Chapter 31

24 7 0
                                    

"Wala ka bang trabaho ngayon?" Tanong ko habang nakaharap sa salamin at tinatali ang aking buhok.

"I have a meeting minutes from now." Nakita kong tumingin siya sa kanyabg wristwatch upang makita kung anong oras na.

"CEO na CEO na talaga siya, oh!" Panunukso ko sakanya at sumingkit ang kanyang mata kakatawa.

"CEO sana ng puso mo." Ngayon naman ay ang pisngi ko ang pumula. Kailan pa natutong bumanat ang lalaking ito?

"At kailan ka pa natutong bumanat aber?"

Tumingin naman siya itaas at parang nag-iisip kung kailan siya natutong bumanat.

"Siguro...noong nakita kita. Doon ko rin kasi napatunayan na love really do exists."

"Ang cheesy!" Sabi ko pero pinipigilan lamang ang kilig.

"I have to end this call already. Our meeting is going to start a few minutes from now."

"Okay! Ingat ka jan palagi! I love you." Nag flying kiss ako sa harap ng laptop upang magpaalam sakanya.

"I love you, too. Take care."

Pinatay niya ang tawag at isinarado ko na ang laptop ko upang makapunta na ako sa cafe. Iiwan ko na naman dito si Zeus sa bahay dahil half day lang ako ngayon sa trabaho.

"Good morning, ma'am." Bati sa akin ng mga kasamahan ko dito. Tinanguan ko lang sila tipid na ngumiti bago sinenyasan na bumalik na sila sa kanilang trabaho.

I was busy the whole morning.

Serving orders and taking orders was my routine the whole time. Marami ang mga bumisita ngayon sa cafe dahil may program sa malapit kaya dito sila pumupunta upang kumain.

I was wearing a smile and serving them with all respect. In order to give them a good impression, we should be respectful and warm on serving them. In that way, they will come again here.

Benta naman sa mga bata si Zeus kapag andito siya dahil may malalaro sila. Meron ngang mga bata na hinihila ang kanilang mga magulang pumasok dito upang makipaglaro lang kay Zeus.

Si Zeus naman ay kung totopakin, hindi siya namamansin at hahayaan niya lang ang mga bata na himasin ang kanyang balahibo. Kapag naman nasa mood siya ay napapagod ang mga bata dahil sa kakulitan niya.

Natapos ang umaga at nagpaalam na ako sa aking mga kasama na uuwi na ako. Sa bahay na lang ako kakain dahil nagluto si Mama ng masarap na ulam.

Mamayang hapon naman ay may lakad kami ni Marie kaya naghalf-day ako ngayon.

Habang nagmamaneho pauwi ng bahay ay may nadaanan akong nagbebenta ng stuff toy na Pikachu. Tinigil ko ang aking sasakyan upang matingnan ito.

"Manong!" Tawag ko sa pansin ng nagbebenta na ngayon ay nakikipag-usap sa isang costumer. "Magkano po itong Pikachu?" Tanong ko at itinaas ang stuff toy.

"Murang-mura lang yan, ma'am!" Magiliw niyang tugon at isinabi kung magkano ito.

Hindi na ako nagdalawang isip pa at binili na ito. Balak kong ibigay ito kay Zeus upang may lalaruin na naman siya. Hindi naman kasi ito kalakihan at tamang-tama lang sa asong katulad niya.

"Salamat po, manong!"

"Salamat din, ma'am!"

Kita ko ang magandang ngiti niya lalo na ng binigyan ko siya ng tip ay nagpasalamat.

I wonder kung nagpapasalamat din ang ibang tao kapag bumibili sila.

Mula bata kasi ay tinuturuan ako ng aking mga magulang na dapat palagi akong magpasalamat. Maliit man o malaki ang tulong, magpasalamat ka pa rin.

Destined by StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon