Chapter 1

161 11 1
                                    

Bakit nga ba tayo nasasaktan? Dahil ba nagmahal tayo sa maling panahon o dahil maling tao ang pinili nating pagbigyan ng ating puso?

Hayy naku! Nakakalito naman to. Napaka-complicated talaga. Stress lang naman ang dulot ng lovelife.

Basta sa pag-ibig talaga ang pag-uusapan ay ang daming nabobobo. Minsan kahit mali ay ginagawa para lamang sa ngalan ng pag-ibig. Ganon na ba katanga ang mga tao sa pag-ibig? Bulag na bulag at hulog na hulog? Sounds so pathetic.

"Ugh nakakastress naman to. Kaya ayaw ko magka-lovelife, eh," mahina kong unas habang inilipat sa sunod na pahina ang librong binabasa ko. 

Ang dami na ngang problema sa mundo tas dadagdag pa ang mga pisteng sawi sa pag-ibig. Magsa-status ng 'happy break-up' o di kaya ay 'sana masaya ka na sa bago mo' tapos manghihingi ng advice sa kaibigan ngunit sa huli naman ay babalikan lang din ang ex dahil mahal pa raw.

Yung iba naman mas pinoproblema pa ang magkaroon ng jowa kaysa grumaduate ng may diploma. Ano yun? Importante may date sa valentines pero iiyak naman kapag walang diplomang matatanggap sa graduation?

"Huy ang aga-aga nakasimangot ka. Hala sige ka, baka sa kakasimangot mo niyan ay hindi kana magkakajowa HAHAHAHA." 

Kita mo tong kaibigan ko, kakarating lang pero ang lakas ng apog na mang-asar kaagad. 

"Huwag mo kong umpisahan Gabriel at baka matadyakan kita diyan!" Akmang sisipain ko na ito ng makaiwas ito at nagtago sa mga shelf ng libro. Sana naman ay mahuli ng librarian ang maingay na ito upang mapalabas.

"Yucks! Huwag mo mga akong tawaging Gabriel! It's Gabriella, Ella for short. Kadiri!" Nandidiring saad nito. 

Ang arte naman. I just rolled my eyes dahil sa sinabi niya. Pinanindigan talaga niya na isa siyang babae na napadpad ang kaluluwa sa katawan ng lalaki. Hindi pa nga nito matanggap kung bakit ipinanganak siyang walang matres.

"Juskong bakla to ang ingay mo talaga kahit kailan. Magpakalalake ka na lang kasi. Ang dami daming babae ang nagkakandarapa sayo," sabi ko na naging dahilan upang mag-cringe siya. Maraming babae kasi ang nag-confess sa kanya kaso wala talaga. Hotdog talaga ang gusto ni bakla.

"Lubayan mo nga ako Asha. Kahit ano pang gawin niyo gwapo pa rin ang hahabulin ko like duh!" Kumekembot pa itong bumalik sa tabi ko at nagde-kwatro pa.

Ay ewan ko na lang sa lalaking to. Gwapo sana to eh kaso mas piniling maghabol gwapo ng kaysa panindigan ang pagiging lalaki niya. Good luck na lang sakanya kapag nalaman ng parents niya na ang prinsipe nilang tinuturing ay isa palang prinsesa ng mga bahaghari.

"Alam mo bakla, mag-aral na lang tayo. May test pa naman sa math mamaya." Yan na lang ang nasabi ko habang pinipilit na ipinapasok sa utak ko ang mga binabasa ko. Mahirap pa naman magbigay ng test yung prof namin sa math tas ang strikto pa. 

"Excuse me, Asha. Baka nakakalimutan mo na hindi tayo magkaklase dahil magka-iba tayo ng course." Pinag-krus niya ang kanyang braso at bahagyang humilig upang makita ang librong binabasa ko.

"Ay oo nga pala. Pero dapat mag-review ka na lang diyan ng kung ano-ano. Baka mamaya ay may surprise test ulit kayo." Noong isang araw kasi ay nagkaroon sila ng surprise test at ang baklang ito ay parang dinaanan ng sampung bagyo dahil sa itsura niya paglabas ng room nila. Hindi man lang siya kasi nakapagbasa ng notes niya dahil hindi naman nag-inform yung prof nila na magkakaroon ng test.

"Myghad Atasha Nicole Bautista! Tatanda kang dalaga sa kakabasa mo ng libro. Kaya ka hindi nagkaka-lovelife dahil mas pinipili mong pumunta dito sa library at magbasa ng mga makakapal na libro na yan." Parang nanay na sermon niya sakin sabay hawak sa ulo niya parang isang magulang na naiistress sa mga pinanggagawa ng kanyang anak. "You should also enjoy life and experience some fun. Life is too short to be serious my dear. Take a break and do a dance break HAHAHA!"

Destined by StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon