Meeting the parents of your partner must be scary for someone in a relationship. Many 'what if's' will flood your head.
What if they are not going to accept your relationship?
What if they don't like you for their child?
Those are just some of the questions running around the brain of someone afraid to lose their partner. But I believe that if you really love someone, you are going to do everything even if it means going against the world.
Right now, by sitting beside Rigel while he is driving, I could sense that he is feeling tense and nervous. Kahit sabihin pa niya na handa siya at inaasahan na niya na makikipagkita sakanya ang parents ko at alam kong magdadala pa rin ito ng kaba sakanya. Masungit man at pilosopo kung minsan siya ay alam kong marespetong tao siya.
"Relax, Rigel. Hindi ka naman nila kakainin ng buhay." I jokingly said upang kahit papano at mabawasan ang kaba niya. Huminga lang siya ng malalim at nagpatuloy sa pagmamaneho.
He stopped outside our house and stayed inside the car. Nilingon ko siya at nakitang pinaparelax ang sarili.
"Let's go, baka hinihintay na nila tayo sa loob." Anyaya niya at nauna ng lumabas ng kotse upang ipagbuksan ako ng pinto.
One of our maids opened the fate for us and greeted us a good evening. Sabi pa neto ay nasa dining na raw sila papa at kami na lang ang hinihintay.
I'm starting to feel nervous the moment we entered the dining room. I saw my mother smiling at us while my father is wearing a poker face.
"Ma, Pa, good evening." I greeted and went to them to kiss their cheeks.
"Good evening po tita at tito." Tinaasan ko naman ng kilay si Rigel dahil sa paggreet niya. Tita, tito? Close lang? Tiningnan naman ako neto na parang nagtatanong kung aning masama ang ginawa niya dahil uri ng pagtingin ko.
"Upo na kayo mga anak para makakain na tayo." Sabi ni Mama at umupo naman ako sa tabi niya habang si Rigel naman ay sinenyasan ni kuya na umupo ito sa tabi niya.
"So pareng Rigel, san kayo galing ng kapatid ko?" Mausyusong tanong ni kuya kay Rigel pagkaupo nito.
"We just had our date outside the city."
"Bakit kailangang outside the city pa?"
Rigel was about to answer kuya's question when Mama spoke.
"Mamaya na kayo mag-usap. Kumain muna tayo dahil alam kong gutom na kayo."
Nilagyan ni Mama ng kanin at ulam ang plato ko at sinabing kumain na kami. Nakakapanibago dahil hindi kami ganito katahamik kung kumain. Feeling ko ay pagkatapos nito ay may darating na delubyo.
Parehong seryoso ang mukha ni kuya at Papa habang si Mama naman ay kinakausap si Rigel ng kung ano-ano at sinasagot naman ng huli.
Akala ko sa pagdating pa lang namin dito sa bahay ay babatuhin na nila Papa si Rigel ng mga tanong pareho ng ginawa nila noong sinundo niya ako upang magbakasyon ngunit parehong tikom lang ang bibig nila at hindi pa nagsasalita.
Ngunit ang mas ipanagtataka ko pa ay kung paano nalaman nila Mama na sinagot ko na si Rigel. Magtatanong na sana ako ng madako ang mata ko sa kuya kong magana kumain. Ngayon ay sigurado na ako na umandar na naman ang pagkachismoso ng isang to at hindi man lang ako hinintay.
Plano ko pa naman sanang ako ang magsasabi kina Mama na kami na ni Rigel ngunit excited ata si kuya at siya na ang nagsabi.
Pagkatapos kumain ay nagbukas ng wine si Papa at nilagyan ang mga wine glass namin isa-isa. Sa tingin ko ay malapit ng dumating ang delubyo. Mas lalo pa akong kinabahan ng tumikhim na si Papa at inilapag ang iniinom na wine sa mesa.
BINABASA MO ANG
Destined by Stars
Romance"Destined by Stars" follows the journey of Atasha Nicole Bautista, a determined second-year Accounting student at university. Atasha has always been driven by a unique dream-a star that she believes will guide her through life's inevitable challenge...