Chapter 2

124 9 0
                                    

Another day means another boring school day to survive. Mabuti na lang at maganda ang gising ko dahil naka 8 hours of sleep ako. Minsan lang mangyari yan kaya saying-saya naman ako. Ilang araw na rin kasi akong puyat kakagawa ng mga PETA at pagrereview sa mga test.

Bumangon na ako sa aking kama at dumiretso na sa cr upang gawin ang aking daily routine. Pagkatapos kong magbihis ay nagluto ako ng aking almusal upang may makain ako at dumiretso na school. Since nag-college ako ay humiwalay na ako sa aking mga magulang at tumira sa condo unit. Ayaw pa nga noong una nina Mama at Papa na umalis ako sa bahay dahil baka raw kung ano ang mangyari sakin pero pinilit ko sila dahil kailangan ko rin naman na matutuo kung paano ang maging independent dahil hindi habang buhay ay kasama ko sila.

Pagdating ko sa school ay dumiretso ako sa klase ko at nakita ko si Marie na nakikipag-usap sa mga kaklase namin. Lumapit ako sa sakanila at nakinig sa usapan nila. 

Nag-usap lang kami tungkol sa iba't-ibang bagay at siyempre hindi mawawala sa bawat usapan ang lovelife. Agad rin kaming bumalik sa aming upuan at nagsi-ayos ng dumating ang prof namin.

"Psst Girl!" pabulong na tawag sakin ni Marie

"Ano?"

"Mamaya na pala yung sa Galaxy. Pagtapos raw ng school ay bihis muna tayo tas susunduin natin sina Aya at Lara sa E.U. bago dumiretso ng Galaxy."

Oo nga pala. Friday na pala ngayon at mamayang gabi na pala kami pupunta ng Galaxy. Galaxy kasi yung pangalan ng bar na malapit sa E.U. na kung saan nag-aaral sina Aya at Lara na kaibigan rin namin.

"Ba't pa magpapasundo yun eh malapit lang naman school nila sa bar?"

"Ewan ko ba. Tinatamad raw maglakad." 

Tinatamad raw maglakad pero kapag gwapo kahit gaano pa kalayo ay dinadayo nila. 

Naging mabilis ang takbo ng oras ngayong araw at ngayon nga ay nagreready na kami upang pumunta sa Galaxy bar magkasama kami ngayon ni Marie dito sa condo ko habang sina Heaven at Monica naman ay nauna na sa Galaxy. Si Ella naman daw ay hindi makakasama dahil may family dinner daw eto.

Nagsuot ako ng black top at black mini button down skirt na tinernuhan ko ng black heels. Si Marie naman ay nakasuot ng satin silk mini dress na color silver at naka white heels. Naglagay rin ako ng light make-up dahil bar party lang naman.

Nagsuot lang ako ng jacket upang hindi ako lamigin sa byahe namin. Bumaba na kami sa unit ko at dumiretso sa car park. Ako ang nag-drive at si Marie naman ay umupo sa shotgun seat. Sinundo namin ang dalawang loka loka sa dorm nila bago dumiretso sa Galaxy.

"Hey Girls!" Bati ni Lara sa amin pagsakay nila sa backseat.

"I've heard marami daw ang tao ngayon sa Galaxy so mag-ingat kayo dahil baka mawala kayo bigla at malalaman na lang namin na magiging tita na kami after nine months," pagbibiro ni Lara at tumawa pa na parang baliw na agad namang hinampas ni Aya.

"Ikaw humanda Lara dahil sa ating magkakaibigan mukhang ikaw ang most likely na unang mabuntis," natatawang pang-aasar ni Marie.

Napailing na lang ako at nagpatuloy drive. Partida hindi pa lasing ang babaeng yan pero ganyan na magsalita, paano pa kaya pag nalasing.

Pagdating namin ay pinark ko muna ang sasakyan bago pumasok sa loob. Pagpasok ko ay agad na sumalubong sa akin ang amoy na alak at mga taong sumasayaw sa dance floor. Meron ding nagmo-momol sa mga tables at gilid gilid. 

Agad naming natanaw sina Monica na ngayon ay umiinom na.

"Oh musta? Ilang shot na yan?" Natatawang tanong ni Aya

"Konti pa lang naman. Ambagal niyo kasi!" reklamo ni Monica.

"Sit na kasi kayo dito para makarami tayo. I ordered many drinks pa naman." And here goes the conyong Heaven.

Destined by StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon