"Gosh! Ate Asha, is that you?"
That voice, I know that.
"Kaylee! Anong ginagawa mo dito?" Nakangiti ko siyang hinarap at ibinalik ang unggoy sa lalagyan nito.
Umakto akong normal sa harap niya. Nilingon ko si Kenzo pero agad ding humarap kay Kaylee. Feeling ko ay parang may mali akong nagawa at nahuli niya ako.
Ngumiti siya sa akin pero ang mata niya ay naglalakbay sa lalaking nasa likod ko. Nakahawak ang isa niyang kamay sa kanyang sling bag at nakapigtails ang buhok. May dala din siyang box ng cookies at ice cream.
"Nagutom kasi ako kaya pumasok ako dito para maghanap ng gusto kong kainin." Pagpapaliwanag niya at itinaas ang kamay na may dalang pagkain.
Tiningnan niya ulit si Kenzo na nasa likod na kasalukuyang tumitingin sa mga candies at chocolates.
I know na gusto niyang magtanong pero mas pinili niyang manahimik kaya ako na lang kusang magpapakilala sakanya kay Kenzo.
"Uhm, Kaylee. Si Kenzo nga pala, kaibigan ko. Kenzo, si Kaylee, kapatid ni Rigel." Awkward ang pagpapakilala ko sakanila dahil sa mga mapanuring tingin ni Kaylee.
Tiningnan niya kami ni Kenzo at kinilatis gamit ang kanyang mapanuring tingin. Wala siyang pinalagpas na detalye mula ulo hanggang paa ang tingin niya.
"Hi!" Naglahad ng kamay si Kenzo kay Kaylee at tinanggap naman ito ng huli ngunit binitawan niya kaagad.
"Nice meeting you. Una na po ako, ate Asha." Malamig ang pagkakasabi niya at nababaguhan ako doon. Usually kasi tumatagal ng isang oras ang pag-uusap namin kapag nagkikita kami. Ngayon naman ay ni hindi umabot ng 10 minutes.
Sinundan ko siya tingin hanggang sa cashier hoping na lilingin siya pero hindi. Dire-diretso lang siya sa paglalakad hanggang makarating sa counter.
"May kapatid pala yung boyfriend mo?" Rinig kong tanong ni Kenzo pero hindi ko sinagot.
Bakit ganon si Kaylee? Ang layo sa masayahin at madaldal niyang personalidad. May problema ba siya?
Bakit ang lamig niya kanina?
Siguro ay nagmamadali lang talaga siya dahil ika nga niya ay dumaan lang siya dito upang bumili ng pagkain.
Pero hindi pa rin ako mapakali. Iniisip ba niya na niloloko ko ang kuya niya? Sana naman ay hindi.
"Ayos ka lang?" Tinapik ni Ken-ken ang balikat ko kaya tipid lang akong ngumiti at tumango.
"Nakababatang kapatid niya. Dalawa lang kasi sila."
Habang nago-grocery ay lumilipad lang ang isip ko. Mabuti na alang andyan ni Ken-ken para tulungan ako. Alam kong nahahalata niya na ang pagiging lutang ko pero hinayaan niya lamang ako.
Sabi ni Rigel ay uuwi na siya soon. Dapat ay masaya ako pero bakita kinakabahan at nanghihinayang ako? May parte sa akin na gustong magtagal pa si Rigel sa Sydney pero may parte din sa akin na gustong na makasama na siya.
Pero habang iniisip ko na magkasama kami ni Rigel ay nalulungkot ako kapag sumasagi na hindi na kami palaging magkikita ni Kenzo.
Mali man pero gusto kong ibulong sa hangin na sana ay magtagal pa si Rigel sa Sydney. I still want to spend time with Kenzo. Our time together is not enough for me. Normal lang naman siguro iyon dahil maraming taon din lumipas bago kami muling magkita.
I don't see anything wrong about me being seen together with Kenzo. Magkaibigan kami kaya normal lang naman iyon. Besides hindi ko naman niloloko si Rigel. Alam kong wala akong ginagawang masama.
BINABASA MO ANG
Destined by Stars
Romance"Destined by Stars" follows the journey of Atasha Nicole Bautista, a determined second-year Accounting student at university. Atasha has always been driven by a unique dream-a star that she believes will guide her through life's inevitable challenge...