na ako kay Kuya Mark na nauna sa akin palabas ng canteen. "Mauna na muna ako sa inyo guys. Pakisabi na lang sa next teacher na may emergency ako sa bahay." Paalam ko sa mga kaibigan ko. Buong biyahe namin ni Kuya Mark ay hindi ako nagsasalita dahil nagulat pa rin ako. Hindi ko inaasahan. Ng pumasok ako sa kwarto ni Nanay nag unahan nang tumulo ang mga luha ko. Hindi na siya muli pang didilat. Hindi ko na muli masisilayan ang mga ngiti niya. Lumapit ako sa kanya. "Nanay. Nagpahinga ka na. Mahal na mahal kita. Wag ka na mag alala sa amin. Maayos mo kaming iniwan." Pagkausap ko sa kanya. Kahit di niya na ako naririnig. Niyakap ko siya at hinalikan sa noo. Kinuha na siya ng punerarya. Sumunod sila Mommy at Tita Mhel sa kanila para mabihisan si Nanay. Kami ni Kuya Mark ang naglinis ng bahay para pagdating ni Nanay ay maayos na. Hindi ako makapag focus sa sinusulat ko. Naiiyak ako. Ngayon lang ako nahirapan magcompose ng tula. Ito na yung pagsusulat ko na napakahirap kasi every word na sinusulat ko connected sa kanya. Connected sa taong dahilan kung bakit nagpapatuloy ako sa buhay. Pero naka compose pa rin ako. Nirecord ko ito at inedit. Para hindi na ako magsspoken word sa libing niya. Hihilingin ko na lang na iplay ito habang papunta kami sa sementeryo sa araw ng libing. Mabuti nga't naspoken word ko ito ng maayos. Dumating na sila dala si Nanay. Malayo pa lang ako sa kabaong ay naiiyak na ako. Hindi ko akalaing yung binabantayan ko lang sa higaan ay wala na. Babantayan ko na siya sa higaan na maghahatid patungo sa kapayapaan. Kapayapaan pang habambuhay. Ako ang unang lumapit kay Nanay. Tinitingnan ko siya ngayon napakaganda niya. Hanggang sa huli hindi namin siya hinayaan na hindi presintable. Parang hindi siya yung lola ko na matapang. Masungit. Pero kahit masungit siya napakabait niyang tao. Hindi niya hinahayaan na may nagugutom na bata. Umupo na ako sa tabi niya. Kachat ko ngayon sila Andy.
BINABASA MO ANG
Still You (COMPLETED)
Romance"I will let you go Ken not because I don't love you anymore but because this is me loving you. Until we meet again. I love you Love." -Emily Savvanah Howards Will letting him go will mend the pain? Or it will cause more pain? Matagal niya yun hinint...