"Ken-ken naman eh! Tingnan mo! Basa na yung damit ko." Nakangusong sambit ng batang babae habang tinitingnan ang basang damit.
"Matutuyo rin yan, Nini. Hindi ka ba nasisiyahan na magtampisaw dito sa dagat?" Masuyong tanong ni Ken-ken habang pilit na hinihila si Nini pabalik sa dagat.
"Gusto ko namang magtampisaw kaso binabasa mo ako." Tuluyan na itong napapadyak sa inis ngunit tinawanan lang ito ni Ken-ken. Sa bawat tapak kasi ng batang babae sa dalampasigan upang basain ang kanyang nga paa ay sunod-sunod naman siyang tinatamaan ng tubig-dagat dahil sa batang si ken-ken binabasa si Nini sa pamamagitan ng pagwiwisik sa kanya ng tubig.
"Dagat ito, Nini kaya natural lang na mababasa ka." Tumatawa pa rin ito habang inis na inis na ang batang babae. Tuluyan na itong tumayo at akmang babalik sa bahay ng kanyang lola ng pigilan ito ni ken-ken. Agad namang naalarma ang batang si ken-ken kaya nag-isip agad ito ng paraan upang hindi umalis ang bata.
"Laro tayo!" Anyaya ni Ken-ken sa batang si Nini na ngayon ay nakaupo sa tabing-dagat.
"Anong laro naman?"
Saglit na napaisip si Ken-ken kung anong lalaruin nila hanggang sa may pumasok na ideya sa isip niya. Hindi man niya sabihin ay alam niya sa sarili na gusto pa niyang makasama ang batang kalaro dahil alam niyang darating ang panahon na sila'y maghihiwalay ng landas at walang makakaalam kung magkikita pa ba sila o hindi na.
"Maghahabulan tayo!" Masayang sabi nito na agad naman tinutulan ni Nini.
"Ayoko! Mapapagod lang ako atsaka ang bilis mong tumakbo. Paniguradong hindi kita mahahabol." Ngumuso ulit ito at agad namang pinisil ni Ken-ken ang kanyang mga pisngi dahilan upang samaan niya ito ng tingin.
"Ganito na lang Nini. Kapag nahabol mo ako ay ibibigay ko sayo ang teddy bear na binili ko noon. Diba gusto mo yun?" Tila naman lumiwanag ang mukha ni Nini at tumango. Matagal na niyang gustong hilingin ang teddy bear kay Ken-ken ngunit nahihiya lamang siya.
Naunang tumakbo ang batang lalaki habang pilit naman na binibilisan ng batang babae ang kanyang pagtakbo upang maabutan ito. Hindi alintana ang pagkabasa ng kanilang mga damit ang nagtatakbuhan sa tabi dagat na may mga alon na payapang humahampas sa dalampasigan. Banayad lamang ang hangin na nagdadala ng hidi kalamigang hangin na tsakto lang upang hindi gaanong maramdaman ng kanilang mga mumunting katawan ang init na dulot ng haring araw na ngayo'y nakadungaw at nakangiti habang tinitingnan sila.
Sumasayaw ang kanilang mga buhok sa bawat banayad na pag-ihip ng hangin habang tumatakbo upang mahuli ang isa't-isa. Bakas ang kasiyahan sa kanilang mga mukha at hindi makikitaan ng kahit anong lungkot. Walang problema at tanging nakatuon lamang ang pag-iisip sa masayang nangyayari ngayon.
Sinulit nila ang hapong iyon sa paglalaro at paggawa ng mga buhanging kastilyo. Nagtatawanan, nagbubugisgisan, at nagtutuksuhan. Halatang komportable ang dalawa sa isa't-isa at makikita sa kanilang mga mata ang kasiyahang dulot ng kanilang mga ginagawa.
"Asha, wake up. We're already here." Naputol ang aking magandang tulog ng maramdaman kong may pilit na gumigising sa akin. Napaunat ako ng aking mga kamay bago buksan ang aking mga mata. Unang sumalubong sa akin ang nakangising itsura ng kasama ko habang tinatanggal ang seatbelt ko.
"Ilang oras ba ako nakatulog?" Tanong ko habang dinadama kung may muta ba ako sa aking mga mata. Nakakahiyang lumabas sa kotse na may muta dahil baka pagtawanan lang ako.
BINABASA MO ANG
Destined by Stars
Romance"Destined by Stars" follows the journey of Atasha Nicole Bautista, a determined second-year Accounting student at university. Atasha has always been driven by a unique dream-a star that she believes will guide her through life's inevitable challenge...