Chapter 5

112 9 0
                                    

__________________________________

Hindi lahat ng taong mahal natin ay makakasama natun habang buhay. Yung iba ay dadaan lang sa ating buhay upang magbigay aral at turuan tayong maging mas matatag at upang mas makilala natin ang ating sarili.

Sila rin minsan ang magiging tulay matin upang makita ang taong itinadhanang makapiling natin habang buhay.

Kung iiwan man tayo sa huli ng taong nakakasama natin palagi sa araw-araw ay huwag tayong mangamba sapagkat may isang mas nararapat para sayo. Palayain mo ang siya at maging masaya para sakanya.

Pray and be happy for him. Kung kayo talaga ang para sa huli ay gagawa ng paraan ang tadhana upang kayo'y magtagpo muli

Isinarado ko ang libro na puno ng luha ang aking mata. Masyado akong nasaktan sa nangyari sa babaeng bida sa librong binasa ko. Labis niyang minahal ang lalaki ngunit sa huli ay iniwan siya nito. Napakasakit isipin na ibinigay mo ang lahat-lahat mo sa isang tao ngunit sa isang iglap ay mawawala na siya sa piling mo.

Hindi man ako fan ng mga lovestory na yan pero nangangarap rin akong magkaroon ng taong mamahalin ako ng tapat.

Palagay akong nananalangin sa mga bituin na sana balang araw ay bigyan nila ako ng isang taong magbibigay liwanag sa aking mundo. Yung tipong siya liwanag at gabay ko sa madilim na landas na aking tatahakin.

Oo ang corny pero yun yung gusto ko. Pero handa akong maghintay kung kailan darating sa akin ang pag-ibig na ganon. Naniniwala ako na hindi dapat minamadali ang pag-ibig dahil madali rin itong mawawala.

Naramdaman kong may umupo sa harap ko. Tiningnan ko iyon at nakita kong nakaupo sa harapan ko ang apat kong mabubuting kaibigan.

"So, ba't hindi ka sumipot kahapon?" Tanong ni Monica at nakita ko naman ang tatlo na parang tutang naghihintay ng pagkain mula sa amo.

"May tinulungan nga akong junior high na nakita ko sa labas na may lagnat kaya dinala ko kaagad sa hospital." Ilang beses ko na bang in-explain ito sa group chat namin pero parang mga sirang plaka sila sa kakaulit ng tanong.

"Wow! Sobrang matulungin naman itong frenny natin. Akalain niyo sa hospital agad dinala eh may clinic naman sa loob ng school." Sabi ni Marie with matching hand gestures pa.

"Kasalanan ko ba na nakalimutan ko dahil nagpapanic ako?"

Totoo naman eh. Nakalimutan ko na may clinic sa loob kasi sobrang panic ng makita kong namumutla yung bata.

"Basta kailangan mong bumawi sa amin. Alam mong minsan lang tayo magkasama ng kompleto tas hindi ka pa sisipot." Reklamo ni Monica.

"Baka naman kasi may boylet na nakita ineng dalaga natin kaya nanatili na lang sa ospital si girlalu." Isa pa itong baklang to.

Wala akong boylet na nakita doon. Isang malaking pokemon lang.

"Wala nga sabi. Oh, ano pala yung nangyari kay Aya?"

Di ko pa kasi nakakausap tungkol sa kung ano ang pinag-usapan nila.

"Ay gorl, ayon umasa may something sila noong palagi niyang kachat pero yun pala ginawang pampalipas oras lang siya."

"Kawawa naman siya."

"Ay oo nga pala. Dala mo ba yung notes mo sa Business Calculus? Kulang kulang kasi yung sa akin."

Malapit na rin kasi ang midterms kaya nagpapanic na sila kung saan sila makakakuha mg mga notes.

"Sandali lang Marie. Kukunin ko lang sa bag." Sabi ko at hinalughog ko na ang bag ko.

Destined by StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon