Chapter 20

71 6 0
                                    

Hanggang sa dumating ang order namin ay hindi nawala ang pananahimik ni Kade mula nang sabihin kong may boyfriend ako. Tahimik lang siya at parang may iniisip. Gusto ko siyang kausapin ngunit pinipigilan ko ang aking sarili.

Ipinagpalagay ko na lang na wala siya sa mood o di kaya ay may problema lang kaya tahimik siya.

"Ayos ka lang, Kade?" Monica asked him and he just nod and gave us a small smile.

Hanggang sa matapos kaming kumain ay hindi siya nagsalita. Kung magsalita man ay kung tatanungin lang siya. Tipid pa nga ang mga sagot niya.

"Girl, anyare sa boylet na itey?" Bulong ni Ella pagkatapos naming kumain.

"Hindi ko rin alam. Tanungin mo kaya." Siniko ko siya at ngumuso kay Kade na ngayon ay nasa unahan namin upang kausapin niya ito.

"Di kaya type ka niya at nahurt and cutie hearty niya ng sabihin mong taken ka na ng isang pang yummy na boylet?" I look at him with disbelief. Bakit niya naman naisip yan?

"Imposible yang sinasabi mo Gabriel. Kade is just a friend to me at alam kong kaibigan lang din ang tingin niya sa akin."

"Malay mo. No one knows kung anong tumatakbo sa isip niya." Sabi niya at kumuha sa kinakain ni Heaven kaya natampal naman ni Heaven ang kamay ni bakla.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad papunta sa arcade. Nakatanaw lang ako sa likod ni Kade habang naglalakad siya.

Posible kaya ang sinasabi ni Ella? Pero parang kaibigan lang naman ang turingan namin sa isa't-isa. Parang imposible naman na magugustuhan niya ako. I bet maraming babae ang nagkakandarapa sakanya kaya imposibleng gusto niya ako.

Pero paano kung tama si Ella? Anong gagawin ko?

I shook my head to erase the thoughts running on it.

Magkaibigan lang kami at alam kong hindi ako gusto ni Kade. Period. Masyadong wild lang ang imagination ni Ella kaya naisip niya ang ganoong mga bagay.

Pagdating sa arcade ay tumabi ako kay Kade na nakaposisyon na upang mag mag-shoot ng bola. Noong unang kita ko sakanya ay andito rin siya at nagsh-shoot ng bola.

"Hey there Kade! You okay?" Nag-aalangan pa ako kung tatanungin ko siya kung ayos lang siya.

"Oo naman, may naalala lang kasi ako kanina kaya hindi gaano nag-ingay." Pagkatapos magsalita ay inahagis niya ang nila na pasok sa ring.

"You sure?"

"Oo naman! Don't mind me na lang. May naalala lang talaga ako."

"If you say so." I don't want to force him to tell me what he was thinking about. Nasa kanya na kung sasabihin niya iyon.

"Is your boyfriend treating you right?" What's with the sudden question?

"Why are you asking?" Mukha bang hindi maayos ang pagtrato sa akin ni Rigel?

"Just wanna know. Baka hindi ka niya tinatrato ng maayos."

Nagsisimula na akong magduda dahil sa mga sinasabi niya. Parang hindi naman siya ganito, o sadyang nagmamagandang loob lang talaga siya at nag-iisip lang ako ng hindi maganda?

"He's treating me nice. Actually hindi siya kasing sweet ng ibang lalaki ngunit mahal niya naman ako. That's what matters right? Mahal niyo ang isa't-isa and you're faithful to your partner."

For me, loyalty is not enough. Dapat ay faithful ka sa karelasyon mo. Hindi lang rin dapat puro love lang dahil sa isang relasyon hindi lang pagmamahal ang pundasyon. Kailangan ay nandyan din respeto, loyalty, trust, and faithfulness. It's not just about love, but it's about the foundation of your relationship. Hindi porket mahal mo ay sapat na. Importante pa rin na kuntento ka sakanya.

Destined by StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon