"Ano ba naman yan, Asha. Ang tagal tagal mong gumalaw!"
"Sandali na lang kuya!"
"Kahit ano mong paganda diyan, pangit ka pa rin!"
"Mas pangit ka!"
"Bahala ka diyan! Baka andito na mamaya yung boyfriend mo."
Parang mga timang kami sa kakasigawan ng kuya ko. Nasa labas siya ng kwarto ko at hinihintay ako lumabas habang andito naman ako sa loob at nag-aayos pa para sa date namin ni Rigel.
Rigel said the he's going to pick me up around 6 in the afternoon and it's already 15 minutes past 5 and that means I still have 45 minutes to prepare, pero ang kuya ko ay mukhang excited ata para sa date namin ni Rigel at kahit alas-singko pa lang kanina ay tinawag na ako upang abangan si Rigel sa labas.
Parang siya pa ang magde-date kay Rigel.
My boyfriend told me to wear any dress that I am comfortable with but I want to wear something that would make him stop and stare at me. Maybe I'm just being maarte with the kind of clothe that I'm going to wear.
I tried to wear different kind of dresses with different colors and different styles but none of them satisfied my eyes. Magaganda naman ang mga dress na isinukat ko pero mapili talaga ang mata ko.
In the end I choose a not so revealing red dress na hanggang mid thigh ko. It's Slim square collar short sleeve dress na hapit sa katawan ko, showing my curves. Tinernuhan ko ng red na stiletto na hindi masyadong mataas, nag-apply ng make-up at nagsuot ng necklace.
I stared at myself at the mirror to see my beautiful reflection. Upon seeing my reflection, I smiled at how stunning I look right now. Nang magsawa na ako kakatingin sa itsura ko ay kinuha ko na ang pula kong purse.
Lady in red lang ang peg ko today.
Paglabas ko ng kwarto ay agad kong nakita ang kuya kong nag-aabang at nakahilig sa tapat ng kwarto ko. Nang makita niya ako ay natigilan ito at napakurap ang mga mata.
"Asha, ikaw ba yan?"
"Oo naman kuya! Mas gumanda nga lang." Umikot-ikot ako sa harap niya upang i-flex ang suot kong dress.
"Ma, Pa ang anak niyo dalaga na!" Sigaw ni kuya kina Mama at Papa na naunuod ng t.v sa sala.
Nagkukumahog naman sa pag-akyat ang mga magulang ko at ng makita ako ay dahan-dahan silang lumapit sa akin.
"Yung baby ko dalaga na!" Ika ni Mama na siyang ikinatawa ko.
"Ma, ako pa rin to. Ang paborito niyong anak."
"Anong paborito? Ako kaya ang paboritong anak. Diba Ma?" Hindi naman pinansin ni Mama si kuya dahil nasa akin pa rin ang tingin niya.
"Ganda naman ng anak ko. Parang noon lang ay baby ka pa pero ngayon ang laki mo na." Sabi naman ni Papa.
"Baby mo noon pero baby na ng iba ngayon." Muling singit ni kuya pero sa ikalawang pagkakataon ay hindi ulit siya pinansin. Buti nga sakanya.
"Siguradong mapapanganga si Rigel mamaya kapag nakita ka niya anak." Sana nga Ma.
"At siguradong magb-break din kayo sa susunod." Singit na naman ni kuya at sa wakas ay napansin na siya. Yun nga lang ay nabatukan naman siya ni Mama.
"Kung maghanap ka na lang kaya ng sarili mong lovelife at tigilan mo na ang kapatid mo." Buti nga at napagalitan.
Hinimas ni kuya ang batok niya at nakangusong bumaba na sa sala. Nagtawanan naman kami pagka-alis niya dahil pareho naming kasiyahan ang pang-iinis kay sakanya.
BINABASA MO ANG
Destined by Stars
Romance"Destined by Stars" follows the journey of Atasha Nicole Bautista, a determined second-year Accounting student at university. Atasha has always been driven by a unique dream-a star that she believes will guide her through life's inevitable challenge...